1st Presidential Debate transcript: Round One
Mike Enriquez: Nagbabalik ang PiliPinas Debates 2016.
Jessica Soho: Sa punto pong ito, sisimulan na natin ang ating debate. Ang lahat po ng mga tanong at paksa sa presidential debate na ito, dumaan sa COMELEC.
Mike Enriquez: At may mahigpit po tayong mga panuntunan na susundin sa debateng ito ngayong hapon. Pakinggan niyo po ito.
Sa bawat round, may mga pares na maghaharap. Tatanungin ang unang kandidato at may 90 seconds para sumagot. May 60 seconds naman ang pangalawang kandidato para mag-komento sa sagot ng unang kandidato. Sa huli, bibigayan ng 30 seconds ang unang kandidato para sagutin ang mga komento. Maririnig ang tunog na ito <buzz> sa huling sampung segundo ng timer at muli, kapag naubos na ang oras.
Jessica Soho: Simulan na natin ang Round One. Ang ating tatalakayin ang track record at performance ng mga kandidato pati na ang mga isyung kanilang kinakaharap.
Article continues after this advertisementMike Enriquez: Alphabetical po ang tapatan ng mga kandidato natin sa Round One na ito, kaya ang una pong maghaharap ay sina Bise Presidente Jejomar Binay at si Senadora Miriam Defensor-Santiago. Mr. Vice President, ito po ang tanong. Meron po kayong 90 seconds, Mr. Vice President.
Article continues after this advertisementSa panayam – kung inyong natatandaan sa DZBB, pinaliwanag niyong karamihan sa inyong mga real estate na mga pagmamay-ari ay minana ninyo mula sa inyong ina at sa magulang. Pero sa inyong SALN, dalawa lang sa labintatlong (13) real estate properties ang inilista ninyo bilang inheritance o mana. Paglilinaw ng inyong kampo, Mr. Vice President, maaring tinatawag na “Land Area” ang pinagbasihan ninyo sa inyong sagot at hindi po ang bilang. Pero ang hindi pa rin nasasagot, kung hindi po minana, saan po nanggaling ang iba po ninyong labing-isang (11) ari-arian at paano po lumago ang inyong yaman sa loob ng mahigit tatlong dekada bilang isang opisyal ng gobyerno. Mr. Vice President, meron po kayong 90 seconds.
VP Jejomar Binay: Alam mo, Mike, tatlong dekada ha? Ang haba ng panahon na ‘yan, ha. Pero hindi ko natatandaan na sinabi ko na yung aking mga lupa ay puros mana. Yung iba naman doon nabili namin, at may kakayahan naman kaming makabili eh. Hindi naman porke kami ho ay nasa pamahalaan ay wala na ho kaming magagawa para makabili ng mga pag-aari. Hindi po totoo na ako ho eh maraming lupa. Ito ho ay either namana ko o ito ho ay nabili ko. At hindi lang ho sa nanay ko iyon, pati po sa tatay ko.
Mike Enriquez: Okay. Salamat po, Mr. Vice President. Senadora Miriam, ano naman po ang reaksyon niyo—bilang isang opisyal ng gobyerno na mahaba ring nanungkulan, Madame Senator, sa tingin ninyo ba ay tinatawag na matter of public interest ang yaman at ari-arian ng isang opisyal ng gobyerno? May SALN, ‘di ba ho, Senadora?
Sen. Miriam Defensor-Santiago: Yeah. That’s no longer a matter for a debate because it has already been embodied in a law. Kahit na ayaw, kailangan talaga iladlad namin ang lahat ng pag-aari namin. Nagyon ang pagtatanong ko ay ito ho bang mga pag-aari ni Vice Mayor (sic), nakuha niya o nabili nya o nabigay sa kanya bago sya naging opisyal sa Makati o pagkatapos naging opisyal na sya?
Mike Enriquez: Mr. Vice President, gusto nyo po sagutin yung tanong ni Senadora?
VP Jejomar Binay: Miriam, yung iba ay namana ko. Pasensya ka na kung Miriam ang tawag ko sa ‘yo, magkaibigan naman tayo at magkasama kami sa Student Council eh. Yung namana ko, namana ko pa yun bago ako nalagay sa puwesto. Ako ho eh nanungkulan 1986 at bago po ako nanungkulan, nakapag-praktis naman ho ako ng law at ang misis ko naman ho eh nakapag-praktis ng pagka doktora. So, doon ang panggagalingan o ang pera na dapat namin mabil—pero uulitin ko, yung mga propiyedad na iyon ay propiyedad na namana ko na bago pa ho ako napunta sa panunungkulan.
