1st Presidential Debate transcript: Round Two

Pilipinas debates

Presidential candidates Vice President Jejomar Binay, Sen. Miriam Defensor-Santiago, Davao Mayor Rodrigo Duterte, Sen. Grace Poe-Llamanzares and Manuel “Mar” Roxas II (R) during the Presidential Debates 2016 held in Capitol University in Cagayan de Oro City. Also in photo are hosts GMA7 anchors Mike Enriquez and Jessica Soho.
INQUIRER PHOTO/LYN RILLON

Round 2

Jessica Soho: Live pa rin po tayo mula rito sa Capitol University sa Cagayan de Oro City.

Mike Enriquez: At Round Two na po tayo. Ang sunod na isyung pagdedebatehan po ng mga kandidato ay yung lagi nating nagiging paksa tuwing eleksyon, ang kahirapan. Partikular na po na tututukan natin, paano ba mapapabuti ang buhay ng ating mga kababayan lalo na yung mga mahihirap?

Sa mga nakalipas na taon, lumago ang ekonomiya ng Pilipinas pero halos hindi nagbago ang poverty incidence o kahirapan sa bansa. Pinakamahirap na sektor ang agrikultura kung saan kabilang ang mga mangingisda at mga magsasaka. Sa kasalukuyan, milyun-milyong Pilipino pa rin ang walang trabaho. Paano ito tutugunan ng susunod na pangulo?

Jessica Soho: Para sa Round Two, nagbunutan na po ang mga kinatawan ng ating mga kandidato ng kanilang pagkakasunud-sunod. At ang una pong maghaharap ay sina Vice President Binay at si Senadora Poe. Sa round na ito, bubunutin din po natin ang mga tanong para sa ating mga kandidato.

Mike Enriquez: At simulan na po natin, ang mga kapuso, ang unang tanong po ay para kay Vice President Binay, at ito po’t bubunutin natin ang tanong mula dito po sa-

Jessica Soho: Sisidlan.

Mike Enriquez: Sisidlan. Yung bilog na tambyolong gawa sa kristal. Mr. Vice President, meron po kayong 60 seconds –

Jessica Soho: Ninety.

Mike Enriquez: Ninety seconds, sorry po, 90 seconds. Maraming magsasaka ang baon po sa utang pagkatapos ng anihan dahil sa kababayad sa hiniram nila na pambili ng abono, pag-upa sa lupa, pag-upa sa sasakyan para maibaba ang kalakal nila, patuloy naman ang pag-angkat natin ng mas murang bigas at mas murang gulay na lalong nagpapahirap sa mga magsasaka. May plano ba kayo para matulungan ang ating mga magsasaka na hindi nadedehado naman ang mga mamimili. Ninety seconds, Mr. Vice President.

VP Jejomar Binay: Imo-modernize po natin ang agrikultura. Bale ba naman, ang agrikultura ay napakaliit ng kontribusyon sa GDP natin. ‘Yun hong ating mga magsasaka, kunin muna ho natin ‘yung CARP. Yung CARP po, maganda ho ang intensyon doon ha. Pero among others, that is to make the lands productive. Kasama na ho diyan ‘yung mga magsasaka na sinasabi niyo na naghihirap dahil sa ‘yung parte nung CARP na ‘yon tutulungan, isa-subsidize ‘yan, a-assist-ehan ng ating pamahalaan, fertilizer, at iba pang mga post-harvest requirements. Pangalawa, ‘yung irrigation fee po, dapat tanggalin na ho natin ‘yon. Pangatlo, ‘yun hong post-harvest problem. Alam n’yo ba, mga kababayan, na mas malaki ho ang nawawala sa post-harvest kaysa doon sa kinikita? Pangatlo, dapat ho tayo e – mang-akit pa ho tayo ng mga magkakapital para ho meron po tayong makakatulong doon sa infrastructure requirements. ‘Yan po ay ginawa namin sa Makati. Ang ginawa namin sa Makati, mai-ahon ho ang kahirapan, suportado ho ng pamahalaan.

Mike Enriquez: Salamat ho, Mr. Vice President. Senadora Grace Poe, ano pong reaksyon niyo sa sinabi ni Bise Presidente, Senadora? You have 60 seconds, Senadora.

