Full transcript: VP debate at UST | Inquirer News

Full transcript: VP debate at UST

/ 12:17 AM April 12, 2016

Pinky Webb: Thank you Senator  Trillanes, thank you candidates. Let’s begin with the debate proper.

Pia Hontiveros: Our first topic this evening – corruption . According to the 2015 corruption perceptions  index, the Philippines still belongs to the top 50% of the most corrupt countries in the world. Of  168 countries, we are number 95, our question to all six candidtates “How can you ensure that you can fight corruption, especially for those of you who have been accused or linked to this problem?” You have a minute and 30 seconds each, we will begin with Senator Escudero.

Sen. Chiz Escudero: Layunin namin para labanan katiwalian ni Senator Grace, ang mga sumusunod. Una, dapat ipasa na ang matagal ng ipinapangako ng administration na FOI bill. Ang FOI maglalagay ng ilaw at kamera ika nga para sa bawat transaksiyon ng pamahalaan, kung saan titiyakin natin at sisigurahuin  na sinumang gagawa ng kalookohan o katarantaduhan mahuhuli at madaling makikita. Pangalawa, kakilala man o hindi, titiyakin namin sino man nagnakaw miski piso sa kaban ng bayan, pananagutin at ikukulong sa harap ng hustisya kung saka-sakali ika nga ,sa princinto na siya magpaliwanag. Pangatlo, for me, discretion always equals corruption,  so therefore if we minimize discretion, we will be able to minimize corruption. If we eliminate discretion , we can eliminate corruption. Layunin namin i identify  areas of discretion sa pamahalaan para bawasan at alisin ito. Kabilang na ang ilang measures na gusto naming gawin. Halimbawa sa Bureau of Customs, papalitan namin ang uniporme nila. Bawal na  ang may bulsa sa Bureau of Customs. Panagalawa, babaguhin namin ang kanilang la mesa tulad nitong mga salamin, wala na pong mga drawer dapat. Sa pamamagitan nito at iba pang bagay, layunin namin at patunanyan, seryoso kami ni Senator Grace na labanan ang katiwalian

Article continues after this advertisement

Pia Hontiveros: Thank u senator escudero. Senator Honasan

FEATURED STORIES

Sen.Gringo Honasan: Yung corruption po ay seryosong issue, kailangang labanan at harapin yan. It is simply a case in breakdown of control mechanism. Simulan po natin sa FOI bill transparency . One stop shop para hindi na dumaaan sa manual, computerized . Para paigtingin at palakasin yong control mechanism, consider  amendments to the Local Government Code ,Local Government code po. Di devolve natin po yong authority and responsibility nakalimutan po natin i devolve iyong pera, kaya nakapila na naman dito lahat sa National Capital Region. Pinupulitika pa iyong pila na iyon. Amend the auditing code, amend the Internal Revenue Code. Empower our frontliners, local government, food , clothing, shelter, heath, education, peace and order, lahat po iyan nakasalalay sa local government. Suportahan dapat iyan ng national government , full support.  Disaster risk and management, full support din ang national government. At higit sa lahat empower the citizenry with the very active public information system. Educate the first sector that we need to educate, the government sector. And of course, ensure  that our leaders are elected not on basis of personalities, but issues and platforms.  Salamat po.
Pia Hontiveros : Thank you Senator Honasan. Senator Marcos

Sen. Bongbong Marcos: The corrosive influence of corruption is clear to see. Ito po ay napakalaking sagabal sa ating progreso. Ngunit kapag po tayo ay magkakaroon ng anti corruption drive, kailangan po na maliwanag na pantay-pantay ang trato sa kahit sino. Sila man ay mga kaalyado , sila mannay kalaban sa pulitika. Huwag  po natin lalagyan ng pulitika. Pati ba naman ang mga paglaban ng corruption, pati ba naman iyong sa ating pagtulong sa progreso ng ating bansa?  Sa dalawampu’t pitong taong na aking paninilbihan ay maipagmamalaki ko po, wala po tayong bahid sa corruption. Itong record na po ito ay ipagpapatuloy ko sa darating na panahon.Ito po ay ipagpapatuloy ko bilang ang inyong pangalawang pangulo.

Article continues after this advertisement

Pia Hontiveros : Maraming Salamat, Senador Marcos.

