Full transcript: VP debate at UST | Inquirer News

Full transcript: VP debate at UST

/ 12:17 AM April 12, 2016

Pia Hontiveros:  Welcome to the  CNN Philippines’ Vice Presidential debate, this is the 3rd  in the Pilipinas Debate 2016 series organized by the Commission on Elections and in cooperation with the Kapisanan ng mga Brodkaster  ng Pilipinas, the University of Sto.Thomas and the Business Mirror.  I am Pia Hontiveros

Pinky Webb:  and I am Pinky Webb, magandang hapon pos a inyong lahat at mapapanood ninyo po kami live sa free TV channel 9 at livestreaming sa CNN Philippines.com   at CNN Philippines’ facebook. Are you ready ? Introducing the six candidates for vice president of the Republic of the Philippines. In alphabetical order, Senator Alan Peter Cayetano,  running mate of Davao  City Mayor Rodrigo Duterte ; Senator Francis Chiz Escudero, who is running of course with Senator Grace Poe; Senator Gregorio Honasan, running mate of Vice President Jejomar Binay;

Pia Hontiveros:  Senator Bongbong Marcos, running mate of Senator Meriam Defensor Santiago; Representative of the 3rd district of Camarines Sur, Maria Leonor “Leni” Robredo, running mate of former DILG Secretary Mar Roxas; and Senator Antonio “Sonny” Trillanes.

Article continues after this advertisement

Pinky Webb:  Ladies and gentlemen here are your candidates  for Vice President of the Republic of the Philippines.

FEATURED STORIES

Pia Hontiveros:  Candidates, you may now take your positions behind your podiums while we go through the rules of the debate.

Pia Hontiveros : A minute and 45 seconds will be allotted for the opening statement. A minute will be dedicated to the closing statement. Candidates will have a minute and 30 seconds to answer a general question .  These are questions that will require a response from all candidates. General questions will be answered starting from left to right in rotating sequence.  It allows all the candidates to have the opportunity to be the first to answer a general question.  Candidates will have one minute to answer a follow-up question.  The same rules that are asked only of specific candidates.

Article continues after this advertisement

Pinky Webb: Candidates have one minute to do a rebuttal.  A rebuttal can take place when a candidate is mentioned or alluded to, or when a candidate’s running mate is mentioned or alluded to and finally, when a candidate feels very strongly about the issue.  As moderators, please note, we will manage, navigate the conversation or the exchange between candidates during this debate. So please let us do our jobs.  To help keep track of time, there will be a timing device visible to all candidates.  This signal (bell sounds) will alert the candidates that he or she has only 10 seconds left to complete an answer.  This other sound ( bell sounds) will alert another candidate that his or her time is up.

Article continues after this advertisement

Pia Hontiveros:  We would also like to introduce to everyone the member of our panel this evening –

Article continues after this advertisement

CNN Philippines’ senior correspondent David Santos and Yna Andolong,  and Business Mirror columnist John Mangun. Our colleagues at  CNN Kristie Lu Stout, Andrew Stevens and Ivan Watson will ask question on foreign policy.  We have also  compiled questions from social media and from select members of our live audience. Other questions this evening are based on issues that matter most to Filipinos

Pinky Webb: Time now for all six candidates to give their opening statement.  This will be in a form of an answer to this general question. The question is  “What will define your leadership as vice president of the Philippines? “.  Senator Cayetano, we start with you.

Article continues after this advertisement

Sen. Alan Peter Cayetano: No one can serve two masters. You will love one and hate the other .You cannot serve God and money, yan po ang nasa Matthew 6 :24.  Ganyan din po ang sa public service, kailangan po nating mamili: interes ng lahat ng mamamayan o interes ng ilan mayayaman..Ang  politica po parati na lang  tungkol sa politiko, pero ang eleksyon po is about  you.  Kayopo ang  dapat and sento ng eleksyon.  Limangpu na po, fifty years na po, panay na lang Marcos, Conjuanco at Aquino, wala na bang iba?  Paano po kayo? Paano po si nanay Gloria, paano po si Yenyen?  Si nanay Gloria po nag abroad para sa magandang kinabukasan ng kanyang anak, nataniman po ng bala, nawalan ng trabaho.  Si Yenyen po kasama ngknayang nanay, humihingi ng bigas kasama ang Kidapawan farmers, bala po ang sinauli sa kanila. Pagkadisperse ng gabi nakahiga sila sa lapag, ang sabi po ng nanay” Yenyen uwi na tato, uli nata” , . Ang sabi ni Yenyen” nay, paano tayo uuwi, wal pang laman ng bigas an gating sako”.  Paano po nakalimutan si Yenyen?  Paano po nakalimutan si nanay Gloria? Paano po nakalimutan ang mga gutom? Ang mga maysakit? Ang mga tinamaan ng kalamidad? Sa pamamahala ng Duterto-Cayetano sa awa ng Diyos, ipaglalaban po naming kayo.

