FULL TEXT: INQ&A with NDF’s Benito and Wilma Tiamzon | Inquirer News

FULL TEXT: INQ&A with NDF’s Benito and Wilma Tiamzon

/ 05:11 PM December 02, 2016

Fresh from the first round of formal peace talks in Oslo, Norway, National Democratic Front (NDF) peace panel consultants Benito and Wilma Tiamzon sat down with INQ&A to discuss the negotiations and the left’s perception of the Duterte administration.

The couple’s first live television guesting was broadcast over Inquirer 990 Television, Radyo Inquirer 990 and INQUIRER.net’s Facebook page last September 20, 2016.

Article continues after this advertisement

INQ&A is a weekly interview program hosted by INQUIRER.net editor in chief John Nery and chief of reporters Kristine Sabillo.

FEATURED STORIES

Below is the full transcript of the interview:

John Nery, INQUIRER.net Editor in Chief: Welcome to INQ&A. The Inquirer question and answer program comes to you every Tuesday. We sit down with a leading newsmaker every week to discuss the issues of the day. And tonight, we don’t have just one, but two leading newsmakers. We are on Radyo Inquirer, and Facebook Live. We are carried on the various Inqurier social media platforms, like Twitter, Viber, Kakao, and Line. We are also on Inquirer digital TV, and my name is John Nery, I’m Editor-in-Chief of Inquirer.net, and with me is my co-host, Kristine Sabillo, the Chief of Reporters of Inquirer.net.

Article continues after this advertisement

Kristine Sabillo, INQUIRER.net Chief of Reporters: Thank you John, to our guests tonight, and to everyone watching. So before we introduce you to our guests I would like to share 3 things that we would like to know you about them. Number one, they were high school sweethearts. In fact, one of them graduated salutatorian and the other one was first honorable mention from Rizal high. The second is that one of them took up B.S. Chemical Engineering and the other, B.S. Statistic from UP, so parehas silang nag U.P. The last one is that both were members of the U.P. Collegian, the Philippine Collegian. So ladies and gentlemen, our guests tonight Ka Benito and Ka Wilma Tiamzon.

Article continues after this advertisement

Nery: Welcome po, Ka Beni and Ka Wilma.

Article continues after this advertisement

Wilma Tiamzon: Magandang gabi, Ka John and Ka Kristine.

ON DUTERTE AND UNITED STATES

Article continues after this advertisement

Nery: Thank you for, I think, ito ata ang kauna unahang live guesting po ninyo. Thank you very much. Simulan na po natin. Ang unang tanong, president Duterte had a very  controversial first term sa international stage, lalo na nung binanatan niya yung Estados Unidos. Ano pong tingin niyo dun?

Benito Tiamzon: Nakakatuwa dahil for the first time, ang presidente ng Pilipinas ay tumindig at lumayo dun sa dating ang tendency ng dating mga presidente ng Pilipinas ay yumuko at manikluhod, lalo na sa presidente ng Estados Unidos.

Wilma: Kasi ang kasaysayan, kung babalikan, lahat ng mga naging presidente ay naging presidente dahil binasbasan at inayudahan ng U.S., at kung kaya’t inaasahang magiging sunud sunuran lang. Pero si presidente Duterte, ay ano siya, naiiba sa iba pang mga nakaraang presidente dahil matapang siyang tumindig at nagsalita kay president Obama, mas matangkad siya kaysa kay presidente Duterte.

Nery: Siguro medyo naiiba yung sitwasyon ni Aguinaldo kasi akala niya binasbasan siya ng mga Amerikano, at binawi niya yung sinabi niya kaya nagkaroon nga ng  problema, kaya yung sa, from the Commonwealth, ito nga siguro yung sinasabi po ninyo, ano. Yung kay presidente Duterte ba, meron ring kasamang medyo maaanghang na salita, yun ang, siguro sa paningin ng ibang tao, medyo hindi naman dapat nabanggit. What can you say about this, yung language na ginamit niya, baka nakaturn off sa iba, baka naka alienate sa iba, pero yung mensahe niya eh tama naman?

Benito: Considering yung mahabang history, na may isang padron lang, na nangyayari, siguro understandable kung may ilang over correction yung isang presidente na gustong mas tumindig sa pakikipagharap sa United States.

Sabillo: Ano pong masasabi niyo dun nga sa mga bumabatikos sa lenggwaheng ginagamit ni presidente Duterte dun nga sa usually, pag may sinasabi si presidente, suportado sila, pero with the issue of the U.S., yung ibang supporters niya sinabi na hindi naman daw tama yung ginawa, because they are looking at kung ano daw yung naitulong ng U.S. lalo na sa military, sa modernization ng AFP. So sa inyo po, ano po an gpalagay ninyo sa segment ng publiko na ganun ang pananaw.

Benito: Dapat siguro mas bigyan ng timbang yung declaration ng independence kesa dun sa manner kung paano ginawa yung ganung declaration.

Wilma: Ano kasi eh, kung minsan din yung lenggwahe ay pwedeng makabigla o maka-shock lalo na kung di nakasanayan. Pero kapag ang nilalaman naman ay talagang gusto mo ng isang break mula du nsa isang napakatradisyunal na nakasanayan eh sa tingin ko naman ay hindi, hindi dapat masamain yung kaniyang ginamit na lenggwahe.

