FULL TRANSCRIPT: 2nd #PiliPinas2016 presidential debate in UP Cebu

TV5 executive Luchi Cruz-Valdes moderates the second presidential debate. SCREENGRAB FROM TV5

TV5 executive Luchi Cruz-Valdes moderates the second presidential debate. SCREENGRAB FROM TV5

Luchi Cruz Valdes: Ako po si Luchi Cruz Valdes at napapanood ninyo po tayo dito sa TV5 Aksyon TV at naka livestream din po tayo sa News5 everywhere at sa www.bilangpilipino.com.ph.  At bago po tayo magpatuloy, narito po muna ang ating debate rules.

May dalawa po tayong rounds sa gabing ito.  Sa una pong round, bawat panelista po magtatanong sa iisang kandidato, bibigyan po ng dalawang minuto ang kandidato para sumagot.  Pagkatapos ng kanyang sagot, maaaring mag-react ang iba pang kandidato pero tig-30 segundo lamang po ang reaksyon.

Bilang moderator, sisikapin ko pong walang madedehado.  Ang bawat kandidato po ay magkakaroon ng pantay-pantay na pagkakataon na matanong ng ating mga panelista sa iba’t-ibang isyu.

Sa ikalawang round naman po, mismong ang mga kandidato na ang magtatanong sa isa’t isa.  Nauna na pong nagbunutan ang mga kandidato kung sino ang magtatanong at kung sino ang kanilang tatanungin.  Nagbunutan na rin po ang mga kandidato sa kani-kanilang puwesto sa entablado.

Huwag na po nating patagalin pa, bilang panimula, tayo po ay tutungo na po kaagad sa ating Round One.  At ang una pong magtatanong dito po sa ating Round One, ang atin pong panelista, isa pong senior correspondent at News5 anchor, si G. Ed Lingao.

ROUND ONE

Ed Lingao: Ang tanong ko po ay para kay Senadora Grace Poe.  Bilang chairperson po ng komite na nagsulong ng Freedom of Information Bill, o FOI, doon sa Senado, ano po ang dahilan kung bakit namatay ang FOI sa administrasyon ni Pangulong Aquino?  At kung titingnan po ninyo sa paligid ninyo, yung mga karibal ninyo sa puwesto sa entablado ngayon, sino po sa tingin ninyo sa kanila ang haharang o susulong ng tunay na FOI?

Sen. Grace Poe: Kaya po hindi natuloy ang Freedom of Information ay hindi dahil sa amin sa senado sapagkat walong buwan pa lamang noong ika-16 na kongreso napasa na namin ito, at matibay po ang Freedom of Information na ipinasa naming sa senado.  Ka-debate po natin dyan si Senator Miriam, si Senator Enrile, at iba pang mga beterano sa senado ngunit napasa natin ito.  Nagbibigay ito ng armas sa ating mga kababayan para mabusisi ang mga dokumento ng gobyerno para hindi na mangyari muli yung nangyari sa PDAF.  Ngayon, kaya hindi ito nakapasa sapagkat hindi po ito pumasa sa kongreso rin.  At nangyari ‘yon sapagkat maski na sinasabi nila na ito’y prayoridad ng administrasyon, hindi po natin nararamdaman na tunay nila itong itinutulak.  Para sa akin, ayoko na lang sabihin kung sino dito ang haharang, pero sigurado ako na merong haharang sa mga kasama ko.

Luchi Cruz Valdes: Nais nyo po bang mag-react, Sec. Mar?

Sec. Mar Roxas: Ako ba yung tinutukoy nya? <laughter>  Kabahagi po ako ng Daang Matuwid Coalition.  Tama po yung sinabi ni Senadora Grace, pumasa ito sa senado pero hindi ito pumasa sa Cámara de Representantes.  May mga mabibigat na dahilan kung bakit tinutulan ito ng mga kongresista at yan ay pinagdebatehan sa floor ng Camara.  May iba’t-ibang bersyon na inihain subalit hindi ito naging matagumpay.  ‘Pag ako ay naging pangulo, ipapasa ko isang matibay na FOI para malaman ng sambayanan kung ano ang nangyayari sa kanilang gobyerno.

Luchi Cruz Valdes: Nang wala pong right of reply, Sec. Mar, because natatandaan po namin sa isa pong forum ay nasabi nyo na dapat may kalakip na right of reply.