Sen. Grace Poe: Importante po para sa ating mga magsasaka intindihin natin kung magkano kinikita nila, 17,000 pesos, mga nagtatanim ng palay for every 1 hectar. So kung tatlo binigay sa kanila ng Agrarian Reform kikitain nila siguro mga 152 pesos a day. So talagang napaka liit. Dapat libre na irigasyon, dapat may crop insurance. Pero di lamang iyon, dapat magkaruon ng agro industrial zones kung saan magkasama ang DTI at ang DA para ma-market ang products ng mga magsasaka. Mag soil testing tayo angang mga added value na pwede para ditto sa lupa nila, ano mas kikita sila, palay ba o kape o kung ano man. Tandaan natin sa niyog ang average age n gating mga puno ay 6 years old na kaya konti na lang ang binubunga nito, kailangan replanting. Gamitin na natin ang pondo ng Coconut Levy para dito sa mga magsasaka ng niyog. Importante rin, isipin natin, pwedeng coco coir, pwedeng virgin coconut oil, pwedeng coco water, pwedeng kung anu-anong mga programa na pwedeng gamitin para dito. Added value para sa magsasaka.

Mike Enriquez: Okay. Mr. Vice President, may 30 seconds po kayo sumagot kay Senadora kung meron man ho.

VP Jejomar Binay: Wala na ho, at pareho naman ho kami ni Senadora dun ho sa assistance and subsidy coming from government. Ang idadagdag ko lang po, kung ako ay makakapagdagdag, ay yun hong high-yielding crops. Dapat ho mag shift na rin ho tayo dun kasi ang crops natin, basically, it’s corn, rice, and coconut. Marami ho tayong lupa na angkop na angkop sa high-yielding crops.

Mike Enriquez: Salamat po, Mr. Vice President.

Jessica Soho: Up next ay ang paghaharap nina Senadora Grace Poe at Senadora Miriam Defensor-Santiago. Senator Poe, narito pa ang inyong tanong. Meron po kayong 90 seconds. Sandali lang po. Ito po ang inyong tanong.

Ano po ang gagawin ng inyong administrasyon para matiyak na may pagkain ang 2.5 o 2.6 milyong pamilyang Pilipino na nagsabi sa SWS na sila ay nagugutom araw-araw.

Sen. Grace Poe: Ang una talaga para sa akin ay dapat magkaroon ng libreng pananghalian sa ating mga public schools dahil ‘yan ay diretso sa tiyan ng mga bata. Hindi po matututo ang ating mga bata at hindi po tatalino kung sila po ay nagugutom. ‘Yan ang pinaka-una. Pangalawa po, ang pinakamahihirap na ating mga kababayan ay nasa sektor ng agrikultura. At alam naman po natin na ang mismo nagtatanim ng palay at bigas, sila po talaga, bumibili pa ng bigas sa palengke. Kailangan talaga ay bigyan ng tamang subsidiya at least sa paumpisa man lang, sa irigasyon at iba pa, para naman mas maging competitive sila. Kailangan na po ng replanting ng ating mga niyog. Sapagka’t tayo po ang fifth largest producer siguro ng niyog sa buong mundo, pero hindi natin sila binibigyan ng sapat na suporta. Nasa lagpas P70 billion na po ang nandiyan, nakatengga lamang na coconut funds na dapat mabigyan ng scholarships itong mga nagtatanim ng niyog, para bumaba ang presyo. At importante rin na ang ating gobyerno ay bantayan naman, sapagkat kung biibigyan natin ng added value o yung matataas na value ng mga crops ang ating mga magsasaka at mag-aangkat tayo ng mga ibang bagay, huwag nating kalilimutan na huwag pa rin natin pababayaan ang sektor ng agrikultura kung tayo’y mag-aangkat ng mga ibang mga pagkain. So importante po ‘yan sapagkat habang may nagugutom sa ating bansa, hindi natin pwedeng sabihin na nagiging matagumpay ang ating ekonomiya.

Jessica Soho: Ano po ang inyong tugon rito, Senator Miriam Defensor Santiago? Sixty seconds, po.

