1st Presidential Debate transcript: Opening Statements

The five presidential aspirants square off in the first of three debates held at Capitol University in Cagayan de Oro City: Vice President Jejomar Binay (left), Sen. Miriam Defensor-Santiago, Davao City Mayor Rodrigo Duterte, Sen. Grace Poe and former Interior Secretary Mar Roxas. The event was sponsored by the Inquirer and GMA News. LYN RILLON/Philippine Daily Inquirer

The five presidential aspirants square off in the first of three debates held at Capitol University in Cagayan de Oro City: Vice President Jejomar Binay (left), Sen. Miriam Defensor-Santiago, Davao City Mayor Rodrigo Duterte, Sen. Grace Poe and former Interior Secretary Mar Roxas. The event was sponsored by the Inquirer and GMA News. LYN RILLON/Philippine Daily Inquirer

Mike Enriquez: Maayong hapon, Luzon, Visayas, at sa mga kapuso natin dito sa Mindanao. Ito na ang tamang panahon. Palakpakan naman diyan. <applause> Magaganap na po sa entabladong ito ang kauna-unahang pagde-debate ng lahat ng mga kandidato sa pagka-pangulo sa Election 2016.

Jessica Soho: Ito po ang kauna-unahang COMELEC Presidential Debate sa loob ng dalawampu’t apat na taon. At ngayon, dinala natin ang debateng ito sa tinaguriang “Lupang Pangako,” ang Mindanao. Live po tayo mula rito sa Capitol University sa Cagayan de Oro City.

Mike Enriquez: At kasama ng Mindanao ang buong Pilipinas, kasama ang ating mga tagapakinig sa Super Radyo DZBB, lahat ng himpilan ng RGMA at mga miyembro ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas, nationwide at worldwide.

Jessica Soho: Pati mga kababayan natin sa iba’t-ibang bahagi ng mundo na nanonood, live, ng GMA Pinoy TV, nakatutok na.

Mike Enriquez: All present po ngayong hapon ang ating mga kandidato. Sa susunod na dalawang oras, ang kanilang mga plano, ang kanilang saloobin, ang kanilang posisyon sa ilang nagbabagang isyu, inyong mapapakinggan.

Jessica Soho: Mahigpit po ang labanan, kaya kailangan maging mapanuri. Wala na pong atrasan. Pakinggan at kilatisin ang susunod na pinuno ng ating bayan. Ako po si Jessica Soho.

Mike Enriquez: Ako po si Mike Enriquez, at ito ang –

Soho/Enriquez: PiliPinas Debates 2016!

[APPLAUSE]

Mike Enriquez: Magaganap na ang makasaysayang tagpong pinaka-aabangan ng buong bayan. Inihahandog ng GMA News and Public Affairs, Philippine Daily Inquirer, at ng Commission on Elections, kasama ang KBP, ang kauna-unahang paghaharap ng mga kandidato sa pagka-Pangulo, ngayong Election 2016, dito sa Mindanao. PiliPinas Debates 2016.

[APPLAUSE]

Jessica Soho: Kasama po nating magtatanong sa mga kandidato ang Editor-in-Chief ng INQUIRER.net na si John Nery.

[APPLAUSE]

Mike Enriquez: At kasama po natin ang nagpasimula sa PiliPinas Debates 2016 ang Commission on Elections sa pangunguna ni Chairman Andres D. Bautista. Welcome, Chairman. Huwag na po natin patagalin. In alphabetical order po natin silang ipakikilala at bibigyan ng tig-iisang minuto para sa kanilang paunang pananalita.

Jessica Soho: Narito po ang kandidato ng United Nationalist Alliance o UNA na si Vice President Jejomar Binay. Meron po kayong 60 seconds, Vice President.

VP Jejomar Binay: Mga kababayan, as-salaam alaikum. Mula noon hanggang ngayon, kahirapan pa rin ang problema ng ating bayan. Laki po ako sa hirap. Nakaranas po ako ng kahirapan, kaya naman noong ako ay manungkulan sa pamahalaan, tinuunan ko po ang problema ng kahirapan. Sa Makati, napababa ko ang bilang ng mahihirap. Maraming nagkatrabaho at nakatikim at nakatamasa ng magandang serbisyo. Nagawa kong pinakamayaman ang Lungsod ng Makati sa buong bansa. Dahil sa kagustuhan kong maiahon tayo sa kahirapan, siniraan ako at ang aking pamilya ng mga bagay-bagay na walang katapusan. So, ako ho ay mamumuno, mga kababayan, dito sa ating bansa na dala-dala ang aking malawak na karanasan, tamang pamamahala at malasakit sa bayan. Maraming salamat.

Mike Enriquez: Maraming salamat po, Mr. Vice President. Ang susunod po ay ang kandidato ng People’s Reform Party, PRP, Senadora Miriam Defensor-Santiago. Sixty seconds, Senador.

Sen. Miriam Defensor-Santiago: Maayong hapon sa inyong tanan. Bisan na-late ako kay ang eroplano ko kaina – malipayon gid ako na nakalabot akon dire, kay gusto ko na kanina mag-swimming na lang ako from Laguna Bay hanggang dito.

