Full transcript: VP debate at UST
PART 2
Pia Hontiveros: We are now going to- call on a member of our panel, Ina Andolong, Senior Correspondent of CNN Philippines. Ina, go ahead.
Ina Andolong: Good afternoon, Senators. My question is for Senators Escudero and Honasan. In the absence of an anti-dynasty law, how do you keep political dynasties in check?
Pia Hontiveros: Sen. Escudero, you first.
Sen. Chiz Escudero: Pinahayag ko ang position ko sa Senado. Pabor ako at boboto ako pabor sa mga anti-dynasty measure pero hindi ako lalahok sa pag hubog nito. Naniniwala kasi ako, hindi tama na makilahok ang sino mang nangaling dyan kaugnay sa pagsusulat ng batas na magbabawal din diyan. Ang problema, pag hindi ako bumoto at hindi makilahok sa pagboto, baka kulang na h o mga Senador sa pag boto dun sa dami ng miyembro na galing sa isang political dynasty. How do you keep it in check? Sa maraming panahon at pagkakataon sa nagdaang eleksyon, hindi ko sinuportahan ang mga kamaganak ko na tumatakbo dahil hindi ako naniniwala na ng mga kapanahonang iyon na sila ay karapat dapat. Bagaman pareho ang apilyido na dinadala namin, bagaman kamaganak ko rin sila dahil sa pananaw ko lagi ko paglalaban ang tingin ko ay tama at palagi ko lalabanan kung ano ang mali.
Article continues after this advertisementPia Hontiveros: You father was once a Congressman also?
Article continues after this advertisementSen. Chiz Escudero: Yes, Ma’am.
Pia Hontiveros: And you did not support him?
Sen. Chiz Escudero: No, Ma’am. Ibang candidato- ikaw naman. No, Ma’am. Di pa ako bumoboto ng una siya ay tumakbo.
Pia Hontiveros: Ganon, OK. Sen. Honasan?
Sen. Gringo Honasan: Medyo hinay hinay tayo dito sa Dynasty. Unang-una hindi pa natin alam ang definition ng Dynasty. It was certified as urgent during the time of President Ramos. It never got off the ground. Second, let’s not make hasty decisions and get complete, timely, accurate information. Find out and apply it to every locality. If dynasties serve public interest or not, then we make a decision.
Pia Hontiveros: Sen. Trillanes first or-
Pinky Webb: Let’s go to Cong. Leni Robredo first-
Pia Hontiveros: I’m sorry, Cong. Woman Robredo po na una, Sen. Trillanes. Ladies first. Go ahead, Ma’am.
Cong. Leni Robredo: Yung tinataas kop o yung kamay ko, kanina pa- yung sa unang tanong sakin na magrerebutt sana ako.
Pia Hontiveros: Oh, okay-
Pinky Webb: Would you still like to speak-
Cong. Leni Robredo: Yeah, after the political dynasty thing, puwede nab a yun ngayon? This is still about the
Pia Hontiveros: Din a muna, Sen. Trillanes. I’m sorry about that ma’am. Go ahead, Sir.
Sen. Antonio Trillanes: Ako po, hindi ako naniniwala na ang magiging basis ng pagboto ng isang tao ay nakasalalay sa pangalan. Kailangan titingnan natin kung siya ay kurakot o hindi. Whether siya ay may kamaganak or wala siyang kamaganak. Ngayon, just to clarify, si Sen. Chiz is the Congressman-
Pia Hontiveros: -Congresswoman
Sen. Antonio Trillanes: -Congresswoman of Sorsogon. So bakit- in the interest of transparency hindi mo inilabas kanina ng tinatanong ka Senator, ni Pia?
Sen. Chiz Escudero: May I?
Pia Hontiveros: Yes, Sen. Escudero.
Sen Chiz Escudero: Ang tanong ni Pia kanina, Sonny kung sinuportahan ko o hinde ang tatay ko. Tumakbong mambabatas ang nanay ko at wala siyang kalaban sa aming distrito- [overtalk]
Pia Hontiveros: So di mo na siya kailangan support- go ahead.
Sen. Chiz Escudero: Pero tama ka din. Sa dulo, ang pinaka magandang pang check sa anu mang denistiya o sa kahit sino mang pagtakbo ng sinumang nais manilbihan ng taong bayan dahil sa dulo sila naman talaga ang may hawak kung sino ang nais nilang manilbihan sa ano mang pwesto sa ating bansa.