Sen. Miriam Defensor-Santiago: Well, promises are very easy to make but which president of our country, just like us presidentiables for 2016, has ever abolished or at least reduced the incidence of poverty in our country? None. I say this with all conviction as former Agrarian Reform secretary. Eh pangako lang nang pangako. Saan natin kukunin lahat ng pera na ito na igagastos para sa mga sinasabing mga plano nila? That is the question.

Jessica Soho: Senator Poe, ang inyo pong counter-rebuttal. You have 30 seconds.

Sen. Grace Poe: Kaya siguro napapanahon na na magkaroon ng isang may bagong perspektibo. Marami diyan ang namuno na noon bilang pangulo, matagal na sila sa gobyerno, marahil hindi na sila nag-iisip ng ibang paraan para makatulong sa ating bayan at sa ating ekonomiya. Noong panahon ni Pangulong Marcos, nagkaroon ng nutribun. Hindi ‘yan kumpleto sa pagpapakain sa mga bata, pero kahit papaano, nagkaroon ng feeding program para sa ating pamahalaan. Noong panahon ni Pangulong Erap, ‘yun lamang ang oras kung saan kahit papaano tumaas ang yield ng agrikultura. Meron po tayong pag-asa kaya lang kailangan tapat, hindi nangungurakot, at mabilis kumilos.

Jessica Soho: Maraming salamat po, Senator Poe.

Mike Enriquez: Ang makakaharap naman po ni Senadora Miriam Defensor-Santiago ay si dating DILG secretary, Mar Roxas. Senator Santiago, bubunutin ko po ang tanong para sa inyo. Masikip ang butas nitong – kung ano man ito.

Jessica Soho: Parang Ms. Universe na fishbowl.

Mike Enriquez: Okay, confidently masikip. Okay. Lumago po ang ekonomiya ng Pilipinas nitong mga nagdaang taon, walang kaduda-duda, ang sabi ng nakakarami. At sa pagtatapos ng 2015, umangat ang ating ekonomiya ng 6.3 percent. Sa kabila nito, malaking porsyento ng ating mga kababayan ang naghihirap. Kung kayo po ang magiging susunod na presidente ng Pilipinas, Senadora, paano niyo ibababa ang mga nagdarahop sa – ang pag-unlad ng ekonomiya at paano ninyo sisiguraduhin na yung yaman ay hindi mananatili – ay, si Senadora Poe, no? Si Senador Grace? Sandali, sandali.

Jessica Soho: Senator Miriam.

Mike Enriquez: Sorry po. Oo, si Senadora Miriam ang kausap ko. Siya po ang tinatanong ko. Opo. Ito po ang tanong, Senadora. Papaano niyo sisiguraduhin na yung yaman ay hindi mananatili sa ilan lamang kung hindi bababa sa mas nakakaraming mga Pilipino? Senadora, 90 seconds please.

Sen. Miriam Defensor-Santiago: Una, pagandahin natin, ibig sabihin, bigyan natin ng mas maraming pera sa budget itong mga factors na ito: Number one, health. Ang kalusugan ng ating mga mahihirap. Karamihan sa kanila may mga sakit e, hindi na rin makatrabaho. Pangalawa, education. Importante sa tao na edukado siya, kaya siguro hindi tama ang ating mga pagpili noon dahil maraming hindi edukado nagboboto. Pangatlo, rural infrastructure or social welfare improvements. Lahat ng ito nangangailangan na ang ating taxes should either be lowered or raised. Wala tayong eskapo diyan. So, we either have to consent to raise taxes or we should lower taxes. Hindi naman papayag ang gobyerno na kulang sa pera ang ating budget kaya the remedy will be to decrease some taxes. For example, the estate tax should be erased. Panggulo lang yan e. Naging judge ako marami akong estate taxes cases na sampung taon na hindi pa ma-resolbar. Pangalawa, real estate tax should be abolished. Law should be piggy-backed with a real property tax on the national-level kaya dalawang beses magbabayad. Kaya mahirap labanan ito. Ang kailangan dyan is the will to win.

Mike Enriquez: Salamat po, Senadora. Okay, si Secretary Roxas, may reaksyon kayo? Sige po, Secretary.

Jessica Soho: Sixty seconds.