Nery: Bumalik po tayo dun sa ginamit niyo pong, mga salita, ka Benny, yung declaration of independence, parang ganun po baa ng ginawa ni president Duterte in the last 2 weeks? Is it a second declaration of independence, this time from the Americans? Ganun ba ang basa ninyo?

Benito: Ganun ang basa namin sa ginawa niya, at yuyng ganung deklarasyon niya ay nagbubukas din ng iba pang mga posibilidad sa ibang importanteng usaping pambansa na dati, ang nakasanayan ng mga presidente ng Pilipinas ay tumingin muna sa U.S. bago gumawa ng mga pasya tungkol sa mga mahahalagang patakaran ng Pilipinas

Sabillo: Ano pong mga halimbawa ng mga isyu na sa tingin nyo ay kaya nang pag-usapan at pagtuunan ng pansin ng gobyerno?

Benito: Yung mga usapin sa national economy, mga basic policies sa ekonomiya, mga usapin sa socio-economic policies, mga usapin sa relasyong panlabas ng Pilipinas, at maging usapin sa pampulitikang reporma na pwedeng ipatupad.

Wilma: Ang talagang inaasahan naming pwede maging direction ay yung kaugnay ng EDCA at saka ng VFA na sa tingin namin ay tumatapak sa soberenya ng bayan at sa mahabang panahon kasi, yung armadong pwersa ng gobyerno ay talagang inaayudahan, sinasanay, dinodoktrinahan, ng U.S. Kaya kung magkakaroon ng pagbabago diyan, sa tingin naming ay malaking bagay yun. Ngayon, kahit yung, ang U.S. bilang nasa top na ano siya, ano, yung trading partner ng Pilipinas, ay may pagkakataon ngayon na hindi labis na nakatali ang Pilipians sa iilan lang na pili lang na makapangyarihan bansa katulad ng U.S., pwedeng magbukas ng oportunidad ng pakikipagkalakalan sa iba, on better terms, on fair terms. Sa usapin ng gobyerno, yung pakikialam sa maraming mga usapin sa policy questions…

Nery: Ano pong basa ninyo sa, yung, second day actions naman ng administration officials, meron siyang sinabi, isang gabi sabi niya “I want the U.S Special Forces out of Mindanao”, then the next day, may mga explanation, hindi naman ibig sabihin na abrogate na yung EDCA, yung BFA, mga ganun, may ibang sinabi yung DFA, may ibang sinabi yung Malacanang, ano pong basa ninyo dito? Has he failed to bring his administration on board, or this is going to take a longer process?

Benito: Siguro sa laki ng pagbabago na gusto niyang gawin, at gusto niyang ipatupad, umarangkada na siya, pagkatapos dun sa reaksyon, ang tendency niya i-consider yung mga reaction, parang umaatras naman siya dun sa  mga unang sinabi niya. Pero palagay ko yung overall trajectory ay malinaw, parang ganyan din yung nangyari dun sa ibang mga usapin, halimbawa yung resumption ng peace talks sa pagitan ng gobyerno, JRP at NDFP, merong mga ganun siyang bold at forward declarations na parang later on parang binabawi, pero later on pinatunayan talaga na firm naman yung kaniyang decision na kaya mas importante sa aking pagtingin yung trajectory, at palagay ko ay positibo yung buong trajectory.

ON PEACE TALKS

Nery: Siguro pwede nating balikan Tine, itong usapin tungkol sa relations with the U.S., pero nabanggit niyo rin po yung peace talks, pwede ba nating pag-usapan yun? So a ffew weeks ago, you were in Oslo, and a very successful first round. It was the first time for the Philippine government and the NDFP to meet in what, 6 years? Yung sa formal..

Benito: Sa nakaraang 15 years ano eh, basically paralyzed yung peace talks.

Nery: So it was not just 6 years ago, but a decade and a half of inaction?

Benito: Oo.

Nery: Lahat, ang ganda nung lumabas, ang ganda nung sinabi ng government, ang ganda nung sinabi nung representatives ng NDFP, bigyan niyo naman kami ng ano.. Ano bang nangyari dun? Bakit ang ganda nung first round of negotiations?

Benito: Una yung atmosphere ng goodwill ay nilikha nung release ng mga NDFP consultants para dumalo dun sa resumption ng peace talks. Pagkatapos, sinuklian naman ng NDFP ng declaration ng unilateral ceasefire, na tinugon din naman ng unilateral ceasefire ng gobyerno. Kaya mayroong general atmosphere ng goodwill and mutual trust.

Sabillo:  Napapanood namin sa Facebook live yung (negotiations sa Oslo) kasi nagpapalabas sila ng ganoon, usually tawanan nga, very light yung atmosphere. Pero nabanggit din sa ilang mga statements na there were also times na talagang nagdebate din, lalo na sa mga importantent issue. Ano po yung mga issues sa tingin niyo na kinailangan talaga ng masinsinang usapan? At least for the first round?

Wilma: Wala naman talagang dinaanang matinding debate, siguro mga ilang formulations na madali namang napagkaisahan, kumbaga yung mga recess maiikli lang, sandal lang eh..

Sabillo: So talagang smooth pala talaga yung first round?