Pia Hontiveros: Senator Marcos?
Sen. Bongbong Marcos: Totoo nga ang nabangit na ditto sa Pilipinas mayroon tayong- sa ating pamumulitika, mayroon tayong tinatawag na generational na nangyare. Mayroong political families talaga. Ngunit may mandato tayo sa konstitusyon na dapat tayo ay magpasa ng isang anti-dynasty bill. Kaya naman pos a aking palagay, kung sino man dito ang may- ay kasama sa political dynasty, kalimutan niyo nap o ang mga pangalan namin. Ang mga apilyido naming at tingnan ninyo ano ang record naming sa pag tulong sa taong bayan. Tingnan ninyo kung gaano kahaba ang aming karanasan, tingnan po ninyo kung sino ang may talagang ginawa. Mayroon pa po akong idadagdag. Mayroon po kaming pinasa na tinatawag na SK reform bill. Kasama po diyan sa SK reform Bill ang pinaka at kaunaunahang anti-dynasty provision sa kahit anong batas dito sa Pilipinas. Nauna po ako sa pagsulat ng anti-dynasty provsision sa kahit anong batas. Maraming salamat.
Pinky Webb: Maybe it’s good to know the definition of the anti-dynasty bill. I believe Cong. Leni Rbredo filed the bill in Congress. Did it go as far as second reading?
Cong. Leni Robredo: Nasa second reading nap o siya ngayon. Isa po ako sa co-authors ng Anti Political Dynasty Bill. Isa din po ako sa SK Reform bill na mayroon anti-dynasty provision. Pero tama po yungang sinasabi ni Sen. Marcos na constitutional provision pos sa atin na dapat yung Congresso mag pasa, in the interest of equal opportunities, dapat magpasa ng isang batas para ibawal yung anti-political dynasty. Pero ngayon po, kalian po yung atin konstitusyon? 1987. Nagyon po, wala pa ding naipapasa. Bawat Congresso po naghahain ng panukalang batas pero hindi siya nagaga- nagiging batas. Ngayon pos a 16th Congress, siya yung may pinakamahabang narrating at nasa second reading na. Pero eto po, totoong may mga political dynasties naman na maayos, totoong hindi. Pero ang pinaguusapan po ditto hindi capacity kung hindi equal opportunity. Mayroon pong study ang AIM na halos directly related yung kadamihan ng political dynasty sa poverty ng lugar.
Pinky Webb: Congresswoman, thank you. Sen. Cayetano,and then Sen. Gringo Honasan.
Sen. Alan Peter Cayetano: Kung magakkabatas po hindi ko hahadlangan yan, kung yan ang gusto ng tao. Tutal magaling naman na pulitko politico ang asawa ko kaysa sa akin, no. Pero yung sinabi po ni Sen. Marcos na kalimutan ang pangalan naming, kalimutan history- eto po tanong ko. Hindi isipin niyo lang po. whether you are for or against him-[overtalk]
Sen. Bongbong Marcos: -Wala po akong sinasabi na kalimutan po ninyo ang history
Sen. Alan Peter Cayetano: Isipin po ninyo lang po to, isipin niyo lang po- [overtalk]
Sen. Bongbong Marcos: Wala naman- wala naman. Wag ka naman nag iimbento.
Sen. Alan Peter Cayetano: Can I have 10 more seconds because I am being interrupted. [overtalk]
Pinky Webb: Wait, Sen. Marcos, Sen. Cayetano.
Sen. Bongbong Marcos: Sabihin mo yung sinabi ko, wag yung iniikot mo yung-
Sen. Alan Peter Cayetano: Walang rules, may rules po dito eh [overtalk]
Pinky Webb: Hold on, hold on. Can we please request the candidates to speak one at a time. So thank you Sen. Marcos. Sen. Cayetano-
Sen. Alan Peter Cayetano: Can have 1 minute. O pati yun nanakawin mo pa rin?
Pinky Webb: Sen. Cayetano. Yes, you can stick to the question po.
