Full transcript: VP debate at UST | Inquirer News

Full transcript: VP debate at UST

/ 12:17 AM April 12, 2016

Pia Hontiveros: :  Senator Sen. Gringo Honasan:

Sen. Gringo Honasan:: Pia,  how do you solve an idea for rebellion, cessation, insurgency, criminality, terrorism with a better idea, good government. Address the root causes- social injustice, poverty , hunger, ignorance, homelessness…pinadala ako ni Vice President Binay, kausap ko si Chairman Murad, ito social injustice. We must commit ourselves to the fundamentals of the peace process and we must recognize right to life, basic services, food, clothing, shelter, education, health services that will  solve or begin to solve the problem.

Pinky Webb:Senator Sen. Chiz Escudero:, go ahead Sir

Article continues after this advertisement

Sen. Chiz Escudero: : Ang tanong tungkol sa pinatay  na sundalo, ang pumatay sa kanila teroristang  Abu Sayaf. Walang usapang negosasyon dapat sa teroristang Abu Sayaf. Dapat hanapin, pulbusin at ubusin sila ng gobyerno. Kung pag uusapan naman ay rebelyon at peace and order problem sa Mindanao, atpara sa akin, kahirapan ang ugat ng rebelyon, kahirapan ang ugat ng krimen. Hangga’t hindi natin tinutugan ang problema ng kahirapan , palaging may criminal, palaging may rebelyon. Nalungkot ako sa nangyari sa Kidapawan. Iyong nagpakain sa atin, walang makain.Bigas na hinihingi nila pero ang binigay sa kanila bala. Imbes na patayin  iyong nagugutom, dapat ang patayin natin kagutuman sa ating bansa. Layunin namin maglaan ng one-third ng national budget para sa Mindanao, katumbas po nito isang  trilyon. Sinusundan namin ang kasabihang, put your money where your mouth is.

Pia Hontiveros:  :  Senator Trillanes counter rebut please

Article continues after this advertisement

Sen. Antonio Trillanes:Ang katanungan po amin ay paano naman susulosyunan and cessationism .  Ngayon, I refuse to touch the recent death of the soldiers dahil ngayon pa lang inaalam kung ano ang nangyari doon. However, dito po sa Abu Sayaf, assuming sila ang may kagagawan niyan , there is only the military option, kailangan po natin paigtingin iyong military operations natin at iyong information exchange with our allies. So iyon ang mga gagawin natin, the military option for the Abu Sayaf na mga terorista. Ngayon kailangan din natin i-improve iyong ating capability ng Sandatahang Lakas kaya nga bilang principal author ng AFP modernizationlaw, nangyari ito. However, marami pong pangangailangan ng ating bayan kaya mag dahan-dahan ang pag modernize natin. Meron din po akong  tinutulak na panukala  na magdadagdag ng mga numero ng mga sundalo. However, inabot na tayo ng suspension ng Congress, pero ito ang kailangan dahil konti na  sundalo nating ito.

Article continues after this advertisement

Pinky Webb:Senator Marcos, go ahead Sir

Article continues after this advertisement

Sen. Bongbong Marcos:  meron lang ako na nais na idadag. Meron pong mga pangyayari na nakakabahala. Nakikita po natin halos araw-araw pag tayo nanood ng news ay nakikita natin ang mga pangyayari sa Middle East na ginagawa na tinatawag ng grupong ISIS. Sinasabi po na ang ISIS ay sumusubok na pumasok dito sa Pilipinas. Kung hindi po natin ipagpapatuloy ang proseso ng kapayapaan at hindi po tayo magkasundo sa ating mga kapatid na Muslim ay mas madali silang pumasok dito at dalhin ang karahasan na dinadala  nila sa ibang bansa sa Middle East. Kaya po napaka importante kapag tayo naman ay nagkaroon ng kasunduan sa ating mga kaibigan na Muslim, sa ating mga Muslim na ibinaba na ang kanilang armas ay palagay ko ay  maliwanag na maliwanag na mahihirapan ang ISIS na pumasok dito sa Pilipinas. Iyan ang dapat nating alalahanin, kaya ang proceso ng kapayapaan ay napakaimportante.

Pia Hontiveros: :  Senator Cayetano

Article continues after this advertisement

Cayetano:  I have spent a lot of time in Mindanao, the last four years. For those of us watching, kayo po na taga Luzon at Visayas, parang ang gaganda po ng sagot. Parang lahat iyon kaya i-solve ang problem ng Mindanao. Pero pumasyal kay at magtanong sa kamag-anak ninyo sa Mindanao. Pagka iyong BBL ang ginawa, ayaw ng MNLF, pagka eto ginawa ayaw ng  NPA. It is only federalism , payag ang NPA, payag ang MILF,  Payag ang MNLF, payag  po  ang gobyerno, payag po ang mga sundalo . Sino po ang may ayaw?. Iyong nakikinabang  sa sistema ngayon, iyong lalong yumayaman sa sistema ngayon. Pangalawa po, ang Abu Sayaf is a peace and order problem pag nahahalo sa problema sa Mindanao. It is only the Duterte-Cayetano team that gurantees that puts in solution of six months of peace and order. I challenge our opponents come out with a plan. Huwag niyo lang sabihing hindi namin kaya, ipakita niyo kung kaya ninyo at gaano katagal.