Wilma: Oo, generally, very smooth yung tinakbo ng first round. Actually naman yung first round ay nagconcentrate naman sa affirmation ng previously signed agremenets, tapos yung (?) kinakailangan gumawa ng bagong list, tapos yung ceasefire, and yung paano yung acceleration ng iba’t ibang mga working groups batay dun sa mga naihanay na agenda.

Nery: And yung releases?

Wilma: And oo, yung declaration, yung inaasahan na declaration ng amnesty sa mga nilistang political prisoners ng NDFP.

Nery: Babalik po kayo in a few weeks?

Benito: Sa October 1.

Nery: Ano po ang inaasahan natin dun sa second round?

Benito: Mainly ano yun eh, working round yung mga iba’t ibang mga working committees at working groups na may mga assignments sa socioeconomic reforms, political and constitutional reforms, yung sa end of hostilities, at saka yung doon sa ceasefire, at sa yung sa general amnesty, at saka yung magwowork doon sa pagdevelop ng single, bilateral ceasefire from the two existing na unilateral ceasfires. Kaya yun, iba ibang grupo, sabay sabay nilang, amy mga target silang tapusin.

Sabillo: Gaano po katagal yung second round?

Benito: October 6 to October 10.

Wilma: Hindi talaga panel to panel yun eh, basta working groups.

Sabillo: Then hiwa-hiwalay siya?

Wilma: Oo. Exchanges.

Nery: You are not on the actual negotiating panel, you are consultants to the panel, are you involved with any of the working groups?

Wilma: Yes. Ako sa end of hostilities, ako ang chairperson.

Benito: Ako sa political and constitutional reforms, ako yung vice-chair tapos ako rin ang vice-chair sa end of hostilities. Kasama rin ako sa ceasefire committee.

Nery: So halimbawa po dun sa end of hostilities, ano bang proseso nun, how are you going to move to the next?

Wilma: Oo eh, ang agreement kasi ay dapat nakabatay doon sa mapagkakasunduan, ano ang magiging pigura sa end of hostilities and dispotisiton of forces. Kaya dapat we should be closely monitoring yung developments doon sa ano, sa magiging agreements dun sa unang dalawang agenda, sa socioeconomic reforms at saka sa political and constitutional reforms. Although ang GRP panel ay meron silang ilang proposals, parang outline pa lang naman, based sa experience nila with MILF, or using the United Nations formula, pero sa panig ng NDF, we prefer napagaralan muna ng mabuti yung takbo nitong dalawang substantive agenda bago malinaw na mapigurahan paano talaga yung magiging end of hostilities at disposition of forces.

Nery: Oo nga, parang kailangan muna matapos nung sa inyo?

Wilma: Siguro ang gagawin namin doon ay mag-aaral, papag-aralan yung iba’t ibang models, imomonitor naming yung takbo nila, magoobserve kami, at malamang, important kasi sa amin syempre kung ano man yung mga agreements, may mga guarantees na talagang magkakaroon ng katuparan, para naman hindi masayang yung pag-uusap, at napakalaki ng nakasalang.

Nery: Realistic ba yung matatapos niyo lahat from one year’s time, from August 2016 to July 2017?

Benito: May agreed upon target, pero may general understanding din na best effort, tapos paulit ulit naming sinasabi na best effort, tapos paulit ulit naming sinasabi na kapag peace negotiations. Hindi mabuting maglagay agad ng parang matigas na deadline. Kailangan maging flexible.

Nery: Before the next question, can we just say hi, we have viewers in Facebook Live from Japan, the United Kingdom, London and Qatar, baka gusto niyo pong, mag hello naman po kayo.

Benito: Magandang gabi po sa inyong lahat na nakikinig at nanonood sa amin ngayong gabi,

Wilma: Magandang gabi po sa inyong lahat, maraming salamat at nagkaron kayo ng interes na pakinggan itong interview sa amin, lalo na at ang pinag-uusapan ngayon ay ang nangyayaring usapang pangkapayapaan at iba pang mga usapin dito sa Pilipinas.

Nery: Ka-Wilma, Ka-Beni, ano ba ang nangyari noon at yung, parang sabi mo na 15 years of virtual paralysis. Ano ba ang problema noon, bakit ganun? Tas anong pagkakaiba ngayon?

Benito: Siguro ang malaking nangyari ay yung war on terror ng U.S.

Sabillo: Na-tag ang CPP as a terror group..

Benito: Oo. Pagkatapos, ay parang lumukob siya eh doon sa buong peace negotiations at naitulak din yung gobyerno na mas kumilig sa mas military solution kaugnay nung pakikitungo sa rebolusyonaryong kilusan. Pero pinatunayan naman ng karanasan na naging failure yung hinahabol nilang military solution, kaya maigi, at ngayon ay bumalik sap ag-uusap sa paghahanap ng mutually acceptable na agreement sa social economic and political reforms para maging pundasyon ng just at tunay na kapayapaan.

Sabillo: Dun po sa tatlong natitirang agreements, yung sa tatlo pong natira, ano po sa tingin niyo ang pinakamahirap na pagkasunduan nung dalawang panig?

Benito: Yung socioeconomic reforms. Maraming, although napapansin naming, kasi nga nagkakabiruan na sabi, ah pagdating sa land reforms, si Ka Paeng ang magiging kinatawan ng GRP.