Sec. Mar Roxas: Hindi po, Luchi.  Ang sinabi ko sa forum doon na ini-report ko sa iyo na ‘yan ang pagtutol ng mga miyembro ng Cámara de Representantes.  Hindi po ako ang naghain po noon.

Luchi Cruz Valdes: Pero kayo po ay hindi nyo gagawing kondisyon – oho.  Mayor Duterte, gusto niyo po bang mag-react tungkol dun sa sagot ni Senador Grace?

Mayor Rodrigo Duterte: Yes, ma’am.  A few days ago, I and Senator Cayetano signed a waiver over Bank Secrecy Law.  You can pry into what – ano po ba ang maipakita ko sa inyo?  Freedom of Information actually is pera ‘yan, yung ninanakaw sa gobyerno kung saan napunta.

Luchi Cruz Valdes: VP Binay?  Ang inyong reaksyon?

VP Jejomar Binay: Alam ho ninyo, napakatagal nang nakabinbin sa kongreso itong FOI na ito eh.  Ako ho, ‘pagka naging pangulo, sa lalong madaling panahon, mag-iisyu po ako ng executive order dun ho yung Freedom of Information.

Luchi Cruz Valdes: Senator Poe, nais nyo po bang sumagot?

Sen. Grace Poe: Sana – maganda sana pakinggan ‘yon subalit, mawalang-galang na po, VP Binay, marami po kaming mga katanungan sa inyo na hindi naman din ninyo nasasagot sa senado, paano naman kami maniniwala na susuportahan ninyo ang tunay na Freedom of Information?

VP Jejomar Binay: Alam mo, Senadora, lagi ho kayong dapat magbibigay ng – magtiwala po kayo.  Uulitin ko po, ako man of action ako eh, kaya ho ako namahal sa Makati kasi lahat ng pinapangako ko nangyayari.  Pangako ko po sa lalong madaling panahon pagkasumpa ko bilang pangulo, palalabasin ko po ang Freedom of Information.

Sen. Grace Poe: Ms. Luchi, nasa kalidad po ng Freedom of Information, pwede tayong magpasa ng Freedom of Information pero malabnaw.  Ang gusto ko ang bersyon namin sapagkat nakalagay doon mismo pati yung Statement of Assets and Liabilities ng mga barangay chairman.  Importante po na lahat, mula sa ibaba hanggang sa itaas, ay may pananagutan sa ating bansa.

Luchi Cruz Valdes: Mayor?

VP Jejomar Binay: Alam po ninyo, Luchi, kelangan ho itong Freedom of Information.  Ito ho ang sagot sa graft and corruption eh, transparency.  Huwag na ho natin lahat ‘yan mga deba-debate pa o ano, FOI, Freedom of Information sa executive department, mai-implement ko po yan.

Luchi Cruz Valdes: Senator Poe, gusto nyo po bang sagutin ang reaksyon na yan?

Sen. Grace Poe: So, gusto po ba ninyo ngayon mag-sign kayo ng bank waiver sa inyong mga accounts?

VP Jejomar Binay: Aba!  Ako nga ho eh – eto nga isa sa dokumento kong – dokumento ko hong dala-dala dito eh.  Pinirmahan ko na ho ito, yayakagin ko kayong tatlo na pirmahan natin ho, waiver ho ‘yung AMLA, na tayo ay imbestigahin –

Sen. Grace Poe: Tama.

VP Jejomar Binay: Para makita ho yung mga lifestyle at saka yung executive performance natin.

Luchi Cruz Valdes: Mayor Duterte?

Mayor Rodrigo Duterte: We signed a waiver to – we waived our rights so that anybody can, as I said, look into bank accounts.

Luchi Cruz Valdes: Kayo rin po?

Mayor Rodrigo Duterte: If I were the president, day 1, I will ask everybody to cooperate.  And I just – Nandyan na yung waiver mo, Vice President? <laughter>  Andyan na yung ang waiver mo?

VP Jejomar Binay: Oo ba, nandito na.  Yun na nga, kaya ko gustong may dokumento ipi-prisinta eh –

Mayor Rodrigo Duterte: Nakakatakot – lahat yan, pipirmahan ko dyan sa harap mo.

<Laughter/applause>

VP Jejomar Binay: Saglit lang ha, saglit lang.

