FULL TEXT: Speech of President Duterte during his visit to Camp Teodulfo S. Bautista

FILE – President  Duterte attended a situation briefing at the 2nd Mechanized Infantry Brigade (MIB) headquarters in Iligan City, Lanao del Norte on May 26, 2017. PRESIDENTIAL PHOTO

Delivered at Barangay Bus-bus, Jolo, Sulu on May 27, 2017

Let me read the acknowledgements.

General Año; General Miranda; General Sobejana; Usec. Tabaquero, that is undersecretary; other officers present; men and women of the Joint Task Force Sulu; good afternoon.

Alam mo, noong nag-umpisa ako sa aking administrasyon. I went out of my way para makipag-usap lang sa lahat.

So naumpisahan ‘yung talks ng sa NPA, Communist Party, NDF. At pinuntahan ko si Murad sa kampo niya. At si Nur, inutusan ko ‘yung… May daughter-in- law ako na taga-Jolo. Ang nanay niyan Maranao. ‘Yung anak ni Pulong puro Muslim na ‘yan.

Ako naman, apo ng Maranao. Kaya ang hangarin ko lang talaga sa buong buhay ko — tatay ko Cebuano, Danao — na makipagbigay ako ng bayan na mapayapa. At least ‘yun lang man sana ang contribution ko sa buhay ko para sa aking bayan.

Apparently, na-overtakan (overtake) tayo ng events. ISIS is… Hindi purely ‘yan. It would be a lie to say that puro ISIS na ‘yan sa Marawi ngayon.

Ang puno’t dulo diyan is droga kasi diyan ang hotbed ng shabu pati drug sa Mindanao. Hindi pa nga dito eh. Diyan ‘yung lahat ng mga politiko na gustong yumaman, kahit sino doon na kung marunong lang.

Kaya ‘yung mga Maute, magkapatid ‘yan na pulis, nung nakita nila sa Maynila na maganda ang negosyo, umuwi ‘yan sa Marawi, nagtayo ng malaking laboratory. Hindi lang nakuha ng news ‘yung sa likod nung ni-raid nila, iyong sa tatay nila ‘yon. Diyan nag-umpisa.

Ngayon ito naman dito sa Abu Sayyaf, more or less sabihin natin na mga spillover ‘yan sa Misuari faction. Iyong mga bata na parang naniwala na doon sa mga scholar.

Ang problema kasi dito ‘yung mga tauhan ng mga politiko, wala ‘yan. Balewala ‘yan sa kanila. Pumupunta lang ‘yan doon sa kampo ng politiko kasi may pera, pati may baril.

But in terms of religion, ‘yung pinakamalalim na pag-isip, it’s actually Islam. Ang problema, eh ako Maranao ang lola ko, more or less lumaki ako na hindi naman ganoon ang turo ng mga lola ko, ‘yung mga auntie ko noon sa akin.

I used to frequent Marawi noon pati Iligan at ang problema ang extremism. Noong una, it was a sense of nationalism dahil nga tingin nila 1521 ininvade ng Spain ang Philippines at talagang mali ‘yun.

Then they sat in this country for 400 years. Kaya hanggang may Pilipino ang lahat ng Malay, we belong to the Malay race. The Indonesians are Malay.

The Malaysians, Indonesians, Brunei, Philippines are all brothers and part of what we call the Srivijaya empire noong unang panahon.

Pagdating ng mga Español ayon na. Noong dumating sila sa Mindanao, ang Español, Islam was already ahead here as a religion by about 50 years.

So ‘nong dumating ‘yung Kastila, they were attempted to cultivate the religion and try to impose their rule but they were not successful. Noong dumating ‘yung Amerikano because ang armas… Maging sa Kastila noon, nakakita na nila ng gunpowder, kita nilang muskets, those were the rifles of their times.

So ganon ang history. Iyong kalahati ng almost Philippines, ang Visayas, naging stronghold ng mga Español at Amerikano. At naging Katoliko talaga, Kristiyanismo ang ating relihiyon. Wala akong issue sa religion, be it Islam, Judaism, or Christianity.

We live in this same basic principle of the sanctity of life na ang buhay ng tao mahalaga. Ang problema nito ngayon, pagdating ng modern times hanggang ngayon, Marawi has always been the hotbed also of insurgency.

