FULL TEXT: Panelo ambush interview on Ho, Diaz controversy
(AMBUSH INTERVIEW OF PRESIDENTIAL SPOKESPERSON AND CHIEF PRESIDENTIAL LEGAL COUNSEL SECRETARY SALVADOR PANELO MAY 10, 2019 between 3:24p.m.and 3:37 p.m. MALACAÑANG)
Q: [Recording starts]…doon sa matrix. How will you explain po their involvement doon sa ouster plot?
SEC. PANELO: Well, in the first place hindi naman sila involved. Ano lang iyon eh, I think some of you or others who may have seen that diagram made a wrong analysis. Ang nakalagay doon, napakita lang doon iyong active Facebook online ni Rodel Jayme, kung sino ang mga pina-follow niya. Pinapakita lang—to visualize kung anong character niya, anong persuasion niya, anong political interest niya. Pinakita, pero hindi ibig sabihin involved si Gretchen Ho saka si Ms. Diaz.
Ang naging problema, since may mga kasama kayo na inilabas kaagad sa diyaryo na involved, eh akala naman tuloy ng iba, involved nga. Hindi iyon ang ibig sabihin noong diagram, pinapakita lang doon na itong account ni Rodel Jayme very active at ito iyong mga sinusundan niya o kaya—
Q: Not necessarily part—
Article continues after this advertisementSEC. PANELO: No, not necessarily.
Article continues after this advertisementQ: Hindi ninyo kasi na-explain sir agad.
SEC. PANELO: Unang-una, wala naman tayong oras mag-explain ‘di ba? I was rushing.
Q: So sir, sino na po ‘yung sure na involved? Iyong mga pinangalanan ninyo lang po na—doon sa Power Point presentation na—
SEC. PANELO: Hindi, hindi ko pinangalanan. Another thing ha, that matrix is not mine. I did not make that matrix – ako tuloy ang binabanatan eh – I’m just the messenger. Binasa ko lang iyong—prinesent ko lang. So when you say pinangalanan ko, binabasa ko lang kung anong nakalagay doon. Siguro, ang dapat tingnan natin iyong mga major players na nandoon.
Q: So sir, just to be clear. Walang kinalaman si Hidilyn at saka si Gretchen Ho doon sa ouster plot?
SEC. PANELO: Wala. Parang pinakita lang doon na itong si Rodel Jayme, very active ang kaniyang account tapos ito ‘yung mga pina-follow niya. Pinapakita kung anong interest niya, anong political interest o anong pagkatao niya.
Q: Sir sabi ng Liberal Party, si dating Presidential Spokesperson Edwin Lacierda na parang grade school diagram lang po daw iyong matrix na prinesent ng Malacañang. Sabi naman noong journalist na si Ellen Tordesillas, dapat instead of matrix, hard evidence po daw ang i-present daw ng Palace.
SEC. PANELO: Eh baka naman si Edwin Lacierda eh sanay sa mga grade school teachings kaya sinabi niya iyon. Iyong sinasabi naman na… alam mo ‘yung tinanggap ni Presidente, intelligence information ‘yan. So, siguro ‘yung nag-present sa kaniya gumawa ng diagram/matrix para makita ni Presidente kung ano ang—how it works, ‘yun lang naman ang ibig sabihin noon eh.
Q: Sino po ba sir iyong source ni Presidente?
SEC. PANELO: O wala naman siyang sinabi, basta sinasabi niya it was coming from source na vinet (vet) niya.
Q: Credible sources—
SEC. PANELO: Coming from the President… Alam mo ‘pag presidente ka, hindi ka lang basta maglalabas ng mga impormasyon na hindi mo ginawa ang necessary vetting.
Q: Is it a foreign source, sir?
SEC. PANELO: Hindi ko alam. Wala siyang sinabi sa akin.
Q: Sir ang PNP, wala daw silang anything na na-contribute doon sa making of the diagram or matrix. So hindi po local sources ito, sir?
SEC. PANELO: Not necessarily. ‘Di ba sabi ko na nga sa inyo, even assuming na foreign source, it doesn’t mean na galing sa foreign source – puwedeng galing sa local, pinasa sa foreign source, binalik kay Presidente… maraming klase.