Sabillo: Kasi galing sa ibang mga militanteng grupo ang ibang miyembro ng gabinete ngayon.

Benito: Palagay ko, yung presence nung tinatawag naming progressive or more enlightened na elements mula sa gobyerno mula dun sa negotiating panel nila ay nakakapagpabilis nung mga pag-uusap at mga pag-aabot sa mga pagkakasundo, And at the same time, alam din naming na yung mga usaping nakasalang ay may mga malalaking taya ang mga makapangyarihang grup osa gobyerno at sa labas ng gobyerno, at anomang posisyong gagawin ng gobyerno sa pag-uusap na ito ay masusubject sa iba’t ibang klase ng pressure at hilahan, tulak, kaya doon mas magiging, sa tingin ko, mas magiging gitgitan.

Nery: Pasensya na ah, kasi this is our 9th week, our program is on our 9th week, ito yung pinakamaraming allocations na may nanonood ano, nakakatuwa ano, so aside from Japan, UK, Lebanon, Qatar, meron ding nanonood from Sabah, from Riyadh, from Dubai, well, Saudi Arabi, Germany, Taiwan, California, Kansas, Australia, Naples, Italy, tsaka ito, Guantanamo, Cuba. First time naming nakita.

Maraming salamat po for watching INQ&A on Facebook Live. Siguro in 5 minutes we will take a break. And we’ll also get to talk about the human face, ano, the how was life like underground and so on, pero bago po nun, marmai talagang interesado dun sa peace process, kasi matagal nan gang problema ito, maganda talaga kung mabubuo, pero meron ding ilang nagsasabi na medyo masama ang loob ng military. Ano po ang masasabi ninyo? I don’t know if that is part of the campaign that the president is undertaking, nakafifteen military camps na ata siya. His speeches are all about war on drugs, di naming alam if behind the scenes he is also trying to support the peace process, pero makikita niyo po yan, asa online din, sa forums, lumalabas yan na parang bakit ganto, parang masyadong maraming binibigay ang gobyerno. Ano po ang tingin ninyo, lalo na dun sa militar, na mabigat ang loob.

ON MILITARY

Benito: Sa militar, may nakakausap din naman kaming opisyal ng AFP, PNP. Meron talagang mga grupo na tumututol dun sa peace talks, tumututol sa release ng NDFP consultants, at iba pang mga political prisoners, pero meron ding natutuwa at supportive. May mga nagsasabi na generally sa mga younger officers, mas bukas sila dahil sa tingin nila ay dead end na yung dating approach. Na masyado na, antagal na natin sa ganitong klase na walang nangyayari at palubog ng palubog an gating bayan, kailangan nang gumawa ng mga bold initiative para makaalpas sa ganitong kalse ng kumunoy.

Wilma: Oo, at sa katunayan, sa pagkakaalam namin ay merong assessment mismo sa hanay ng military, na isang nakita nila kung bakit hindi tumitigil kahit na may maikling period, na tatambakan nila ng malaking pwersa, parang mawawala, sabi nila, hindi nila makita kung nasan ang NPA, pero sandal lamang ay bumabalik na. Sa pag-ikot nila sa mga barrio, ang naabot nila ay hindi naman natutumbok kung ano talaga ang problema ng taumbayan. Dahil sabi nila mukhang hindi sapat eh yung tutulong lang kami mag-gawa mga toilets, o ayos ng tulay, o magkaroon ng mga tournaments ng basketball, o mga medical mission. Dahil kapag iniharap na nung mga tao yung mga problema nila sal upa, yung problema sa pagsasamantala sa kanila ng mga usurer, yung problema sa kawalan ng hanapbuhay, edukasyon, hindi sila makasagot. Kaya sabi nila, mukhang hindi talaga military solution lang ang talagang dapat na gawin para harapin itong problema ng armadong paglaban ng mamamayan.

Sabillo: Gaano sa tingin niyo kalakas yung conviction ni presidente Duterte na ipagpatuloy yung peace talks gayun na meron nga dyan yung military, at yung ibang forces pa na tumututol nga dito. Sa tingin ninyo, gaano kalakas yung insistence niya na talagang matuloy yung peace talks? At magbunga ito sa final agreement with the CPP and NDF?

Benito: Medyo kumbinsido kami na firm talaga yung kanyang conviction na mag-seek talaga ng negotiation solution, na talagang habulin, magkaroon ng progress, at makamit yung ultimong layunin nung peace process.

Sabillo: Paano niyo po nasabi yun? Nakita niyo po bay un sa past relationship niya with the left, or dun sa mga pronouncements niya ngayon?

Benito: Sa pronouncements at sa mga hakbang niyang ginagawa, halimbawa yung kamakailan lang, for so many years, eh for the first time, eh i-convene yung presidential agrarian reform council, at gumawa ng mga importanteng desisyon para itulak yung pagpapatupad ng agrarian reforms. Ito ay indikasyon na seryoso siya sa pagpapatupad ng mga socioeconomic reforms. At ito mismo ay nasa kaibuturan ng mga isinasagawang peace talks.

Nery: Ka Beni, Ka Wilma. Tine, we’ll take a break, we’ll be back, this is INQ&A, with Ka Beni and Ka Wilma Tiamzon, we’ll be back in less than 2 minutes.