Mike Enriquez: Salamat po, Mr. Vice President.
Vice Pres Jejomar Binay: Salamat din po.
Jessica Soho: Maghaharap naman po ngayon sina Senadora Defensor-Santiago at Si Mayor Rodrigo Duterte. Senadora Defensor-Santiago, narito po ang tanong para sa inyo.
Senator Defensor-Santiago, kayo po ay nag file ng qualified medical leave noong 2012 dahil sa chronic fatigue syndrome at nagpatuloy ito noong kayo ay na-diagnose na may stage IV lung cancer. Sa nakalipas na 16th Congress, mula 2013 hanggang 2016, wala pa hong sampung beses kayong nakadalo sa mga Plenary Session. Kung sa Senado po ay naging mahirap na para inyo ang makapasok sa trabaho, bakit pa po ninyo hinahangad ang mas mabigat pang trabaho ng pagiging pangulo ng bansa? Ano po ang inyong motibasyon sa pagtakbo sa gitna po ng inyong karamdaman? Ninety seconds po, Senator Santiago.
Sen. Miriam Defensor-Santiago: Hindi mo ba alam na ang sakit tumataas o bumababa o nawawala? Magtatanong ka, bakit may sakit ka, bakit tumatakbo ka? Idiretso ko ‘yan. Karapatan ko yan sa ilalim ng ating – under our constitution. Wala namang constitutional provision that if you get sick of something, you are disqualified. Ano pa yung iba niyong gustong malaman?
Jessica Soho: Ang sabi po ay, iilang beses lang daw po kayo nakadalo sa Plenary Session.
Sen. Miriam Defensor-Santiago: I was at the height of cancer stage IV. Stage IV is the last stage. Nag-aantay akong mamatay, eh hindi ako pinatay ng guardian angel ko eh. <Laughter> <Applause>
Jessica Soho: Paano raw po ‘yan, eh mas mabigat daw pong trabaho ang pagiging pangulo sa ating bansa.
Sen. Miriam Defensor-Santiago: Mabigat na mabigat, pero kung tutuusin mo, ang senador ay halos kapantay lang o sobra pa ang trabaho. Kung ginagawa niyang tama ang kanyang trabaho, ang tatrabaho ng presidente kasi kung minsan nilalabanan niya, ang lahat ng senador laban sa kanya. Hindi kamukha ng presidente na lahat sa paligid niya nagha-hallelujah sa kanya.
<Laughter>
<Applause>
Jessica Soho: Maraming salamat po, Senadora Defensor-Santiago. Mayor Duterte, ano po ang masasabi ninyo sa pahayag ng Senadora? You have 60 seconds.
Mayor Rodrigo Duterte: I will not go into an argument or debate with Ma’am Miriam. She’s telling you the truth and the truth is very important. I do not see Senator Santiago passing away within the next 20 years, so what’s the problem?
<Applause>
Jessica Soho: Senadora, you have a chance to answer. May counter-rebuttal po kayo kay Mayor Duterte? Thirty seconds, po.
Sen. Miriam Defensor-Santiago: Thank you. My only purpose is to serve out the rest of my life. I’m already 70 years old, plus a six-year term as President, I would’ve served my country until 76. I do not want to spend the next six years lying in bed, feeling sorry for myself. In fact, I did not lie in bed. I did not feel sorry for myself. I felt sorry for my country because graft and corruption is endemic and everybody speaks out but nobody has done very much except Mayor Rudy Duterte, that’s all.
<Applause>
Jessica Soho: Maraming salamat po, Senadora Defensor-Santiago.
Mike Enriquez: Okay. Ang magtatapatan na po ngayon naman ay si Mayor Rodrigo Duterte ng Lungsod ng Davao at si Senadora Grace Poe. Mayor Duterte, ito po ang tanong para po sa inyo. Unang tanong, sa inyong talumpati noong Nobyembre, dalawapu’t dalawang beses po kayo nagmura, Mayor. Minsan niyo na ring inaming naharap kayo sa reklamong acts of lasciviousness, sa makatuwid – at noong na-interview ko po kayo, sinabi nyo rin kayo po ay pala-mura, kayo po ay babaero, kayo po ay nakapatay na ng kriminal. Sa inyo po bang palagay, Mayor, dapat po ba kayong tularan ng mga kabataang Pilipino? At ito ba sa tingin ninyo ang kaugalian na kailangan ng isang mamumuno po ng Pilipinas? Mayor, meron po kayong 90 seconds, sir.