 

Pia Hontiveros: :  Alright, time check it is 7:00, it has been a…last 2 hours but we are not through yet. We will now move on to criminality.

Pinky Webb: and it is perfect because Senator Alan Peter Cayetano just mentioned the 6 month grace that’s been talked about and quite popular, that is our next topic.

 

Pia Hontiveros: : Senator Cayetano,your running mate Mayor Duterte said he will eradicate crime in 3 to 6 months, how exactly is that going to happen?

Cayetano :  First of all po, political will.  Ang peace and order po , hindi  tren yan, hindi po kalye na kailangan mo isa, dalawa, tatlong taon. Sa  political will, parang sa bahay mo iyan pag  sinabi mong tahimik kayong. Kung takot sa iyo at naniniwala sa iyo,  tahimik yang mga yan. So ang mga criminal nakikinig po iyan. They have to be sure na sila ay makukulong at kung sila ay lumaban, patay sila,. Pag hindi sila lumaban, kulong sila. Pag sila tumigil, walang problema. We have a plan, we have a strategic plan. We can use modern crime fighting equipment like CCTV, you can use the crime lab etc. But without the leadership and without the result, it won’t happen. We offer you Davao, walk at 11:00, walk at 12, walk at 2:00, binata ka, dalaga ka, uuwi ka nag buong-buo, safe , hindi ka na-molestiya (crowd cheers)…, if it happened in Davao, it can be done in the whole Philippines. We can suppress crime in 6 months.

Pia Hontiveros: :  You can suppress crime in 6 months?

Cayetano:  Yes

Pia Hontiveros: :  That is a promise that Duterte – Cayetano or –

Cayetano: By December 31, 2016, kung ibibigay sa amin ng Panginoon ang presidency at vice presidency, on December 31, 2016- kung hindi kayo sa safe sa mga kalye, magre-resign kaming dalawa.

Pinky Webb:Senator Trillanes, in an interview you said that a Duterte presidency is a disaster and Senator Alan Peter Cayetano often mentioned and Mayor  Rodrigo Duterte mentioned how safe Davao is, but you gave examples of just  the Sasa wharf and the Davao airport, Sir?. Go ahead

Sen. Antonio Trillanes:So, alam ninyo, malapit na ako maniwala sa sinasabini ni Senator Cayetano eh. Kung naayos na ni Mayor Duterte iyong Davao City … Taguig ay maayos. Hindi ganito, huwag tayong magbolohan dito kasi it is not fair to the people. Kasi iyong Davao city, fourth siya sa highest  na pinaka maraming krimen sa ating bansa. So kung hindi natapos ni Mayor Duterte Mayor ng  more than 20 years iyong  ang krimen sa kanyang bakuran, hindi pa natin pina-uusapan iyong murder ha, rape at other index crimes. Papaano niyo ngayon sasabihin na six months? ‘Wag tayong magbolahan dito. Magpresent ka ng plano at para fair naman doon sa mga ibang tumatakbo.

Cayetano:  Let me answer that

 

Pia Hontiveros: : Go ahead

 

Cayetano:  First of all, Senator Trillanes, maglakad ka  o yong pinakamaganda dito po  sa UST, palakarin  po natin sa Davao. Pag siya po ay na-harass, binastos, ni-rape,ki-nidnap, hindi kami tatakbo ni Mayor Duterte. Iyon ang standard na gusto kong ibigay sa iyo.  Pangalawa, bakit hindi crimeless

Sen. Antonio Trillanes:Hindi totoo yan

Cayetano: Let me finish first,  that is why we said we will suppress crime. The reason why it is not completely gone or completely suppressed is simple: Hindi naman presidente si Mayor Duterte. Si Mayor Lani nandiyan, sasabihin mo hindi safe Taguig? Hindi naman siya presidente. So kung hindi ka presidente, may corrupt na heneral, mayroon pong smugglers, may kidnappers na nandiyan.  Ang tanong kosa inyo – Ano ang plano ninyo para gawing safe ang Pilipinas rather than pintasan ninyo ang magandang record ni Mayor Duterte?

Pia Hontiveros: :  I’m sorry Senator Trillanes, answer this last comment  from you, we will move one

Sen. Antonio Trillanes:Okay, ako po ay may pinepresenta na anti-crime na program pero hindi po ako ‘yung tumatakbo na presidente. Pero ito kasi, hindi po totoo iyong sinasabi na walang krimen sa Davao at walang krimen sa Taguig. Sa akin, it’s not fair. Maraming sumasakay, maraming nalilinlang na mga kababayan natin na doon sumasakay kasi baka umasa sila. It’s not fair kapag umasa sila, ibinigay nila ang boto nila tapos pagdating doon, sasabihin niya ‘Hindi ko pala na-solve, aalis na lang ako”. Huwag tayo ng ganoon. Paki sabi na lang sa presidente ninyo, magsalita siya paano niya gagawin iyon.