ON JOMA SISON

Nery: Thank you and welcome back to INQ&A, we have a very interesting discussion with NDFP/s consultants Ka Benito and Ka Wilma Tiamzon. Nung nasa Oslo kayo nung August, nakapanayam namin si Joma Sison, from here, via Skype, eh that must have been the first time you saw him in many many years. Kamusta naman yung encounter po?

Benito: Nagkita lang kami ni Ka Joma nung marelease siya nung 1986, sandali lang yun. Pagkatapos di na ulit kami nagkita kaya for the first time. Nagkita uli kami sa Oslo. Masayang masaya yung aming pagkikita. Sabi nga naming nun eh, nung huli tayong nagkita, ikaw yung bagong labas, ngayon naman, kami ang bagong laya mula sa bilangguan.

Nery: Talagang bagong laya, ano? You were released August 19, August 20 kayo lumipad.

Benito: August 19 noon kami narelease, press con ng afternoon, nag-ayos ng visa nung gabi, nag-ayos ng mga bagahe nung umaga, hapon punta na sa airport.

Nery: Yun pala yung nabasa ko na one of the opening statements dun sa Oslo talks na you were talking about that, may extraordinary measures for the VISA, kasi talagang mabilisan. How about the others, sila, the Jalandoni couple, kamusta naman po?

Wilma: Okay naman sila. Nakakadalaw sila sa amin sa Crame. Actually noong 2014 at nung 2015 nakadalaw sila kaya nakita namin sila bago kami nakalabas.

ON UNDERGROUND LIFE

Nery: Kelan po kayo nag underground?

Wilma: Ako, nung suspension ng writ eh nung 1971.

Benito: Before martial law.

Nery: Noong August 1971, eh yun yung test ni Marcos eh?

Benito: We decided to go underground mula noon.

Sabillo: Saang grupo pa po kayo noon kabilang bago kayo mag-underground?

Wilma: Sa SDK at sa trade union.

Nery: Marami po siguro kayong kasama na nahuli?

Wilma: Ay, oo. Basta’t nung magdeklara ng martial law, parang naghaharvest eh. Ang diktadurang Marcos. Kaya kinailangan nilang magbukas ng rehabilitation center, nagkaroon pa ng youth rehabilitation center pero actually the first one is minimum security, the youth rehabilitation is maximum security. Puno yung mga constabulary security unit na mga kampo, bukod sa mga safehouses kung saan dinadala at tinotorture, hinuhuli.

ON MARCOS BURIAL

Nery: I actually wanted to ask more personal questions, pero yung topic ng martial law, balik tayo kay presidente Duterte. Mukhang matutuloy yung, well, depende nalang sa Supreme Court, ano, baka matuloy yung burial ni Marcos sa libingan ng mga bayani. Atsaka yung mga banat niya sa Amerikano, parang hanggang dun sa turn of the century lang eh, or in a few years after, hindi umaabot dun sa suporta ng mga Amerikano kay Marcos, and so on, ano pong basa ninyo dito kay presidente Duterte at yung tingin niya sa Marcos era? Parang ganoon din kami eh, hindi naming ma, kasi alam nating lahat yung nanay niya was a leader of the anti-Marcos group in Davao. And he worships his mom, nakita niyo naman siguro yung nanalo siya, umiyak siya dun ang kinakausap niya, yung nanay niya, “Mama, help me”. Marami ring nagtataka, bakit yung, pagdating dun sa Marcos ano, pangako siya kay Bongbong Marcos, or, yun lang. So ano pong tingin niyo dun? Yun, paano ba natin…

Benito: Tinatanaw niya atang utang na loob yung sa tatay niya ano, diba. Na inappoint nung Marcos government. Tapos mukhang nagmaintain sila. Meron silang namaintain na relations sa mga Marcoses bagamat yung nanay ay talagang aktibo doon sa protest movement, sa anti-dictatorship movement.

Sabillo:  Yung mga aktibista po ngayon, parang dalawa sila, may mga nagpoprotesta, may mga katulad naman ni Ka Joma na sinasabing sige ilibing niyo kasi hindi naman puro bayani yung nakalibing dyan. May mga traydor din daw. Pero kayo po, ano po ang pananaw ninyo, ano po ang dapat gawin?

Benito: Okay lang na i-register yun. Kasi tingin namin, kahit bumagsak si Marcos, partial and temporary lang yung victory ng mamamayan. Sa katunayan, kahit yung partial na victory, ano rin yung, checkered din yung naging karanasan ng mamamayan kaugnay nung mga kalayaan na nabawi. Halimbawa, yung mga killings, eh nagpatuloy naman yun kahit nawala na yung martial law. Importante na ano, i-assert yung mga kagitingan ng mga mamamayan sa paglaban sa martial law. At tama lang na nilabanan yung martial law, na nagpatupad ng mga brutal na kalupitan na nagpahirap sa maraming mga mamamayan.

Nery: Sa tingin niyo po lalabas yan maybe sa political and constitutional reforms, yung final document, may recognition na may pinagdaanan tayo sa martial law?

Benito: Kung sabagay, inaffirm yung… Yung experience ng sambayanang Pilipino sa paglaban sa diktadura.

