1st Presidential Debate transcript: Round Three | Inquirer News
PART 4 OF 5

1st Presidential Debate transcript: Round Three

/ 12:16 PM February 25, 2016

Presidential candidates Vice President Jejomar Binay, Sen. Miriam Defensor-Santiago, Davao Mayor Rodrigo Duterte, Sen. Grace Poe-Llamanzares and Manuel "Mar" Roxas II during the Presidential Debates 2016 held in Capitol University in Cagayan de Oro City. INQUIRER PHOTO/LYN RILLON

Presidential candidates Vice President Jejomar Binay, Sen. Miriam Defensor-Santiago, Davao Mayor Rodrigo Duterte, Sen. Grace Poe-Llamanzares and Manuel “Mar” Roxas II during the Presidential Debates 2016 held in Capitol University in Cagayan de Oro City.
INQUIRER PHOTO/LYN RILLON

ROUND THREE

Mike Enriquez: At ‘eto po muli ang isa na namang kuha ng GMA 360-degree camera. Maari niyong kontrolin ‘yan para makasilip kayo sa loob nitong debate hall. Ayan o, mga kapuso, magpunta lamang po kayo sa gmanews.tv. Live po ‘yan, mga kapuso. Tuloy ang ating pagkilatis at pagbusisi sa mga kandidato sa pagkapangulo dito sa PiliPinas Debates 2016. Round 3 na po tayo, mga kapuso. Dito, mga isyu po na kinakaharap ng ating kinaroroonan sa mga sandaling ito, Mindanao, tututukan ng kasama natin na magtatanong po mula sa social media.

Article continues after this advertisement

Itinuturing na Food Basket ng Pilipinas ang Mindanao. Pero dito rin matatagpuan ang lima sa sampung pinakamahirap na probinsya sa bansa. Dekada na rin ang binilang ng kaguluhan. Ilang usaping pangkapayapaan ang sinimulan pero bigo pa ring makamit ang pangmatagalang kapayapaan. Ano ang magiging hakbang ng susunod na pangulo?

FEATURED STORIES

Jessica Soho: Makakasama po natin sa pagtatanong sa mga kandidato sa round na ito, si John Nery, ang editor-in-chief ng INQUIRER.net. Nag-ikot po sila sa Mindanao para kumalap ng mga tanong mula sa publiko at ilan nga po riyan ay kasama sa mga posibleng matanong sa ating mga kandidato. Katulad sa Round Two, bubunutin pa rin natin ang mga tanong sa mga kandidato at gaya rin sa Round Two, nagbunutan na po ang mga kinatawan ng mga kandidato ng kanilang sequence o pagkakasunod-sunod.

Mike Enriquez: ‘Eto na po mga kapuso, ang unang sasalang, mula sa Mindanao, si Mayor Rodrigo Duterte na ang makakatapat po ay si dating Secretary Mar Roxas. Pero bago po ‘yang dalawang ‘yan, si John Nery muna.

Article continues after this advertisement

John Nery: Maayong gabii, Mike. Mayor Duterte.

Article continues after this advertisement

Mayor Rodrigo Duterte: Yes, sir.

Article continues after this advertisement

John Nery: Kayo po ang kandidato mula sa Mindanao. Ito po ang inyong tanong.

May nagpadala sa amin ng litrato sa social media. Makikita rito ang isang maputik na kalsada at isang ilog na walang tulay sa Zamboanga. Galit na raw ang mga katulad ni Ken Sharif dahil matagal na nilang hinihiling ang maayos na tulay at kalsada. Kung ikaw ang magiging pangulo, paano mo tutugunan ang hinaing ni Ken at paano mo maiiwasan ang irregularities sa mga infrastructure projects? Meron po kayong 90 seconds.