There are many, many things we are rich in this country. We are rich in natural resources. We are rich in people resources and yet, year after year, we hear the same doleful dote from our analysts and economists, we are one of the poorest countries in the 10 Asian-member community. Why are we so poor? The answer is because everybody wants to have the money of the government in his own pocket. Tanan yan sila, lahat sila. Pag nag-presidente ako, palasen ang abutin nila. So what our country needs, really, is a sense of shared destiny.

Jessica Soho: Narito po naman kandidato ng Partido Demokratiko ng Pilipinas-Lakas ng Bayan o PDP-Laban, si Davao City Mayor Rodrigo Duterte. Meron po kayong 60 seconds, Mayor.

Mayor Rodrigo Duterte: Good day. It’s good that Ma’am Miriam is here. She’s one of the two only qualified to run this country as President. Ma’am, I am here because there is so much criminality. Drugs are flooding the country. We’ve been calling the attention of the National Government, and there is so much corruption in government. I propose that if I am President, I will get rid of criminality, drugs, and corruption. Just give me three to six months and I will do it for you. I will deliver. Again, I said we cannot go for economic growth unless we start with government. For as long as there are incompetent and corrupt officials in our government, we would never reach our goal of a happy family. And so I say that I stand here and you might consider what I’ve told you this afternoon. Thank you.

Mike Enriquez: Maraming salamat, Mayor. Pakinggan po naman natin ang independent candidate na si Senadora Grace Poe. Sixty seconds, Madame Senator.

Sen. Grace Poe: Maayong hapon sa tanan. Nararapat lamang na tayo’y nagtitipon-tipon dito para mas maintindihan ng ating mga kababayan ang nangyayari sa kanilang mga kababayan dito sa Mindanao. Ang Mindanao po ang nagbibigay ng pinakamalaking produkto pagdating sa pinya sa mundo, pangalawa po tayo, pagdating sa saging, pang-apat, pagdating sa niyog, pang-lima. Pero hindi lang ‘yon, sa buong Pilipinas, dito po tayo umaasa ng kalahating pangangailangan natin sa mais at ¼ sa bigas, kalahati naman para sa isda. Pero bakit patuloy pa rin ang paghihirap ng ating mga kababayan sa Mindanao? Marami na pong namuno na may karanasan, ngunit ganun pa rin. Ang kailangan ay isang may tunay na malasakit, merong paninindigan, mabilis kumilos at agarang makakapagbigay ng solusyon. Napakaganda ng Mindanao. Hindi lang natin dapat puntahan ito, dapat pasalamatan ito. Pino-propose namin 30% ng aming budget ay mapupunta dito sa Mindanao para sa agarang solusyon ng development. Maraming salamat po.

Jessica Soho: At ngayon naman, ang kandidato ng Liberal Party, si dating DILG Secretary, Mar Roxas. Sixty seconds, po.

Mar Roxas: Magandang gabi sa inyong lahat. Hindi ho ba, ‘pag pinasimple ang tanong, nagiging simple at klaro din ang sagot? Ano ang tanong? Kung ihahambing natin ang pagpili ng pangulo tulad ng pagpili natin kung sino ang magmamaneho sa ating mga anak sa araw-araw, sino ang pipiliin natin? Kanino natin ipagkakatiwala ang kaligtasan ng ating mga anak? Sa isang taong may kaso ng pagnanakaw, sa isang mainitin ang ulo na maaaring ma-aksidente, sa isang ngayon pa lang natututong magmaneho, o ipagkakaloob po natin ito sa isang taong matagal na po ninyong kilala, matagal ng nanilbihan at ni minsan, hindi kayo pinahamak o pinagsamantalahan, at may magandang rekomendasyon pa sa dati niyang pinagtrabahuan? Buo ang loob ko sa inyong pagpasiya. Maraming salamat po.

Jessica Soho: Maraming salamat po sa ating presidential candidates. Maaari rin pong makilahok sa diskusyon sa social media at gamitin ang hashtag ng #PiliPinasDebates2016. Mag log-on din sa gmanews.tv/eleksyon2016.

Mike Enriquez: Huwag na huwag po kayong bibitiw dahil susunod na po ang Round One ng debate ng ating mga kandidato.

Jessica Soho: Kilatisin, busisiin ang inyong pipiliin.

Mike Enriquez: Ito ang PiliPinas Debates 2016.

[Applause/Music]

Mike Enriquez: Live na kuha po iyan ng GMA 360-degree camera dito sa loob ng Capitol University sa Cagayan de Oro, Mindanao. Espesyal na kamera po iyan na kumukuha ng lahat ng anggulo at maaari ninyong kontrolin sa pamamagitan po ng mga staff namin dito sa Debate Hall kung tawagin. Punta po kayo sa GMANews.tv.

RELATED STORIES

 1st Presidential Debate Transcript: Round One

 1st Presidential Debate transcript: Round Two

1st Presidential Debate transcript: Round Three

 1st Presidential Debate transcript: Closing Statements

Read more...