Pia Hontiveros: :  No, I’m sorry Senator Cayetano, we really need to move on, but you know, I’m sorry, earlier Senator Marcos had  already signified that he will say something. Senator Marcos, can you make it brief, we need to move on to climate change. Go ahead Sir

Marcos : Thank you very much … Sinabi ni  Mayor Digong, eh ika niya kapag hindi nalutas ang problema ng krimen in 3 to 6 months , ibibigay na raw niya iyong pagkapangulo kay Bongbong. Iyon sinabi niya. Hindi po sinabi na ibibigay niya kay Senator Alan. Palagay ko, dahil sa record ng Taguig na hindi naman nalutas ang problema. Ngunit,  palagay ko, nakita niya ang aking kakayahan dahil sa problema ng peace and order, problema ng kapayapaan sa Mindanao, ay meron po tayong ibinibigay na substitute bill na magdadal ng y ng kapayapaan sa Muslim Mindanao .

Cayetano:  Noong sinabi ni Mayor Digong, kaharap ang mga Ilokano mayors. He was being playful. Pero ang sinabi po niya all over the country, “Pag hindi mo iboboto si Alan, huwag mo akong iboto.” Pero, hindi ko po tinatanggap iyan kasi siya ang kailangan natin. Ako po, kahit hindi n’yo iboto, 100 percent, Duterte.  Si Bongbong, kapag nasa Cavite, Bongbong-Binay; kapag nasa  Ilocos, Binay o kaya  Poe-Marcos; kapag nasa Mindanao, Duterte-Bongbong. Iyan po ang klase ng pamumulitika niya. Isasaksak niya ang presidente para siya magiging presidente. Ako, huwag n’yo na akong presidente, alalay nalang ako ni Mayor Duterte .

Sen. Bongbong Marcos:  Kasalanan ko po ba kung  iyong mga kaalyado niya eh mas gusto sa akin?

Cayetano:  Ikaw  iyon… ( inaudible)

Pia Hontiveros: :  Alright,  candidates and audience, please. Magpapalamig  muna tayo ng ulo.

Pinky Webb:Kailangan magpalamig muna  ng ulo candidates. It is time for our Yes or No answer. And a very important topic  that we need to get an answer from you.  Candidates, do you think the Philippines is doing enough to address the urgency of  climate change? Yes or No ?

Webb : All believe that the Philippines is not doing enough to address the issue on climate change. And we are going to take a quick break.  When we return we’re going to talk about something also very important and something that needs to be discussed. What are their  plans on traffic and other urban concerns? We will be right back.

2:15

Pia Hontiveros: this is a CNN Philippines special  presentation the first  Vice Presidential debate of the Pilipinas Debate  2016 series. We are coming to you live from the University of Santo Thomas and we would like to let everybody know that we are going to extend this debate by 2 more minutes. We need to ask more general questions of  all our candidates.  Magpapa-init na naman tayo ng ulo

Pinky Webb: (laughs) at least nag ku-cool down naman sila

Pia Hontiveros: Senator Honasan, this one you will answer first. So far, we heard our candidates talk about corruption, political dynasty, human rights,peace and order.. we’ll talk about traffic conditions, especially here in this capital. The 2014 study finds…that more 2 billion a day potential income because of traffic. There is a sense of urgency here to solve this problem. What is your solution and more importantly, how soon can the people feel the difference? Senator Honasan, we’ll start with you first.

Sen. Gringo Honasan: Pia, It’s a long term work in progess. We should have started years ago.Land use planning, we must determine what areas we want for agricultural, industrial,commercial, educational centers, government centers… kung saan dadalhin iyong kalsada, iyong riles ng tren, iyong airport, iyong seaport. Systematic long term planning.3E’s – engineering, public education and enforcement.Siyempre, taasan natin iyong sahod ng traffic enforcers, ng mga ka-pulisan natin.So it is a holistic approach. Pero, security in the generic sense, security of traffic, job security, food security.  It will holistically help solve the traffic problem.

Pinky Webb:  That’s a general question so all candidates will be answering that question, Senator Marcos, you’re next Sir.

Sen. Bongbong Marcos:  Thank you. Sa palagay dito sa problema ng traffic, ang  unang-una nating dapat gawin ay bawasan ang mga sasakan na nasa daan. At marami pong paraan para gawin ito nakita naman po natin ang iba’t ibang lungsod sa ibang bansa na kanilang nagawa na ito.  Ngunit , kung babawasan natin ang mga sasakyan, ay kailangan nating pagandahin ang ating public transport system. Pagandahin na po natin ang patakbo ng ating mga bus. Pagandahin napo natin ang takbo ng ating tren.  Ang dapat ay ibigay natin ng kontrata sa MRT huwag po sa mga amateur na hindi alam ang ginagawa, at kaya dapat ay  ibigay natin sa mga nakakaintindi kung paano magpatakbo at paano madamihin ang linya ng MRT para pinagbibigyan naman natin ang mga mang-gagawa na makapunta naman sa trabaho at makuwi . At iyon pong imprastraktura ay kulang din. Dapat po tapusin na po natin ang by-pass road na matagal ng pinapangako , mula pa noong ilang administrasyon na hanggang ngayon hindi pa natin nagagawa.Hindi natin maunawaan kung bakit. In the long term, ang kailangan natin gawin ay decongestion. We must decongest the cities. Ang mga tanggapan ng mga pamahalaan, ang mga negosyo pati mga planta ay dapat na ilabas sa Maynila para hindi tayo nagsisiksikan dito sa Maynila.

