FULL TEXT: Duterte attends Westmincom soldiers' wake in Zamboanga City | Inquirer News

FULL TEXT: Duterte attends Westmincom soldiers’ wake in Zamboanga City

/ 08:51 PM August 31, 2016

August 29 2016 President Rodrigo Duterte salutes before the tomb the unknown soldier's monument during National Heroes Day rites at the Libingan ng mga Bayani in Taguig City. INQUIRER/ MARIANNE BERMUDEZ

President Rodrigo Duterte salutes before the tomb the unknown soldier’s monument during National Heroes Day rites at the Libingan ng mga Bayani in Taguig City. FILE PHOTO

PRESIDENT RODRIGO DUTERTE’S SPEECH
DURING HIS VISIT TO THE WAKE OF KILLED-IN-ACTION SOLDIERS
Western Mindanao Command, Zamboanga City
August 31, 2016

Mayor Bing; the officers and men of the Armed Forces of the Philippines; kasama ko rin dito ngayon si Secretary Lorenzana, the Defense Secretary; at mga mahal kong sundalo; mga kapatid kong Pilipino: magandang hapon po sa inyong lahat.

Article continues after this advertisement

Alam mo, every time I sign something that is really to buy bullets and guns to kill your own countrymen, masakit sa akin ‘yan. Not only because I am the President of everybody, including ‘yung mga lumalaban sa gobyerno. Pag nandito sila sa Pilipinas, isa lang ang Presidente: Ako. So it bleeds my heart to—every time na merong away at may mamatay magkabilaan, it makes me sad. Eh buhay ng tao ‘yan eh.

FEATURED STORIES

Last night, magkasama kami ni Secretary Lorenzana, tinawagan ko si Nur. Kung maari, mag-usap kami sa madaling panahon at ang sabi ko sa kanya, sabi niya: “Paano ito, may warrant ako?”

Ang aking order sa pulis, pati military, pag si Nur lumabas sa kanyang—kung nasaan siya ngayon—sa Jolo to escort him at dalhin sa where I am or tawagan ako, ako ang pupunta at mag-usap kami.

Article continues after this advertisement

Alam mo sa giyerang ‘to, walang mananalo dito, puro talo tayong lahat. Sayang ang gastos ng bala pati armas na wala namang kakwenta-kwenta. At may mga tao na ayaw—you know, they don’t give, maski konting pag-asa lang na magkaroon tayo ng kapayapaan.

Article continues after this advertisement

I do not have any problem with Nur. We have agreed in principle na mag-usap para, to resolve the conflict, the history of Mindanao. Wala rin akong problema sa MI, pero may problema ako sa Abu Sayyaf because they are terrorists and they kill, pugutan ng ulo sa harap ng mundo, civilian, o sundalo.

Article continues after this advertisement

You know, I hate to say this. Ang lola ko, Maranao. Moro. Kaya kung everytime na magbakbakan, malalaman mo dito, nasasaktan talaga ako.

In the olden times, ‘yung kwento ng aming mga ninuno, the Tausug warrior is an honorable man. Eh bakit ba ‘yan—putulan ng ulo ‘yung mga hostage niya. Hindi trabaho ito ng totoong Tausug. Something is going wrong somewhere.

Article continues after this advertisement

Kaya nakikiusap ako sa mga Tausug, Sama, Yakan, mag-intindihan na lang tayo. At you know, we craft the Philippines, gawain natin itong Pilipinas na magustuhan ng lahat, walang nalulugi.

Alam mo sa giyerang ‘to, walang mananalo dito, puro talo tayong lahat. Sayang ang gastos ng bala pati armas na wala namang kakwenta-kwenta. At may mga tao na ayaw—you know, they don’t give, maski konting pag-asa lang na magkaroon tayo ng kapayapaan.

Ngayon, kung mag-usap tayo at gusto talaga ng mga kapatid natin na dito sa Moro side, gusto nila federal system, eh ‘di okay. Anong kasalanan natin, magpapatayan tayo ng walang—? We know; I know; ang Kristiyanos know; ang tatay ko know; kung taga-dito sa Mindanao na nauna ang Moro dito na relihiyon, Muslim by 100 years or 70 years bago dumating ang Kristiyanismo.

But that alone, hindi natin kasalanan. Ang nag-umpisa nito, ang mga Español pumunta dito, 1571 they landed in Leyte bringing a religion—Christians. Then ang Amerikano, cultivated Mindanao tapos sabi: “Come to Mindanao because it is the land of promise.” Ano ba naman ang kasalanan mga, namin?