Doon ngayon, ang mga tao Kristiyanos, pati mga Muslim sumali na diyan sa droga. ‘Nong nagkaipitan na, they went to the revolutionaries, pretended to fight for Islam to seek protection.

Iyan ang nangyari sa mga Bisaya na nandiyan sa negosyo ng shabu at ‘nong naipit na sila at papatayin sila ng gobyerno, nakipag-sapalaran na. And now they are proclaiming to be jihadists for protection.

So kaya marami ‘yang Balik Islam. Iyang Balik Islam, wala akong ano — puro… Ewan ko kung a true believer of Islam would be comfortable with a Balik Islam, lalo na kung may record.

Iyon ang nangyari, pati ‘yung mga gangster diyan sa Buldon, lahat na, nagkaipitan na ngayon. They want to be identified with Maute who were really two brothers who went into drugs. Tapos ngayon pretending to be allied with the ISIS because si Hapilon nandoon and he was anointed. Iyan ang giyera ngayon.

Actually started with drugs. And they were producing drugs halfway, not really to negosyo but to fund the terrorism kaya maraming armas.

Kita kong hirap na hirap ang sundalo ko. Marami tayong casualty and I am very sad. Kaya nga, ano, sabi ko pupunta talaga ako sa inyo. Makiramay at mabisita naman ‘yung namatay pati ‘yung nasugatan.

Ngayon, wala akong ibang recourse kasi convoluted na eh. Gumaganon na ang isyu sa buhay natin. Medyo magulo na ang silip natin kung ano ito, ganon.

Pinaka-madali actually and I was warning everybody, I think I even pronounced it here: Do not force my hand into it. Ako mismo ayaw ko. I hate to declare martial law. I hate to wage war against my own people.

Pero kung ganito lang naman, sisirain mo ang bayan at walang mag-desisyon para sa atin, puro tayo inutil, makinig ako diyan sa mga kung sinu-sinong kritiko sa gobyerno. And if I try to listen to them at matatakot lang ako kung anong sabihin nila kagaya ‘nong dumaan, eh ‘di I would be the second President to declare martial law.

Sabi ko huwag ninyo akong pilitin. Eh pinilit nila ako. Ngayon eh nakipag-sapalaran ‘yung mga kriminal pati terorista. ‘Yung ideology at ‘yung wala, ah sabi ko, p**** i**, magde-declare ako ng martial law.

And I have been warning everybody: Huwag ninyo akong pilitin. Do not create a situation that would be right for a declaration of martial law.

Ngayon, kailan ito matapos? Ewan ko. Sabi nila 60 days? Punta ko sa Congress. I don’t know. Sabihin ng Supreme Court they will examine into the factual. Bakit? I don’t know. Hindi sila sundalo. Hindi nila alam kung ano ang nasa baba.

Ang sundalo ang nagsabi sa akin, ‘medyo delikado na, Mayor’. Ang pulis ang nagsasabi na hirap na sila. Ang attention nila, marami ng durugista, maraming kriminal, at hahaluan mo ng terorismo. Sabi nila, ‘bahala ka Mayor basta ‘yan ang sitwasyon’.

Eh kung ganon ang sitwasyon, I have no other recourse but to declare martial law. When will it end? I do not know. Hanggang hindi sinabi ng pulis pati Armed Forces na safe na ang Philippines, this martial law will continue.

Hindi ako makinig sa iba. Mga Supreme Court, ‘yung mga congressman, wala man sila dito. Ba’t sila ba ang nagpapakamatay? Sila ba ang naghihirap dito? Sila ba ‘yung… They will suffer the wounds of war?

Sila ba ‘yung nagtitiis? Sila ba ‘yung namamatay na nauubusan ng dugo, bleeding? Naghe-hemorrhage kay walang tulog, walang reinforcement. Hindi sila.

Ngayon, kung sabihin ng Armed Forces which I… Wala akong [inaudible]. Wala namang sundalo gusto ng giyera na lahat ng panahon. May mga pamilya tayo. We have to go home to our families. Eh how about our children?