Luchi Cruz Valdes: With all due respect po sa inyo, Mr. VP, the COMELEC has ruled and we would like to abide by the rules of the COMELEC that there will be no notes allowed during this debate.  Mawalang-galang na po.  Ako po ay humihingi ng paumanhin, publicly, kay Mr. Vice President, kasi po kami po ang nagbigay ng pahintulot po sa kanila na magdala ng notes.  Yan rin po ang dahilan kung bakit po naantala po ang pagsisimula nitong debateng ito.  Pero sa puntong ito po, Mr. Vice President, with all due respect, I have to tell you, we will abide by the COMELEC rules that there will be no notes during this debate.

VP Jejomar Binay: Eh Luchi, hinihingi ni Mayor Duterte eh –

Luchi Cruz Valdes: With the permission of our –

VP Jejomar Binay: Ibibigay ko lang sa kanya.

Mayor Rodrigo Duterte: Tayong dalawa na lang –

Luchi Cruz Valdes: Pinapakita lang daw po ang waiver –

Sec. Mar Roxas: Palagay ko, sundin na lang natin ang COMELEC, ‘yan ang patakaran hindi ba?  Kung meron – kung ang bawat isa sa atin ay nais pumirma ng kahit anong waiver, matapos ito ay sa labas po, pwede natin ipakita kung anong waiver ang pipirmahan natin.

<Applause>

Luchi Cruz Valdes: Point well-taken.  Mr. VP, we will take you at your word right now or not, it’s up to our audience but we cannot allow the notes.  Please, respectfully –

VP Jejomar Binay: No, excuse me.  It’s not a note, it’s a document.

Luchi Cruz Valdes: Even the document, sir because the COMELEC rules do not allow for the documents.

VP Jejomar Binay: Excuse me, you know, when you say notes, something which you are reading, but after all, Mayor Duterte –

Mayor Rodrigo Duterte: Ako, you give it to me and I’ll sign it.

VP Jejomar Binay: Ilalabas ko lang, saglit lang.

Luchi Cruz Valdes: Pinapahintulutan po ni Mayor Duterte na ipakita ni –

Mayor Rodrigo Duterte: I’d like to be very, very brutally frank to the Vice President.  Sir, marami kang kaso sa COA pati sa Ombudsman <applause> Eh hindi, public knowledge naman yan eh.  At ako naman ay sinasabi nung una na there’s a technical malversation, ang tanong ko, and if you can produce even <bell rings> May I have extension?  Yes, no extension? Pirmahan naming yan, tapos kung may kaso ako, we will withdraw from the presidency derby.

<Applause>

Luchi Cruz Valdes: Maraming salamat po, Mayor Duterte.  Sagot nyo po, Mr. VP.

VP Jejomar Binay: Alam mo, yung sinabi mo, Digong, eh mag withdraw sa presidency, eh kaso ho, ang premise mo eh yung may kasalanan, mag-withdraw –

Mayor Rodrigo Duterte: Hindi, hindi, let me – me kaso, wala pa tayong kasalanan –

VP Jejomar Binay: Ako, hindi ako nagnakaw, wala akong kuwan, so bakit ako magwi-withdraw?  Kung ikaw, sa kunsensya mo, may kasalanan ka, o di magwithdraw ka.

Mayor Rodrigo Duterte: O hindi kaya, dahil malaki na ang gastos mo?

<Laughter>

Luchi Cruz Valdes: Maraming salamat po.  Tayo po ay tutungo na po sa susunod na tanong.  Ang susunod na katanungan ay mula kay Lourd de Veyra.  Lourd?

Lourd De Veyra: Ang tanong ko po ay para kay Vice President Binay.  Sir, kayo po ay pinasasampahan ng Ombudsman ng mga kasong kriminal, ang inyong anak na si Junjun ay nasampahan na po.   Kung tutuusin kasi, pareho kayo po ng kaso ang kaibahan nyo lang po, kayo po ay may immunity.  Kung sakaling ma-convict po si Junjun Binay, kung kayo po ay pangulo na, ano po ang gagawin ninyo, sir?

VP Jejomar Binay: Mabuti nabanggit mo yung bahagi ng convict, ano ha.  Eh yun eh hanggang ngayon nandoon pa rin sa stage ng bintang, Lourds, ha.  ‘Pagka na-convict, o di parusahan, eh yun ang conviction eh.  Kaya lang, yung bintang hindi ho yun ang conviction.  Kelangan ho, para maging totoo – alam mo Lourds, ‘pagka may sinabi kang, “Lourds, ikaw ay corrupt” bintang yun.  Para masabing ikaw ay corrupt, kelangan may hatol ang hukuman na ikaw ay corrupt.  Okay? So, uulitin ko sa iyo ha, at ako naman ay abogado rin, Sa Diyos at sa tao, walang kasalanan ang anak ko.  Pero kung anuman ang desisyon, susundin natin.  We must be a government with a rule of law.