Pinky Webb:  Alright, let me repeat the question, what  is your solution to the traffic problem and more importantly, what we want to know is  how soon can the people feel the difference? Congresswoman Leni Robedro you are next Ma’am

Cong. Leni Robredo  Alam po ninyo 70% ng ating population ay commuters. Kasali  nap o ako doon, nag bu-bus po ako lingo-linggo . Noong nag-aaral po ako sa San Beda noong nakaraang semester, nag-LRT2 po ako lingo-linggo. Pero po doon sa 70%  na commuters na iyon, 13% lang sa ating mga  kalsada iyong nagagamit na bus kasi iyong karamihan po talagang mga private cars lang. Madali pong sabihin na bawasan iyong private cars pero hangga’t inefficient pa ang ating mass transport system, talaga pang mas lalong nahihikayat na bumili ng mga sasakyan. Kasi dib a bakit ka nga naman makikipag siksikan kung mas madali iyong sariling sasakyan. Dalawa pong solusyon, ayusin iyong  mass transport system natin.  Ako po sang-ayon ako sa rapid bus  transit system na inumpisahan na po  ngayon. At sang-ayon ako na iyong  mga drivers ay di-sahod na at para hindi na  nag-aagawan ng linya sa traffic. Sang-ayon po ako na ayusin na lahat ng mga transport, iyong PNR papauwi sa amin sa Bicol, matagal nap o naming iyong hinaing. Medyo may liwanag na ngayon pero naglalaway pa din po kami.  Pero iyong pinaka long term solusyon talaga, pagpapa-ayos ,pagpapa-asenso ng mga kanayunan. Kami pong mga taga probinsiya ayaw naman po naming madala sa Maynila. Dahil nadito lahat ng oportunidad, pumupunta kami.  Pero kung ang oportunidad nandoon na sa amin, hindi na kami kailangang pumunta dito.

Pia Hontiveros:Senator Trillanes

Trillanes: Ang una pong dapit gawin ay ilipat ang Kapitolyo natin either sa Pampanga or sa Nueva Ecija. Ginawa na ito sa Malaysia. Iyong government center nila inilabas nila so na decongest immediately ang city. Nagyon dito naman sa probinsiya kasi ang nangyari dito kasi pumapasok ang mga kababayan natin dahil nandito ang mga opportunity. Laya kailangan natin ng rural development plan to develop the provinces. So that way they will be staying there kasi nandoon na  iyong mga trabaho. Ngoyon dito naman sa Mtero Manila, kailangan natin i-discourage , kailangan nating baguhin iyong kultura ng pagdadala ng kotse. Paano? By creating a mass transport  system similar to what they have in  Singapore or Hong Kong, na kung saan naka link iyong kanilang mga railway system. Dito po sa atin ang pwedeng gawin iyong mga monorails. In a sense na kahit na anong parte sa Mtero Manila pwede ka pumunta at one block lang ang lalakarin mo, sasakay ka lang, may mga covered  walkways, covered sidewalks  para to encourage the people to take the mass transport system at hindi na sila magdala ng kotse. Itong monorail na ito mas mabilis itong gawin kaysa sa LRT dahil mas mababaw ang hukay nito. Ito ang ginagamit nila  sa  let’s say sa Sydney, at ibang mga  urban areas. So iyan iyong mgapanukala at magagawa kaagad iyan kung immediately pag-upo ng next administration, pasisimulan na kaagad ang mga proyekto.

Pia Hontiveros: Senator Sen. Alan Peter Cayetano:

Sen. Alan Peter Cayetano::  Ko-kopyahin namin ni Mayor Duterte ang mga plano nila tutal lahat naman ng plano nila nasa JICA master plan para sa Metro Manila at sa iba pang masterplan ng NEDA, pero wala naming nangyayari katulad ng Mindanao Railway System.  2010 pa lang nandoon . 2012 may feasibility study , hindi po nagagawa. Pero ang Davao po, tatlong araw lang, pa gang permit wala pang pirma kay Mayor mo na mismo kukunin. Sa ciudad po ng Taguig, congratulations love, congratulations sa mga taga Taguig, civil service number one sa buong Pilipinas sa anti-red tape. They will provide the program, we will provide the leadership. Why? Minsan po nasa Makati ako 9:45,sabi ko doon sa waiter “pare pasensiya na , gusto ko sanang tikman kape ninyo pero ano na mag clo-closing. Sir, okay lang.  Sabi ko anong okay lang? Anong oras ka pa makakauwi? Sir, dati noong lumang terminal pa , isang oras at kalahati, ngayon 3 hours. Sabi ko 3 hours one way? Eh paano na pamilya mo? Sir, para akong OFW sa sarili kong bansa.” Eto po ang mga story ng mga Filipino na if we have an efficient railway system, an efficient mass transportation system, they will have 3 or 4 more hours with their family everyday. Katulad ni Abaya, napabayaan ang lahat ng ating tren. So kahit anong ganda programa mo kung iyon din ang leaders mo, wala rin pong mangayayari . Again, it’s leadership and political will.

