We should listen to the voice of voters, says Leni Robredo | Inquirer News

We should listen to the voice of voters, says Leni Robredo

/ 10:38 PM May 09, 2022

MANILA, Philippines — “The voice of Filipino voters is becoming clearer and clearer. For the sake of the Philippines, we should listen to that voice,” Vice President Leni Robredo said in an address, delivered in Filipino, which was live-streamed on Facebook at around 2 a.m. on Tuesday after the polling precincts had closed.

ADVERTISEMENT

“First of all, let me thank everyone who voted for me, who convinced [people to vote for me]… the millions who gathered. I know it’s not easy for you to accept the numbers coming out of the quick count. Not are they disappointing but dismaying,” she said.

“Up to now, there are people whose votes have not been counted… Although they have not been counted, the voice of the people is becoming clearer and clearer. For the sake of the Philippines, we need to listen to this voice. In the meantime, let’s recall everything we have been through in the past months,” she added.

FEATURED STORIES

[Original statement: “Una sa lahat hayaan niyo akong magpasalamat sa lahat ng bumoto, sa lahat ng kumumbinse… Sa milyon-milyong nagtipon-tipon. Alam kong hindi madaling tanggapin sa inyo ang mga numerong lumabas sa quick count. Hindi lang panghihinayang, kundi pagkadismaya. Hanggang ngayon meron pang mga taong hindi pa nabibilang ang boto… Bagamat may hindi pa nabibilang, palinaw nang palinaw ang tinig ng taumbayan, sa ngalan ng Pilipinas, kailangan nating pakinggan ang tinig na ito. Sa ngayon, balikan ang pinagdaananan natin ng mga nakaraang buwan.”]

Leni Robredo

Vice President Leni Robredo delivers an address on Tuesday, May 10, 2022, hours after most of the polling precincts closed on Election Day. (Photo from a video from a livestream video on her Facebook page).

As of this posting, the latest unofficial tally of the Commission on Elections (Comelec) showed the frontrunner, former Sen. Ferdinand Marcos Jr. getting more than 27 million votes and Robredo getting more than 13 million votes.

THE ENTIRE STATEMENT OF VICE PRESIDENT LENI ROBREDO

Una sa lahat, hayaan ninyo akong magpasalamat. Sa lahat ng bumoto. Sa lahat ng nangumbinsi sa kanilang mga pamilya, kaibigan, kakilala, kahit ng mga di kakilala, sa iba’t ibang paraan. Sa mga nagtaya ng karera at pangalan sa pagbabahagi ng ating mensahe. Sa milyon-milyong nagtipon sa mga rally, nag-house-to-house, nagpaskil ng mga tarps, nagpost sa social media, nagsulat, gumawa ng mga video at patalastas, sa mga medic, sa mga kusang naglinis sa ating mga rally, nagpinta at tumugtog at nagpahiram ng boses para maipakita ang lakas ng taumbayang nakatikim ng pag-asa. Hindi kayang sukatin ng numero ang lalim ng pagmamahal ninyo. Maraming, maraming salamat sa inyo.

Alam kong hindi madaling tanggapin sa inyo ang mga numerong lumalabas sa quick count. Hindi lang panghihinayang, kundi malinaw na pagkadismaya ang nararamdaman ng ating hanay.

Mulat din ako: Ang pagkadismayang ito, maaaring lalong kumulo, lalo pa dahil may naiulat na irregularities sa halalang ito. Hanggang ngayon, mayroon pang mga taong hindi pa nabibilang ang boto. Meron sa inyong buong araw nang nasa mga presinto at nananatili doon hanggang ngayon, hinihintay na maipasok ang balota sa mga makina. Kaisa ninyo ako sa paniniwala na kailangang isalamin ng halalan ang buo at wastong tinig ng taumbayan. Mahalagang maging mas matibay ang tiwala ng tao sa proseso ng ating demokrasya. Gagawin natin ang lahat para maabot ang layuning ito.

Gayumpaman, sinasabi ko sa inyo: Alam kong mahal natin ang bansa, pero hindi puwedeng maging ugat pa ng pagkakawatak-watak ang pagmamahal na ito.

Bagaman may hindi pa nabibilang; bagaman may mga tanong pa ukol sa eleksyon na ito na kailangang matugunan: Palinaw na nang palinaw ang tinig ng taumbayan. Sa ngalan ng Pilipinas na alam kong mahal na mahal rin ninyo: Kailangan nating pakinggan ang tinig na ito, dahil sa huli, iisa lang ang bayang pinagsasaluhan natin.

