Napoles: Benhur Luy has another boss, it is not me

Janet Napoles takes the floor at Inquirer (Last of 5 parts)

Janet Lim-Napoles answers questions on the alleged pork barrel scam from editors, columnists and reporters of the Philippine Daily Inquirer. PART 5. Parts: 1 | 2 | 3 | 4

(Last of a series)

(Editor’s Note: The following is a verbatim transcript of a roundtable discussion between Inquirer editors, columnists and reporters, and Janet Lim-Napoles, the alleged mastermind behind the P10-billion pork barrel scam, on Thursday, Aug. 8, at the Inquirer main office in Makati City.)

 

Napoles: Shoprula. [This refers to Napoles’ alleged Indonesian partner in coal trading.–Ed.]

Joey Nolasco/Managing Editor: Zafrula?

Minerva Generalao/Research Head: How do you spell?

Letty Jimenez-Magsanoc/Editor in Chief: He was not identified. Why was that? Can you spell it?

Nolasco: Shop as in shopping…

Napoles: Baka magkamali ako sa spelling.

Nolasco: So, partner n’yo, hindi n’yo alam ang pangalan?

Napoles: Hindi, alam ko pero ayokong magkamali na naman ako ng ano. Kanina pa ako…

Generalao: The name of the company, ma’am.

Napoles: Pagdating n’yo na lang po dun. Kasi pagdating dun ma-pre-preempt kasi, mauunahan.

Generalao: Who’s going there?

Napoles: Channel 2.

Generalao: Channel 2 lang?

Napoles: Their request.

Generalao: Exclusive?

Napoles: No, no. Pero kung puwede daw ata mauna sila.

Magsanoc: What’s the name of the company?

Napoles: Pagdating na lang dun, tita. Kasi ’pag sinabi…

Generalao: Exclusive sa Channel 2.

Napoles: They want to go…

Magsanoc: Why is it exclusive to 2?

Napoles: I don’t know.

Magsanoc: Even your interview was exclusive to 2 first.

Napoles: Ay, hindi po! Nakausap ako ni ano… who’s my neighbor.

Magsanoc: Unang-una ang 2.

Napoles: No, no, tita. Nauna po si Vicky Morales.

Magsanoc: 7? I didn’t see that.

Napoles: 2, tapos Vicky Morales agad. Si Maan din lumapit. Kasi neighbor po kasi ni Vicky Morales siya.

Magsanoc: Sa Dasma, sa Forbes?

Napoles: Hindi po, sa Pacific Plaza. O, tapos na po? Diyos ko, tita, akala ko naman gigisahin [unintelligible]. Babalik na lang ako.

Magsanoc: We just want to know the truth.

Napoles: ’Pag may lawyer.

Fe Zamora/Social Media Editor: Can I ask one question lang? Ano exactly ang business ng JLN Corp.?

Napoles: Dito po, trading.

Zamora: Trading in what?

Napoles: Kumukuha po kami sa Korea ng product. May Korean partner po kami, si Mr. Park.  Nandun po.

Zamora: Nakita ko ’yung incorporation, andun si Cheryl Jimenea…

Napoles: Ay, mali po. Kaya nga ho tingnan n’yo. Papaano, ’yung incorporator namin, sinabi ni Attorney Lorna (Kapunan), kunin mo nga lahat ng papers kasi dapat ma-check, pati ma-ano ng accountant, nagsubmit kami ng March something, may nag-submit… may dalawa ’yung ano, ay sumulat agad ’yung dalawa yung sinubmit doon na…

Zamora: You don’t know Cheryl Jimenea?

Napoles: Hindi, kakilala namin, kaibigan namin. Papaano naman siya nasama dun, ’yung mga anak ko mawawala. Kaya sumulat po kami two days ago sa SEC (Securities and Exchange Commission) bakit ganun.

Zamora: Si Anthony Dequina is also an incorporator. You know him?

Napoles: Kamag-anak siya ng husband ko sa Kidapawan.

Zamora: He’s a congressman?

Napoles: Hindi na, noon, long, long time ago. So, puwede n’yo i-check ’yung projects niya.

Magsanoc: So you deny everything—

Winnie Monsod/Columnist: You are…

Magsanoc: Go ahead.