O another thing, parang may nabasa rin akong mga ilang accounts na—‘di ba nangako ako sa inyo – bombshell?
Q: Yes sir…
SEC. PANELO: Na ito raw ang bombshell… No, this is not the one. The bombshell I was referring to, naunahan ako ni Senador Sotto – iyon ang aking bombshell. Kasi… kaya hindi ko mailabas, because I was asking the PNP, “Kailan ba nilabas ‘yan ni Bikoy, nitong si Advincula?” Saan inilabas, paano niya nilabas – hindi pa nila masagot sa akin eh. O ‘yun pala, inilabas pala kay Senador Sotto – o kaya hindi ko muna inilabas. Eh since inilabas nila…
Q: Wait sir. Ito ‘yung sinasabi po ninyo na si Bikoy is the same person who accused PNoy. Is that the bombshell?
SEC. PANELO: Yes. Hindi, ang bombshell actually doon is papakita mo na ginawa niya na dati. In other words, fake talaga. Parehong-pareho kasi, nakita ko ‘yung analysis ng mga pulis eh – same pattern, pati ‘yung mga code number medyo binago-bago lang nang konti pero parehong-pareho ang style – kaya talagang fake nga, black propaganda talaga.
Q: Sir, will you say sorry or apologize to Hidilyn Diaz and Gretchen Ho?
SEC. PANELO: No. I think those who should apologize are those who wrongly analyzed.
Q: But at least sir, what’s your message for Hidilyn and Gretchen?
SEC. PANELO: Eh gaya na nga ng sinabi ko, iyong pagkalagay ng mga pangalan nila, just to show the active Facebook account of Rodel Jayme – siya ang subject, hindi sila.
Q: Pero sir, hindi kasi naging malinaw iyon kaagad unang-una.
SEC. PANELO: Eh hindi nga malinaw, eh nag-conclude naman kaagad kayo. You must remember na I was rushing then and I had to leave.
Q: But, don’t you think it’s important sir na malinaw ninyo kaagad kasi may mga taong—
SEC. PANELO: O ngayon nga. Hindi ba ngayon—‘di ba nililinaw na natin dahil nagkamali kayo ng analysis or some of you anyway.
Q: So sir just to be clear, iyong mga involved lang po talaga sa ouster Duterte plot ay sinu-sino po?
SEC. PANELO: Ay kung anong nakalagay doon sa diagram.
Q: Eh nandodoon sila sa diagram…
SEC. PANELO: Hindi, ang ibig sabihin iyong mga major players. Makikita mo naman doon, nakalagay naman eh.
Q: Iyong mga—at least iyong mga drinop (drop) ninyo po na names, iyon po ‘yung involved?
SEC. PANELO: Iyong mga nakalagay doon na pangalan na, like si Banal… sino ba iyon? Sinu-sino pa ‘yung mga… hindi ko na maalala ‘yung mga… But what is sure is, iyong Liberal Party saka iyong Magdalo ang involved – that is what I got from the President himself.
Q: May 13 sir, elections na po. May fresh directives po ba ang Pangulo?
SEC. PANELO: Well, we just issued a statement. I don’t know kung Nakalabas na.
Q: I understand, meron na sir.
SEC. PANELO: Meron na? We urged of course the electorate to vote and participate in this democratic exercise or where we have to elect our representatives. And we would like to issue a very stern warning: concerns and apprehensions have been raised as to the conduct of this election. Marami tayong naririnig na mga pangamba, kesyo may mga—meron nang mga daya daw sa overseas eh.
So, we are urging Comelec, sentinel of the electoral exercise, to be on guard and to perform their constitutional duty to make this election clean, honest, orderly and peaceful. And we would like to warn any personnel of the Comelec as well as the contractor, the Smartmatic, eh gawin ninyo iyong dapat ninyong gawin na maayos in accordance with law. Because the President has put in place measures and he will determine kung sino at papaano ninyo dinadaya ang eleksyon.
Kung meron man kayong mga balak, huwag n’yo nang ituloy, because the President will not tolerate it and the law will be thrown at them pag ginawa ninyo iyon. This is the only time that the rich and the poor alike, the powerful and the weak, eh iisa lang ang value ng kanilang boto. Eh walang mayaman at walang mahirap dito. Isang boto sa bawat isang tao.