Pinky Webb : Senator Cayetano, thank you so much, 1min and 45 secs, next up, Senator Chiz Escudero.

Sen. Chiz Escudero:  Magandang hapon  po sa ating lahat. Ang kahirapan walang pinipiling partido. Ang pangangailangan walang pinipiling kulay.  Ang kalamidad wala itong pinipili kakilala man o hindi. Ang nais kong dalhing liderato, bilang inyong pangalawang pangulo , lideratong walang pinipili ang  serbisyo, pantay at pareho. Miski naman ang ating bandila, hindi lang naman dilaw ang kulay, meron ding asul, meron  ding pula, meron ding puti. Ang pinili naming kulay ni Senator Grace puti, dahil ayaw naming lagyan ng kulay pulitika ang paninilbihan na nais naming ibigay sa ating mga kababayan. Dapat pantay, dapat parehas, dapat walang pinipili. Ito ay nagawa at ginawa na namin noon kung saan binigyan namin ng tulong ang bawat munisipyo at bawat  hospital, regional or provincial man na hindi kinilala kung kapartido man o hindi ang nakaupo, na hindi kinikilala kung sumuporta man o bumoto ang mga nakaupo doon.  Dapat ganyan din po ang serbisyong  publiko. Pantay at parehas, walang  pinipili, walang kinikilingan, walang tinitignan, walang tinititigan, parehas ang pagtrato.  At bilang inyong ikalawang pangulo, nais naming dalhin ang liderato sa opisina ng pangalawang pangulo, liderato  kung saan gigising po at papasko ako ng maaga .Uunahin ko palagi  ang interes ng mas  nakararami at hindi ng iilan.  Tatapusin ko palagi ang takdang tungkulin sa bawat araw na ibibigay sa akin parapagsilbihan kayo. At ipinapangako ko po  kalian man hindi ako magnanakaw dahil  hindi ako pinalaki ng aking magulang na magnanakaw o maging magnanakaw.

Pinky Webb:  Thank you so much Senator Chiz Escudero. It ‘s your turn Senator Gringo Honasan.

Sen. Gringo Honasan:  I will bring to the vice presidency the courage of my convictions and the audacity to act and make things happen. I have been a soldier for seventeen years, a rebel for seven years,  a senator of the republic  for eighteen years. I will work and continue to work for unity, peace and prosperity and security.  And I do this because I  look to harmony in our families, cooperation in our communities, order in the state, inclusive progress for our nation and security in our shores.

I will help anybody, anyone, who will build for the future of our most precious  God-given resource, our next generation of citizens and leaders- our children. Salamat po.

Pinky Webb:  Thank you so much Senator Gringo Honasan . Senator Bongbong Marcos, your opening statement please sir.

Sen. Bong Bong Marcos:  First of all, thank you to this chance to speak to issues of the day

[Boos and jeers from the audience]

Pinky Webb:  It is all right,  Senator Marcos please continue with your statement. Go ahead sir.   Can we ask the members of the audience to please be seated. We already stated earlier that hecklers are not allowed in this venue and they will be escorted out of the venue.  Please escort them outside the venue.

Webb:  Senator Marcos , I think you can continue now.

Sen. Bongbong Marcos :  Can I have my time back please?

Pia Hontiveros:  Yes, you may have your time back

Marcos:  Well, thank you for this opportunity to speak to the issues of the day, especially here in UST where I understand  Senator Meriam and I won  the last mock elections, so thank you for that.

Maari pong sabihin , maari pong sabihin na itong halalan na ito ay isa sa pinaka-importanteng halalan sa ating kasaysayan. Marami po tayong hinaharap na problema- problema sa krimen, kakulangan ng trabaho, mataas na presyo ng bilihin, mahina ang ating edukasyon, walang suporta ang ating agrikultura, brown out at at kung anu ano pa.