Sabillo: So sa tingin niyo po ba karapat dapat siyang ilibing sa libingan ng mga bayani, or tama po ba yung mga pananaw ng mga tao ngayon na libingan nga siya ng mga bayani?

Benito: “At iba pa..” sabi nga. Yung paglilibingan ay parang may plus minus, yung, kung, yung anong klase ng laban ang ipu-put up sa question ng paglilibing, may plus minus din. Palagay ko, okay lang na i-register yung opposition dun bilang pagtataguyod dun sa historically correct na paglaban ng sambayanan sa pagpapabagsak ng diktadurang Marcos.

Nery: Ka-Beni, ka-Wilma, babati lang tayo no may dagdag pa tayong manonood sa Canada, Malaysia, Kuwait, Brunei and Portugal, saka sa Republic of Sta. Mesa, sa Malolos, Cebu, the new imperial city, Davao, biro lang po ah. Sa Bacolod at sa Tacloban.

Wilma: Magandang gabi sa mga taga-Tacloban, maayong gabi sa mga taga Davao, Bacolod. Kumusta po kayong lahat diyan?

ON FEDERALISM

Nery: May tanong po tayo from Richard Bautista, through Facebook, ano pong tingin ng left sa federalism?

Benito: Nung tanungin ako nyan, ang sinabi ko, yung sa left, more on the content rather than the form ng government eh. Kaya mas inaano namin, kung yung mga maliliit na uri ba ay tunay na kabahagi dun sa paghawak at pagpapatupad ng kapangyarihan, o sila ay inaapi dun sa isang kaayusan sa halip na kung ano yung anyo ng gobyerno. Kaya sa mga discussion naming, walang strong positions kaugnay ng federalism. Bagamat iniintindi naming kung bakit merong mga groups at si presidente Duterte mismo ay parang particularly interested doon sa pagtutulak ng federalism.

Wilma: Kaya nga dun sa sequence ng agenda, kung bakti magiging crucial yung papel ng socioeconomic reforms, dahil yun yung magdedetermien kung ano yung laman ng pag gogobyerno na gagawin kapag natupad yung socioeconomic reforms.

Nery: Posible din kasi na yung input sa inyo doon sa socioeconomic reforms at sociopolitical reforms could inform the process dun sa, kasi gusto talaga nila magkaroon ng constitutional change eh, whether through con-con o con-ass. So posible din yun ano, mangyari yung ganung kalseng influence.

Wilma: Pwede:

Benito: Pwedeng mangyari na magkaroon ng socioeconomic reforms na ipapatupad ay may constitutional ano..

Nery: Pero yung sa sociopolitical at constitutional, or yung other working groups, do you assume na magbabago ang constitution? Or it doesn’t have to be that way? Ino-open yung ganung possibility. Kasi ganun din yung sa peace talks with the Moro Islamic Liberation Front? Although yung si, well now Justice Marvic Leonen, nabanggit niya na may constitutional elbow room. Parang hindi naman kailangan palitan. Pero may mga nagsasabi na hindi, kailangan palitan. So para sa inyo, kailangan ba palitan yung constitution?

Benito: Saklaw yung usaping yun..

Nery: Parang mas bibigat pa tuloy yung responsibility ninyo kasi hindi lang yung pinaguusapan ay yung actual relationship between the government and the NDF, but now you’re talking about bringing the entire country behind a new constitution, medyo mahirap din, ano.

Benito: Ano naman kami, ano. Sa pakikipag-usap naming sa iba’t ibang grupo including business groups ,ang kapansin pansin ano eh, tremendous yung enthusiasm para sa peace talks, at ang interest nila ay hindi lang nakasalalay dun sa paghahabol na matigil yun, kundi interesado rin sila dun sa mga repormang dapat gawin, dahil nararamdaman din nila yung mga bigat ng problemang dapat harapin. Kaya mga big business nagpapahayag ng suporta kami dyan. Suporta kami dyan.

Wilma: At mukhang may mga ideya sila kung paano idedevelop yung ekonomiya ng Pilipinas. At yun nga, sa tingin ko, yung mga makabayang sentimyento, hindi lamang dito sa mga panggitnang pwersa, kundi sa mga hanay ng malalaki, di lang nakikita na sa tingin nila ay pwede nilang iambag dun sa mga usapang pangkapayapaan.

Nery: Madami ang may gusto na mabuo nga, matuloy nga yung final peace agreement. Ngayon ang pinagkakaguluhan sa bansa ngayon, yung mga extrajudicial killings, or deaths under investigation, to use the preferred terms ng PNP. Tapos kahapon lang, natanggal kay Senator de Lima yung committee chairmanship. Ano pong basa niyo dito, sa situation, sa war on drugs. Ano pong basa niyo? Talaga bang may excess sa dami ng pinatay? Meron bang mga nawawalang fundamental rights katulad ng due process, presumption of innocence? Or tama lang yung ginagawa ng Duterte administration? Talagang tinutumbok nila yung problema sa iligal na droga tapos ginagawa nila lahat ng kailangan gawin. Ano pong basa ninyo?