Sec. Mar Roxas: Ang masasabi ko lang, ‘no, na tama lumago ang ating ekonomiya. In fact, fastest growing itong nakaraang anim na taon o limang taon kumpara sa nakaraan. Itong paglago ay nakahatid na rin ng kaginhawaan sa ating mga kababayan. Mahigit dalawang milyon na mga tao ang naitawid mula sa poverty line to above the poverty line. Magreklamo man o mag-kuwestyon man sa datos, pero yan ang datos ng ating NEDA at ng ating mga statistical office. Two million families ngayon ay hindi na kabahagi ng tinatawag na mahihirap. Dagdag pa doon ay yung ating mga safety nets. May safety net tayo sa PhilHealth. Noong nakaraang taon, kung magkasakit ka, kasama ng anim at kalahating milyong mga pasyente, natulungan ka ng PhilHealth sa halagang ₱65 bilyon. Kung dati-rati bawal magkasakit, ngayon may kasangga ka, ang inyong gobyerno, para hindi na mauubos ang laman ng bulsa mo sa kakabayad ng pagpapagamot. Iyan ang inihatid ng Daang Matuwid, ‘yan ang itutuloy ko sakaling mabigyan ako ng pagkakataon.

Mike Enriquez: Salamat po, Mr. Secretary. Senadora Santiago, you have 30 seconds to reply, to react kung gusto niyo po.

Sen. Miriam Defensor-Santiago: As I said, these are all promises way up in the sky. Promises in the sky is the program of government of many officials running for public office. Saan natin kukunin ang pera? Yun ang tinatanong ko. Saan? Sino ang magbibigay, magdo-donate? Mga mayayaman ba? Dadagdagan natin dahilan sa mayaman sila? Malaking problema ‘yang where to source the funds. I can make an entire list from here to there of all my promises to you, but they will each cost taxes.

Mike Enriquez: Salamat po, Madam Senator. Mga kapuso, hindi pa ho tapos ang Round Two. Pero ngayon pa lang po, pinapaalam po namin sa inyo na number one trending topic sa Pilipinas at sa buong mundo ang #PiliPinasdebate2016. ‘Eto po ay – hihinga lang po tayo –

Jessica Soho: Worldwide! Magandang pangitain yan, Mike, kasi ibig sabihin, napakarami nating mga kababayan ang interesadong-interesado sa sasabihin ng ating mga kandidato.

Mike Enriquez: Maganda ito para sa bayan. Kaya lahat tayo, hihinga muna ng saglit dahil tumitindi po ang ating talakayan ngayong hapon.

Jessica Soho: Kilatisin, busisiin ang inyong pipiliin.

Mike Enriquez: At magbabalik po ang Pilipinas Debates 2016. Diyan lang po kayo!

Jessica Soho: Makikita po ninyo ang heatmap ng Facebook naman. Kanina, heatmap ng Twitter, ngayon po naman heatmap ng Facebook. Ang Davao City at ang Ilocos Norte po –

Mike Enriquez: Davao at Ilocos Norte!

Jessica Soho: Ang pinaka-aktibo ngayon sa diskusyon sa Facebook tungkol sa eleksyon.

[INTERMISSION]

Jessica Soho: Ang inyo pong napapanood ay ang mga nanunuod sa gymnasium dito pa rin sa Capitol University sa Cagayan de Oro City. Nasa isang libo’t limang daang (1,500) tao ang kasakuluyang nanunuod noon live ng ating presidential debate.

Mike Enriquez: At nagpapatuloy po ang ating pagkilatis sa mga kandidato sa pagkapresidente dito sa PiliPinas Debates 2016.

Jessica Soho: Nasa Round Two pa rin po tayo, mga kapuso, para talakayin ang issue ng kahirapan at ang pagpapabuti ng buhay ng ating mga kababayan.

Mike Enriquez: Okay. Si dating DILG Secretary Mar Roxas naman po ang sasalang at ang makakaharap niya po ay ang alkalde ng Lungsod ng Davao, Mayor Rodrigo Duterte.

Secretary Roxas, binubunot ko na po ‘yong tanong para sa inyo. Biglang lumuwag ‘yung butas kung kayo na. O, ‘eto po.