Mayor Rodrigo Duterte: Yes, most of it are true. Most of it are true. Criminals, well, I go after them. As long as I do it in accordance with the Rules of Law, I will continue to kill criminals, and a president can order the killing as long as it is, I said, in the side of performance of duty in accordance with law, I will use the military and the police to go after criminality and drugs. It’s flooding the country. Hindi ako papayag ng ganun. Totoo ‘yun. Wala – I do not deny anything.
Mike Enriquez: Sa pangalawang bahagi po nung tanong, sa palagay nyo ba dapat kayong tularan ng mga kabataan Pilipino <over talk> Mayor?
Mayor Rodrigo Duterte: No, extrajudicial killing? Of course not, it never happened. But killings, yes. If I become president, it will be bloody because I will order the killing of all criminals, ang mga durugista at drug lords.
Mike Enriquez: Opo, yung inyong kasong acts of lasciviousness sa mga kababaihan, Mayor?
Mayor Rodrigo Duterte: Wala akong kaso na ganun.
Mike Enriquez: Girlfriend?
Mayor Rodrigo Duterte: I do not know who invented it but I said, meron lang akong inakbayan noon.
Mike Enriquez: Okay.
Mayor Rodrigo Duterte: Ang nanay ko ang nagalit.
Mike Enriquez: Nagalit? Isa pang – Mayor, sabi nyo meron mga girlfriend kayo…
Mayor Rodrigo Duterte: Totoo.
Mike Enriquez: Dapat bang tularan ‘yan ng mga kabataan?
Mayor Rodrigo Duterte: Well, kung hiwalay ka sa asawa, anong gagawin mo sa sarili mo? Eh anong – there are some – anong gagawin ko itong karga-karga ko? Hindi ko naman ipagbili ‘to. Hindi mo masangla eh. Gamitin mo dapat, kung ‘di, mamamatay ka.
Mike Enriquez: Salamat po, Mayor. Salamat, malinaw. Senadora Grace Poe, bilang isang babae at kandidato sa pagka-Presidente, dalawa lang po kayo ni Senadora Miriam, ano po ang pananaw ninyo sa ganyang istilo na ‘yan ni Mayor Duterte?
Sen. Grace Poe: Alam niyo, si Mayor Duterte, malakas ang appeal, irresistible sa mga ibang babae, subalit matagal rin nating pinaglaban – at alam ko si Mayor Duterte ay magalang sa kanyang nanay kaya kahit na papaano, sa tingin ko, kung ikaw ay malakas ang dating sa mga babae, konting pigil sapagkat, siyempre, malay mo yung mga lumalapit sa ‘yo may asawa o kaya’y may boyfriend o kung ano pa man. Sa mata ng bata ang mali ay nagiging tama kung ginagawa ng matanda. At least, alam natin si Mayor Duterte minsan sinasabi naman niya ‘yung mga hindi niya nararapat na nagawa noon. Pero pareho lang naman kami, tao rin, nagkakamali. Pero isusulong ko palagi ang pag respeto anuman ang iyong kasarian, babae ka man, lalaki, LGBT, lahat po tayo meron konting paggalang sa isa’t-isa.
Mike Enriquez: Salamat po, Senadora. Mayor, meron po kayong 30 seconds para ‘wag magpigil. Sige po.
Mayor Rodrigo Duterte: Lahat naman ito – you know, sa kwarto ‘yan. Hindi mo naman ginagawa sa – so what’s the problem? Hindi mo naman – you don’t flaunt it in public. And I said, if you have to do it, I said – I’m separated from my wife, at yung isang asawa ko, nasa Amerika, ‘yung nurse. So, far and wide, in between those years – it’s biology. Actually, it is biology.
Mike Enriquez: Salamat po. Salamat po, Mayor.
Jessica Soho: Makakaharap po naman ngayon ni Senator Poe si dating DILG Secretary, Mar Roxas. Senadora Poe, narito po ang inyong tanong. Sa lahat ng mga kandidato sa entablado ngayon, kayo po ang may pinakamanipis na résumé pagdating sa government service; dalawang taon bilang MTRCB Chairperson at nangangalahati pa lang po kayo sa inyong termino bilang senador. Sa tingin nyo ba ay may napatunayan na kayo sa larangan ng serbisyo publiko para maging pangulo ng ating republika?