Nag-asawa ang tatay ko ng lady Moro. Aba, malay ko, kasalanan ko sa mga Español dito na hindi man namin alam na ganito ang sitwasyon? Eh bakit tayo magpapatayan? ‘Di magkwentuhan na lang tayo.

Of course, ngayon alam na namin. Eh ako, kung tanungin mo ako, ako Bisaya pero hindi talaga ako nakatira ng Cebu kalian man. Lanao pa, sandali.

So, pakiusap ko lang sa lahat, mga Abu Sayyaf. Putulan ninyo ng ulo, ano ba? You know, ikaw, kung warrior ka, isang bala lang. Kaya sabi ko sa mga sundalo, “huwag ninyong gawin na parakrakan ‘yang mukha, sirain ang katawan.” For what?

You think Allah would be happy to see you do like that? In the name of Allah, you kill tapos unnecessarily, you mutilate the body of a human being. Napaka-ano naman.

Kasi noon, ang kwento, ‘yang mga Tausug is, pag nag-break ka ng ano—word of honor, patayan ‘yan. Pero it has deteriorated into some kind of cannibalism. Kaya ang order ko sa sundalo, isang bala. Pag natumba na, ‘wag mo nang, huwag mong aksayahan ng panahon, huwag mo sayangin ang bala. Move on to fight another day.

Sabi ko sa kanila, huwag kayong magtanim ng galit, may pinapa-intindi tayo. Itong Moro ng Mindanao na ang sitwasyon, walang kasalanan ‘yan, ‘yung mga Español. Eh ‘di kung hindi pumunta si Magellan dito, ‘di puro Moro tayo lang, puro Muslim tayo. Ano ba naman kasalanan ng mga Bisaya? Ano ba naman ang kasalanan ng Tagalog? Anong kasalanan ng Maranao? Sama?

Sana maintindihan nila ‘yan. Ako, ayoko talagang, everytime may makita ako, ke Abu Sayyaf, nasasaktan ako, sa totoo lang.

Now, itong mga naiwan na pamilya sa sundalo—ng mga sundalo, I’d like you to know that ano kayo, automatic member kayo sa 4Ps. So may konting pera diyan buwan-buwan, tsaka may isang sako ng bigas at kayong—as a soldier, ang automatic ‘yan, ang sundalo may isang sakong bigas ngayon. May bigas ka na, tapos ‘yung 4Ps, may isa pa tapos konting pera.

So, pakiusap ko lang sa lahat, mga Abu Sayyaf. Putulan ninyo ng ulo, ano ba? For what? You think Allah would be happy to see you do like that? In the name of Allah, you kill tapos unnecessarily, you mutilate the body of a human being. Napaka-ano naman.

Now, alam mo, sinabi ko na rin ito sa lahat. Tayong mga lalaki, wala tayong takot ng kamatayan. Alam natin, mamamatay talaga ang tao. We can’t choose where to die, saan tayo magpakamatay o saan tayo mamamatay. We can’t choose because bakit tayo nagpakamatay. Alam natin kung gusto natin paano tayo mamatay, sa giyera ba o saksakan ba o bentahan ng droga?

Ang hindi natin talaga alam, kailan tayo mamatay? So ‘yan ang tangggapin ng lahat, hindi lang sundalo pati lahat kayo dito, mga kapatid ko. Lahat tayo, mamamatay. Kailan? ‘Yan ang hindi natin alam.

Marami namang sundalong nag-retire, libu-libo rin ‘yan, marami ring naging heroes. Itong lahat namatay, binibigyan ko ng saludo. Hindi ako nagsasaludo kalian man sa—pag hindi ako nag-respeto sa tao, you can never see me salute.

Ganyan ang ugali ko, may pagkabastos pero itong nagpakamatay sa bayan ng Republika ng Pilipinas, where I am now the President, of course. I consider everybody there, the fallen heroes at the back, all heroes ‘yan sa Pilipino.

Kaya kayong mga pamilya, automatic ‘yan, out of endearments, pagpapakita sa pagmamahal ng isang bayani, enrol kayo automatic mga biyuda, 4Ps. Then I have directed itong DILG, hanapin lang ninyo kung saan ‘yung regional office, may directive ako diyan.