Article continues after this advertisement

Mayor Rodrigo Duterte: Yes, sir. I will have to tell you that 65% or 64% of the infrastructure projects are here in Manila. I’m not – also want you to know that 19% lang ang binigay sa Region 19. Well, of course, that is the disparity and that is why the Mindanaoans asking you now if galit na galit si Allah kasi ang aming lawful share sa taxes hindi ibinibigay. Remember that Mindanao contributes to the country’s coffers 54% of the total export earnings in dollars. Magkano ‘yan? Well, it would depend on <inaudible> but ang Mindanao kasi ang nagbibigay sa agricultural products sa country na ito. Nineteen billion (₱19,000,000,000) only for Region 11? I don’t know how much the others are getting. Iyan ho. It is this disparity and that is why people are clamoring for a federal government. I-dissipate na muna natin yung central powers for, after all, that is a symbol of our being oppressed as a people a long time ago. You have to give us our share and we will – and, of course, you have to restore law and order.

Mike Enriquez: Salamat po, Mayor. Secretary Roxas, ano hong reaksyon niyo sa sinabi ni Mayor Duterte? Meron po kayong 60 seconds. Sige po.

Mar Roxas: Salamat. Unang-una ay tutugunan natin ang pangangailangan ng pagtayo ng tulay doon sa kung saan mang bayan ‘yon. Pero, habang totoo na napag-iwanan ang Mindanao, hindi na po ‘yan ang nangyayari ngayon. In fact, Mindanao today has twice the amount of infrastructure in the last five years than it had in the last twelve years. Two hundred sixty billion pesos (₱260,000,000,000) ang dumating sa Mindanao itong nakaraang limang taon kumpara sa one hundred twenty-five billion (₱125,000,000,000) noong labing-dalawang taon ni Erap at ni – I’m sorry, ni Gloria at ni Erap. So, hinahabol na natin. Lumalaki na ang ating pagtugon sa pangangailangan ng Mindanao. Is this enough? Hindi pa. Kaya tuloy-tuloy ang ating programa na kung saan mas maraming infrastructure. Tulad ng nakita natin, pag-landing sa Laguindingan papasok dito. ‘Yan nangyari sa Daang Matuwid. ‘Yan ang halimbawa ng mga infrastructure na pinarating natin sa Mindanao.

Mike Enriquez: Salamat po, Mr. Secretary. Mayor Duterte, mayroon ba kayong tanong, reaksyon? 30 seconds.

Mayor Rodrigo Duterte: Wala man akong nakitang Tuwid na Daan. Puro kulubot man iyan. No, no. I said this year, the budget was given to Manila, the largest portion of it was 64%. Ang binigay sa Region 11, nineteen billion (₱19,000,000,000), kanila, 64. O, how can you expect Mindanao to develop? It’s a question of money. You do not count the accounts that was given us over the last five years. Ah naubos ‘yon sa corruption at incompetence.

Mike Enriquez: Salamat po, Mayor. Salamat po.

Jessica Soho: Sunod namang sasalang ay si Dating Secretary Roxas at ang makakaharap niya si Vice President Binay. Ang tanong, mula pa rin kay John Nery.

John Nery: Daghang salamat, Jessica. Ginoong Roxas, ang tanong po sa inyo, sa pinakahuling Pulse Asia Survey, lumalabas na pangunahing isyu ng mga kabataan sa Mindanao ang problema ng illegal na droga. Sa buong bansa, 1.7 million (1,700,000) ang lulong sa droga. Kapag ikaw ang naging pangulo, paano mo tutugunan ang problemang ito? Ano ang gagawin – ano ang gagawin sa mga drug cartel? Kailangan bang ibalik ang death penalty para masolusyunan ang problema?

Mike Enriquez: 90 seconds, Secretary.