Q: Sir, aware ba si Pangulo doon sa overseas, iyong voting ng overseas workers na pinapadala sa kanila iyong –by mail iyong ballot, iyong balota and then ipapadala doon sa embassy. Then allegedly, maraming mga OFWs ang hindi nakaboto kasi hindi dumating on time iyong mga ballots.
SEC. PANELO: Eh kaya nga, eh nasa Comelec iyon. Ang Presidente, walang kinalaman diyan, it has to be the Commission on Elections, because under the Constitution, siya ang in charge sa election. Kaya kung anumang reklamo nila, with respect to them, dapat address sa Commission on Elections.
Q: Saka DFA.
SEC. PANELO: Siguro kasama na rin ang DFA, pero Commission on Elections iyan eh – any irregularity.
Q: Sir, sabi ninyo iyong mga botante kailangang bumoto ng maayos, pero may mga kandidato po na involved pa rin sa mga vote-buying, may appeal po ba kayo sa kanila?
SEC. PANELO: Aba, eh di gaya nga ng sinabi natin, we will prosecute those who violate the law regardless of their political affiliation and station in life.
Q: Sir, some watchdogs are saying na baka iyong problem ng 2016 elections with the PCOS machine mangyari ulit, kasi same machine lang daw ang gagamitin, baka may ganoon ding problem this Monday?
SEC. PANELO: Ay hindi ba sabi ng Comelec ginawan na daw nila ng paraan iyan. Kaya nga we are precisely issuing a warning na huwag na nilang ituloy kung ano ang balak nila, hindi papayag si Presidente.
Q: Sir, iyong dinner lang the other day, Tuesday, with the celebrities. Anong purpose nung dinner na iyon?
SEC. PANELO: From what I gather iyong mga tumulong sa kanya, parang binigyan ng pasasalamat, it’s a thanksgiving dinner.
Q: So, they are all supporters of the President, sir?
SEC. PANELO: I think so, iyon ang alam ko.
Q: Sir, kumusta si President, kasi kahapon hindi po siya naka-attend sa Hugpong ng Pagbabago?
SEC. PANELO: Hindi, kasi ang lakas ng ulan, eh nasa labas eh baka magkasakit pa, saka sandaling-sandali lang iyong rally.
Q: Sabi po ni SAP Bong Go ay kailangan daw pong magpahinga ni President?
SEC. PANELO: Yeah, kasi napagod siya. Hindi ba nag-ano kami sa Bohol, inabot naman kami ng past midnight doon. Hindi ko nakita si Ina doon, nandoon ba si Ina.
Q: Pero sir, okay naman ang kondisyon niya kahit kailangan niyang magpahinga?
SEC. PANELO: Oh yes, definitely, eh Bukas may rally di ba, malaking rally sa Ultra, iyon sigurado nandoon siya – definitely. Ay ako umuwi rito para lang pumunta sa inyo ha. Talagang bababa ako sa inyo eh, kaya nga gumawa kaagad ako ng statement.
Q: Nakasabay kita sa baba sir, ibinalita ko sa kanila na nandito ka.
Q: Maaga ba sir, boboto si Pangulo sa Monday?
SEC. PANELO: Ah hindi ko alam.
Q: Eh sir, kayo maaga?
SEC. PANELO: Usually, I go there either before or after lunch, doon kami sa Marikina Heights.
Q: Sir, hindi nagustuhan ng Gabriela iyong..?
SEC. PANELO: Oh ano na naman.
Q: Pagbiro daw ni Presidente doon sa Bohol Mayor.
SEC. PANELO: Alam ninyo, kapag si Presidente kasi ang nag-ano, nagpapatawa lang iyon, kasi people are always expecting na eh na magpapatawa siya, eh iyon ngang girl tawa ng tawa eh, kasi alam naman niya, kilala niya si Presidente na ganoon, pa-kwela lang iyon.
Q: Wala ba siyang ibang pakuwelang puwedeng gamitin, sir?
SEC. PANELO: Eh iyon ang kumakagat sa tao eh, di ba ang mga Pilipino kung ano ang kinagisnan.
Q: Thank you po.
SEC. PANELO: Thank you.
Source: Presidential Communications Operations Office News and Information Bureau