Sen. Grace Poe: Jessica, alam mo, talagang hindi ko pinagkakaila sa lahat sa kanila, ako ang pinakabago rito, pero sa ating mga kabataan, alam ko alam ninyo ang kanta ng Gloc-9. Kayong mga naka-upo, subukan niyo naman tumayo para maramdaman nyo ang aming kalagayan, ang kinalalagyan ko. Sa tingin ko, sa lahat sa kanila, ako nga ang may pinakamaikli na karanasan, pero nakikita ko bilang isang nanay kung anong pangangailangan ng isang pamilya. Sa aking maikling karanasan sa gobyerno, ako po ay nakapaghawak ng isang executive position na may management requirement at mismo na rin si Senator Miriam ang nagsabi na ang Senado ay pwede talagang mas mahirap pa na trabaho kung talagang ginagawa mo ang iyong trabaho. Ako po ay nabigyan ng prebilehiyo na maka debate si Senator Miriam kaya nga napasa namin sa Senado ang Freedom of Information. Yung mga batas na aming itinulak ay pagkain para sa mga bata. Yung mga batas o yung mga budget pala, na aming tinulak pang-pagkain para sa mga bata, para sa magsasaka, at higit sa lahat, pag-iimbestiga na walang kinikilingan, kaibigan man o kaaway. So para sa akin, ang aking karanasan bilang isang teacher, bagama’t minamaliit ng iba, hindi po tayo makakarating sa puntong ito kung hindi dahil sa isang guro na nagmalasakit at nagturo sa atin kung ano’ng tama at mali at kung anong naaayon para sa ating mga paksa. Kaya po sa ating mga kababayan, pare-pareho lang naman ang problema ng Pilipinas, eh. Pare-pareho ang nandyan. Wala pong proof na ‘pag matagal ka na sa pwesto, mas magaling ka.
Jessica Soho: Secretary Roxas, ano po ang reaksyon nyo sa sinabi ni Senator Poe. It should be recalled that you once asked her to be your running mate or your vice presidential candidate.
Sec. Mar Roxas: Tama ka diyan, Jessica. Inanyayahan natin si Senadora Poe na sumama dahil nga sa pagkilala na tulad ng sinabi ninyo ay manipis yung kanyang karanasan sa pamumuno. Siguro, ipagpaumanhin ng aking kaibigan na si Senadora Grace Poe, na ang pagiging pangulo ay hindi OJT. Kinabukasan, buhay, kaunlaran ng isang daang milyong Pilipino ang nakasalalay dito, kaya may tamang panahon para sa lahat. At para sa akin, yung karanasan ay isa sa pinakamahalagang katangian para sa pagiging pangulo. Papaano mo malalaman kung binobola ka o hindi? Papaano mo pipillin kung anong rekomendasyon ang – dalawang magkaibang rekomendasyon ng mga cabinet secretaries ay iyong pagdedesisyunan? Ito yung mga malalaking desisyon na kakailanganing gawin ng susunod na pangulo at mahalaga yung tamang karanasan, malinis na karanasan para diyan.
Jessica Soho: Senadora Poe, ang iyo pong counter-rebuttal. Meron po kayong 30 seconds.
Sen. Grace Poe: Jessica, Mike, alam ko naman kung binobola ako o hindi kahit na maikli ang aking panunungkulan sa gobyerno. Unang-una, tama si Secretary Mar, nakatatlong administrasyon na siya diyan, nabigyan na ng ilang mga responsibilidad sa gobyerno. Pasensya na rin po, pero marami din akong inimbestigahan katulad ng DILG at yung sa DOTC at sa MRT. At sa tingin ko naman, hindi mo kailangan ng napakahabang karanasan para malaman na kulang ang tulong ng gobyerno sa transportasyon sa ating bayan at kulang ang tulong ng mga gobyerno para magkaroon tayo ng kapanatagan.
Jessica Soho: Maraming salamat po, Senadora Poe.
Mike Enriquez: At ngayon naman, ang one-on-one po nina dating Secretary Mar Roxas at Bise Presidente Jejomar Binay. Secretary Roxas, ang tanong para sa inyo.
Sa inyong mga panayam, ipinagmamalaki ninyo ang mga nagawa ng Daang Matuwid, katulad ng pagpapatayo ng mga silid-aralan o mga classrooms, programa ng DepEd, ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program na pinamumunuan ng DSWD. Pero sa inyo namang panunungkulan bilang secretary ng DOTC at DILG, iniuugnay at nangyari daw ang mga kapalpakan sa pangangasiwa ng MRT at sa mga umano’y mabagal na pagkilos bilang hepe ng DILG tulad nung tumama ang super bagyong Yolanda. Base sa inyong track record sa DOTC at DILG, paano po ninyo patutunayang kayo ay may kakayahan maging isang epektibong Presidente ng Pilipinas? Meron po kayong 90 seconds, Mr. Secretary.