Dalawampu’t pitong taon na po akong naninilbihan. Nagsimula po ako sa lokal kung saan kailangan humarap ang pamahalaan sa taong-bayan, ngunit hindi lamang ako nasa legislature. Ako po ay dumaan din sa executive kung saan kailangan na makapagbigay ng solusyon sa mga problemang hinaharap ng taong-bayan at ipatupad ang mga solusyon na iyan.

Ang kinakailangan po natin na mga lider ay mga lider na hindi namumulitika lamang. Ang kailangan po natin na lider ay iyong mga lider na tapat sa kanyang pagsilbi. Ang kailangan natin na mga lider ay  inuuna ang kapakanan ng marami.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nandiyan po ang ating record at masasabi ko po, nasa record ko, maliwanag na maliwanag, na iyan ang sinundan ko. Na magiging totoo sa pagsilbi sa taong bayan at inuuna ang kapakanan ng marami bago sa sarili.  Marami pong salamat.

Pia Hontiveros:  Maraming salamat Senator Marcos. Congressman Leni Robredo, your opening statement Ma’am.

Cong. Leni Robredo:  Magandang hapon po sa inyong lahat. Ang Robredo  vice presidency po  ay magiging isang koro, hindi solo. Hindi sinosolo ang kapangyarihan, lahat ng boses papakinggan. Bago po akong pulitiko, pero halos buong buhay ko po, inilaan ko sa paninilbihan sa mga nasa laylayan ng lipunan. Sa napakatagal na panahon na ako naninilbihan bilang abogado ng mahihirap at tagapagtaggol ng mga kababaihan, boses po nila ang alam ko. Boses nila ang gumising sa akin sa araw-araw. Boses ng mga mangingisda na nagbibigay sa aking ng kanilang mga bangka na matutulugan pag ako ay naninilbihan sa kanila. Boses ng mga estudyante na kahit po walang laman ang tiyan, naglalakad  ng ilang oras para makapag aral lamang. Boses ng mga kababaihan na  kumakatok sa bahay ko hatinggabi  para lang makatakas sa karahasan. Ngayon po, boses na ninyong  lahat ang aking pinapakinggan. Nauunawaan ko ang inyong mga minimithi. Ang panata ko po sa inyo, isang klaseng pamumuno na magbibigay sa inyo ng inspirasyon at pagkakataon na lahat tayo mabuhay ng  may dangal. May pagkain sa  ating mesa sa araw-araw,may regular na trabaho. Kaya ito po ang akin pong pinapangako, isang  pamahalaan na makikinig, isang pamahalaan na papakinggan ninyo. Kaya po sabay-sabay po tayo iangat natin ating bansa

Pia Hontiveros:  Thank you Congresswoman Robredo. Senator Trillanes, your opening statement Sir.

Sen. Antonio Trillanes:  Magandang hapon po sa inyong lahat.  Ako po ay humaharap sa inyo base sa sarili kong kakayahan. Wala po akong kamag anak na pulitiko na gumawa ng aking pangalan. Ako po any nanilbihan bilang sundalo sa ating bayan. Noong 2003, ako at aking mga kasamahan ay nanindigan laban sa katiwalian at dahil dito nakulong po ako ng pito at kalahating taon. Habang nakakulong, ako po ay nahalal, inihalal ninyo ako bilang senador at simula noon, itinulak ko ang interes ng sambayanan at kasama na ang ilang sektor ng ating lipunan, kagaya ng mga sundalo,mga pulis at mga titser. Pinamunuan ko rin ang imbestigasyon na nag expose sa ilang mga tiwali na opisyal ng  gobyerno. Kung gagawing ninyong bise president, tutukan ko at lulutasin ang mga problema natin sa peace and order na kasama na ang lumalaganap na illegal na droga. Dahil ako po ay  naniniwala  na ito po ang pangunahing hadlang sa pag-unlad ng ating ekonomiya na siya naman ang maglulutas sa  problema ng kahirapan. Ganoon din, pamumunuan ko and anti corruption drive ng ating gobyerno na sa ganoon ang kaban ng bayan ay hindi na mapupunta sa bulsa ng iilan. Salamat po.

TAGS: Nation, News

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

© Copyright 1997-2025 INQUIRER.net | All Rights Reserved

This is an information message

We use cookies to enhance your experience. By continuing, you agree to our use of cookies. Learn more here.