Napoles won’t say name of her firm in Indonesia

Janet Napoles takes the floor at Inquirer (Fourth of 5 parts)

Janet Lim-Napoles answers questions on the alleged pork barrel scam from editors, columnists and reporters of the Philippine Daily Inquirer. PART 4.  Parts: 1 | 2 | 3 | 5
(Fourth of a series)

(Editor’s Note: The following is a verbatim transcript of a roundtable discussion between Inquirer editors, columnists and reporters, and Janet Lim-Napoles, the alleged mastermind behind the P10-billion pork barrel scam, on Thursday, Aug. 8, at the Inquirer main office in Makati City.)

Winnie Monsod/Columnist: Eh, ’yung lawyer, was he asking the money for Benhur or was he asking the money for himself? [This refers to Janet Lim-Napoles’ allegations that Benhur Luy’s lawyer, Levi Baligod, was extorting money from Napoles.—Ed.]

Napoles: For Benhur din … Sabi niya for Benhur, pero wala po si Benhur. Siya lang po ’yung kausap ko.

Joey Nolasco/Managing Editor: Mrs. Napoles, may isang storya kami nilabas dito kina Benhur … itong si … ’yung designer …

Napoles: Eddie Baddeo.

Crowd: Eddie Baddeo.

Nolasco: Si Eddie Baddeo nagsinungaling din ’yon?

Napoles: Ah, sinagot na din po siya ng abogado namin. Kasi ’yung boyfriend ni

Eddie Baddeo na PR, ’yung bakla … Medina, something Medina. ’Yun po, best friend ni Benhur. So … basta Medina, something Medina. Sabi ng guard namin, Medina …

Nolasco: Ano … Chelo, ano. Sinagot ba ’yung istoryang ’yun? Hindi eh, wala …

Napoles: Sino?

Nolasco: Siya ’yung sumulat nun eh.

Chelo Banal-Formoso/Learning Editor: Ako ’yung sumulat nung kay Baddeo, eh.

Napoles: Opo …

Formoso: Tinext ko ’yung lawyer mo … tinawagan ko din.

Napoles: Ah, sayang po … Ah, gusto mo …

Formoso: Hindi namin alam number mo, eh.

Napoles: Ah, alam n’yo na po? xxxxxxx …

Nolasco: Mayroon na …

Letty Jimenez-Magsanoc/Editor in chief: By the way, why did you come here without your lawyer?

Napoles: Kasi po hindi ko naman akalain … I thought, me, through Bryan, kakausapin ko kayo na sana … Kasi ’yung mga anak ko ganun, so hindi ko naman akalain na ganito. Kung alam ko lang, ho, dinala ko ’yung abogado ko … So, salamat po. Thank you …

Monsod: So there was a miscommunication?

Napoles: Opo.

Magsanoc: But I told Bryan that … all of us …

Napoles: Ah …

Magsanoc: And I didn’t want to meet you naman alone.

Napoles: No, not naman po alone. With some special … no, not naman po alone, oo. [Laughs] Just some special people … hindi ko naman …

Magsanoc: These are all very special people …

Napoles: Ah, OK … I thought naman mga five people lang. [Laughs]

Crowd: [Laughs]

Nolasco: Pero, ma’am, ’yung kay Eddie Baddeo, mali din ’yung story?

Formoso: ’Yung 44 mayors na … uniforms na dineliver …

Napoles: Nagulat nga ho ako, oho …

Nolasco: So, hindi totoo ’yun na kinuha itong pirma—

Napoles: Kasi si Baddeo …

Nolasco: —ng mga mayors later to be forged into a, ano …

Napoles: Si Eddie Baddeo kasi, ’di ba, nagtatahi ng uniform na, ano. So nung nag-aano siya ng … nagpapakamatay … So ngayon, kailangan niya daw ng pera …

Unintelligible voice: Sino?