Article continues after this advertisement

Pinky Webb: Let’s now go to Congresswoman Leni Robredo, Congresswoman

Cong Leni Robredo:  Ang pinakamahalaga po sa anti-corruption drive na kami mismo ang namumuno walang bahid ng corruption para pinaniniwalaan kami . May tatlo pong  elementong kinakailangan : accountability sa lahat ng public officials;  transparency sa lahat ng government transactions at saka people participation in governance .Nung ako po ay umupo bilang kinatawan noong 2013, iyong mga nauna ko pong panukalang inihain, lahat po ay anti-corruption. Lahat po ay para sa good governance. Sa unang araw po ng aking panunungkulan, ang inihain ko pong panukalang batas  ay Full Disclosure Bill, para po i-require ang govt na lahat ng financial transactions ay i-public sa publiko. Iyong aking version ng FOI, iba po ang sa versiyon ng Senado. Iyong versiyon ng Senado demand driven, sinasabi po na pag may request ng dokumento galing sa gobyerno, kailangang isaiwalat ng gobyerno. Pero iyong versiyon ko po ng FOI ay kahit walang demand, obligado dapat ang gobyerno to make public all document. Pag upo ko po mayroon oang PDAF, pero  nag file po ako ng resolution na dapat iyong PDAF ay  i-convert into district development fund para po iyong diskresyon na nasa mga congressman pero dapat i sini-share  sa civil soceity at sa gobyerno. Nag file din po ako ng Empowerment Bill para magkaroon na ng spaces of people participation in governance.

Pinky Webb: Congresswoman Leni Robredo, maraming salamat po. Let’s now go to Senator Trillanes.

Sen. Antonio Trillanes: May mga template nap o paano masugpo ang corruption . Ito ay ginawa na ng mga ibang bansa. Ang una nilang ginawa ay   itinaas ang sweldo . Kailangan  ang sweldo ng mga kawani ng gobyerno ay sapat ng sa ganoon ay hindi sila m-inganyo  tumanggp ng suhol.  Iyan po ang unang hakbang.  Pagkatapos po kailangan nating magkaroon ng isang  anti- corruption agency under the executive department.  Sa ngayon kasi wala tayong ganyang ahensiya na kung saang kung may isang ahensiya na nagkaroon ng anomaly, ang ginagawa po ay ipinapasa sa NBI o sa  anong agensiya na Adhoc lang or temporary lang.  Kung mayroon tayong anti-corruption agency, mayroon mag iimbistiga motu propio and administrively pwede silang madismiss o ma-suspend. Iyan po ang nawawala dito sa ginagawa natin.  And doon naman po sa side ng COA,  kailangan na rin nating baguhin iyong kanilang auditing procedures. Kailangang tanggalin iyong mga resident auditors dahil ngayon , iyong  COA auditors na sila  ang frontline sa anti-corruption, sila ay tinatakot , sinusuhulan o  kinokoop. So kung tatangalin natin iyong resident auditors o I ra-raffle na lang iyong mga i –audit na dokumento sa kanilang mga district offices, hindi alam noong mga agencies kung sino ang susuhulan nila.

Pinky Webb : Thank you Senator, let’s us now go to Senator Alan Peter Cayetano.

Sen. Alan Peter Cayetano : Lahat po na nasa stage na ito ay nagsalita tungkol sa anti corruption. Pero noong tinignan ko ko sila , so far po ah, si Senator Trillanes, Senator Honasan at ang inyong lingcod lang ang  nagtaya ng buhay naming laban sa corruption. (audience reacts)  Ganoong  ganoon na si Alan Cayetano ay lalaban sa corruption? Bukod sa walang hawak sa amin sa leeg, walang malaking negosyante na  pumo-pondo sa aming kampanya, sabihin ninyo anong isyu ng corruption an gating bansa at wala doon si Alan Cayetano?  EDSA1, EDSA2, kay Binay, kay Arroyo,  SSS, Fertilizer scam, lahat po noon nadoon kami at lumaban. Meron po tayo kasama dito na  pag ibang hearings nawawala, kasi mga kaibigan ang nandoon. Pag coco levy nawawala, pero nagulat po ako mga kababayan, sabi ni Senator Bongbong wala raw bahid ang kanilang pamilya .  10Billion dollars ang nanakaw ng panahon nila, 450 billion pesos.  Noong isang lingo lang po  nagulat ako, 205 Million po ang binigay sa Napoles ng mga NGO, pork barrel po iyon ng hindi ng tatay niya pero siya. Kung hindi  iyon po ay hindi pa  bahid pulitika ,hintayin ninyo maging Vice President siya baka  isang saan bilyong dolyar na ang mawala sa atin.