Monsod: So, you are saying categorically that you had nothing to do whatsoever with any PDAF (Priority Development Assistance Fund).

Magsanoc: That’s related to my question.

Monsod: That any PDAF activities were activities that were undertaken by Benhur Luy.

Napoles: Yes, ma’am. Opo. Benhur Luy and Merlina Suñas.

Magsanoc: And her boss. His boss.

Napoles: And her boss and [unintelligible].

Monsod: In connection with somebody. And his female boss, whom you refuse to name.

Randy David/Columnist: But you knew about these activities?

Napoles: Ah, no po. Nito na lang.  After na.

Magsanoc: After we brought it out.

Nolasco: ’Nung lumabas na sa Inquirer.

Napoles: Hindi, nung March, nung may letter, ’di ba, ’yung sa illegal detention, so nagtaka kami. So, pinuntahan namin ng tatay, nanay kasi ’di pa naman sila sa NBI (National Bureau of Investigation). Papaano nangyari? Somebody gave it to them daw. Sabi ko, ah. So, nalaman na. So tiningnan namin sa mga cell phone, siyempre, saka sa mga letter niya.

Magsanoc: Excuse me, what was that na nakita n’yo?

Napoles: Tita, kasi ganito po. ’Yung brother ko from the States, dumating siya. Si Benhur nasa Magallanes, nagre-retreat—

Magsanoc: Is that Reynald (Lim)?

Napoles: Yes.

Magsanoc: So, and then?

Napoles: Nag-file sila ng complaint sa NBI na kaya daw po si Benhur dinetain—samantalang nakikita mo naman dun eh, ’di ba, si Benhur nandun siya kay Monsi (Msgr. Josefino Ramirez) nagdadasal and everything—dinetain kasi because of this PDAF.

Magsanoc: Which reminds me, why do you have a house full of priests headed by Monsignor Ramirez?

Napoles: Mommy ko lahat.

Magsanoc: But she died already.

Napoles: Pero sabi niya kasi, continue the activities of monsignor para tumulong sa poorest of the poor, para sa Divine Mercy.

Magsanoc: So you maintain this house in Magallanes.

Monsod: And you are saying that Benhur was not detained; he was attending a retreat.

Napoles: Yes, opo.

Monsod: And your priests in that house would…

Napoles: Ma’am, witness po namin sila sa DOJ (Department of Justice), lahat ng pari.

Monsod: All the priests.

Napoles: Yes! Monsignor Ramirez [unintelligible] the one in Quiapo, Alagad ni Maria… the founder of, one of the founders of Alagad ni Maria, Fr. Peter David, tsaka si Bishop (Julio) Labayen, ’yun po ’yung mga nag-re-retreat, nag-aano sa kanya. At every day…

Magsanoc: From December to March.

Chelo Banal-Formoso/Learning Editor: Baka lumampas na sa langit.

Napoles: Kasi po akala po namin relihiyoso siya.

Magsanoc: Why did he go on retreat for three months?

Napoles: So dapat mga 15 days lang dapat puwede. Siya po humihiling, meron pong letter siya na humihiling siya po ng extension dahil…

Magsanoc: Makasalanan ba?

Napoles: Hindi po, kasi nag-da-drugs siya. Tapos dun sa computer niya, lahat ng perang kinikita niya, binibigay niya sa lahat ng lalaki niya—hindi lang isang lalaki. OK lang naman bakla ka. Kung may isa kang boyfriend, why not? Pero kung sobra-sobrang daming mine-maintain… [unintelligible chorus of voices and laughter]. So ganun po, tita, kasi po nag-du-drugs siya. So ngayon, kahihiyan niya sa…

Magsanoc: Three months. Okay.

Monsod: You are saying that the priests have testified—

Napoles: Yes, opo.

Monsod: All the priests have testified—

Napoles: Opo, kaya po kami nanalo sa DOJ.

Monsod: That he is in your—

Napoles: Oo. In house in Magallanes. Tapos kumain po sila sa UCC. Umuwi sila ng bahay namin sa Pacific Plaza. After 10 minutes, dumating po ang NBI. Kaya ang naging witness namin, guard, priest, CCTV dun sa Pacific na ayaw sumama ni Benhur. After two days, bago pa siya nag-testify sa NBI, kasi siyempre, kawawa yung mga magulang nila.

