1st Presidential Debate transcript: Closing Statements | Inquirer News
PART 5 OF 5

1st Presidential Debate transcript: Closing Statements

/ 12:30 PM February 25, 2016

Presidential candidates Vice President Jejomar Binay, Sen. Miriam Defensor-Santiago, Davao Mayor Rodrigo Duterte, Sen. Grace Poe-Llamanzares and Manuel "Mar" Roxas II (R) during the Presidential Debates 2016 held in Capitol University in Cagayan de Oro City. With them are GMA7 anchor Jessica Soho, Inquirer.net Editor-in-Chief John Nery, COMELEC chairman Andy Bautista and GMA7 anchor Mike Enriquez. INQUIRER PHOTO/LYN RILLON

Presidential candidates Vice President Jejomar Binay, Sen. Miriam Defensor-Santiago, Davao Mayor Rodrigo Duterte, Sen. Grace Poe-Llamanzares and Manuel “Mar” Roxas II (R) during the Presidential Debates 2016 held in Capitol University in Cagayan de Oro City. With them are GMA7 anchor Jessica Soho, Inquirer.net Editor-in-Chief John Nery, COMELEC chairman Andy Bautista and GMA7 anchor Mike Enriquez.
INQUIRER PHOTO/LYN RILLON

[CLOSING STATEMENTS]

Jessica Soho: Magandang gabi na, mga kapuso. Narito pa rin po tayo live mula sa Capitol University sa Cagayan de Oro City para sa huling bahagi na po ng ating PiliPinas Debates 2016. Kasama pa rin po natin lahat ng ating mga kandidato sa pagka-pangulo.

Article continues after this advertisement

Mike Enriquez: Mga kapuso, nito pong nakaraang Linggo, nagpunta po kami sa Bayan ng Pikit sa North Cotabato dito sa Mindanao. Nakilala po naming ang isang estudyante sa Grade-5 na nakikita niyo riyan. Si Nornisa po ‘yan. Nalungkot po – malungkot po ang kwento niyang si Nornisa dahil hawak po siya ng kanyang ama nang siya ay nabaril sa isang rido.

FEATURED STORIES

Jessica Soho: Tatlong kilometro lang po naman ang layo mula rito sa ating kinaroroonan ngayon, nakilala ko si Nanay Nening, 71 years old. Ang tanging ikinabubuhay nilang mag-asawa ay ang pagbebenta ng panggatong. Kada buwan, tatlong daang piso lang ang kanilang kita. Ayon sa kanya, kung mahirap sila noon, mahirap pa rin po sila hanggang ngayon. Kasama sina Nornisa at Nanay Nening sa mahigit isang daang milyong (100,000,000) Pilipino na nais po ninyong pamunuan.

Mike Enriquez: At para po sa pangwakas na pananalita, closing statements, ngayong gabi, eh pakisabi na rin po sa mga nakikinig at nanonood sa Pilipinas at buong mundo. Bakit kayo ang dapat maging susunod na kandidato – presidente ng Republika ng Pilipinas?

Article continues after this advertisement

Jessica Soho: Bibigyan po naming kayo ng tig-isang minuto para riyan. Alphabetical ulit po ang ating sequence o pagkakasunod-sunod.

Article continues after this advertisement

Mike Enriquez: ‘Eto na po, mga kapuso. Ang uunahin natin, si Vice President Jejomar Binay. Mr. Vice President, 60 seconds po.

Article continues after this advertisement

VP Jejomar Binay: Batay po sa aking karanasan at tamang pamamahala at pagmamalasakit sa ating kapwa lalung-lalo na sa mahirap, ‘yan hong pagharap sa problema ng kahirapan ay dapat ho nating harapin sapagkat problema pa rin po ‘yan. Kaya po ba, una, tigilan na po natin ‘yang underspending. Sinasabi ko, pagka-underspending, underperformance. Hindi nagagamit yung dapat paggamitan. Pagka maraming namamatay kasi hindi nabibigyan ng tamang gamot. Hindi makapagpapasok sa ospital. Underspending, nakakaapekto ho ‘yon. Nadedelay ang performance. Iyong mga infrastructure requirements ho natin na makakatulong ho ‘yan dahil sa magpapadami ng kabuhayan, eh hindi ho nagagawa. Kaya ho kailangan – kailangan po tayo na magdagdag at gastusin ang pera para mabago ho ang ating buhay.

Article continues after this advertisement

Jessica Soho: Sunod po naman ay si Senadora Miriam Defensor – Santiago. 60 seconds po.

Sen. Miriam Defensor – Santiago: We are here looking for a real leader of the Philippines who will implement all the valuable suggestions that were made here this evening but this is not a personality contest. This is not a show for entertainment. This is a show to educate the Filipino voter on what his own responsibilities are in addition to those that are being assumed by the presidential candidates.

Number one, there should be academic excellence. Dapat naging head of the class or at least naging honor student dahil kung hindi man lang marunong ‘yon, ano ngayon ang ibibigay niyang dulong sa atin?

Pangalawa, may professional excellence. Kung naging propesyonal ‘yon, dapat binigyan siya ng mga award ng mga kapwa professional niya dahil sa hanga sila sa kanya.

But third and most important, be sure to have moral excellence. Dapat ang binoboto natin walang bahid sa kanyang record o kung may inimbento man, masyadong ‘di kapanipaniwala.

So, good luck to you and good luck to all of us. I hope this country will deserve to be what God meant it to be, a happy, prosperous nation.

Mike Enriquez: Salamat po, Senadora. 60 seconds po sa huling pananalita ngayong hapon ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte. Mayor.