Sen. Alan Peter Cayetano: Sabi niya burahin mo yun mga pangalan. Wag mo titingnan yung dynasty. Eto po tanong ko sa inyo. Have an open mind. If 30-40 years from now tumakbo po yung apo ni Napoles, wala siyang kasalanan sa ginawa ng kanyang lola pero pera po ng lola niya na ninakaw pos a inyo ang gagamitin sa kanyang campaign ads, sa pang bigay sa mayor, sa pambigay sa lahat. So ang dynasty po mayroon talagang problema. Lahat po kami may problema sa dynasty. Sa liberal party po, dynasty ng mga Abaya. And alam naman natin napaka korupt na sa pag dating sa LRT, MRT, hindi masipa. Dynasty po na may kinalaman sa jueteng sa pampmanga, ineendrose ng mga liberal. Mayroon pong problema sa dynasty. How do we solve it? I don’t know right now but this is what I can tell you, political will against corruption. Alam niyo ba kung bakit ako ng aaway? Ng aaway po ako para ang buhay niyo ganyan [ signboard: Thumbs Up] Pag hindi po ako ng away ang buhay niyo po ganyan [Signboard: Thumbs down]. Kaya pasensya na po kayo, sasabihin ko sa inyo ang totoo.
Pinky Webb: All right, one response from Sen. Marcos and then we’re going to be moving on.
Sen. Bongbong Marcos: Para- ang maraming sinasabi ang ating kaibigang Sen. Alan- Kung ano ano daw pinagsasabi ko. Hindi naman totoo. Eh tingnan niyo naman po ang ating – at eh pag usapan kung ano ba ang nagawa ng kahit sino. Kagaya ng aking sinabi,ako lamang ditto sa nakaharap sa inyo ang sumulat ng isang provisyong ng anti dynasty- sa kaisa isang batas na napasa, na may anti-dynasty provision. Yan po, wala ng kailangan ipaliwanag. Maliwanag na maliwanag. Record po yan.
Pinky Webb: Sen. Honasan, go ahead Sir.
Sen. Gringo Honasan: Pinky no, Pia. Kaya nauuwi nanaman sa dynasty, sa personalities no, dahil wala tayong functioning political party system. And if we need to confront the issue of Charter Change to rectify this, then so be it. Para plataporma ang pinaguusapan. Poliycal Parties na tumutugon talaga sa pangangailangan ng taong bayan.
Pinky Webb: Mauwi din poi to sa isang interesting question in a while, after we listen to Senator- Sorry, Cong. Leni Robredo
Cong Leni Robredo: Yung sa akin po kunektado ito dun sa dating tanon. Yung tinanong po ako sa inclusive growth, nag rebut po si Sen.- at sumagot din pala si Sen. Marcos at Sen. Escudero. Isa po sa kanila nag sabi po- di ko lang matandaan kung sino, na para maramdaman yung inclusive growth, di lang po yung mayayaman ang yumayaman lalo pati dapat yung mahihirap din. Naniniwala po ako dun. Pero yung tanong ko po kay Sen. Marcos saka Sen. Escudero, ng pinasa po yung Sin Tax. Yun po ay itatax po natin ang mayayaman kasi po yung pera ng Sin Tax nakokolekta sa CCT po mapupunta sa Phil Health po yun pumupunta. Bakit po kumontra sila sa pag pasa ng Sin Tax.
Pinky Webb: A very quick response now from both Senators.
Sen Chiz Escudero: sa labning walo- sa labing walong taon ko po sa Kongreso bilang miyembro ng Kongreso at Senado, ni minsan wala akong binatuhang pabor sa pag tataas ng buwis sa atin bansa. Pilipinas na po ang isa sa may pinaka mataas na buwis sa rehiyon na to at marahil sa buong mundo. Hindi po ako bobotong pabor sa kahit ano mang pagtataas ng buwis. Pangalawa, karamihan po ng mayayaman healthy. Yung mahirap po kadalasang binubuwisan ng Sin Tax ninyo dahil sila, madalas sa bukid umiinom. Sila madalas sa bukid din guamagamit ng produkto na nais ninyo buwisan. Imbis nay an, sana binuwisan ninyo na lang ang mga mamahaling kotse, sana binuwisan ninyo ang mga eroplano ng mayayaman. Sana yung mga barko at yate ng mayayaman. Bakit kung ano pa yung madalas na nagagamit o ginagamit ng mahirap. Kung yan ang panukalang ninyo, boboto ako marahil doon, kung mayaman ang bubuwisan ninyo.
Pinky Webb: Sen. Marcos?
