Aquino recalls repressive years under Marcos at DND anniv rites | Inquirer News

Aquino recalls repressive years under Marcos at DND anniv rites

/ 05:04 PM November 17, 2014

MANILA, Philippines – President Benigno Aquino III on Monday took a swipe at the Marcos administration, saying that the late dictator used the military during martial law for his own gain.

“Kasabay ng pagdiriwang ng ika-75 taong anibersaryo ng ating Tanggulang Pambansa, nagbabalik-tanaw din tayo sa mga yugtong dinaanan ng inyong institusyon sa nakalipas na mga dekada. Nariyan nga po ang madilim na kabanata ng ating kasaysayan kung saan ipinasailalim ni Ginoong Marcos ang bansa sa Batas Militar,” he said in his speech at the anniversary of Department of National Defense anniversary at Camp Aguinaldo.

Article continues after this advertisement

Aquino’s father, Ninoy, was jailed for almost eight years after Marcos declared martial law in 1972. The assassination of Ninoy was blamed on Marcos although it has not been proven. It also sparked the 1986 Edsa People Power that ousted Marcos and catapulted Ninoy’s wife, Cory, to power.

FEATURED STORIES

“Sa panahon pong iyon, kinasangkapan ng diktador ang Tanggulang Pambansa para sa pansariling interes. Ginamit niya ang puwersa ng kasundaluhan para manatili sa kapangyarihan, at maghasik ng takot at dahas upang walang kumuwestiyon sa kanyang mga kagustuhan,” Aquino said.

“Gayunpaman, dumating ang puntong nagkaisa at nagtipon ang milyon-milyong Pilipino sa EDSA upang labanan ang diktadura. Nakita natin dito kung paanong nanumbalik sa pananaw ng ating mga sundalo kung sino ang kanilang tunay na Boss, walang iba kundi ang taumbayan. Pumanig ang ating mga kawal sa sambayanang Pilipino, at nagsilbing pangunahing kabalikat sa panunumbalik ng demokrasya. At ngayon nga po, tumatahak na tayo sa tuwid na daan, ang dating sumusupil sa karapatan ng mamamayan, kinikilala nang tagapagtanggol ng kapakanan ng lahat. Ang dating kinatatakutan, tunay nang tagapagtaguyod ng kapayapaan at seguridad ng ating bayan. Malinaw po: Kayong mga kawal ay sandigan ng mamamayan bilang magigiting na lingkod-bayan,” he said.

Article continues after this advertisement

Aquino lauded incumbent Defense Secretary Voltaire Gazmin, who, at the time of martial law, was among the few that treated Ninoy fairly.

Article continues after this advertisement

“Malaking bahagi po ng tagumpay na tinatamasa ngayon ng ating unipormadong hanay ay bunga na rin sa repormang isinusulong ng ating butihing Kalihim Voltaire Gazmin. Subok na ng panahon ang serbisyo nitong si Sec. Volts; na tuwing humaharap sa sangandaan ay laging pinipiling gawin ang tama at ang makakabuti sa kapwa. Nang ipinakulong ang aking ama dahil sa paglaban niya sa diktadura, si Sec. Volts ang isa sa kakaunting nakitungo nang tama at maayos sa aking ama. Siguro nga, dahil dito, hindi natuwa kay Sec. Volts ang mga makapangyarihan noong panahong iyon. Ang ibinigay sa kanyang gantimpala: Idinestino siya sa Mindanao mula 1975 hanggang 1986,” Aquino said.

Article continues after this advertisement

Gazmin would later lead the Presidential Security Group during the time of Cory.

“Nang manungkulan namang pinuno ng PSG si Sec. Volts, kung kailan ilang coup ang dinaanan ng administrasyon ng aking ina, matagumpay niyang pinangunahan ang pagtatanggol sa atin pong pamilya, at sa ating bagong silang na demokrasya. Alalahanin po natin: Totoong peligro ang mayroon ng mga panahong iyon; totoong mga baril na may totoong bala ang hawak ng mga taong para bang ang daling makalimot sa mga aral ng Batas Militar. Sa kabila ng panganib, pinili ni Secretary Volts na protektahan ang ating kalayaan. At ngayon naman, bilang sibilyan, ibinubuhos pa rin niya ang lakas at panahon upang isulong ang ating agenda ng reporma sa Sandatahang Lakas. Bilang indibidwal na nagmula sa hanay ng kasundaluhan, kompiyansa tayong nauunawaan ni Secretary Volts ang kultura, pati na ang mga kakulangan at pangangailangang dapat tugunan sa inyong sektor. Kaya nga po siya ang nagsisilbi nating pangunahing tagapagpayo para ipatupad ang mga programang isinusulong ang interes ng Sandatahang Lakas at ng mamamayan,” Aquino said.

Article continues after this advertisement

Gazmin was appointed as Defense Secretary by Aquino in 2010.

RELATED STORIES

Top execs remember martial law

The night Marcos declared martial law

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

TAGS: Marcos regime, Military, Nation, News, Ninoy Aquino

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

© Copyright 1997-2025 INQUIRER.net | All Rights Reserved

This is an information message

We use cookies to enhance your experience. By continuing, you agree to our use of cookies. Learn more here.