Yung biyuda, tanggapin sa gobyerno, isang empleyado. At ‘yung lahat ng anak ninyo, i-enroll lang ninyo, ako ang magbayad, paalamin mo lang ako or sabihin mo doon sa eskwelahan, sabi ni Presidente Duterte, mag-enroll kami dito tapos paalamin mo siya at doon ka magkubra sa kanya ng—magpadala ako ng—trabaho na. Huwag na kayo. Sila, sabihin mo, sabi ni Mayor Duterte, paalamin siya.

State colleges or basta public school. Huwag muna private kasi ginagawa pa namin ‘yung for next year. Next year, kung maawa si Allah, then you have-ako na ang magbayad. Kindergarten hanggang high school. Pagka college, kung bugoy, ay magsundalo ka na lang. Ayaw mag-aral. Hanap tayo ng away kung wala ng away, pana-panahon lang ‘yan, kung hindi, marunong—patuloy natin ang scholarship.

Tapos ‘yung—at least may trabaho, may dalawang sakong bigas kayo. Automatically enrolled kayo sa 4Ps, one sack of rice and as a soldier, ipatuloy ko ‘yan maski wala ng—patay na, patuloy ko ‘yan sa pamilya. Ang eskwela, ako na, akin na ‘yan. Ibigay mo na ‘yung problema sa akin, mga pag-aaral ng mga anak ninyo.

I am sorry that this has to happen. I do not want it happen again, kung maari lang. At tsaka may pakiusap ako: Kung hindi naman tayo magkaintindihan, eh huwag mo naman ‘yang mga ganon na style na sirain mo ang katawan ng tao. Wala sa akin ‘yan. Eh lalaki tayo, alam natin mamamatay, siguro hindi ako nag-sundalo kasi takot akong mamatay. Alam natin ‘yan, kaya wag na natin i-i-ano, you are not a warrior kung ganon ang—hindi naman tayo mga taga-Arabo eh. That is not our culture. Our culture before the religions came in, before the Islam came to the Philippines, at ‘yung Kristiyanos, we are all Malay kaya magkamukha tayo ng mga Indonesian pati Malaysian. Malay tribe tayo. Ang mga batasan ng ugali ng mga Malay, hindi gumagawa. Gaya ng ang Arab, marami namang Arab, Egypt, Libya.

Ganon tayo, depende lang kung sinong nakahawak sa gobyerno noon. Pakiusap ko: Kung away lang man, fight. But do not add grief to the family by destroying the body. Kailanman, hindi talaga ako papayag na gagawin ng gobyerno ‘yan. ‘Di talaga ako papayag ‘yang brutality, cruelty ng ganon. Sabi mo, isang bala lang, iwanan mo na, pag nalaman mo patay na.

So, I hope that nakinig lahat. May 4Ps kayo. Kinukuha ko ‘yung pangalan ninyo. Ang asawa kailangan magkatrabaho, either national or local, basta hanapan ng trabaho. But preferably, sa national. Kasi pag walang iba, sabihin ko sa DILG (Department of the Interior and Local Government), maghanap ka ng program diyan na para mga biyuda, maka-trabaho, magkaroon ng sweldo. ‘Yung mga anak, i-follow-up ninyo para makapag-enroll.

Ngayon, lahat ng problema ninyo na kaya ninyo, merong mga benefits. As a soldier, meron ‘yan. But I have a program na nirereserba ko, ‘yung mga problema na hindi na ninyo kaya, talagang wala kayong makapitan, may naiwan ako na number, tawagan na ninyo, sabihin ninyo ang problema. At kung sino ‘yung tao dito sa gobyerno na matawagan ko, siya ang maghanap ng solusyon sa problema ninyo.

And I would like to extend, I said, I share my grief, not only to the …, everybody who died. Nakikiramay ako sa hindi natin pagkaintindihan. We want to end this war. I do not want to continue even for a day sana. Walang sundalo dito na gustong magpakamatay. May mga pamilya ‘yan doon sa ibang—sa Luzon, sa Visayas. So why would really we—why would we just insist in finding the reason, maghanap ng rason para magpatayan. Sana, I said I implore the divine intervention of Allah para magkaintindihan tayong lahat.

Maraming salamat po.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.


Read here all of President Duterte’s speeches delivered during his visit to various military camps across the country.

TAGS: full text, Military, Westmincom

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

© Copyright 1997-2024 INQUIRER.net | All Rights Reserved

This is an information message

We use cookies to enhance your experience. By continuing, you agree to our use of cookies. Learn more here.