Paunti na ng paunti ang nahuhuli ng mga mangingisda natin. Maswerte na po kung kumita ang mga mangingisda ng dalawang-daang piso (₱200) kada araw. Ano ang magiging programa ng inyong administrasyon para mai-angat ang kabuhayan ng mga mangingisda at mapangalagaan ang ating karagatan? Mayroon po kayong 90 seconds para sumagot.

Sec. Mar Roxas: Para sa ating mangingisda, ang pinakamahalaga ay ang murang pautang. Nauubos ang kanilang capital, and kanilang kinikita sa kakabayad ng interes at amortisasyon sa kanilang inuutang. Hindi pa nga sila nagpapalaot, iniutang na nila ang kanilang huhulihin. Kaya murang pautang ang isa sa pinakasusi para sa kanilang kaginhawaan.

Pangalawa, makabagong teknolohiya. Importante ito. Doon lang sa Dagupan sa ating Bottom Up Budgeting, may napakagandang project na gagawin natin ito sakaling ako’y maging pangulo sa buong Pilipinas na bigyan natin ng fish finder, ito ‘yong mga radar. Para sa ating mga mangingisda, nakikita nila kaagad kung saan ‘yong mga isda. Hindi naaksaya ang kanilang panahon at pera sa kakabili ng gasolina. Direkta sila kung saan yung mga isda, nahuhuli nila ito, balik, sariwa pa, naibebenta nila sa magandang presyo.

Pangatlo, post-catch facilities. Ito yung mga chiller. Ito yung mga packaging na mahalaga para mas mataas ang kikitain nila kumpara sa kinikita nila ngayon. Sa ngayon, limitado ang kanilang kita dahil nabubulok ang kanilang isda. Pag nagkaroon ng mga post-catch facilities tulad ng mga chiller, tulad ng mga reefer vans, dadalhin ang kanilang huli sa mga pamilihan. Gaganda ang kanilang kita.

At panghuli, ang pinakamahalaga ay imprastraktura. Imprastraktura para mas madali nilang maparating ang kanilang huli sa mga pamilihan.

Mike Enriquez: Salamat po, Mr. Secretary. Mayor Duterte, mayroon po kayong 60 seconds para mag-react ka. Agree ba kayo kay Secretary Roxas?

Mayor Rodrigo Duterte: I cannot rebut. Yeah. I cannot rebut what he has said because it’s all true. Gusto ko ngang kopyahin kung papayag siya eh. Idagdag ko nalang yung akin.

Mike Enriquez: Payag ba kayo, Secretary?

Sec. Mar Roxas: Oo naman. Bakit hindi?

Mike Enriquez: Tuloy niyo, Mayor.

Mayor Rodrigo Duterte: Well, I said – this is true in every program of government. Ang problema lang ho kasi dito, maraming tayong problema in the past. There were a lot of problems to help our fellowmen, fisheries, the farmers and all. Ang nakakaproblema ho dito is in the implementation along the way because if you have incompetent and corrupt officials, it will be the same. Biyayang Dagat noon was the greatest program of any government but along the way, sumabog because there was corruption. Ma’am Miriam says it all. Wala akong ma-debate sa lahat nila. Problema incompetence ng mga tao and corruption, eh hinda ‘yan naco-correct eh.

Mike Enriquez: Okay. Salamat po, Mayor. Secretary Roxas, 30 seconds. Incompetence and corruption. Secretary, 30 seconds.

Sec. Mar Roxas: Nasa sentro ng programa ng Daang Matuwid, nasa sentro ng diwa ng pagkatao ni Mar Roxas ‘yong anti-corruption sa mahigit dalawampung taon ng panunungkulan, ni minsan hindi nabahiran ang ating pangalan ng kahit anong anomaliya. Ako galit sa mga corrupt at hindi ko papayagan na magkaroon ng corruption sa aking panunungkulan. Ang importante dito ay itong mga nasabi ko ay nasimulan nang magawa, nasimulan nang matamasa ng ating mga mangingisda at itutuloy ko ‘yan, papalawakin ko ‘yan para mas marami pa ang giginhawa sa ating mga programa.

Mike Enriquez: Salamat po, Secretary Roxas.