<Applause>

Luchi Cruz Valdes: Meron po bang gustong mag react sa naging sagot ni VP Binay sa kanyang katanungan?

Mayor Rodrigo Duterte: It’s a sad story.  I’m on – words of tears, I will not answer.  Basta anak <over talk> –

Luchi Cruz Valdes: Ang tanong po sa inyo, sir –

Sen. Grace Poe: Eto na lang Ms. Luchi siguro ay ito, rule of law, pero meron din tayong mga rules ngayon na dapat ay sinunod.  Siguro maganda sanang pahiwatig ang paggalang din sa batas at paggalang rin sa mga naging regulasyon ng pag-debate na ito.  Bigyan na natin ng benefit of the doubt ang ating mayor.  Siguro nga mali ang nasabi ninyo sa kanya.  Pero para sa akin, importante rin na sana nakadalo sya sa senado para mag-eksplika rin ng kanyang punto kung wala naman talagang tinatago.

VP Jejomar Binay: Alam mo, Madam Senator, pinag-uusapan natin ang rule of law ha, eh lagi mong sinasabi ikaw eh – lagi mong sinasabi ha –

Sen. Grace Poe: Opo –

VP Jejomar Binay: Teka muna, wala pa naman akong – ano.  Lagi mong sinasabi na ikaw eh tunay na Pilipino, ha.

Sen. Grace Poe: Opo.

VP Jejomar Binay: Paano ka magiging tunay na Pilipino?  Eh sumumpa ka, ha, na maging Amerikano at yung mag a-abdure ka?  Ikinahihiya mo ang pinanggalingan mo at meron ka bang –

Sen. Grace Poe: Papaano mo nasabi na ikinahihiya?  Unang-una, ilang milyon ng ating mga kababayan ang nakatira sa ibang bansa.   May batas tayo na RA 9225 na kinikilala ang ating mga kababayan na nakatira sa ibang bansa, namuhay ng marangal pero hindi nawala ang pagmamahal sa bayan.  Ang pagiging malayo sa bayan ay nakakapag – nakakapangulila pa nga.  Sinasabi mo, ikaw number one na nagsasabi na pinoprotektahan mo mga OFW, tapos sasabihin mo na ang isang nakatira sa ibang bansa ay hindi na pwedeng bumalik dito para manilbihan?

VP Jejomar Binay: Madam Senator, hindi ho kayo OFW –

Sen. Grace Poe: Hindi ko sinasabing ako ay OFW –

VP Jejomar Binay: Ang sinasabi ko lamang –

Sen. Grace Poe: Pero sinasabi ko, nanirahan sa ibang bansa.  Ngayon, ang mga Pilipino na nanirahan sa ibang bansa, bumabalik dito para manilbihan, hindi na ba sila pwede?  Bakit tayo nagpasa ng isang batas na 9225 na sinasabi mo “rule of law”?  Hindi ba rule of law din ‘yan?  Alam niyo, Mayor Binay –

VP Jejomar Binay: Madam Senator, ang sinasabi –

Sen. Grace Poe: Mayor Binay, hindi lang po sa kulay ‘yan.

VP Jejomar BInay: Hindi ho –

Sen. Grace Poe: Nasa pagmamahal.  Nandito ka nga nakatira sa bansa pero nangulimbat ka naman ng pera.

<Applause>

VP Jejomar Binay: Kita mo, ikaw, sama-sama kayo eh, sa conspiracy –

Sen. Grace Poe: Sama-sama saan?

VP Jejomar Binay: Sa conspiracy to demolish my per—

Sen. Grace Poe: Conspiracy?  Kami walang pera.  Wala kaming makinarya –

VP Jejomar Binay: Pwede bang ako naman ang magsalita –

Sen. Grace Poe: Ikaw may pera, ikaw makinarya.

VP Jejomar Binay: Basta’t ikaw, hindi ka tunay na Pilipino kasi ikinahihiya mo –

Sen. Grace Poe: O, hindi bale –

VP Jejomar Binay: Ikinahiya mo, sinabi mo sa – when you took your oath of allegiance for you to be naturalized as an American citizen, “I abdure – ikinahihiya ko ang pinanggalingan ko.”