Benito: May nag express na dyan na mga progressive groups, yung CPP naglabas ng ano eh, paglilinaw, na iba yung approach na itinataguyod ng CPP sa pagharap sa mga problema ng droga. Sa kabuuan, ang isang masasabi ay una, yung gravity ng problema. Marami ring nabigla, na ganito pala kalala yung actual. At palagay ko, yung pagkakalantad nung problema yan din yung tinutungtungan nung patuloy na suporta ng marami dun sa mga drastic measures na pinatutupad ng gobyerno. And at the same time, nakakabahala talaga yung dami ng pinapatay, at maraming questionable yung circumstances. Kung gaano talaga yung aktwal na tindi niya, ilang porsyento niyan ng ejk at ilan ang legitimate na matitinding pagtatalo, at makakakumplika pa ng mga pagtatalo ay mga highly partisan na mga, may mga matitinding political interest ang ang babanggaan.

ON SOCIAL MEDIA

Nery: That reminds me pala, I’m curious, how do you get your news? When you were underground, san niyo kinukuha yung balita. San niyo nalalaman na may mga nangyayaring. Alam mo na, kung anong nangyari sa Cebu, kung anong nangyari sa… before your arrest in 2014.

Benito: Sa bundok, radio ang inaasahan. Sa siyudad, yung dyaryo.

Nery: Pero nasa Facebook ba kayo? Nasa Viber ba kayo?

Wilma: Hindi, wala.

Benito: Bago pa lang, tinatanong nga namin siya kanina, pagkagising mo ba, yun agad ang un among tinitignan.. Hindi pa naming habit yung ganun.

Nery: Siguro mga dalawa pang ano sa Oslo, pagbalik ninyo, napakahigh tech na..

Sabillo: Katulad ni Joma..

Nery: Nasaskype namin yun..

Wilma: Nakita namin yun eh, yung talagang.. bumubunton, bumubuhos sa Facebook pala yung impormasyon.

Nery: At disinformation din.

Wilma: Meron din. Yung reach niya, ano, talagang worldwide, kaya maganda rin. Kaya sa tingin ko, kung magagamit ng tama, makakatulong din ng malaki.

Nery: Sa totoo niyan, eh in speaking as journalists, eh we realize that Facebook is the #1 new organization in the world, even if they don’t see themselves in the news business. Kasi ang dami talagang kinukuha yung balita nila sa Facebook. Ang bilis ng oras, we only have 7 minutes left and we have, meron pa kaming konting game, mga 3 minutes, maya maya.

ON UNDERGROUND LIFE

Sabillo: Tatanong ko lang po sana, kasi nung huling beses ko kayong nakapanayam, pinagusapan natin kung paano yung buhay niyo ngayon kumpara sa buhay niyo underground pa kayo. Noon syempre limitado pa ang kilos niyo, maraming security issues, pero ngayon, ang kwento niyo nga, nahihirapan din kayo sa dami ng kailangan niyo gawin, mga kinakausap ninyo at mga information campaign din sa peace talks, so paano niyo po ikukumpara yung buhay ninyo ngayon as compared sa underground pa kayo, at mas gusto niyo ba yung trabaho niyo ngayon?

Wilma: Alam mo, yung buhay sa underground, pag nasa kanayunan, mas maluwag, hindi limitado ang iyong magagawa. Kasi mas Malaya kang nakakagalaw, nakakasalamuha mo yung maraming tao, nakakapagpalipat lipat ka sa iba’t ibang mga area, kaya yung buhay sa underground sa kanayunan yung pinaka maluwag at sa tingin ko ay pinakapanatag kami, kaugnay ng seguridad. Pero pagka yung underground sa siyudad ay relatibong limitado, pero dahil malalim at malawak din yung underground, may limitasyon siya hindi katulad nung sa kanayunan, pero nakakapag ugnayan din ng relatibong maluwag. Mas matas nga lang yung risk na pwede kang maaresto o mapatay. Marami kasi yung kaso ng mga nasalvage at na-msising na mga NDF consultants, na naoobliga naming dumaan talaga sa mga siyudad sa palipat lipat sa ibang bahagi ng kanayunan, merong iba may mga kasong medical at iba pang mga dahilan. Yung buhay pagkatapos, tapos sa kulungan napakalimitado. Nung lumaya ay para talagang napakahigpit naman nung schedule kasi ito nakaopen ano, iba talaga yung open eh, kasi sa underground, ang nagaagawan sa oras namin ay talagang nakafocus lang dun sa iba’t ibang organisasyon, iba’t ibang pangangailangan ng masa. Ngayon ay tuwiran kaming kailangan makipagharap sa iba’t ibang, katulad dito sa media, merong mga gusting makipagusap galing sa big business, merong ibagn social groups, meron sigurong iba pang mga, ngayon yung gma kamag-anak at mga kaibigan na matagal naming di talaga nakita, kaya talagang punung puno an gaming oras.

Nery: Pero kailangan talaga yun eh, yun yung number one lesson sa MOA-AD sa panahon ni presidente Arroyo, na actually, matitino yung mga bumuo nun eh, kulang sa participation nung bumulaga nalang, na walang suporta sa public? So yung previous peace panel dun sa MILF , talagang sinikap nila ano. Kailangan talaga, we need to create the public support, the kind of goodwill that a longterm solution like this needs eh.