Sen. Bongbong Marcos: Sasangayon ako dun sa sinabi ni Sen. Chiz dahil maliwanag na maliwanag na ang binubuwisan sa Sin Tax ay ang 6,000,000 na umaasa sa industiyang yan at sa pag pataas ng Sin Tax ay mababawasan an gating makikita na produksyon na wala naming kapalit para dun sa mga umaasa sa industriyang yan ng hanap buhay. At bukod pa roon ay hindi po natin-hindi po tayo papayag na tuluyan pa pong itaas an gating buwis na tuloy tuloy ang pag kulekta ng buwis. Ngutint taon taon, ang Administrasyon na merong bilyon bilyon na hindi naman nagagami9t. Ipinagmamalaki pa po na maraming savings ang Gobyerno. Anong klaseng Gobyerno yan? Panay pataas ang buwis ngunit hindi naman nagagamit. Ipinagmamalaki pa na wala silang ginagawa sa pondo ng kaban ng bayan.
Pia Hontiveros: A very brief counter response from Leni Robredo and we’ll really have to move on.
Sen. Alan Cayetano: Dala-
Pia Hontiveros: Sen. Alan, we really-
Sen. Alan Cayetano: -Dalawang pangalan lang, Lucio Tan at Danding Cojuangco lang
Pia Hontiveros: Let’s go back to Cong. Leni Robredo
Cong. Leni Robredo: Ako po, ang tinatax po natin sa Sin Tax yung gumagawa ng alak, yung gumagawa ng sigarilyo. Yung taxes po dun san napupunta? Yung halos 5,000,000 na CCT beneficiaries ngayon, san po yun napupunta? Yung Phil Health po ngayon ng indigent patients, dun po yun napupunta.
Pinky Webb: Thank you Cong. Robredo. I’m sorry Sen. Cayetano, it’s 6:25 and we still have a lot of segments to go, so we’re gonna have to end this segment with a ‘Yes or No’ answer. And the question is, candidates, is it time to pass an anti-dynasty law? Yes or no?
It’s a unanimous deciscion [Sign Board: Thumbs up/Yes], thank you candidates. On our next segment We’ll be talking about Human Rights Abuses. We’ll be right back, here on CNN Philippines.
Pia Hontiveros: From the subject political dynasties; we go now to human rights abuses. In May 2015, some 75,000 persons claim they were human rights victims of Martial rule from 1972-1986, or as kin of victims who have suffered, died or disappeared duringthe Administration of the late President Ferdinand Marcos. This next question goes to, and can I appeal to the audience please. Can we please allow our candidates to finish their answers, OK? As the son, Sen. Marcos- I’m sure you expected that-
Sen. Bongbong Marcos: Yes, I did. I certainly did-
Pia Hontiveros: -As the son of the late President, do you acknowledge that during you father’s term human rights abuses were committed and are you willing to apologize for them? Your response please.
Sen. Bongbong Marcos: I certainly acknowledge every human rights abuse in every administration. I think it is necessary that we do so or else we are to repeat the mistakes and the abuses of the past. What I can say also to you is that in my 27 years of service, there has never been any suspicion, any accusation or even any allegation made against me that there were any human rights abuses or a non-recognition of people’s civil rights in my time in govt. I will apologize for every- I have said this before I will say it again. I will apologize for any wrongdoing I may have done; any mistake that will have caused anyone any pain or hardship but I can only apoloigize for myself.
Pia Hontiveros: And not for your father?
Sen. Bongbong Marcos: I cannot apologize for anyone else, only myself and for what I have done.
Pia Hontiveros: Cong. Leni Robredo in an interview you said that the lack of remorse from Sen. Marcos is worrisome. Exactly what do you want to hear form him?
Cong. Leni Robredo: Alam mo Pia yung apology voluntarily given yun. Hindi natin pwedeng ipilit sa kanya. Pero sa akin, yung recognition na maraming kamalian in the past. Kasali dun yung hidden wealth na hanging ngayon hindi pa din natin nakukuha. At iyon po ay nakaw sa taong bayan. Hindi yata natatama na iaacknowledge lang iyon. Kailangan ibalik iyon sa atin.