Nancy Carvajal/Reporter: I just want to clarify, lahat po ng affidavits….

Napoles: I will give you all the copies so you will know what is happening. Kasi pangit ho ’pag andito na. So, ’pag binalikan n’yo talaga, malalaman n’yo at mapag-iisip din kayo na sino talaga ang tao na nasa likod nito, papaano nangyari. At open po ’yung mga paring Chinese, pari na nag-re-retreat sa kanya, nag-ko-counseling, kasi nagpapanggap po siyang relihiyoso. Biruin n’yo, the word, ha, ’eto pinakabastos para masabi n’yo…

Nolasco: Op, op, op, nagsasalita ang bisita natin.

Napoles: Sabi niya nagbabasa daw po siya ng Bible, sa text po ’yan, andiyan cell phone niya. Sabi ng boyfriend niya, 12 noon, ano ginagawa mo? Nagbabasa ng Bible habang nag-ma-masturbate. Matino bang utak ’yun?

Monsod: How did you get hold of his cell phone?

Napoles: Ah, kasi office phone po ’yun. Nung nag-meeting po tayong ganito, nalaman ko na hindi niya dineposit ’yung pera na P300,000. That time din kasi, dahil last day of the work, tumawag din yung taga-bangko na, “Ma’am, babayaran n’yo ba ’yung loan?” Sabi ko, bakit ako may loan? “Kasi ho umutang si Benhur.” So, parang nag-hysterical na siya, umiyak-iyak na siya, kasi raw ganyan, marami siyang bisyo, tapos para daw patunayan na talagang nagsisisi siya sa ginawa niya, nandito ang cell phone ko, andito laptop ko, dalhin n’yo ko—

Raul Pangalangan/Publisher: So voluntarily binigay niya.

Napoles: Opo, andun po ’yung mga abogado, may pinirmahan siya.

Gil Cabacungan/Senior Reporter: Dun n’yo na-discover ’yung away operator?

Carvajal: Ma’am, may itatanong lang ho ako. ’Yun ho bang affidavit n’yo, kayo po ang nag-prepare? Nabasa n’yo po lahat ng affidavit n’yo na sinubmit sa DOJ? Nabasa n’yo po lahat?

Napoles: [Unintelligible]

Carvajal: Hindi po, ’yun lang po kinaklaro ko, ma’am.

Napoles: Oo naman. Siyempre.

Carvajal: Kasi ho, iba ho ’yung sinasabi n’yo dun sa affidavit n’yo.

Napoles: Ano bang sinasabi ko?

Magsanoc: Anong kakaiba? What portions?

Carvajal: Well, that part also.

Magsanoc: About?

Napoles: Siyempre, ’pag sinabi mo sa abogado… kasi ganito ’yan…

Carvajal: Are you talking about the affidavit—

Napoles: Kakausapin ako ng abogado. Siyempre ang abogado mag-ta-type. Malay ko ba naman [unintelligible] sabihin ’to, sabihin ’to.

Carvajal: Kaya nga po tinatanong ko kung aware kayo.

Napoles: Kung puwede lang ako ang magsalita lahat.

Pangalangan: Letty, our guest has asked— [Napoles is getting up to leave.–Ed)

Napoles: Thank you po.

Pangalangan: Maybe we would take just one more question.

Mike Ubac/Reporter: Ilan po talagang NGOs (nongovernment organizations) ang connected sa inyo?

Napoles: Isa lang po.

Ubac: JLN?

Napoles: Magdalena. Oy, bukas, kuya, susulat mo na naman JLN na naman, Napoles wealth questionable. Kawawa naman. Magdalena Luy-Lim Foundation. Nung wala na sa Quiapo, nahirapan na kami. Kasi wala na ang nanay ko na, ayoko nang maglagay dun ng Tawid-Gutom dun sa Quiapo, ’yung nagbibigay ng lugaw, nagpalit na po kami, pinalitan namin sa SEC—Divine Mercy Foundation. Tumutulong naman kami dun sa mga gusto magpari. ’Yun po ’yun. So, naiba.