Sabillo: Itatanong ko po sana yung, feel ko maihahabol pa naman mabilis lang naman yung game natin, huling issue lang, kahit briefly lang po. Ano po ang masasabi ng kilusan ng NDF at CCP dun sa South China Sea issue ngayon na kinakaharap ng Pilipinas.

Benito: Tama lang na igiit natin yung sovereign rights doon sa South China Sea kaugnay ng extensive economic ano natin, so ano, at the same time, hindi dapat maging sangkalan itong issue na ito para naman magbukas natin, ibukas natin yung ating bansa sa U.S. troops sa pagbabalik ng U.S. bases dito sa Pilipinas.

Nery: Is that a red line, pag nagkaroon ng U.S. bases here, titigil ang peace talks? I mean, it seems unlikely now, ano, kasi kailangan may Senate concurrence and so on, pasensya na, naisip ko lang.

Wilma: Kasama talaga yan sa pag-uusapan, pati yung constitutional at political reforms, kasama talaga yun sap ag-uusapan. Magiging matinding issue siguro yan. Eh talagang ibi-bring up ng NDFP yang usaping yan, na yung kung paano magrerespond tungkol dyan. Yun ang talagang magde-determine kung anong mangyayari,

Sabillo: Okay, so extend tayo ng konti, mabilis lang po. So good evening, we’re still in INQ&A with ka-Beni and ka-Wilma Tiamzon. So this is the part of our segment called “The good, the bad and the maybe.” So inexplain ko na para sa guests natin kanina, pero ulitin ko para sa audience natin, may sampu tayong topics na itatanong sa kanila, at ang pwede lang nila isagot ay good idea ba ito o bad idea. Pwede nilang sabihin ang maybe pero isang beses lamang. Pwede rin sila mag-explain nung sagot nila pero after na nung sampung topics. So kung may panahon pa tayo. So ready nap o ba kayo, simulan na natin? May hatian nap o yata sila kung pano kung sino ang first five…

Wilma: Ay hindi, hindi naming alam ang itatanong. Depende na lang yan.

Sabillo: Okay so simulan na po natin, number 1, hot topic. Senate ousting De Lima as Justice committee chair.

Nery: Pwede namang i-explain mamaya. Mukhang nahihirapan ah.

Sabillo: Pwede niyo pong gamitin yung maybe.

Benito: Maybe.

Sabillo: Okay so hindi na pwedeng gamitin yung maybe, number 2, U.N. commenting on drug summary killings.

Wilma: Okay lang.

Both: Good idea.

Sabillo: Proposal to lift arrest warrant for Nur Misuari?

Both: Good idea.

Sabillo: MMDA to rent drones for flood and traffic monitoring, yung mga cameras na lumilipad..

Both: Good idea.

Sabillo: Presenting Edgar Matobato in Senate, yung member daw ng Davao Death Squad. Di ko alam kung napanood niyo yung kanyang testimonya sa Senate.

Benito: Bad idea.

Sabillo: Teddyboy Locsin as ambassador to UN.

Both: Good idea.

Nery: Naku matutuwa si ambassador nyan.

Sabillo: Duterte, ito nabanggit na kanina, Duterte visiting and touring military bases.

Both: Good idea.

Sabillo: Freedom of information executive order from Malacanang.

Wilma: Good idea.

Sabillo: Giving immunity to inmates testifying against De Lima, ito yung mga drug lords daw.

Both: Good idea.

Sabillo: Trump as U.S. president?

Both: Bad idea.

Sabillo: Pwede bang dugtungan, Clinton as U.S. president?

Benito: Maybe.

Sabillo: May konti pa po tayong minuto, kung may gusto ko po kayong iexplain, pwede po. Or kung yun na yun, pwede din.

Nery: Bakit kaya maybe yung kay De Lima as committee chair?

Sabillo: Ang tagal pinag-isipan.

Nery: Bakit kaya? Maybe you can just walk us through your thought process.

Benito: Sa ngayon kasi parang matingkad yung ano eh, yung parang mgausapin tungkol sa EJK, sa drug war, masyadong nalulukuban na ng mga partisan, na labanan. Kaya kahti mismo yung patantya mo sa kung anong totoo at hindi, kailangan mag-ingat eh sap ag-timbang timbang.

Sabillo: Kasi may kanya kanyang interest daw yung mga partido. I guess that’s it for tonight.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nery: Ang bilis ng oras eh. Bitin. Magpaalam na tayo Tine.

Sabillo: So maraming salamat ka-Beni, ka-Wilma, sa mga nanonood satin ngayong gabi sa Facebook, sa Radyo Inquirer, at saka sa Inquirer television. Para po malaman kung sino ang susunod naming makakapanayam next week, sundan niyo po kami sa social media sa Twitter, si John ay nasa Twitter @jnery_newsstand at ako naman po ay @KSabilloINQ at abangan niyo nalang po kung sino ang susunod naming makakapanayam. But for now, I would like to thank our guests, talagang it’s our privilege to meet Ka Beni and Ka Wilma. Thank you for making time for this. This has been INQ&A, thank you and good night.

TAGS: CPP, INQandA, NDF, Peace Talks, Wilma Tiamzon

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

© Copyright 1997-2024 INQUIRER.net | All Rights Reserved

This is an information message

We use cookies to enhance your experience. By continuing, you agree to our use of cookies. Learn more here.