Pia Hontiveros: So this is going to be a Marcos-Robredo fight. Go ahead, Sen. Marcos
Sen. Bongbong Marcos: Wala ako- me? Can I. Lahat ng mga question, lahat ng mga isyu na nbinabangit tungkol sa hidden wealth ay nagging bahagi na ng iba’t ibang kaso sa korte. At sa korte, kung ano man ang iutos, ano man ang husga sa gaong mga isyu ay susundan naman naming. At maliwanag na maliwanag na hindi naman kami lumalabag sa order ng kahit anong court. At isa pa, nais kong idagdag, ibabalik ko daw ang kung ano-ano- I cannot give what I do not have. I do not have what you are- I do not have any control, I do not have knowledge of anything. Once again, let me repeat, I cannot give what I do not have
Pinky Webb : Sen. Trillanes, go ahead.
Pia Hontiveros: And can we also appeal to our audience, please. Please, audience. Please. Let’s give all our 6 candidates a chance to respond. Thank you very much, thank you.
Sen. Antonio Trillanes: So, in line with the statement ni Sen. Bongbong Marcos na wala naman- hindi niya bibigay ang wala sa kanya. Dahil marami po sa ating mga kababayan ngayon na umaasa na maibalik, namaiboto si Sen. Marcos dahil ibabalik daw yung pera. In fact, may mga cards nana bibigay na lalagyan dawn g Php 5,000. So para lang maliwanagan yung mga kababayan natin. Totoo ba ito Sen. Marcos na bibigyan sila ng Php 5,000 pag binoto kayo? Thank you.
Pia Homntiveros: Sen. Marcos?
Sen. Bongbong Marcos: Ako’y nagpapasalamat sa ating kaibigang si Sen. Sonny, dahil mayroon pong marami na umiikot na nagattangap ng galling sa pamilya Marcos. Racket po ito. Sinasabi nila na pagka sumama kayo sa isang grupo, pagka kayo ay magbayad ng Php 200. Kapag dumating ang panahon na marevocer ang mga kayamanan ng mga Marcos, kayo ay bibigyan ng bahay at lupa,ng isang milyong piso- wag po kayo maniweala diyan. Hindi po galling sa pamilyang Marcos yan. Mga taong kung sino-sino na nagraracket at ginagamit ang pangalan ng aking pamilya. Yan pong ganyan, pag binabalita sa akin, sinasabi kop o sa aking mga kaibigan na mayor, kaibigan na opisyal, ay dapat ipahuli mga yan. Wala ponh kinalaman ang pamilyang Marcos diyan. Hindi pa nangyare sa kasaysayan ng pamilyang Marcos na humingi kami ng pera sa taong bayan.
Pia Hontiveros: Cong. Leni Robredo, go ahead.
Cong. Leni Robredo: Ang sinasabi po ni Sen. Marcos, kung meron daw pong judgement ang court, susundin. Pero mayroon pong dalawang judgement, yung US Court at Singapore Court na inoorderan sila ibalik yang nakaw na iyan. Hangang ngayon po, hindi pa din sinusunod.
Pia Hontiveros: Sen. Marcos?
Sen. Bongbong Marcos: Siguto maliwanag na maliwanag na tayo ay nasa gitna ng kampanya. Eh, siguro naman, alam- abogado po si Cong Robredo, sigurado akong na alam naman niya na hindi pamilya ko ang humahadlang sa pagbayad ng compensation sa human rights complainants. Ang humahadlang po dyan , ng kaso nay an ay nasa gitna ng human rights claimnant at saka ng gobyerno na pinangungunahan ng Liberal Party. Kaya ang Liberal Party ang humahadlang sa pagbayad ng human rights compensation.
Cong. Leni Robredo: Hindi po iyan totoo. In fact, yung atin pong Gob. Gusting gusto na bayaran ang human rights victims. Kaso, kakaunti pa lang nag po yung nacocover ng judgement ng court, ang dami pa po nilang natatagong yaman at nakikita pa po natin yan ngayon
Pia Hontiveros: Hold on, candidates.
Sen. Bongbong Marcos: Napakasimple lang po, kung talagang ninanais ninyo na mabayaran ang compensation, bawiin ng Gob. ang inyong claim, at agad agad mababayaran ang human rights. Ang liberal party ang humahadlang.
Pia Hontiveros: Sen. Cayetano, go ahead.