Napoles: Si Eddie Baddeo, yeah. Always … dati, ’di ba. So ngayon, nagtatahi siya ng damit namin dati, ’di ba, nagtatahi siya ng mga gown namin, ’di ba, Louie? Anyway, nung wala na siyang pera, sabi niya, puwede bang umutang. Sabi ko, paano mo ’ko mababayaran? So, sabi niya, ’di ba, ’yun naman …

Nolasco: Magkano ang inuutang?

Napoles: P1 million, kasi ma-fo-foreclose daw ang bahay …

Magsanoc: In-admit naman n’ya ’yun sa story.

Napoles: Opo. Tapos po ngayon, sabi ko, papaano mo ’ko babayaran. Sabi niya magtatahi na lang daw po siya ng uniform. Sabi ko, uniform? Eh, ilang taon ’yun, mga gown na lang … [Unintelligible] Sabagay, sobrang laki naman nun. So since sabi niya, sige na. So sige, pinautang … pirma … uniform. Hanggang ’yun hindi na na-deliver ’yung uniform.

So siguro tuwing magkikita ’yung mga friend friend namin, “Oh Jenny, ba’t ’di kayo ano ni Eddie Baddeo?” Sabi ko, hatid muna niya ’yung uniform, kahit sino magsabi, sir. Lagi ko sinasabi, hatid muna niya ’yung uniform. Siguro napapahiya, so ito na ’yung pagkakataon niya.

’Di ko alam kung saan siya nakakuha ng 44 mayors … Mabuti nalang din inikutan na ng ibang mga tao namin ’yung mayors at sinabing never nilang kilala si Eddie Baddeo. May mga ganun, eh. Kasi lahat naman ng lumalabas, napapaghandaan na rin namin. Kung maging kaso … ’pag naging kaso, ’yun ’yung itatanong. Marami na pong mayor ang nagsabi na hindi siya kilala.

Nolasco: Eh, ano yung kinalaman nung 44 mayors sa P1 million na …

Napoles: Ah, wala ho. Eh, ’di sana kung may 44 mayors, eh ’di sana wala na siyang utang …

Napoles: ’Di ba sabi niya, 250 daw. Eh ’di ilang milyon pa ’yung pera niya nun.

Formoso: P275,000 daw per mayor. Tapos binigyan mo daw siya ng cash advance na P1 million. Tapos sinabi mo na may utang na siya.

Napoles: Matagal na po namin siyang pinadadalhan ng letters.

Formoso: Lahat ng letters na ’yun dinala sa opisina ng JLN. Ni-receive doon ng Neil-slash-JLN.

Napoles: Matagal na pong patay si Neil.

Formoso: Oo nga, 2006 pa ’yun, eh.

Napoles: [Laughing] Oo, matagal nang patay si Neil, my God.

Magsanoc: When did he die?

Formoso: Neil was dead before 2006?

Magsanoc: When did he die?

Napoles: My mom, 2008. 2008 ang mommy ko. Kung ’di 2005, 2006. Pero text … [Unintelligible]

Formoso: [Unintelligible] Mayroon ding (Marina) Sula. Mayroong seal ng JLN.

Napoles: Eh, wala na po … Sa proper hearing na lang po.

Mike Suarez/News Service Chief: Ma’am, sandali, may tanong lang po ako, mabalik tayo sa coal. May barkong sumadsad dati sa Sarangani, sa inyo …

Napoles: Hindi amin ’yun.

Suarez: Ah, hindi sa inyo? Saan po kayo nagsu-supply ng coal?

Napoles: Ang coal namin, Indonesia po galing, papuntang China.

Suarez: At saka saan pa?

Napoles: India.

Magsanoc: India and Pakistan.

Suarez: Gaano kadalas …

Napoles: Once a month, three times po kami …

Suarez: Sa China, how many shipments?

Napoles: From Indonesia to China.

Suarez: Kaya nga ho. Gaano kalaki ’yung shipments?

Napoles: Ah, malaki po.

Suarez: Ano nga? More or less, estimate lang, round number.