Pinky Webb:  Senator Honasan, because Senator Marcos was alluded to, I hope you don’t mind na unahin ko muna si Senator Bongbong Marcos, Sir go ahead.

Sen. Bongbong Marcos:  Unang-una , iyang malalaking numnero na  nababanggit ng ating kasamahan dito ay wala naman pinanggalingan. Eh nagtataka ako kung saan kinuha iyang napalakaking numero na  sinasabi niya (audience reacting).  Pangalawa, nagtataka naman ako , nagtataka naman ako na sa tagal naming pagsasama ni  Senator Alan, eh ilang taon na kaming magkasama sa partido,  ilang taon na kami magkasama sa Senado,  eh wala naman siyang binabanggit na siya ngayong inaalala niya tungkol diyan, bakit ngayon lang?  Baka naman mapagsuspetsiyahan siya na namumulitika. Tungkol po doon sa kaso ng PDAF na sinasabi niya, eh  nasagot  na  po natin  iyan.  At kung may ebidensiya man kontra sa aking , alam natin na gagamitin po  ng pamahalang ito .  You must remember, I am a Marcos and the president is  an Aquino.

Pinky Webb: Senator  Cayetano

Sen. Alan Peter Cayetano :  Because I was mentioned, can I rebut?

Pinky Webb:  Yes- Ok will give you a chance Sir, but after that we have to go to Senator Honasan and Senator Chiz Escudero. Senator Cayetano, go ahead

Sen. Alan Peter Cayetano: To be fair to you Senator Bongbong,   iyon din ang akala ko,  kung may Napoles ka, bakit ngayon lang .  Eh tinignan ko eh 2007 to 2009 lang  yong audit, 2011 ang  iyong sa iyo ,  kaya ngayon lang  lumabas. Pangalawa po,  hindi totoo  walang basihan ang numero. 4 Billion dollars na po, dalawang bilyong piso ang  na recover ng PCGG . Ayan po chairman ng Comelec dating PCGG.  Hindi ko alam kung sa akin siya natatawa o kay Senator Bongbong.  Pangatlo po,  isang Bilyong Dolyar ang ngayong pinaglalabanan pa rin ng gobyerno at ng  Marcos family.  Pang-apat po, sa SALN ni Senator Bongbong, 200-500 Million Pesos po , eh never ka naman nagkatrabaho kundi sa gobyerno, saan mo kukunin ang ganoong kalaking pera?

Pinky Webb:  Senator Gringo Honasan, you’re next Sir-  Senator Honasan, kayo na po

Sen. Honasan:  Pinky naririnig mo ba ako ?

Pinky Webb:  Sir, I can hear you. Siguro ang mga tao.. Can you hear Senator Honasan, okay na po , Sir go ahead.

Sen. Gringo Honasan: May kasabihan, kung walang corrupt, walang mahirap. Iba ang  pananaw ko.  Kung walang mahirap, walang corrupt.  Kaya let’s solve the poverty problem, the social injustice problem. Educate our people more. Pangalawa,  kaya po may ganyang bill para po may transparency. Mawalang galang sa iyong media. Some, I’m not saying most -corrupt, irresponsible elements in media, very powerful, have almost rendered our courts, our justice system irrelevant. Pag nilagay ka sa front page, headline, tapos na, irrelevant na yung korte. It affects, not only us personally us public servants, but  our families and children. Hindi naman siguro yata tama yun.

Pinky Webb:  Very quickly, I’d like to do a follow up on Senator Gringo Honasan. Sir, of course, this is in relation to allegedly your kickbacks that you received 1.75 Million doon po sa PDAF, iyon po ang inyong pinag-uusapan Sir?

Sen. Gringo Honasan:  Lahat,lahat hindi lang iyong kaso ko. In fact, hindi pa kaso. Pag umabot sa korte, haharapin ko iyan.  Pero iyong  trial by publicity, iyong  trial by publicity, lalaban ko yan.