 

Pia Hontiveros:  So how soon can we feel the difference Senator Sen. Alan Peter Cayetano: under the  Duterte adminstration?

Sen. Alan Peter Cayetano:: Siguro 2 to 3 years. Hindi kaya …

Hontiveros : Yes, Senator Sen. Chiz Escudero:

Sen. Chiz Escudero: :  Tama ang sinabi nilang lahat –mass transport system, decongestively centers pero may i-dagdagdag ako. Ano mang  solusyon para ma-resolbahan  ang traffic sa ating bansa dapat simulan sa liderato ng  DOTC layunin naming ni Senator Grace tanggalin si Secretary Abaya at huwag siyang pantiliin bilang DOTC Secretary. Pangalawa, dapat maging strikto tayo  sa mga  colorum. Pangunahing problema, marami na ngang sasakyan, iyong illegal nandiyan pa. Pangatlo, ibalik ang kalye sa kotse at ibalik ang sidewalk sa tao. Alam ninyo Pinky, Pia sa gilid ng UST street ng Espana, 4 lanes iyan  hindi nga lang napapansin na  4 lanes, mukhang 1 lane na lamang dahil kinain na ng ating mga kalye , kinain na ang ating mga   sidewalk. Matapos nating ibalik iyan naniniwala ako, mararamdaman agad  ang kaginhawahan sa traffic dahil mababalik at magagamit muli ang dati ng ginagamit na sasakyan at mababalik at ibabalik ulit ang dati ng dapat na ginagamit na mga pedestrian at  ng ating mga kababayan. Sang ayon ako sa lahat ng kanilang sinabi, dagdag lamang iyon.

 

Pia Hontiveros:Thank you very much, I’m sorry  Sir we really need to move on. Let us go back to out panel, a question from John Mangun of the Business Mirror. John ?

John:  If you are elected Vice President, what are you going to do to improve the provincial transportation in the next 6 years?

Pia Hontiveros: That question from  John is a general question, we’re going to ask  Senator Marcos first to answer that.

Sen. Bongbong Marcos:  I think…that is part of the decongestion process, nailabas natin ang mga tanggapan at ilabas  po natin ang mga negosyo sa labas ng  Metro Manila ng hindi tayo nagsisiksikan dito. Ang una nating gawin ay itapos na natin yong tinatawag na Northrail system, itapos na natin iyong Southrail system. Iyan ang magandang pagsisimula para dito sa paglutas ng problema ito.  At ito po ay magbibigay din ng pagkakataon para sa ating mga kababayan na nasa labas ng Metro Manila  na maghanap ng kanilang sariling trabaho doon kung saan sila nanggagaling kung saan sila tinitirahan.

The  rail system is the cheapest way to move passengers and cargo. Kaya ang dapat nating i-develop ang ating train system dito sa Pilipinas. Nakita po natin ang iba’t-ibang bansa na highly developed ang kanilang ekonomiya, malaki ang kanilang inaasahan sa kanilang systema ng tren at kugn ito ay mangayayari hindi kailangan dumagsa ang kahit sino man sa Maynila dahil ang trabaho ay nandoon kung saan sila nakatira. Hindi na nila kailangan umalis sa kanilang mahal sa buhay, hindi na nila kailangang umalis doon sa kanilang minamahal na probinsiya. Iyon po ang mga si,pleng solusyon pero ang problema po ay hindi tayo sa mga nakaraang ilang  taon hindi po tayo nakakabuo ng malaking programa sa admistrasyon na ito kaya’t hanggang ngayon walang nagyayari pa.

Honteveros:  Thank you Senator Marcos. Congresswoman Robredo-

Cong. Leni Robredo  Nag akda po ako ng dalawang panukalang  batas para buhayin na iyong PNR. Iyong  isang panukalang batas para i-extend ang charter nito na nag end na po noong nakaraan taon. Iyong  isa panukalang batas para mag in-fuse ng capital dito kasi napakatagal na pong panahon na umaasa kami doon pos a Bicol, umaasa iyong mga nasa North na maayos na ang railway. Pero maayos na  sandal masisira ulit. Ang hinihiling po naming ayusin siya na sustainable na iyong ayos. Iyong konting  ulan, hindi na siya maaapektuhan. Kasi sa kanya po nakakasalalay  ang aming oportunidad para maka compete an gaming agricultural product. Pero ang tinutulak po natin hindi lang dito sa Luzon, na maayos ang railway system, pero pati na rin sa Mindanao, kailangang-kailangan iyon sa kalakihan ng lugar. Sa Cebu po ang alam ko  nag umpisa na din iyong rapid mass transport system na talaga pong makakatulong ang mass transport system, pero kabahagi nito ang sisnasabi ko po kanina na itinutulak po namin na talagang ayusin na ang kayanunan at pag ayos  ng kayanunan , pag dadagdag ng oportunidad hindi lamang sa transportation.  Hindi lang po sa trabaho, hindi lang  po sa pagkain , sa communication  na hindi na kailangang lumilipat-lipat ng lugar at iniwan iyong kanilang pamilya.