Napoles: Mga $10 million.

Suarez: Hindi, ’yung tonelada, ilang tonelada? Kasi nagbabago-bago ang presyo niyan, eh.

Napoles: ’Di ko na alam. Kung proper ano, dadalhin ko po, kung anong kailangan ninyong document.

Suarez: Anong pangalan ng kumpanya n’yo sa Indonesia?

Napoles: Pagpunta na lang po sa Indonesia, baka ma-preempt.

Suarez: Eh hindi naman, hindi namin, papano namin hahanapin?

Napoles: Kasi malalagay ’to. May pupunta po, security. Hindi kasi safe ang Indonesia. Kalimantan is not a safe place.

Gil Cabacungan/Senior Reporter: ’Di pa kayo nagpunta dun, ma’am?

Napoles: Husband ko. Indonesia, shopping lang.

Cabacungan: Eh sabi ni General Esperon (retired Gen. Hermogenes Esperon), nagpunta rin daw si … minsan lang daw nila nakasama si …

Napoles: Sa time nila. Hindi naman puwede, kasi ganito, kuya. O, may negosyo na ’ko dati, magnenegosyo kita, dadalhin kita sa …. imposible naman ’yun, ’di ba? So, magtanong kayo. Andun naman ang mga local dun.

Cabacungan: So, magaling na sa Bahasa? He knows the local language na?

Napoles: Konti.

Randy David/Columnist: Kung lahat ng income ninyo from your Indonesian coal operations …

Napoles: Part po.

David: Naka-declare ho ba yan sa BIR (Bureau of Internal Revenue)? Do you pay taxes?

Napoles: Dito? Opo.

David: So, you’ve filed?

Napoles: Yeah.

Formoso: Do you also pay in Indonesia?

Napoles: Sa Indonesia ’yung company namin, tapos binibigyan kami ng dibidendo. Mayroon po. Inayos na rin ng accountant namin.

Nolasco: Pero alam n’yo ’yun, ha, na iniimbestigahan kayo ng BIR?

Napoles: Opo, alam namin. Siyempre. Hindi naman puwedeng magsalita ang hindi alam.

David: How much in taxes did you pay last year?

Napoles: Ah, depende.

David: From your Indonesian operations? Do you remember?

Napoles: Mahirap, baka mamaya ma-quote ako mali. Document na lang ho ’di ko matandaan. Chineck na rin ng accountant namin.

Cabacungan: Controlling po kayo sa kumpanya?

Napoles: Saan? 40 percent.

Cabacungan: 40 percent? Sino nakatisod po ng negosyong ’yun?

Napoles: Husband ko.

Carvajal: May tanong ako. Mayroon daw po kayong nakatago na red notebook—red book—red notebook na dun po daw nakalista lahat ’yung … listahan ng mga recipients ng commissions. Lawmakers.

Napoles: Wow! [Laughs]

Magsanoc: We heard that.

Napoles: Diyos ko po!

Carvajal: Mayroon po bang ganun?

Napoles: Allegedly? Wala po. Allegedly na naman sabi nila?

Carvajal: Tinatanong ko po. Mayroon po bang ganun?

Napoles: Wala po. Wala ha, sinabi ko wala. Wala po.

Nikko Dizon/Reporter: Ma’am, in touch ka pa ba sa mga friends mo sa military?

Napoles: Sa military?

Dizon: After nung—

Napoles: Kudeta? Hindi na. Napagalitan ako.

Dizon: Sina Colonel Gojo, hindi?

Napoles: Sino?

Dizon: Sina Colonel Gojo, sina Mrs. Gojo, sa Marines?

Napoles: [Shakes head]

Nolasco: Sina General Esperon lang.

Napoles: Hindi!

Fe Zamora/Social Media Editor: Colonel Querubin, inaanak n’yo raw ’yung anak niya?