Pinky Webb:  Senator Honasan, Thank you.  Senator Chiz, it’s your turn.

Sen. Chiz Escudero:  Maraming salamat Pinky.  May nais lang akong linawin na nabanggit kanina.  Ako po ang pangunahing author ng FOI Bill sa Senado.  Si Senator Grace ang  sponsor ng FOI Bill sa Senado.  Hindi po totoo na demand driven iyon .  Sa katotohanan, nakalagay po sa aming bersyon na dapat  ilagay sa internet ang lahat ng transaksyon ng pamahalaan. Kung may pagkakaiba man sa bersyon ng Senado at Camera sa FOI, ito po iyon.  Kami sa Senado, matagal na po naming sinasabi na aprubahan ang FOI bill. Ang FOI Bill hanggang ngayon sa Camera de Representantes natutulog pa rin at hindi pa rin na apprubahan ng Kongreso.  Pangalawa, bahagi ng katiwalian  para sa akin ang paggamit ng pwesto para isulong ang personal at  pang sariling interes. Mahalaga sa akin at  pinahahalagahan ko ang delikadesa dahil para sa akin isang uri ng katiwalian ang kawalan ng delikadesa sa pwesto.

Pia Hontiveros:  We are going to give a chance to Senator Marcos to respond to Senator Cayetano.

Marcos: Once again, I have to question the numbers  that Senator Alan is throwing around at hindi  naman talaga na confirm , wala naman dokumento  sa kanyang sinasabi , wala naman po tayong nakikita. Lahat po ng mga bagay bagay na iyan ay nagging bahagi ng kung ano-anong kaso sa korte. At kami naman po kahit  ano naming  iuutos ng Korte ay aming sinusundan . Kaya naman po ay masasabi ko na hindi po maliwanag na sa amin galing iyon,  kung saan galing iyon, kung hindi sa iba’t-ibang tao kaya’t tignan po natin ang mga facts .

Sen. Alan Peter Cayetano:  May I respond to that?

Pia Hontiveros:  A very brief  response Senator Cayetano.

Sen Alan Peter Cayetano :  Tignan po ninyo ang mismong interview ng nanay po ni Senator Bongbong. Sabi ng nanay niya they practically they own the Philippines, telecoms, all this businesses. It is all on the record. I-google niyo, iyong may mga telepono ngayon, i-google ninyo iyong  recovered ng PCGG. Ibahin natin usapan, sabihin na ninyong hindi totoo for the sake of this debate, kahit totoo. Anong hearing sa corruption  nakita ninyo nag appear ang isang Bongbong Marcos? Kahit anong isyu sa corruption wala siya doon. Kami daw na- mumulitika  kasi nilalabanan namin ang corrupt. Madali po mga kababayan , madaling magsabi kami ay anti-corrupt. Pero itaya mo buhay mo, itaya mo career mo, awayin mo , si Enrile nakawaya na nila, pero ngayon siya ang ini-endorse. Pero hindi ini-imbestiga ang mga negosyo ni Enrile doon sa Cagayan. Iyon po ang klase ng paglaban nila sa corruption.Salita lang walang gawa.

Pia Hontiveros:  Senator Cayetano, thank you.  For the sake of this debate, we need to stop this for awhile to cool off ng konti, Pinky-

Pinky Webb:  Siguro mamaya pwede nating balikan at tanungin natin si Senator Marcos , iyong tanong ni Senator Cayetano why he never appeared in the hearings on corruptions. Pero at this point, we have a Yes or No portion. Green means Yes and No is red.  Andiyan po nakikita na po ng ating mga kandidato ang kailangan nilang itaas.  Ready na ho kayo? Ito ang tanong. : Have you ever engaged in any corrupt practices ?

Pia Hontiveros : All of them of course, the live audience , everybody has seen, the answer is no.

Pinky Webb:  Thank you, thank you candidates, thank you for the first answer to our Yes or No question.

Pia Hontiveros:  You are watching the Pilipinas Debate 2016 right here on CNN Philippines and we are live streaming  on channel 9 , on CNN Philippines.com. Alright, we’re going to have  take a break, we will be right back.