Pero kung sabihin ng Armed Forces pati pulis na, ‘Sir hindi pa talaga panahon, mas maglala ito.’ Then I will just tell them that, you know, don’t f*** with me. Eh ayaw ko nga ‘to eh, dumating naman ito, o ‘di sige.

Ngayon, martial law is martial law. It means really the military takes over the civilian government in the meantime. Hindi ‘yang theories-theories ng libro, ‘yung binabasa ko ‘yung talagang anong rationale o mga rason, o pilosopiya bahin sa Martial Law. It’s really to restore order, law and order.

Once law and order is secured, then next week, wala akong ganang mag… Hindi ako diktador, gusto ko na rin magpahinga. Kay kung nanalo lang ‘yan si Marcos pati si Cayetano, siguro I would have entertained of resigning na. Pero kung ganito ang sitwasyon, eh matanda na ako eh.

Prangkahan ko kayo, dapat medyo pinag-isipan ko talaga mabuti kung tatakbo ako o hindi. Problem is nakita naman ninyo, nobody was talking about Mindanao.

Walang kandidato narinig ninyo noong kampanya na talking about the seriousness of Mindanao. Eh taga-Mindanao ako, mayor ako for 23 years sa Davao, congressman, vice mayor ako ng anak ko.

How would you win? Walang nakaalam sa problema ng Mindanao at ‘pag walang nakaalam dito mag-diskarte, mawawala, mawala ang Mindanao sa atin.

Kita mo naman ang armas dito. Kita mo ang firepower ng kalaban. Kita mo ngayon pati ‘yung namamatayan ako ng mga sundalo pati pulis. Kaya ako tumakbo.

Wala kayong narinig na ‘ganito ang solusyon o pakiusapan mo ang mga rebelde’. I tried. Sila… Si Nur Misuari sent me a letter. Sabi niya, ‘itong mga tao ko, kunin mo na’.

Hindi ko nadala ang sulat. Nasa iyo Bong? Sulat ni Misuari? Kunin mo na sa Armed Forces. Wala na nga sila nakalimutan niya kung ano ring gawain niya eh hindi niya malaman kung anong gawain niya eh.

Sabi niya, kunin mo ‘yung mga fighters ko sa MNLF. Hindi ako nagbobolahan ha. Walang Presidenteng marunong mambola ng ano–

“Message from Nur Misuari:

Good evening. Assalamualaikum. A truly auspicious opportunity has risen for your brothers to show their mettle in helping their beloved President and the people to restore peace in Mindanao, specifically in Marawi, which is under siege by some organized criminal groups, some of them are being drug lord.

For this purpose, we would like to suggest that the number of [MTB?] officers be formed or at least 500 to 700 of their men, to be drawn from the AFP Division 1 and Division 4. That they will be allowed to form their common post under MNLF founding chairman, major camps in Lanao, specifically Lanao Jabal Nur in Ganassi and Maguing. That they will be allowed to invite MNLF volunteers.”

Ang pur… The names of Alonto, Mamao. The other one is my brod sa fraternity, Joseph [Sahibul?].

Alam mo, I am announcing to all na lahat ng sundalo ng MI, MN, kung matagal pa ito at gusto ninyong sumali, makipagsapalaran sa Republika, I am offering them, kunin ko kayong sundalo, same pay, same privileges, and I will build houses for you in some areas.

At lahat ng NPA nakikinig ngayon, kung iwanan ninyo ‘yan, ilang taon na ‘yan, wala namang ginawa kung ‘di pahirapan ang kapwa tao, they have never succeeded in occupying a single barangay dito.

Mabuti pa itong Maute. Nag-hold pa ng ilang araw. Kayong mga NPA, wala. Niloloko lang kayo niyan. Iyong taxation, hindi ninyo alam, malalaki ang ibinigay, kayo diyan gutom.

Sige kayo pangilkil, manghingi, extortion. I am going to create a new division for you, para sa inyo. Wala ng qualification, tutal marunong naman kayo mag-baril.

Practice na lang kayo ng kalabit. I am willing to take you soldiers of the Republic, lahat, MI, MN, pati NPA. Para ang sundalo ko halu-halo.