<Applause>

Sen. Grace Poe: Mayor Binay, ikaw mismo ang nandito nang bumalik ako dahil namayapa ang aking tatay.  Ang administrasyon ay laban sa amin pero ako’y bumalik dito. Tinatayang higit 10 milyong mga Pilipino ang nakatira sa ibang bansa at marami doon ay may dual citizenship.  Hindi nila ikinahihiya ang kanilang bansa pero gusto nilang mabuhay ng marangal at hindi manatili dito ng walang oportunidad.  Kaya ako tumatakbo para magkaroon ng oportunidad at hindi manatili dito kahit walang oportunidad at magnakaw lamang.

VP Jejomar Binay: Ang isyu – ang isyu, ikaw ba ay totoong Pilipino?  Ikinahiya mo nga…ikinahiya mo – Ladies and gentlemen, yung oath of allegiance, nandun ang “I abdure” and what is the meaning of abdure?  Ikinahihiya ko ang lahat ng pinanggalingan ko.  Ikinahihiya ko yung pagka Pilipino ko –

Sen. Grace Poe: Eh Mayor, mayor, teka muna – sabihin mo sa ‘kin –

VP Jejomar Binay: Ako muna.  Ako muna magsasa –

Sen. Grace Poe: Bakit si Teddy – Hindi, alam mo, nang iinsulto ka. Unang-una 9225 ipinasa, wala po sa itsura yan, nasa paninilbihan, mga kababayan.

Luchi Cruz Valdes: Sir VP, Senator Poe, I think nasagot na po ng sapat ang mga katanungan at mga reaksyon.

Sen. Grace Poe: Nanatili ka nga sa bayan natin pero ikaw naman ay nangulimbat at nagnakaw.  Anong kaibahan nun?  Malaki ang kaibahan. Nanirahan ka sa ibang bansa – hindi lang yan OFW, Overseas Fighting Filipino Workers or Overseas Fighting Filipinos –

VP Jejomar Binay: Madam Senator, kung magbintang ka parang ako’y nahatulan na.

Sen. Grace Poe: Ikaw ba yung sinabi kong nangungulimbat?  Sinabi ko lang naman –

VP Jejomar Binay: Sinasabi mong magnanakaw ako.

Sen Grace Poe: Sinabi ko lang naman –

Luchi Cruz Valdes: Ititigil na po natin ito, mawalang-galang na po, Senator Poe. I think  –

Sen. Grace Poe: Ikaw ang nagsabi na ako ay ikinahihiya ko ang pagiging Pilipino.  Ang sinasabi ko mas mabuti na ikaw ay umalis, nagtrabaho ng tapat, kesa naman nanatili ka dito, umasa sa mga magulang mo at nangulimbat lamang ng pera.  Hindi ko sinasabing kayo ‘yon dahil naniniwala ako sa due process, pakinggan natin po ang inyong kaso.

VP Jejomar Binay: “I hereby declare on oath that I absolutely and entirely renounce and abdure all allegiance and fidelity–”

Luchi Cruz Valdes: Mr. VP, mawalang-galang na po, Mr. VP, bawal po talaga ang notes, I will have to warn you.

VP Jejomar Binay: Okay, basta –

Luchi Cruz Valdes: We will have to move on to the next question because there are questions for the other candidates.  The next question, please.

Mayor Rodrigo Duterte: ‘Wag na lang ninyo akong isali- bigay niyo na lang <over talk/laughter>

Sec. Mar Roxas: Okay, enjoy ito!  Mataas ang rating ninyo rito <laughs>

Luchi Cruz Valdes: Amy?

Amy Pamintuan: Ang tanong ko po ay para kay Mayor Duterte.  Medyo lumayo po tayo sandali sa mainit na topic.  Nag-commit po ang Pilipinas sa United Nations na babawasan natin ang polusyon na hanggang 70% by 2030.  Pero inaprubahan ni Pangulong Aquino ang maraming coal-fired plants para sa energy security natin.  Paano natin matutupad ang ating commitment sa UN habang tumataas naman ang dependence natin sa coal para sa ating energy security?

Mayor Rodrigo Duterte: I will answer you with this.  Tayo, Ma’am, we are called to comply but the industrial countries does that.  We only contribute point-zero something to the carbon footprints in this planet.   Sila hindi – sila ang ayaw eh.  Tayo, they bamboozle us to obey.  It’s not fair.  I’m not saying that coal is right but I’m just saying, itong United Nations and the industrialized countries are really hypocrites.