Pia Hontiveros:Thank you Congresswoman Robredo. Senator Trillanes-

Trillanes:  The answer to the question is the development and modernization of the railway system. However, pwede siya sa Luzon and some areas of  Visayas only.  Sa Mindanao, maganda sanang lagyan ng railway system. However, hanggang sa may gulo dyan hindi talaga feasible iyan kasi  isa lamang magpasabog sa riles, ma de-derail iyan at maraming mamamatay. Kaya nga I stand firm in my contention that need to bring the peace first in Mindanao before we will be able to develop  the area.

Pinky Webb: Thank you Senator .Senator Alan Peter Sen. Alan Peter Cayetano: ,Sir-

Sen. Alan Peter Cayetano: : John ,can I reiterate my answer that it is about political will and I will give you examples.. Apat na taon na po ko sinasabi na gamitin ang Clark, at i-declare na twin airport system. Tahimik ang Liberal Party. Ngayon na nanliligaw sila sa Pampanga, sa clan ng mga Pineda at sa Central Luzon, biglang magbabago sila dapat daw gamitin ang Clark.  Ma’am Leni uses the bus in going  home. Mayor Lani and I use to go to  Tiwi, Albay, she’s from Albay , using also a car.  And you know why many business use a car or the bus? Walang night flight sa Albay. We have asked that from 2011 from DOTC. They keep on saying ther’s going to be a new airport. Kaya hindi muna kailangan ang night flight. So all of these are  master plans. The Northrail po, ini-scrap, iyong right of way  binalikan n apo ng tatlo ngayon. Kaya doble na ang presyo ng Northrail ngayon. Legaspi until La Union po ready ang right of way ng PNR, we are not doing anything about it. The one leg of the Metro Manila MRT equals the whole Mindanao railway system. Bakit hindi natin pinapalitan ang Mindanao? Bakit po? Kasi po iyong mga pumo-pondo sa eleksyon nandito sa Manila. Iyong nag-aagawan sa terminal nito, kaninong kontrata, nasa Manila. So the vested interest also comes into this contract. And we have to free our country and plan transportation in accordance with what is best for  people not our funders.

Sen. Chiz Escudero:: Pabor ako sa sinabi ni Senator Sen. Alan Peter Cayetano:, nandyan lahat ng plano pero hindi pinapatupad at ang probelema nasa pagpapatupad ng mga plano at pagsasa ayos ng mga kontrata. Ang airport namin sa Daraga, tatlong bidding na naka-kansel. Tatlong bese na nag bi-bidding hindi natutuloy. Apat na taong delayed iyon. Ganoon din ang ilang proyekyo na dapat sana’y  matagal ng nasimulan . Ni isa sa mga pinangako ng administrasyon ito, sa airport man o sa tren, wala po sila halos nagawa. Layunin namin at dapat tigilan na ang kapalpakan sa  namumuno. Tigilan na ang paghahanap ng dahilan kaugnay ang si pagpapatupad ng proyekto. May kasabihan tayo – pag may gusto,palaging may dahilan; pag gusto palaging may paraan; pag-ayaw palaging gagawa ng dahilan. Puro pagdadahilan ang naririnig natin mula sa administrasyon na ito kaugnay  sa administrayon na ito na matagal na plano na dapat lamang tignan at sundin nila. Kaugnay din ng problema sa probinsiya, dapat online na ang karamihang transaksiyon ng mga gobyerno, hindi na kailangan pang magpunta sa Maynila ng sino mang nasa lalawigan para kumuha man ng passport or ng permit mula sa National Government. No human intervention, online, makakabawas po iyan sa traffic sa ating bansa.

Pinky Webb: Thank you Sir, Senator Honasan-

Sen. Gringo Honasan: We must stop politicizing  in a patisan manner national development.  Iyong — land, 30 year plan iyan if  it will be presided by or at least five presidents.We must relocate the centers of government and commerce outside Metro Manila. And that is doable immediately. Central Luzon must connect Metro Manila to the North. Southern Luzon must connect Manila toVisayas and Mindanao. The thirty development plan is also a full employment plan, kaya kabuhayan. When the ten thousand overseas workers were laid off in t he Middle East, dapat- dapat may naghihintay sa kanilang kabuhayan.

Hontiveros : Thank you Senator Honasan. Kapag ang pina-uusapan ang traffic tagalong mai-init ang ulo ng tao. Siguro dapat mayroon tayong debate tungkol sa traffic.Special guest po natin si Transportation Secretary Jun Abaya. Time out for our Yes and No question. Ua-aray nap o ang mga taong bayan sa napaka taas na income tax, oo or hindi, yes or no , bilang bise presdente, ipaglalaban mo ba ang pagbaba ng income tax? Yes or No

Pia Hontiveros: Yes, Senator Sen. Alan Peter Cayetano:; Sen. Chiz Escudero: Yes; No Senator Honasan; Pagbaba na income tax?

Sen. Gringo Honasan: Pagbaba ng income tax?

Pia Hontiveros:Ipaglalaban mo ba pagbaba ng income tax?