Ngayon ‘yung mga lugar na master ninyo, doon kayo maghanap ng kalaban. ‘Yan ang offer ko sa lahat. Itong kay Nur is a very good one. He has mentioned several Muslim officers to be…

I’m ready. I am ready to [Sahibul?] [Jundail?] sina [inaudible] [Yusop?] [Sabaha?] [inaudible] commander.

Tanggapin ko ang offer ni Nur. At kung mag-offer ang MI, tatanggapin ko, at lahat, mga NPA. ‘Pag nagbaba kayo, automatic, gawain ko kayong sundalo, at same privileges, and i-prioritize ko ang — para ma-supervise ko kayo.

Kayo naman, ‘yung sa Taguig na inagaw ng Kadamay. Sabi ko nga, huwag na lang ninyong ipilit ‘yun… Pilipino rin eh. Mahirap rin kagaya sa atin. Hindi magnanakaw ng mga lugar ‘yan ‘pag meron.

Pero papagawaan ko kayo ng bago, si Ramon Ang, ang nag-donate niyang, ‘yung ibang equipments ‘yan. Nag-groundbreaking kami kasama namin si Chief of Staff. Good for 100, mga 1,000 units. Akin naman ‘yung para sa mga civilians sa siyudad ng Davao.

But I have built for you in…Ilan gani ito? Iyong housing? Bulacan… Bulacan… I think it’s in Iloilo. Mga 1,000 units per ano.

So bigyan lang ninyo ako ng konting panahon. Sana huwag ko na lang gastusin ‘yung pera ko sa giyera, sa bahay na lang.

But as I promised you, I will give you everything you need. Lahat ng hiningi ng ospital ninyo, dinala ko.

At, maski ano pang maitulong ko. You do not have to worry about fighting another 50 years, itong komunista.

They have been at it since 50 years ago. Kaya sinabi ko sa kanila, you want another 50 years to fight? Hindi na kayo naawa sa Pilipino? Ako ayaw ko na.

Kung maaari lang, mag-surrender ako. Pero kung ganon kayo, then let us fight for another 50 years. Ibigay natin ‘yung decision.

Kayong mga Pilipino na nakikinig, lulusot kasi ito. Sige kayo, kayong mga civilian. Kung paano mabuhay kayo sa bukid na hinihingian lang kayo for 50 years?

Anong pla… Gangster na ‘yan. Hindi na nagsawa pahingi-hingi ng 50 years at mayabang pa. Galit pa kung mag-martial law. Akala mo naman malibre nila ang bayan sa kalokohan nilang panghingi-hingi.

Ako, another 50 years… Pero ‘yung mga NPA na pagod na, kayong mga tipo na niloloko lang diyan, bumaba na kayo.

Bigyan ko kayo ng suweldo kagaya ng sundalo, gawan ko kayo ng bahay. Kalimutan natin lahat. Basta huwag lang kayong mag-landmine-landmine. Talagang naga-[dumot?] ako diyan. You are easy to invoke Geneva Convention, if it is in your favor. Pero kayo sige kayo gamit ng… Sa Mindanao, ganon eh, pati dito.

Ako, I’m appealing to… Hindi ninyo ako — Moro rin ako. I’m appealing to all Moro: Join me. Dalin ninyo ’yung baril ninyo dito. Pumunta kayo dito, magpalista kayo. Babalik ako maski bukas.

Gawain ko kayo na sundalo na… At kung medyo maganda ang panahon, bigyan ko kayo ng negosyo. Dito ‘yung  isda. Ang asset ninyo dito, ‘yung lupa, pati…

Iyong Tawi-Tawi na ‘yan, kaganda niyan. I was there when I was [inaudible]. Marami na akong brod dito eh. Many years ago napuntahan ko ‘yang mga islands na ‘yan. Napakaganda. Sayang.

So ‘yun ang message ko. And for you now who are suffering the brunt of the war, I could only thank you. Salamat in the name of the people of the Philippines and the Republic.

But we have to fight because it is the only country we have. Pagka nawala ito, ang Mindanao, pagka sumabog ito, wala na ang Pilipinas. Then it is a destroyed country. And, of course, we cannot allow that to happen, even if we have to die, all of us.

Tutal, ang buhay, sabi nga ni Erap… Pero bilib ako sa taong ‘yan. Nakagawa siya ng tamang ‘weather-weather lang’. Tingnan mo ngayon ang tigapa-preso, ngayon naka-preso na.