Mar Roxas: Ang droga ay isa sa pinakamatinding problema na hinaharap natin bilang isang lipunan. Walang pamilya sa ating buong bansa na hindi tinamaan sa problema ng droga. Tututukan natin ito. Natutukan na natin ito. At tututukan natin ito sa pamamagitan ng sa taas paghabol kumbaga sa sibat ‘yong tinatawag nating Lambat-Sibat. Sibat, hahabulin natin yung mga cartel tulad ng ginawa namin sa PNP noong ako po ay DILG. Mahigit dalawang billion (₱2,000,000,000) ang halaga ng droga na nahuli noong kapanahunan ko. Iyan ang mga cartel. Sa baba naman, sa pamamagitan ng lambat. Policing. Street, sityo, and house-level policing ang kinakailangan. Ganoon pa man, hindi natin malulutas ang problema ng droga kung aasahan natin ang pulis lang. Ito’y problema ng buong lipunan. It takes all of us coming together, mga guro, mga magulang, mga kapitbahay, lahat po ng lipunan ay dapat magtulong-tulong para malutas natin ang problema ng droga. Hindi ito madali. Malaking pera ito kasama na ‘yong mga kurap, iba politico, iba mga pulis. So, anti-corruption pa rin ang pinakamahalagang sandata para malabanan natin ang droga.

Jessica Soho: Ang inyo pong reaksyon, Vice President Binay. 60 seconds.

VP Jejomar Binay: Unang-una, ang problema po diyan ay mahina ang enforcement. Nandiyan na po nalalaman na mga illegal drug syndicates? Ano ho ang ginawa? Eh walang masyadong nahahabla. Kung may nahahabla man, wala naman hong nangyayari kasi, isa pa, hindi ho effective eh. Hindi ho decisive ho ang ating leadership. Ako, sa Makati, hindi ko – inabutan ko ang problema po iyan ha ‘yang problema ng droga pero ako ho ay decisive. Wala tayong papayagan ‘yong mga kaso ng illegal drug syndicates. Ako, tuwing maghaharap-harap kami, tinatanong ko, “Uy, ano na ba ang mga kaso? Nagawa na ba? Na-solusyunan na ba?” Eh, sa uulitin ko, ‘di ba yung banggit doon sa death penalty, hindi ako naniniwala sa death penalty eh. Eh, gawa po ng Dios ‘yan. Hindi ho dapat nating gawin ‘yan. Uulitin ko, kailangan lamang ho decisive ang pagharap sa problema. Iyon ang wala kaya ho nagiging problema.

Jessica Soho: Counter-rebuttal, Secretary Roxas, 30 seconds po.

Mar Roxas: Nabanggit ni Vice President Binay ang Makati, pero hindi ba ang totoo, dalawa ang Makati? Makati ng mga Ayala na maunlad, maraming trabaho, at Makati ng mga Binay na mahirap pa rin, Comembo, Rembo, nandiyan pa rin ang mga mahihirap, nandiyan pa rin ang mga droga. In fact, Makati has the highest drug rate. Lahat ng mga mayayaman diyan, lahat ng clubs, bawat Biyernes, Sabado, nandiyan laganap ang droga sa Makati.

Jessica Soho: Maraming salamat po, dating DILG Secretary Mar Roxas.

VP Jejomar Binay: Pwede ba akong sumagot dun?

Mike Enriquez: Mabilis lang po.

VP Jejomar Binay: Oo.

Mike Enriquez: Sige po, Vice President.

VP Jejomar Binay: Ewan ko kung saan iyong statistics ni Mr. Roxas. Hindi ho naging problema sa amin ang droga. Iyong Embo, naku, masaya ho ang mga tao doon kasi mga lupa doon naibigay ko at malaki na ang halaga. Wala hong kahirapan sa Rembo. Sa buong Makati, nakapag-deliver po kami at naiangat po naming ang buhay ng bawat taga-Makati.

Mike Enriquez: Okay. Marami pong salamat, Vice President.

Mar Roxas: Dadalhin ko po si Vice President Binay sa mga housing na kung saan nila nilagay ang mga nailipat nila para makita kung gaano kahirap pa rin ang mga taong nailipat nila.

Mike Enriquez: Okay. Sige po. Babalik po tayo sa ating sequence. Mamaya po, huwag kayong mag-alala. Itutuloy po nila ‘yan. Gusto niyo? Palakpak kung gusto niyo. ‘Yun! ‘Yun o! Si – sandali lang po. Mr…

Jessica Soho: Si Vice President Binay naman ngayon.

Mike Enriquez: Oo, si Vice President Binay. Opo.