Sen. Alan Peter Cayetano: Bumalik tayo sa topic, human rights. Ang human rights po kasama diyan,:hunger, pagkain. Kasama po diyan gamot, kasama po diyan extrajudicial killings. Kailangan sundin ang batas. Kasama po dyan ang shelter. Why has this all been denied to people? Because of corruption, greed of power. Martial law, 20 years ago was not about peace and order. It was about keeping 1 family in Malacanang. Having said that, right now Kidapawan. People are hungry. El Nino in 23 provinces, Govt. is not doing anything. Pinapabayaan LGUs bahala sila. Number three, korte. Sen. Bongbong is not being honest with you. Dalawang administrasyon. Kay Erap at kay GMA kaya sila kumampi para malakad yung kaso. 1B pa ang pending sa court na sila ang humahadlang na mapunta na sa Gobyerno ang $1B .
Pia Hontiveros: Sen. Marcos then Sen. Escudero
Sen. Bongbong Marcos: Hindi ko alam- hindi ko alam kung saan ng gagaling. Si Sen. Alan, nagiimbento ng kung anu-ano. Tingnan po ninyo kung ano- ang kaso tungkol sa human rights compensation ay nasa gitna ng Gobyerno ng Pilipinas at ng human rights claimnants. Wala na po ang pamilya Marcos. Hindi man po kami nagaargue, hindi na kami nagpapadala ng abogado sa kaso nay an. Ang humahadlang sa pagbayad ng compensation ay ang gobyerno ng Pilipinas na ppinangungunahan ng Liberal Party. Yan po ang katotohanan.
Sen. Alan Peter Cayetano: Sen. Marcos, I am talking about the 1B with the PCGG and the 5M na nakatago pa. Kung ako nagsisinungaling, hahamunin kita ngayon. Fact check. Pag mali ang sinabi ko ngayon, mag wiwithdraw ako. Pero pag ikaw mali, di mo lang wiwithdraw, isoli mo ang pera sa tao.
Pia Hontiveros: One final response on Sen. Marcos on that issue, then Sen. Escuderto. Then a question for Honasan and then that’s it. Sen. Marcos?
Sen. Bongbong Marcos: Well, once again kailangan ko- Maliwanag na maliwanag ang akin mga sinasabi na ang human rights claimnants ay wala po kami, wala po ang pamilya Marcos, hindi na nagpapadala ng abogado ilang taon na. Ang naglalaban na po diyan ay ang Gobyerno at human rights claimants. Hindi po kasama ang Marcos family sa usapang yan.
Sen. Chiz Escudero: Alam niyo masarap pagdebatihan ang pag hingi ng tawad. Pero may kasabihan nga sila: pag binasag mo ang plato, humingi ka man ng tawad hindi na mabubuo ang plato. Basag pa rin iyon. Para sa akin, ang mahalaga at importante, hindi ang balangayan nan nagaganap ngayon pero kung ano ang dapat gawin. Ginawa at ginagawa ngayon. Pinasa po naming ang pangunahing akda: una, ang Compensation Bill sa human rights victims na nag recognize at acknowledge sa mga labag sa pangkarapatang tao ng panahon ni dating Pangulong Marcos. Pinasa din naming ang Anti-Torture law. Bilang pangunahing may akda, sa kaunaunahang pagkakataon, may command responsibility ang opisyal ng pamahalaan miski na wala sila doon. At pangatlo, ang Anti Enforced Disappearance Act na sana, sa pagpasa ng batas na ito, hindi na nila pwede gawin pa ang pangaabuso ng nakaraan.
Pia Hontiveros: So much airtime already given to Sen. Marcos. Sen Honasan we just have a question for you. Related to this, you had already said before, just very recently that it is not right to blame the son for the sins of the father. What did you mean by this in light of whatr Sen. Marcos was saying earlier.
Sen. Gringo Honasan: It’s a judgement call that I cannot make. For the individuals that are being alluded to. Again, I go back. Poverty, rights, are universal. It does not recognize a family names, personalities. That is why apply rule of law. Streghten our institutions, even our justice system has been politicized in a very political manner. Streghten our institutions, para kahit na sino ang administrasyon, susundin at irerespeto yung lahat ng rights. Lalo na right to life. When the right to life is involved, freedom of the press, freedom of expressions, freedom of speech, tabi lang. One life. Lalo na kung life of institutions.
Pia Hontiveros: Thank you, Sen. Honasan. Before we go on break, this is a ‘Yes or no’ question. No, this is not about corruption or human rights or hidden wealth- so you can relax Sen. Marcos.