Ito si De Lima political prisoner raw siya. Buang ‘yang y***. Political prisoner? Negosyo kag shabu?

Ito namang mga Amerikano, sabihin mo nga sa kanila nandito — naniwala naman sila. They played in to the hands of the yellow. Tapos doon sa America, ‘yon sinisira tayo.

Pareho kay Leni, instead of promoting the goodwill, nagdala ng… Si Vice President, sige siya daldal about the Philippines. Eh ‘yung mga congressman, mainit sa kanya ngayon. Gusto talaga siya i-impeach.

Eh [?] wala ‘yan, medyo magulo ‘yan.. Pero that is a Constitutional process. Kung nasunod, wala tayong magawa.

Hindi na ako magtagal kasi magastos sa gasolina ‘yang sige ikot diyan. Wala namang papatay sa akin. Bahala ‘yung mga tao sa’yo. Patayin nila ako tapos ano mangyari? Wala namang… Patayin ninyo ako, o sige. Tapos? Ano?

Kung ayaw ninyo, gusto dumating. Dadating ‘yang Amerikano dito. Buti nga patago-tago lang sila diyan, pag nandiyan na o. Nasuya ang mga buang na ‘yan. Hindi sila. Sabihin ko sa kanila hindi. Ang problema ‘yung State Department nila. Katabla ng Presidente halos ‘nong abusadong magsalita.

Ilan pinatay? Anong pakialam mo? May problema ako dito. Four million drug addicts. What do you want me to do? Sit it on my a**? Ganon ‘yan. And, nasali na ninyo yung rebolusyon sa…

Ang first declaration ko was lawless elements kasali ang droga. ‘Yun nga ang number one. Isali ko na ngayon kasi ang sa rason na ibinigay ko sa declaration ng martial law, rebellion.

I will come up with another general order. I think Lorenzana will do it. Siya ‘yung administrador ng martial law. Wala man kayong masabi. Military man rin ‘yan Delfin na ‘yan. Pati droga.

Remember dito, walang warrant kailangan. Remember dito, I’d like to remind the entire Mindanao, walang warrant to search, to arrest. ‘Yan ang tandaan ninyo. At wala kayong habeas corpus because the suspension of the writ of habeas corpus isinali ko na. Now ngayon, nasa inyo ‘yan.

But I advise you, tapusin na lang natin. Kaya sabi ko huwag ninyo akong pilitin kay ‘pag pinilit ninyo ako diyan, susulbahin ko lahat ng problema ang naiwan.

We will go after drugs and you can arrest them without warrant and you can search their houses without a search warrant.

Ang martial law, if you are a law-abiding, God-fearing citizen of this country, wala ka talagang problema. I am the least — the soldiers and the policemen are the least, ‘yan ang pinakamaliit na problema ninyo. Mas problema ninyo hanap-buhay.

Ngayon, kung kayo’y terorista, kay diyan man talaga nag-umpisa ‘yan. Droga at sinakyan ngayon ng ideology ng ISIS na walang ginawa kung ‘di mag-putol ng ulo ng tao, ay may problema kayo.

Kaya nandiyan ang martial law, ‘yan ang kakapute sa mga pulis at sundalo. At ako, hindi ako papayag na may sundalo o pulis makulong.

At sinasabi ko time and again, I and I alone, Presidente, will bear the responsibility for all consequences, for all — kung anong mangyayari dito, akin ‘yan. Akin ‘yan at ako ang makulong.

Kasi itong mga tao na army, pulis, lahat Navy, sumusunod lang ‘yan sa order ko. ‘Yan ang dapat na marinig ninyo.

It is a military rule, you take over certain functions from the civilians and I will do it by general orders pati ASSO. Wala akong Congress except ‘yung general order ko.

‘Yung arrest, search and seizure order galing ‘yan sa DND. ‘Yan, para malaman ng lahat.

Hindi na ako magtagal kasi meron pa akong apo na pinangakuan. Hindi kasi ako Tagalog eh. So I have to go because it’s about an hour flying time.

Maraming salamat po.

Source: Presidential Communications Office/ Presidential News Desk

Read more...