Sen. Gringo Honasan: Yes or No ? Yes

Pia Hontiveros : Yes ang sagot (Honasan), yes,yes ang sagot ng lahat

Pia Hontiveros : Live from Santo Thomas, you are watching live the Vice Presidential Debate, stay tune for more . Up next ang paborito ng mga  kabataan, connectivity, magbabalik po

Pia Hontiveros: The countr’s internet speed is second to the slowest in Asia. Pangalawa sa pinaka pagong. Internet cost is the most expensive in the region. And now the 2 Telcos have implemented a 2GB cap that has left  people even more frustrated. Everyone agrees it needs to get better. So the general question everyone will answer is: How do you free up the market for competition? We’re going to begin with Cong. Robredo.

Cong. Leni Robredo: Yung pinaka problema po talaga ng connectivity natin, 3MBPS lang po ang speed ng internet natin at napaka mahal pa. Kung iku- kung ikukumpara po natin to sa Singapore na 133MBPS talagang napakalayo natin. At ang masaklap po dito, hindi lang po to para sa mga kabataan na nagsosocial media pero marami na rin tayong dependents sa internet. Marami pong mga negosyong naka depend sa internet.  Kaya nga sabi ng mga anak ko, human right na daw ito ngayon. Yung speed ng internet saka yung presyo niya. Pero sa atin po 3 yung problema. Yung una po lack of regulation. Yung sa NTC po, pag may mga pagbalga po ng regulasyon ng NTC, Php 200 pesos lang po yung  penalty niya. Kaya sino naman yung susunod kung ganon lang kababa yung babayaran. Sunod po lack of competition. Ngayon po halos po monopolized, Monopolized  ng isang company. Lahat po nakakabit dun sa isang company. Pangatlo, talagang kuklang na kulang tayo sa infrastructure. Kaya kami pos a programa naming ni Sec. Mar Roxas, sa programa po naming magiinfuse po ng napakaraming capital yung Gobyrerno natin. Para yung infrasgtructure natin sa connectivity, Gobyerno nap o yung dapat para hindi na ito mamononopolize ng players. Aayuisn po natin yung regulation. Aayusin po natin yung competition para hindi na lamang siya namomonopolize ng isa kung di magbubukas siya ng pagkakataon para may companies pumasok.

Pia Hontiveros: Thank you, Ma’am.  Sen. Trillanes.

Sen. Antonio Trillanes: Unang-una po, kailangan mag tala tayo ng NTC na talagang independent. Hindi po galing sa mga Telecoms. So isa yan. Kailangan natin magbigay siya ng franchises, to at least 5  internet service providers. Kasi pag lumawak  po yung kompitesyon, lahat po yan sila  magpapagalingan,magpapabilisan at magpapababaan ng presyo. Yan po ang free market na concept. Ngayon dun naman pos a mga missionary areas na tinatawag, na di profitable for private companies- kailangan po Gobyerno ang magpatayo ng infrastructure na  sag anon even in those areas magkakaruon sila ng access sa internet.

Pia Hontiveros: Thank you Sen. Trillanes. Sen. Cayetano?

Sen. Alan Peter Cayetano: 5o billion reasons why magbagal ang internet.  Php 50, 000,000,000 po ang income n gating Telcos. Balitang balita sa amin lahat na ang naglalagay sa NTC ay sila din. Hawak ng Telcos sa lee gang mga pulitiko at kung sila ang pumopondo, wala kayong maasahan kahit anong ganda ng programa. Alam moo sa Taguig, marami kaming pamilyang OFW. Kaya sabi ni Mayor Lani, subukan lang natin mag live streaming tayo ng JS Prom at ng graduation.  Ang tagal bago nagawa. Kung ano ano angginawa ng siyudad bago nagawa to. Nagulat kami sa response. Iyakan po ang mga pamilya ng OFWs. Noong umuwi sila, nagpadala ng letrato, ng video. Ang sabi nila, “Ma’am, akala naming hindi naming makikita anak naamin mag gragraduate. Dahil ni-live stream niyo. Nakita naming, why does it take a city? Why does the Govt. have to demand them from the Telcos when it’s their business and they’re making around Php 50 billion pesos. And you know why? In the places na mabilis ang internet: Korea, in Singapore- Hindi hawak ng Telcos anf politika. That’s why ayaw ni Mayor Duterte tumangap ng pera sa may kontrata sa gobyerno and I support him 100%. These plans our nothing  if your backers tap you in the shoulder and said, “op! op! op! Di niyo pwede gawin diyan. Kami kalaban niyo dyan.”

Pinky Webb: Thank you, Sen. Cayetano.

Pia Hontiveros: Sen. Escudero?