Mayor Rodrigo Duterte: Nganong nia man ko ngari? Why am I here? I am here because I love my country and I love the people of the Philippines. I am a native of the Philippines. There is so much corruption. There is so much crime. And so much drugs flooding the country. And it seems that nobody is minding this through. Matagal na that we have been raising that problem and I see – every time before a forum, we talk about this, about that, eh kung bigyan ninyo ako ng pagkakataon, only if God wills it also, I will stop it, I said. This is an imposed restriction on me. Hindi ako nagpapabilib sa inyo. I will get rid of drugs, suppress crime, stop corruption in government in a matter of three to six months because I believe that without peace, without – <inaudible> corruption, we cannot really survive and develop as a nation.

Jessica Soho: Si Senadora Grace Poe naman ang susunod na magbibigay ng closing statement. Senadora Poe, 60 seconds.

Sen. Grace Poe: Maraming salamat sa inyong pakikinig. Nararapat lamang na pinag-usapan natin ang lahat na ito. Ito po’y hindi tungkol sa mga kandidato kundi tungkol sa inyo. Hindi po kung anong gusto namin kung hindi, kung ano ang mahalaga sa inyo. Dahil ito ay tungkol sa Mindanao, nais kong balikan ang mga nais nating gawin dito sa Mindanao. Unang-una, kailangan talaga na magkaroon ng sapat na kuryente na mura ang halaga para sa ating mga kababayan. ‘Yan ay ating gagawin. Irerehabilitate natin ang lahat. Babantayan natin ang mga transmission grids para ito naman ay sapat ang kuryenteng maibibigay.

Pangalawa, trabaho para sa inyo. Thirty percent (30%) po ng budget ng national government ilalagay natin dito.

Pangatlo, kailangan din na magkaroon ng pakikipaglaban sa kurapsyon. ‘Pag ako po ay naging pangulo, unang executive order magkakaroon ng Freedom of Information na matagal na nating ginugusto. Sa Pilipinas – sa buong Pilipinas o sa Mindanao man, ang importante ay isang leader na mapagkakatiwalaan. Oo nga, bago na ako pero hindi na rin bago ang ating mga problema at marami nang matagal diyan pero paulit-ulit pa rin ang kanilang mga lumang solusyon.

Mike Enriquez: Salamat po. Salamat po, Senadora. At pakinggan po naman natin si dating DILG Secretary Mar Roxas. Secretary, 60 seconds po.

Mar Roxas: Bakit ko gusto maging pangulo? Maraming mga pagkakataon sa buhay ko alam ko wala sa mamamayang Pilipino. May trabaho ako. May naipon ako. Alam kong maayos ang kinabukasan ng anak ko dahil nakapag-aral siya. ‘Pag may nagkasakit sa pamilya namin, kampante ako na may gagamot sa kanila. Hindi ko pinuproblema ang kakainin ko sa bukas. Bakit ko gusto maging pangulo? Dahil gusto ko maging ganito din ang buhay niyo – malaya sa gutom, malaya sa takot, at malayang mangarap. At mahihiya akong gawin – at mahihiya ako harapin ang aking magulang, aking anak, kayo mismo, kung hindi ko gagawin ang lahat para mangyari ito. Maraming salamat.

Jessica Soho:  Maraming maraming salamat sa ating mga kandidato. Maraming salamat din po sa Philippine Daily Inquirer na katuwang ng GMA sa paghahatid sa inyo ng PiliPinas Debates 2016. Thank you sa editor-in-chief ng INQUIRER.net na si John Nery. Sa Team Bahay na masipag nag-Tweet, nagpost sa Facebook, nakibahagi sa diskusyon sa gmanews.tv, sa Super Radyo DZBB, at sa lahat ng RGMA stations nationwide. Thank you rin po.

Mike Enrique: Salamat po. Salamat po sa mga kasapi ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas. Maraming salamat po sa Commission on Elections, COMELEC. Maraming maraming salamat po. At lalung-lalo na lahat, maraming salamat po sa milyung-milyong Pilipino na tumutok ngayong hapon at gabi, kumilatis, bumusisi sa mga kandidatong ito.

Jessica Soho: Maraming salamat po muli sa ating mga kandidato. Sabi nga ho nila, “Walang personalan. Politika lang.” Kaya, aanyayahan po namin kayo na pumunta sa harapan ng ating entablado at magkamayan po alang-alang sa bayan.

Nawa’y nakatulong po kami sa inyong pagdedesisyon ngayong Eleksyon 2016. Iisa lang po ang inyong boto kaya pag-isipan ng husto. Ako po ang inyong kapuso, Jessica Soho.

Mike Enriquez: Mga kandidato, pakitaas lang ang mga kamay para sa Pilipinas. Mga kapuso, isa sa kanila ang magiging susunod na Presidente ng Republika ng Pilipinas. Ako po si Mike Enriquez. Maraming salamat po sa inyong pagtitiwala. Magandang gabi. Ay, mayroon pa sa Visayas at Mindanao! Magandang gabi. Mabuhay ang Pilipinas! Mabuhay!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

[END OF TRANSCRIPT]

RELATED STORIES

1st Presidential Debate transcript: Opening Statements

1st Presidential Debate Transcript: Round One

1st Presidential Debate transcript: Round Two

1st Presidential Debate transcript: Round Three

TAGS: CDO debate, Comelec, Grace Poe, Jessica Soho, John Nery, Mar Roxas, Mike Enriquez, Politics, transcript

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

© Copyright 1997-2024 INQUIRER.net | All Rights Reserved

This is an information message

We use cookies to enhance your experience. By continuing, you agree to our use of cookies. Learn more here.