Gusto nila – hindi, bayaran nila tayo or they supply us with hydro, solar.  Mahal ‘yan.  Ngayon kung idinadamay nila tayo at sila naman ayaw maniwala, and yet, itong United Nations’ hypocrisy because they cannot enforce sanctions against those who are violating.  Everyday they’re sprouting up so many coal-fired power plants.  We only contribute a third of the footprints – carbon footprints, so very little.  And yet, we are a growing country, we need to industrialize, we need energy.  Ang sabi ko, susunod tayo, but you know even climate change – climate change does not have to be discussed.  It is here.  El niño is the climate change.  Kaya ning mga lupa mo maski saan-saan, they are cracking up, even in Luzon.  That’s pollution.  Your climate change is already there.  So what we should do is to do remedial measures, pero huwag lang tayo, because we have noticed that those who are really into heavy industries are the first world countries.

That is my objection to them.  <applause>  It’s pure hypocrisy.  Ina-ano tayo tapos, they come here and nagya-yawyaw about – and yet they cannot even suggest to their own government to stop it!  Di bale na ang sobra dyan.  <applause>

Luchi Cruz Valdes: Ang unang bell po ay 10-second mark so you have 10 more seconds after the first bell.  Secretary Mar, you would like to react?  Did you want to react?

Sec. Mar Roxas: Well, napakahalaga na simulan natin ang transition towards clean energy dahil tayo isa sa pinaka-tinatamaan ng epekto ng global warming.  Lahat itong mga bagyo, 20-25 sa bawat taon na humahampas sa ating bansa na naghahatid ng hirap, ng pagsalanta ng crops, mga bahay lahat yan ay dahil dito sa global warming.  Importante na simulan natin ang pagtungo sa clean energy.

Luchi Cruz Valdes: Si Mayor Rodrigo po muna ang sasagot.

Mayor Rodrigo Duterte: Yes, ganito yan, Ma’am.  Al Gore came here, talked about the environment, climate change, bakit hindi niya makumbinse yung bansa niya?  I know he cannot go to China and say “Stop it.”  Why are they coming here telling us what to do, when as a matter of fact, we need energy to develop.  We are just a developing nation.

Luchi Cruz Valdes: Senator Poe?

Sen. Grace Poe: Ms.  Luchi, ay sa tingin ko ang una nating gawin ay ilikas ang 13 million six hundred na mga residente dun sa mga high risk areas.  Yun ang una, prevention.  Pangalawa, isipin natin ang mga magsasaka natin.  Tama ang sinabi ni Mayor Duterte, drought ngayon, kailangan natin ang drought resistant na pananim para naman patuloy ang buhay nila.  Kailangan tayo magkaroon ng mga dams, mga water entrapment facilities, mga flood control projects para naman maligtas natin ang ating mga kababayan.

Luchi Cruz Valdes: Senator Mar?

Sec. Mar Roxas: Luchi, lahat itong mga bagay na sinabi ni Senadora Grace ay mitigation, kumbaga, papaano mabawasan ang impact sa atin.  Ang punto dito ay nangangailangan  tayo ng energy.  ‘Pag ako’y naging pangulo, bibigyan ko ng insentiba yung natural gas, yung mga iba pang clean energy tulad ng geo, tulad ng hydro para yung ating energy mix, which right now is 50% coal and oil ay mabawasan ng sa ganon mas maraming malinis na energy ang gagamitin natin.

Sen. Grace Poe: Dahil nabanggit nya ang aking pangalan, ako’y naniniwala sa sinabi nya, subalit kailangan maayos din ang ating plano.  Yung ating solar energy ay importante, wind energy malaki ang potential, nasa 70,000 megawatts ang madadagdag, pati na rin ang hydro na at least 30,000 megawatts sa Mindanao pa lamang.  Pero dapat mabilis rin ang pagkilos ng isang leader.  Hindi pwedeng plano lamang.

Sec. Mar Roxas: Ang importante rito, Luchi, ay itong mga insentiba na ito.  Ang nabanggit po na mga energy sources nasabi tulad ng solar at ng wind ay nasa 8-8.50 per kilowatt hour.  Yung natural gas ay nasa 3.50 – 3.80 hanggang four pesos per kilowatt hour.  Hindi natin gusto na maging masyadong mahal ang ating kuryente dahil papaano naman ang mga trabaho na malilikha sa ating industrialization.