Nolasco: Dine-deny n’yo na kilala n’yo si—

Napoles: Hindi naman sobrang friend na friend. ’Yung husband ko. Kung friend na friend, sa party ko, nakita mo ba, Louie? Wala naman, ’di ba?

Carvajal: Ma’am, ’yun pong sa mga YouTube kasi, ’yung sa anak n’yo … I’m sorry, but I have to ask. Sa YouTube, in fact, mayroong claim na ’yung Ritz Carlton …

Napoles: Tinanong na rin sa akin ni Tunying (Anthony Taberna) ’yun. Amin po ’yun.

Carvajal: Sa inyo po ’yun. ’Yun hong mga perang ’yun, and it’s really, really a lot. Kasi ako po ’di pa ho ako nakakakita ng ganun karaming pera. Saan po nanggaling ’yun, ma’am?

Napoles: Nasagot na rin po namin.

Carvajal: Paulit lang po.

Napoles: Nasagot na namin. ’Wag na lang sa ’yo, Nancy. Nasagot na namin ’yan sa interview namin.

Carvajal: Saang interview?

Napoles: Channel … kay Tunying, Channel 2.

Formoso: Saang interview? Kasi sasabihin mo hindi ka binibigyan ng tsansa, eh ngayon, tinatanong ka, ayaw mo namang sagutin.

Napoles: Ah, sige po.

Carvajal: ’Yun nga sabi n’yo, hindi namin kayo tinatanong. Now that we’re asking you, hindi ho ako … Gusto lang ho din namin malaman ’yung side n’yo.

Monsod: What you’re saying, Janet, the bulk of your income comes from mining?

Napoles: And subdivisions po.

Monsod: In Indonesia, where you are …

Napoles: 1995.

Monsod: Coal in Indonesia and you are exporting to China.

Napoles: And Pakistan.

Monsod: And Pakistan. And you own 40 percent of this business. Presumably, your partner in Indonesia is an Indonesian or a Chinese.

Napoles: Yeah, pumupunta po siya dito.

Monsod: And then you also have subdivisions?

Napoles: Yes.

Monsod: Where?

Napoles: In Indonesia also.

Monsod: In Indonesia also. And how did you get … How did you come into your … these businesses in Indonesia?

Napoles: Classmate po ’yung si Mr. Shoprula, kilala ng husband ko. Tapos… [Unintelligible] Halimbawa, Jakarta is Makati, tapos Laguna, dati probinsya pa ’yan. Nauna po kaming bumili ng lupa. Banker po siya. Kuya, please naman. Banker po siya, so tinuruan niya kami how to make … Before maglo-loan ka, mag-e-earnest money ka, tapos i-acquire mo ’yung subdivision. Parang ganun po ’yung nangyari. Hanggang sa dinevelop namin. Ni-lo-loan din po namin sa bank from Indonesia.

Monsod: Pero ang initial bankroll n’yo po … ’Yung initial pera n’yo to go into this, galing saan po ’yun?

Napoles: Loan po. Sa Indonesia. Konti lang. Andun po lahat ng record, ni-ready na po kasi pupunta ata ’yung mga ano.

Magsanoc: Was this your partner that Korina Sanchez …

Napoles: Yeah.

Magsanoc: Why was he unidentified?

Nolasco: Bakit nagtatago pa siya?

Napoles: Ha? Hindi ho, nakalagay Shoprula …

Magsanoc: No he was not named.

Napoles: Ay, sorry, sayang naman.

Cabacungan: Hindi pinangalanan sa TV.

Magsanoc: No, he was not named.

Nolasco: O, anong pangalan niya?

(To be continued Thursday)

 

FIRST PART OF THE INTERVIEW

“Janet Napoles takes the floor at Inquirer”

SECOND PART OF THE INTERVIEW

“Napoles insists her money came from inheritance, coal trading”

THIRD PART OF THE INTERVIEW

“Napoles: Luy’s lawyer asked me for P38M”

LAST PART OF THE INTERVIEW

Napoles: Benhur Luy has another boss, it is not me

Read more...