Jessica Soho: Makakaharap si Senadora Miriam Defensor-Santiago. Puntahan po muli natin si John Nery. John?

John Nery: Salamat, Jessica. Mr. Vice President, ito po ang tanong para sa inyo.

Sa pag-iikot namin sa Mindanao, lumalabas na nais ng mga kabataan na maipasa ang anti-political dynasty bill. Kayo po ay kabilang sa isang political dynasty. Ito ba – paano niyo bibigyan ng prayoridad itong panukalang batas na ipasabuhay ang constitutional provision laban sa political dynasty. Mayroon po kayong 90 seconds.

VP Jejomar Binay: Unang-una po eh kailangan maging maliwanag ho kung ano ba ho talaga ang dynasty na tinutukoy. Oo nga’t nandiyan na po sa Saligang Batas ‘yang labanan ang dynasty pero hindi ho magkasundo kung ano ba ho talaga ang definition ng dynasty.

Pangalawa, bakit naman ho magkakaroon ng batas para pagbawalan ‘yung gustong magtrabaho qualified naman at mahahalal naman sa isang malinis at marangal na halalan? Hindi naman ho guarantee na porkeng kamag-anak mananalo. Ang Maynila, tagad ang anak, asawa, lahat ho natatalo. Uulitin ko lamang, kailangan lamang po ay magkaroon ng malinis at marangal na halalan. Palagay ko, nagsimula itong isyu sa dynasty ay dahil sa noong mga unang panahon, magkakamag-anak na overspending, patayan, at iba pa. Pero kung qualified, gustong magtrabaho, aba, bakit naman ho? Basta’t dadaan lamang sa isang marangal at malinis na halalan. Salus populi, sabi nga. Gusto ng tao. O, bakit naman ho ninyo haharangin? Dahil lang dahil sa kamag-anak?

Mike Enriquez: Salamat po. Tapos na po, Mr. Vice President? Okay. Salamat po, Mr. Vice President. Senadora Miriam Defensor-Santiago, reaction please. You have 60 seconds, Senadora.

Sen. Miriam Defensor – Santiago: The anti-dynasty provision is found, most of all, in our Constitution and it is a basic principle of Constitutional Law that anything written in the Constitution without more and without less, should be literally applied if possible. Sinabi na ng Constitution eh. Hanggang ngayon hindi pa naisabatas iyong akong bill ng anti-dynasty kaya hindi natin defined kung sino ang mga members ng dynasty, ano ang mga patakaran para subsume sila, ma-form part sila, ng isang dynasty. Dapat may batas na ganoon. Pinagsasabi ng mga miyembro ng kongreso na malabo. Ang totoo diyan, self-interest din sila. Gusto nila ang dynasty kasi mga dynasty ang mga pinanggalingan nila o pupuntahan nila. Ngayon, kung ayaw nila n’on, ‘di we have to amend the Constitution but while it is there, it must be obeyed. The Constitution is always and always supreme.

Mike Enriquez: Salamat po, Senadora. Mr. Vice President, excuse me po. Ano po ang masasabi niyo diyan? 30 seconds.

VP Jejomar Binay: Si Miriam, meron ho siyang anak na halal. Eh, kung malabo ho ang depinisyon ng dynasty eh – eh ‘yon ho ang problema natin eh. Tama ho si Miriam, meron sa Constitution. Ang problema, walang implementation ng batas. Kaya ho tayo nagkakagulo pa.

Mike Enriquez: Okay. Maraming salamat po, Mr. Vice President. Si Senadora parang…

Jessica Soho: Kailangang sagutin niya kasi may nabanggit uli eh.

Mike Enriquez: Parang may gusto kayong sabihin kanina. O sige na nga, Senadora. O, sige. Maikli lang. Mayroon ba kayong gustong sabihin?

Sen. Miriam Defensor – Santiago: Hindi…

Mike Enriquez: Napatingin kayo eh.

Sen. Miriam Defensor – Santiago: Yeah. Kasi mali ang sinabi. Ang anak ko noon tumakbo ng party list representative. After one term, he did not run for another post.