Sec. Mar Roxas: Salamat, Mike. Simulan natin sa DOTC. Noong ako po ay nasa DOTC, mahigit isang daang (100) kontrata sa halagang mahigit-kumulang isang daang bilyon (₱100,000,000,000) ang napa-bid namin na walang anomalya, walang alingaw-ngaw, walang kontrobersiya. Yan, nangyari lahat yan. Ports, airports, ibang mga imprastraktura na nangyayari at ginawa hanggang sa ngayon. Pangalawa, sa MRT. Bakit ko tinanggihan ang proposal ng pribadong sektor na magpatuloy ang kanilang kontrata sa MRT? Dahil gusto nilang pahabain ito ng labinlimang dagdag na taon, itong ma-anomalyang kontrata na ngayon ay sanhi ng problema natin; plus, dadagdagan pa nila yung singil sa ating mga pasahero. Kaya’t tinanggihan ko yan. Dyan nagsimula yung ating paghahanap ng makabagong paraan para magkaroon tayo ng mga tren. Ang mga tren ay nandyan na, parating na, at ngayon sa susunod na mga buwan ay mapapakinabangan na ng ating mga kababayan. Pagdating naman sa DILG. Ang Yolanda ang pinakamalakas na bagyo sa kasaysayan ng mundo. Ang buong gobyerno ay nandun. Nandun ako bago, habang, at pagkatapos ng bagyo. Hindi ako bumitiw hanggang nag-stabilize ang sitwasyon at hindi ako tulad ng iba na dumating, nag-helicopter, nagturista, umalis, at marami na ngayong sinasabi.
Mike Enriquez: Maraming salamat po, Secretary. Babalikan po natin si Vice President Binay. Mr. Vice President, sang-ayon ba kayo sa sinabi ni Secretary? Matagal kayong naging miyembro ng kabinete, kasama nyo siya. Sige po, Mr. Vice President.
VP Jejomar Binay: Eh alam po ninyo, hindi ho mangyayari kung ako ho ang napalagay dun sa pwesto ni Secretary Roxas, yun bang analysis-paralysis. Ako ho is a decisive and effective leader. Hindi ho ako paulit-ulit, walang dinedesisyunan. Yung PPPP, iisa pa lang o dadalawa pa lang, eh kailangang-kailangan ho natin yung PPPP na yun, para magkaroon ho tayo ng pagbabago sa ating mga infrastructure needs. Kung ako ho ang pinatutungkulan ni Secretary Roxas dun ho sa pagkaka-helicopter, aba, eh yung helicopter, marami akong nakita. Siya? Eh nasaan ho siya? Pagkatapos ho nung lumindol at mangyari yung lahat sa Leyte, nawala na sya. Kaya naman ho, grabe ang galit sa kanya ng mga taga-Leyte dahil sa kapalpakan niya sa paghawak sa problema ng Yolanda.
Mike Enriquez: Secretary Roxas, meron po kayong 30 seconds pa ho. Sige po.
Sec. Mar Roxas: Andun po ako labing-anim na araw. Hindi ko binitiwan, hindi ko kinalimutan, at hindi ko phinoto-op o pinulitika ang ating mga kababayan. Nandun ako simula – bago pa dumating ang Yolanda at ginawa ko ang lahat. Matitingnan kita, Mike, at kahit sino sa ating bansa, mata sa mata, at sabihin lahat na maaaring magawa sa kapanahunang ‘yon ay nagawa.
Mike Enriquez: Maraming salamat po, Mr. Secretary. Dyan po nagtatapos ang Round One pa lang po ito. Mas mainit sa Round Two dahil ang susunod nating tatalakayin, mga kapuso, ay ang kahirapan at ang pagpapabuti sa buhay ng mga Pilipino.
Jessica Soho: Kilatisin, busisiin ang inyong pipiliin.
Mike Enriquez: Magbabalik po ang PiliPinas Debates 2016.
Jessica Soho:Samantala, makikita po ninyo ngayon ang ating Twitter heatmap. Kapag mas marami pong bilog na pula sa lugar, mas marami po ang tweets na nagmumula riyan. At makikita po natin na umuulan na ang mga tweets tungkol sa debate sa Metro Manila. Umiinit na rin ang diskusyon sa Twitter sa Cagayan de Oro City mismo, kung saan po tayo naroon. Ayan po ang ating Twitter heatmap.
RELATED STORIES
1st Presidential Debate transcript: Opening Statements
1st Presidential Debate transcript: Round Two