Pia Hontiveros: Welcome back to the Pilipinas Debates 2016 on CNN Philippines, this is the first and only official Vice Presidential debate with all 6 candidates sharing the same one stage to answer all your questions. Ang hirap bitwan ng isyu ng corruption kailangan sumagot pa si Sen. Bongbong Marcos. Sen. Marcos?

Sen Bongbong Marcos:  Maraming salamat at nais kung sagutin dahil ‘tong mga alegasyon na biglang nilalabas nitong ating kaibigan na eh tunngkol sa PDAF. Alam niyo po kun g babasahin niyo ang affidavit ni Ms. Napoles mismo, siya mismo ang nag clear sakin na sinasabign wala siyang kinalaman sa akin. Wala- hindi kami magkakilala, wala ho kayo nakitang picture na magkasama kami. Eh kaya naman po eh maliwanag na maliwanag na wala po akong kinalaman diyan sa mga PDAF scam na pianguusapan. Nagugulat lang po ako- Nagugulat lang po ako na lumalabas ngayon dito- eh palagay ko dahil yun nga, pamumulitika naman an gating hinaharap. Kaya po di malabas labas, hindi po mawala wala ang problema ng korupsyon dahil pati ba naman ‘yun ay pinupulitka. Eh ito po ay serbisyo para sa tao, para sapag papaganda ng ating buhay at n gating bansa.

Pia Hontiveros: Salamat, Sen. Marcos.

Pinky Webb: All right. I’m sorry, but we’re gonna have to give a chance- Si Cong. Leni Robredo, during the break asked  if she could respond on the issue of corruption, Senator Cayetano. Go ahead, Ma’am.

Cong. Leni Robredo: Yung sakin lang po, binangit kasi ni Sen. Chiz na yung essence ng korupsyon ang diskresyon.  Dapat tinatangal yung diskresyon sa aming mga public officials para hindi- hindi nagkakaruon ng malaking puwang para sa korupsyon. Kaya yung tanong ko po, napakatangal niya nag congressman., napakatagal niya pong nag senador- nakinabang sa PDAF. Yung PDAF po ay diskresyon. Ano po nagawa niya para matangal yung diskresyon?

Pinky Webb: Sen. Chiz Escudero, go ahead Sir.

Sen. Chiz Escudero: Ako po and Finance Committee Chairman ng Senado na nagpatupad ng pasya at desisyon ng Korte Suprema na nag abolish sa PDAF. In fact, sinulat namin sa GAA mismo yung eksaktong mga salita at pangungusap sadesisyon ng korte sa kaunaunahang General Appropriations Act na nagbawal sa PDAF. Chairman po ako ng Committee of Finance sa Senado na gumawa nun.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pink Webb: O.K Congresswoman, please go ahead.

Cong. Leni Robredo: Kahit kami Congreso pinasa po yung GAA, andun din po yun. Pero hindi po yun yung tanong ko, napaka tagal niyang Congressman, yung PDAF tinangal ngayon lang pong term namin. Ano po yung ginawa niya dati para maiwasan yung diskresyon.

Pinky Webb: Did you do anything in the past, Sir? Yun po ang tanong ni Congresswoman Leni Robredo.

Sen. Chiz Escudero: Did I do anything in the past, Ma’am?

Pinky Webb: Meron po ba kayong ginawa ng nakaraan- [over talk]

Cong. Leni Robredo: -Para maalis ang diskresyon

Pinky Webb: – Noon meron pang PDAF para matangal yung diskresyon-

Sen. Chiz Escudero: Alam niyo po 9 na taon pong walang PDAF sa ilalim ng Administrasyion ni Panguolong Arroyo dahil ang  pinaglaban ko ang katotohanan at ang kalayaan n gating halalan. Ni hindo  siguro  ang PDAF dahil sa mahabang panahon na ako’y Congresista, wala pong narelease sakin na PDAF sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Aroryo.

Pinky Webb: Sen. Honasan, please

Sen. Gringo Honasan: Pinky, mawalang galang na sa ating mga kasamahan- Pinky, can you hear me?

Pinky Webb: I can hear you, Sir

TAGS: Nation, News

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

© Copyright 1997-2024 INQUIRER.net | All Rights Reserved

This is an information message

We use cookies to enhance your experience. By continuing, you agree to our use of cookies. Learn more here.