Mike Enriquez: So, wala po kayong anak sa gobyerno ngayon?

Sen. Miriam Defensor – Santiago: Wala.

Mike Enriquez: Okay. Salamat po. Klaro.

Jessica Soho: And Round 3, ipagpatuloy po natin maya-maya lang. Kilatisin, busisiin, pakinggan ang inyong pipiliin. Magbabalik pa po ang PiliPinas Debates 2016.

Mike Enriquez: Sa datos po ng Twitter, Jessica?

Jessica Soho: Mataas na mataas po talaga ang interes ng publiko sa mga usapin kaugnay sa poverty and development. Dapat lang. Iyan ang pangunahin nating problema eh. Kasunod po naman niyan ang peace and order, track record, Mindanao issues, at corruption.

[INTERMISSION]

Mike Enriquez: Nagbabalik po tayo dito sa Lungsod ng Cagayan de Oro dito sa Mindanao para sa pagpapatuloy ng PiliPinas Debates 2016 at magpapatuloy po tayo sa Round Three. Ito po, mga kapuso, pero bago po ‘yan, may mga nagtatanong po iyong nakikita sa tenga ni Vice President Binay. Ang tawag po diyan sa aming propesyon ay “override” o iyong tinatawag na “in-ear monitor.” Ganito po ‘yon, mga kapuso. Meron po kaming lilinawin. Nakakabit po ‘yon. Ang naririnig po doon ay ‘yong audio o tunog na on-the-air o sa himpapawid ng debate. Lahat po ng kandidato, inalok po namin lagyan niyan. Dapat maklaro po namin sa inyo ‘yon. At tanging ang nagpalagay lang po niyang override ay si Bise Presidente Binay. Salamat po.

Jessica Soho: Ang atin pong hinihimay ngayong Round Three, mga isyung kinakaharap ng Mindanao at mga tanong mula po sa ating mga netizen.

Mike Enriquez: ‘Eto na po ang susunod na magtatapatan, Senadora Miriam Defensor – Santiago at Senadora Grace Poe. Ang dalawang babaeng kandidato sa pagka-presidente. Balikan natin si John Nery. John.

John Nery: Salamat, Mike. Ito po ang susunod na tanong para kay Senadora Santiago. May mga nagsasabing para madepensahan ang Pilipinas sa sigalot sa West Philippine Sea, kailangan natin ang EDCA or Enhanced Defense Cooperation Agreement pero pangamba naman ng ilang kausap namin lalo na dito sa Cagayan de Oro na ang mga lugar na tulad ng Lumbia Airport ay gagamitin – na gagamitin para sa EDCA ay magiging militarized. Kayo po ba ay pabor sa EDCA? Kung hindi, ano ang nakikita ninyong alternatibo para madepensahan ang Pilipinas laban sa banta mula sa China?

Jessica Soho: 90 seconds po.

Sen. Miriam Defensor – Santiago: I am against the EDCA. In fact, I was the sponsor and author of the resolution passed in the senate expressing the sense of the senate that the EDCA should first pass the senate which is what happens to all other treaties. Bakit ito pinirmahan lang nga mga opisyales ng executive department na hindi binigay sa senado? Na lahat ng ibang mga treaty, ganoon ang paraan noon. Kaya galit talaga ako diyan dahil parang nagsusunud-sunuran tayo. Itong dalawang higante, ang China at ang United States parehong gustong kontrolahin ang Pilipinas. Bayaan mo na kung anong mga ambisyon nila sa sarili nila pero huwag nila tayo idamay. Kaya pareho lang iyan na mga ganid. Ang China gusto niya lahat ng produce kanya na kaya ayaw makipag-usap sa atin ng China ng one-on-one. Pilipinas, halimbawa, at saka China. Vietnam and China. Ganoon. Ang atin namang gusto ay collective. Lahat ng ASEAN magkasamasama sila, sampu sila at kausapin nila ang China. Ngayon, ayaw ng China ‘yon. Kaya hindi na talaga maresolbar ‘yan. Pero ang katotohanan diyan ay parehong gusto na kontrolahin itong South China Sea na tinatawag or West Philippine Sea nitong dalawang bansa na ito. We have to stand for our sovereign rights! I am willing to join any movement to declare our independence from imposed sovereignty.