The question is- Candidates sign boards please. Do you support same sex marriage? Can we see your responses please.
Senators Cayetano, Escudero, Marcos-
Cong Leni Robredo: but I think Govt. should be open to Civil Unions-
Pia Hontiveros: I’m sorry, Ma’am. No explanations here- and Senator Trillanes. Everybody says no. All right.
Webb : Welcome back to Pilipinas debate 2016, with us here on stage our candidates for Vice President of the Philippines – Senators Alan Peter Cayetano, Chiz Sen. Chiz Escudero:, Gringo Sen. Gringo Honasan:, Bongbong Marcos,Congresswoman Leni Robredo and Senator Sonny Trillanes. Now, our next topic is about peace and order in the country. We go to our panelist CNN Philippines senior correspondent David Santos. David , go ahead.
David: Good evening. This question goes to Senators Trillanes and Cayetano. On Saturday, more than 20 people, mostly soldiers were killed in an encounter in Basilan, hundreds of thousands in the region have died due to this decades long conflict, how do you propose to achieve long lasting peace in Mindanao?
Pinky Webb: Senator Trillanes, you go first.
Sen. Antonio Trillanes:Okay, the only way to deal with the cessationist problem is through the negotiating table. Maraming kababayan natin na ang nag-iisip, they toy with the idea na mag all out war, ginawa na po natin iyan at hindi ito nagwork.Nakuha nga natin iyong mga bases pero wala sila, umalis na sila. Kasi pag iniwan mo iyong baril and nakihalo sila sa ordinaryong civilian, hindi mo na sila mahahanap. So babalik tayo dito sa negotiating table. However, itong present BBL, hindi ito pwede dahil madaming unconstitutional provisions at may mga security provisions tayo na kailangang ipasok. Ang proposition ko ay mag-create tayo ng autonomous regions, one for central Mindanao and one for Basilan, Sulu, Tawi-Tawi dahil historically and culturally magkaibang grupo sila. Hindi natin sila pwede pag-isahin. So iyan sa major flaws nitong mga policy makers natin na tinutulak sila pag-isahin pero talagang hiwalay sila.
 
Pinky Webb: Senator Cayetano please.
Cayetano: Ang problema sa Mindanao ay problema ng poverty at problema din ng historical injustice . Labingtatlo sa dalawangpu na mahirap na probinsiya nasa Mindanao. Pero one third , isang trilyon ng buong budget ng Pilipinas nandito po sa Metro Manila, wala pa diyan iyong BPP. So iyong sinasabing imperial Manila, pero hindi rin nakikinabang iyong taga Manila dahil iyong baha, iyong sikip dito sa Metro Manla, iyong mga problema ng kakulangan ng trabaho. Kaya ang sabi nga ni Mayor Duterte , na ating sinasangayunan, nothing short than federalism will solve the problem in Mindanao. Einstein told us if you keep doing the same thing and expect a different result that’s stupidity. I don’t call anyone stupid and I don’t believe in stupidity. But if we keep giving the same answers and we don’t provide the political will , the leadership for a federal government or at the very least equal opportunity Luzon, Visayas and Mindanao.
Pinky Webb: Senator Marcos first please and then Senator Sen. Gringo Honasan: and then Senator Sen. Chiz Escudero:
Sen. Bongbong Marcos: The way towards a true lasting peace in Muslim Mindanao is to continue the peace process, Kailangan po natin ipagpatuloy ang ang proseso ng kapayapaan. Iyong naibigay samin ng Palasyo na BBLay hindi talaga magdadala ng kapayapaan. Unang-una, tio ay labag sa konstitusyon. At pangalawa, ang kinausap lamang ng pamahalaan ay MILF ,hindi po kinausap ang kababaihan, hindi po kinausap ang Local Government, hindi po kinausap ang mga sultan, hindi po kinausap ang MNLF, hindi po kinausap ang mga Kristyano, kaya po lahat ng sektor ay kailangang nakakaunawa sa gingawa dito sa proseso ng kapayapaan. Kailangan lahat ng sector ay kasama dito sa magiging solusyon ng kapayapaan. I filed a substitute bill that was inclusive, that included all the different elements that we need to help us for this process to succeed, and that I believe will lead us (cheering)… to what we are searching for so long.