ADVERTISEMENT

Sa ngayon, balikan ang lahat ng mga pinagdaanan natin nitong mga nakaraang buwan. Napakaraming sandali kung kailan pinuno ng hiwaga ang mga puso natin. Noon pa man, alam natin kung gaano kahirap ang labang kakaharapin natin. Nagsimula tayo sa halos wala. Pero unti-unti, dumating ang nag-aambagan, dumami nang dumami ang nagbabayanihan. Dinapuan kayo ng inspirasyon at lumikha ng sining. Dahil sa pagbubukas-palad ninyo, palaging nag-uumapaw ang pagkain at tubig sa mga pagtitipon natin. Alam kong napakaraming pagkakataon na napagod kayo, pero lagi, nairaos ninyo ang susunod na hakbang. Ginawa ko ang lahat ng makakaya; tinumbasan ninyo ito, minsan higit pa. Walang dadaig sa kapayapaang dala ng katotohanang ito.

Maging panatag sa inyong ambag: May nasimulan tayong hindi pa kailanman nasasaksihan sa buong kasaysayan ng bansa. Isang kampanyang pinamunuan ng taumbayan. Isang kilusang nabuo hindi lang para baklasin ang luma at bulok na sistema, kundi para magpanday ng totoo at positibong pagbabago. Isinadiwa ninyo ang demokrasya, hindi lang sa pagboto, kundi sa pagmamahal sa kapwa Pilipino. Napakalaking tagumpay nito—at maituturing lang na bigo ang kampanya natin kung hahayaan nating malusaw ang nabuo nating samahan.

Kaya sinasabi ko sa inyo ngayon: Walang nasayang; hindi tayo nabigo. Pinakamahalaga: Hindi pa tayo tapos. Nagsisimula pa lang tayo. May landas na nagbukas, at hindi ito sasara kasabay ng mga presinto; may kilusang isinilang, at hindi ito papanaw sa pagtatapos ng bilangan. Ang namulat, di na muling mapipikit. Hindi natin kailanman hahayaang makatulog muli ang pag-asang nagising.

Wala akong planong abandonahin ang mga bagay na habambuhay ko nang ipinaglalaban. Tuloy ang trabaho ko para iangat ang buhay ng mga nasa laylayan. Tinatawag ko kayong samahan ako dito, at sa iba pang mga laban. Kakailanganin ng bansa ang inyong patuloy na pakikilahok—hindi lang ukol sa anumang kahihinatnan ng bilangan at halalang ito, kundi sa pagsusulong ng katarungan, ng karapatan, ng dignidad ng Pilipino sa mga susunod na panahon. Tandaan natin: Nangyayari ang halalan kada tatlong taon. Sa pagitan nito, asahan na ninyo na marami tayong kakailanganing ipaglaban.

Kaya huwag kayong bibitaw. Panatilihing aktibo ang mga komunidad. Patuloy na tumindig. Igiit ang katotohanan. Matagal binuo ang mga istruktura ng kasinungalingan; may panahon at pagkakataon tayo ngayong labanan at baklasin ito. Lalong palawakin ang pusong nabuksan na; damhin ang dinadaanan ng kapwa natin, makipasan ng mga dalahin nila, ituloy ang laban para iangat ang buhay ng lahat. Patuloy tayo magmahal. Maaaring hindi ngayon, maaaring hindi bukas o sa makalawa o sa susunod na taon, pero may liwanag pa ring nag-aabang basta’t handa tayong magsikap na abutin ito.

Wala nang mas lilinaw pang patunay sa naabot natin sa kampanyang ito: Nasa kamay ng karaniwang Pilipino ang tunay na kapangyarihan. Kayo ang totoong namumuno. Sumusunod lang ako.

‘Wag mapagod. Bukas at magpakailanman, magkakasama ang lahat ng Pilipino. Maraming, maraming salamat. Mabuhay ang sambayanang Pilipino.

READ: Almost no movement in Pulse Asia’s latest survey; Marcos still leads

Read Next
Don't miss out on the latest news and information.

Subscribe to INQUIRER PLUS to get access to The Philippine Daily Inquirer & other 70+ titles, share up to 5 gadgets, listen to the news, download as early as 4am & share articles on social media. Call 896 6000.

TAGS: #VotePH2022, 2022 presidential race, Elections 2022, Leni Robredo
For feedback, complaints, or inquiries, contact us.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.



© Copyright 1997-2022 INQUIRER.net | All Rights Reserved

We use cookies to ensure you get the best experience on our website. By continuing, you are agreeing to our use of cookies. To find out more, please click this link.