Jessica Soho: Ang nabunot naman ni Mayor Duterte ay si Vice President, Jejomar Binay. Mayor Duterte, narito po ang inyong tanong. Meron po kayong 90 seconds para po sagutin ito.

Ang tanong, isa sa mga problema ng mga magsasaka at mamimili ang pagkakaroon ng mga rice cartel na nasa likod ng smuggling at price manipulation. Paano babanggain ng administrasyon ninyo ang mga rice cartel na ito?

Mayor Rodrigo Duterte: Sus, ma’am, kung ‘yan lang, I’ll do it in three days. Hulihin ko lang ‘yong gagong – ‘yong – when I testified in the senate, I identified somebody there. Bangayan. He was one of those smuggling rice. ‘Yong cartel nila, madali ‘yan. As president – sabi ko nga three to six months tapos lahat ito eh. No, really. I am willing to stake my honor, my profession, and my life. Three to six months, malinis itong bayan na ito pati ‘yong cartel-cartel na ‘yan and even those itong mga 5-6. Ang ginagawa, nagpapahiram pa doon sa mga farmers, tapos, binibentahan pa ng appliance. Kaya kung sa Davao, sabi ko, “Stop it! Stop it. Do not oppress the people.” Kaya lahat ganito. We would like to build food terminals and we would like to bank – Landbank to come in and give money to the farmers, then allow them – the Department of Trade to help in the establishment of credit unions, cooperatives. Doon maghiram. And I said ang pinakamaganda is $1 billion per region. Doon sila magtayo ng kooperatiba nila para kanila ang binabayaran nila.

Jessica Soho: Vice President Binay, ano po ang tugon ninyo sa sinabi ni Mayor Duterte?

VP Jejomar Binay: Alam po ninyo, ‘yong problema ng smuggling eh makikita ho ninyo ‘yong leader. Doon ho nagsisimula ang problema kasi ang leader hindi decisive, hindi effective. Alam ang problema eh. Eh ba’t hindi mo solusyunan? Eh, kasi hindi marunong mamuno. Ako ho, yung problema namin, sa ‘min, hindi kami masyadong naproblemahan ng mga crime o kung anu-ano pa dahil sa ako ho, eh I’m a decisive leader. I hit the ground running. Haharapin ko ang problem. Dito, halimbawa, may problema nga dito sa Mindanao dahil diyan sa mga kuryente, eh wala eh. Indecisive. Ineffective. Walang aksyon. May problema, hindi sinusolusyunan kaya ho nagkakaroon ng walang nagagawa sa smuggling.

Jessica Soho: Turn po ni Mayor Duterte para magbigay po ng kanyang counter-rebuttal.

Mike Enriquez: 30 seconds, Mayor.

Jessica Soho: Mayor Duterte.

Mayor Rodrigo Duterte: I have nothing to rebut in that statement. If it’s just a matter of rebutting, it’s useless because it’s all good. Problems I said is, is there the money? Because ang pinaka – with El Niño coming in, the fundamental duty of a president is to see to it that food is available and food is affordable. ‘Yan ho ang problema talaga.

Jessica Soho: Maraming salamat, Davao City Mayor Rodrigo Duterte. Sarado na po ang Round 2. Sa ating pagbabalik, ang third and final round. Ang isyung sunod natin hihimayin, abangan lamang po. Kilatisin, busisiin ang inyong pipiliin.

Mike Enriquez: Magbabalik po ang PiliPinas Debates 2016.

‘Eto po ang inyong makikita ngayon ay ang ating discussion trend sa Facebook naman po na mas marami pong mga babae kaysa sa mga lalake ang nakikilahok sa diskusyon sa Facebook sa PiliPinas Debates 2016. Ang kabataan edad 18 hanggang 25 anyos ang pinaka-aktibo. Mabuhay ang mga kabataan! Wala ba kayong mga kamay? Para sa mga kabataan.

[End of Round 2]

[INTERMISSION]

RELATED STORIES

1st Presidential Debate transcript: Opening Statements

1st Presidential Debate Transcript: Round One

1st Presidential Debate transcript: Round Three

1st Presidential Debate transcript: Closing Statements

Read more...