Sen.Chiz Escudero: Privitized ang Telco industry kaya po hindi ginagastusan ng gobyerno sa ngayon. Tama ang sinabi ng mga kasamahan ko dito, hindi ito ginagastusan ng mga Telco industry dahil kumikita sila sa celphone calls at sa text. Kapag mabilis ang internet speed sa ating bansa, viber na at kung anong application ang gagamitin ninyo. Kaya ayaw nila gawin.Layunin po naming ni Sen. Grace, kasabay sa paglalatag ng infrastructure at kalye sa bansa, dapat kasabay na din ang  paglalatag ng fiber optic  at cable. Infrastucture din ang definition naming diyan. Para matigil na din ang ginagawa nila ngayon, gagawa ng kalye makalipas ang dalawang lingo huhukayin nila yun para lagyan ng tubo at kung ano man yun.Noong nagaaral ako card catalog at library ang pinupuntahan ko. Ngayon lahat ng estudyante gamit ang internet at nagkukumpol ng mahigit 1.3 Trillion na tanong-sa google pa lamang iyon kada taon/ Ano pa kaya yung ibang search engine. Karapatan na ang mabilis ng internet speed. Hindi lamang para sa mga estudyante pero pati na rin sa mga magulang,  pati na rin sa bawat Pilipino na gusto makausap at makapiling sa pamamagitan ng internet ang kanilang mga mahal sa buhay.

Pinky Webb: Sen. Honasan?

Sen. Gringo Honasan: Pag  ang pinaguusapan po ay connectivity, irationalize po natin yung foreign participation in the Telecom industry. Para magkumpitensya sa services at sa  speed, ibaba ang presyo. Pag may security component, gawing libre. Security ang nakasalalay. Right to life. Single platform, hindi kanya kanyang antenna para maregulate ng husto. Example, may mg a drop calls tayo. Hindi pa umabot ng isang minute bi-nibill na tayo. Ito ang mga symptomas na kailangan natin- para mapaigting ang connectivity.

Pinky Webb: All right. Thank you, Sir. Sen. Marcos, Sir.

Sen. Bongbong Marcos: I would just like to comment on what Pia said earlierna ito ay interest ng kabataan, ang connectivity. Hindi lang po, alam niyo po na ang negosyo mas malaki na ang ninigosyo sa internet kaysa sa harap harapan na nagbebenta. Ganon ka halaga ang internet, hindi lamang para sa tsismsis sa social media, kuwentuhan. Kung hindi, talaga sa hanap buhay, pagaaral, n gating mga kababayan. Tayo nga ang pinaka mahal at tayo ang pangalawa sa pinakamabagal. Alam ninyo po ba kung sino ang pinakamabagal? Afghanistan po na may gera. Eh pero tayo  ganun din ang patakbo ng internert. Kung- napakaganda po ng plano na bigkas ni Cong. Robredo. At matagal na poi tayong nag aantay dahil ang NTC po ay hanggang ngayon, hindi binibigay ang mga badwidth.  Ngunit kung alam ng pamahalaan, kung alam ng Administrasyon ang dapat gawin, anim na taon na, bakit wala pa ginagawa? Bakit hindi pa ginagawa? Eto po ang aking sinasabi na hindi tayo makabuo ng isang malakignproyekto na gtanito ka importante. Sa aking paklagay i-streamline po nating ang patakbo ng NTC para sa  pagbigay ng bandwidth at sa bigay ng frequency at saka bandwidth na kinakailangan. Papasukin na natin ang mga international service provider. Competition is always good for the comnsumerand we live in a global community- so let a sjoin the global community.

Pinky Webb: Congresswoman and Senators, thank you so much for your answer. And as I make it here on stage, it’s time for our ‘Yes or No’. Here is the question: Are you going to make Telcos accountable for failing to deliver the internet speed that they promised. Yes or no?

Pua Hontiveros: Unanimous, yes.

Pinky Webb: Mataas ang Yes ni Sen. Alan Peter Cayetano. Candidates, thank you so much.

Pia Hontiveros: Our next topic is about foreign policy. The question will go to Sen. Trillanes and Cong. Leni Robredo. CNN International Senior Correspondent, Ivan Watson has this question.

Ivan Watson: Hello, thank you for inviting me to participate in the CNN Philippines Vice Presidential debate.  My question pertains to te South China Sea. How would your future administration deal with China and the competing claims to the Spratly Islands in the South China Sea?

Pinky Webb: Cong. Robredona

Cong. Leni Robredo: Ako sang ayon sa Gobyerno na ihain sa Arbitration ang problema natin sa South China Sea. Ito po ay naayon sa inglos at tayo po ay pinaghangaan ngibang bansa dito. Pero yung sa akin po, habang sana naghihintay tayo ng desisyon, doon po sa Arbitration dapat marami pa tayong ibang ginagawa. Halimbawa, dapat poi tong military minomodernize natin. Kasi pag hindi po natin ito binigyan ng pansin, parati po tayong at the mercy ng malalakas na nations. Pagkakataon din po ito para mag take on ang Pilipinas ng isang leadership role, na organisahin ang ibang claimants ng South China Sea. Kasi magiging malakas ang claim nati kung kabahagi na dito yung Indonesia, yung Vietnam at ibang bansa na mayroong claims dito. Sang ayon din po ako sa lahat ng peaceful means para makinegotiate, multi-lateral. Hindi lang po ako sang ayon pag bilateral.

Pinky Webb: Thank you Congwoman, Sen Trillanes. Yo’re next, Sir.

TAGS: Nation, News

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

© Copyright 1997-2024 INQUIRER.net | All Rights Reserved

This is an information message

We use cookies to enhance your experience. By continuing, you agree to our use of cookies. Learn more here.