Mike Enriquez: Salamat po, Senadora. Salamat po. At Senadora Poe, mayroon po kayong 60 segundo – 60 seconds para po sa inyong reaksyon. Sige po.

Sen. Grace Poe: Sang-ayon ako kay Senator Miriam na dapat talaga ay dumaan ito sa senado para masuri kung ito ba’y bagong kasunduan o hindi. Ito po ang ilagay natin sa ating isip. Wala pong isang bayan na mag-iisip kung anong mas maganda para sa kanilang kapitbahay o sa kanilang ka-alyado. Ang una nilang iisipin ay ang kanilang sarili. Ngayon, isipin natin ang ating sarili, anong pwede nating makuha sa kasunduang ito? Oo, nandiyan sila, isang bigatin na pwede tayong bantayan, pero naalala ba ninyo, noong nandito iyong base military, kahit papaano, binabayaran tayo ng mga Amerikano pero ngayon, dahil dito sa EDCA, libre ang kanilang pagiging dito. Ito ang masasabi ko. Kahit maliit na bansa tayo ikumpara natin sa China, bakit ang Singapore, pwede nilang palakasin ang kanilang military? Hindi sila basta-basta inuuto ng mga ibang bansa. Kaya rin natin ‘yan. Ngayon, paunti-unti. Palakasin natin ang ating military. Kausapin natin ang China constructively pero let’s take a leadership role in the ASEAN so that we can follow a particular code and conduct that will be followed by the other countries in the ASEAN.

Mike Enriquez: Salamat po, Madame Senator. Senadora, you have 30 seconds.

Sen. Miriam Defensor – Santiago:     Yes, there will always be different levels of negotiation between the Philippines and other foreign countries that we deal with. The first track is always to exchange notes. For example, the Philippines already protested the activities of China in these disputed seas. That’s the first track but it has had no effect. Walang epekto. Kaya we have to go to the second track. We have to negotiate with China together with other Asian countries.

Mike Enriquez: Maraming salamat po, Senadora Santiago.

Jessica Soho: Up next, ang paghaharap nina Senadora Grace Poe at Mayor Rodrigo Duterte. Balikan po nating muli si John Nery.

John Nery: Salamat, Jessica. Ito po iyong tanong para kay Senadora Poe.

Hindi naipasa ang Bangsamoro Basic Law dahil na rin siguro sa nangyari sa Mamasapano. Kapag kayo po ang nahalal, isusulong ba ninyo uli ang BBL or mayroon kayong ibang programa? Iyong paglinaw po sa nangyari sa pagpatay kay Marwan, kasama ba po iyan sa solusyon?

Sen. Grace Poe: Mr. Nery-

Jessica Soho: 90 seconds.

Mike Enriquez: 90 seconds, Senadora.

Grace Poe: Mr. Nery, ang nais ko po ay magkaroon ng isang transparent, inclusive, at sustainable na pag-uusap at tsaka kasunduan. Kailangan talaga sa pagbuo ng bagong kasunduan o pagtulak nito, kailangan isama natin lahat ng mga grupo, MILF, MNLF, lahat ng mga grupo. Hindi lang Maguindanaoan kundi Tausug, Maranao, Badjao, kung ano pa. Pati yung mga IPs. Pati mga Kristiyano dito sa Mindanao na bumubuo nito.