Cabacungan: How much are you worth?

Formoso: [Unintelligible] poorest of poor ang tinutulungan n’yo?

Napoles: Opo. Poorest of the poor, ’yung Jamaican.

Cabacungan: How much are you worth?

Napoles: Pardon? Net worth?

Cabacungan: To afford ’yung anak n’yo na andun, grabe.

Napoles: Saan?

Cabacungan: Sa [unintelligible].

Napoles: Alam mo, swerte-swerte kasi. Manalig ka sa Diyos. Alam mo, ganito ’yan. Halimbawa, may condominium opening diyan. Kung may pang-down ka, mag-down ka. ’Pag naging uso na siya, mahal na. Ganun lang ’yun. Alam mo kasi, Chinese kami eh, na-train kami maghanapbuhay. Hindi kami na-train ng nanay kong magnakaw. Alam mo, teka, Tita Letty…

Cabacungan: Can I quote you on that? Hindi kami na-train magnakaw?

Napoles: ’Wag na, tama na, bukas meron na namang ano. Anyway, meron po akong tatanungin. Kasi tumawag po ’yung mga matatanda sa Basilan na meron daw taga-Inquirer na pumunta daw at nag-ikot-ikot.

Magsanoc: Sa Basilan? Tungkol saan?

Napoles: Inquirer daw po. I don’t know.

Pangalangan: Si Juliet.

Napoles: Nasulat sa Facebook. Ano ba ’yun? [Laughs]

Nolasco: Dot net. Inquirer.net

Napoles: So natuwa kami, buhay pa pala ’yung mga kakilala ng magulang ko. Kasi may lupa rin naman kami, saka nagfi-fishing kami dun. Pero hindi naman nalagay kinabukasan. Sa Internet lang. Wala sa dyaryo. Hinanap namin, hindi na nga kami nagbabasa ng Inquirer, nagbasa kami, wala rin. [Laughs and claps]

Pangalangan: Our editor in chief will have the last question.

Magsanoc: I’m just saying that, there’s so much documentation. All these things that are being brought up against you are documented. So, where did it all come from; if you’re denying everything, where did this all come from?

Napoles: Kasi, tita, ’di ba magdadala sila ng document, siyempre bakit sila may document, bakit wala kaming dokumento?

Nolasco: Bakit?

Napoles: Kaya nga nagtataka, bakit kami wala, bakit sila meron?

Magsanoc: Saan galing yang mga ’yan?

Napoles: Siyempre, sa amo nila.

Magsanoc: Saan galing ang mga ’yan?

Napoles: Sa amo nila, wala lang dito.

Magsanoc: Sino nga ’yung amo?

Napoles: Eh…

Magsanoc: Ano ang rason ng amo, ano ang motivation?

Napoles: Ng amo? Siyempre, siguro nag-ta-transact sila ng ’di ko alam. [Laughs]

Magsanoc: Why you? Bakit ikaw ang aanuhin?

Napoles: ’Yan din ang question ni Louie. [Unintelligible] Oh my God! Pati mga driver ko kawawa.  Alam mo ’yung driver ko, tuwang-tuwa pa nanonood, “Walang hiyang Benhur ’to.” Maya-maya, “Wow, pangalan ko ’yun, ma’am, ah!” O naatake na, na-mild stroke.

Carvajal: Bakit naman ho si Benhur lang, ang lakas naman ng loob…

Nolasco: Ang ibig mong sabihin, lingid sa kaalaman n’yo, P10 billion ang ninakaw nila?

Napoles: Wala naman atang P10 billion. [Stands up to leave.–Ed.]

Nolasco: Mga ilan? Mga P9 billion?

Pangalangan: Okay. Thank you, Ms. Napoles, for coming.

Magsanoc: Thank you for coming.

FIRST PART OF THE INTERVIEW

“Janet Napoles takes the floor at Inquirer”

SECOND PART OF THE INTERVIEW

“Napoles insists her money came from inheritance, coal trading”

THIRD PART OF THE INTERVIEW

“Napoles: Luy’s lawyer asked me for P38M”

FOURTH PART OF THE INTERVIEW

Napoles won’t say name of her firm in Indonesia

Read more...