Pangalawa, habang nag-uusap tayo, kailangan ay sundan natin ito ng mga proyekto para sa Mindanao. Ako po ay isa sa mga gustong magtulak talaga na magkaroon tayo ng Mindanao Rail. Noong 1992 pa po ito pinag-uusapan. Siguro nasa lagpas seventy billion (₱70,000,000,000) ito. Kayo na natin ito tugunan sa mga panahon na ito. Kailangan rin natin ayusin ang problema sa kuryente dito sa Mindanao. Kailangan natin i-rehabilitate ang Agus at Pulangi dam sapagkat ito po ay heavily silted na. Imbes na 900 megawatts nagiging 600 megawatts of power lamang ang nabibigay dito. Importante na magkaroon ng trabaho dito sa Mindanao. Kaya nga po sa aming budget, kasama diyan ang imprastraktura, 2,000 kilometers na kailangan natin ipasemento at ipaayos, magbibigay ng temporary na trabaho pero pagkatapos noon, mahihikayat natin ang turismo at ang mga mamumuhunan dito na pumunta dahil mas maayos na ang mga kalsada. Kasama sa usap ng kapayapaan ay development.

Jessica Soho: Rebuttal, reaction. Mayor Duterte, mayroon po kayong 60 seconds.

Mayor Rodrigo Duterte: Let me focus on Mindanao and what is happening today. With the failure of BBL, there is a great, great hurt there. Unless, I said, we can come up with another card which is federalism, nothing, nothing at all, can appease Mindanao. ‘Yan ang nangyayari diyan and that is why it is very important na kung ako ang mapupunta diyan, I would not only offer the BBL which is the same configuration but I will offer federalism to all pati kay Nur Misuari on the western side. That would maybe appease everybody because every Moro politico would really like to see federalism kasi po palpak nga ang BBL and we have to do this because, as I said, nothing, nothing short, will appease and bring peace to Mindanao. ‘Yan ang importante sa lahat diyan. You have to right the historical wrong committed against the Moro people.

Jessica Soho: Counter-rebuttal, reaksyon. Senadora Grace Poe, ano po ang inyong tugon? 30 seconds.

Sen. Grace Poe: Ginagalang ko ho ang sinasabi ni Mayor Duterte. Talagang kailangang pag-usapan natin kung makakabuti ang federalismo sa ating bayan. Ang pinakamalapit na example ng federalismo ay ang ARMM. Ngayon, gawin natin ‘to sa umpisa ng termino ng isang pangulo kung ano ang makakabuti pero sa tingin ko, ang kailangan ng ating mga kababayan ay devolution of powers kung saan ang local government ay mas may prerogative sa paggasta ng kanilang pondo. Sa ngayon po, dapat 40% pero less than 30% or mga 30% lang ang nabibigay sa local government. Mali po ‘yon. Kailangan ay taasan natin.

Jessica Soho: Maraming salamat po, Senadora Poe.

Mike Enriquez: ‘Eto po. Tapos na po ang Round Three, mga kapuso. Susunod ang – mapapakinggan niyo na po ang mga huling salita nga mga kandidato para sa hapon na ito.

Jessica Soho: Closing statement.

Mike Enriquez: Tawag ho nila diyan closing statements, mga kapuso. Gusto niyo pa?

Mayor Rodrigo Duterte: One hour.

Mike Enriquez: Sige po. Sandali lang.

Mayor Rodrigo Duterte: One hour each?

Mike Enriquez: Sir?

Jessica Soho: One hour daw.

Mayor Rodrigo Duterte: We’re good until 9. Give us time to explain further our – what we’d like to present to the people.

Jessica Soho: Patay. One more hour daw.

Mayor Rodrigo Duterte: Paghati-hatiin naman natin ‘yan.

Jessica Soho: Kilatisin, busisihin po ang inyong pipiliin.

Mike Enriquez: Magbabalik po, mga kapuso, ang PiliPinas Debates 2016. One hour?

Rodrigo Duterte: One hour <inaudible> *1:58:44

Mike Enriquez: O?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

[INTERMISSION]

RELATED STORIES

1st Presidential Debate transcript: Opening Statements

1st Presidential Debate Transcript: Round One

1st Presidential Debate transcript: Round Two

1st Presidential Debate transcript: Closing Statements

TAGS: CDO debate, Comelec, Grace Poe, Jessica Soho, John Nery, Mar Roxas, Mike Enriquez, Politics, transcript

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

© Copyright 1997-2024 INQUIRER.net | All Rights Reserved

This is an information message

We use cookies to enhance your experience. By continuing, you agree to our use of cookies. Learn more here.