Luchi Cruz Valdes: The VP would like to give his reaction.

VP Jejomar Binay: Masarap pong pakinggan ang sinasabi ni Mr. Roxas, ha. “’Pag ako ang pangulo, ganito ang gagawin ko.”  Eto, panahon ng mga pangako.  Magaganda ang sasabihin, kaya lang, may kapabilidad ba na magiging mabilis at mangyayari ba?  Eh, Mr. Roxas, guilty of analysis by paralysis, can never make a decision right away.

Sec. Mar Roxas: Wala ho – talaga ho mabagal akong gumalaw at hindi ako gumagalaw, pag pagnanakaw ang pag-uusapan.  Hindi po ako magnanakaw.  Ang importante po sa aking mga panunungkulan, kumilos po tayo ng maagap, ng mabilis at epektibo, yung mga threat –

VP Jejomar Binay: Mr. Roxas –

Sec. Mar Roxas: Excuse me, oras ko po ito.  Sabi mo rules-based, dun tayo sa rules.

VP Jejomar Binay: Okay.

Sec. Mar Roxas: Dun po tayo, ‘no? Sa aking panunungkulan sa lahat ng mga ahensya, lahat po ng aking track record ay malinaw, effective, may accomplishment at makatulong sa ating mga kababayan.

VP Jejomar Binay: Mr. Roxas, tinuturo ka ni Mr. Vitangcol!  Nagnakaw ka dun sa MRT.  Ano ba?

Sec. Mar Roxas: Hindi po totoo ‘yan.

VP Jejomar Binay: Yun naman po ang kuwan mo eh.  Kita mo? Hindi totoo, paano?  Bintang pa?  O, ikaw kung magsalita “magnanakaw” nasa bintang rin lang lahat po kayo.  Alam mo, Mr. Roxas, ikaw ay talagang disipolo ka ni Goebbels, yung bang 1,000 lies ay ultimately eh maniniwala ang tao na totoo.  Ikaw yun ang disipolo nun.

Sec. Mar Roxas: Kilala po ninyo si Goebbels dahil binabasa po niyo sya at sinusunod po nyo siya.  Hindi ko po kilala yan.  Ang punto po dito –

VP Jejomar Binay: Wow!  Napaka –

Sec. Mar Roxas: Wala po – oras ko po ito.  Wala pong kinalaman si Mar Roxas sa kahit anong katiwalian na naganap diyan MRT na yan.  Ang importante ay malaman natin na ang katotohanan ay si Mr. Vitangcol ay natanggal sa puwesto dahil tiyo niya ang kabahagi ng mga nag-bid dyan sa mga kontrata habang siya ay nanunungkulan sa MRT.

VP Jejomar Binay: Tinuro ka rin ng Ambassador na kasama ka sa pagnanakaw sa MRT.

Sec. Mar Roxas: Nako, hindi po totoo yan. Wala pong –

Luchi Cruz Valdes: Wala na po tayong mareresolba diyan sa topic na ‘yan dahil ‘yan po ay para sa korte na lang po unless meron pong last answer po si Mayor Duterte, balik po tayo dun sa isyu ng coal fired at ng climate change.

Mayor Rodrigo Duterte: Well, I’ve said enough.  This cannot really be solved by just talking here.  You need somebody in Malacañang to just do it.  Iyan ang kailangan dito eh, at all cost.  Alam mo ang naka-ano dito sa Pilipinas?  It’s monopoly.  Buksan mo yang Pilipinas for all power players, magmumura ang electricity.  I guarantee you.

Luchi Cruz Valdes: Senadora?

Sen. Grace Poe: Luchi, ang importante malinis pero importante abot kaya sa ating mga kababayan.  Hindi pwede napakataas ng kuryente, kailangan talaga ay mababaan na natin ito.

Luchi Cruz Valdes: Okay, we will now move on to the – Secretary Mar?

Sec. Mar Roxas: Kaya bilang pangulo, bubuksan ko ang EPIRA law.  Ang EPIRA law ang siyang naglilimita sa kilos ng gobyerno sa paglikha ng kuryente sa ating bansa.

Sen. Grace Poe: Pero Sec—

Sec. Mar Roxas: Excuse me.  Ako pabor ako na buksan muli ang EPIRA law para hayaan ang pamahalaan na mag-finance, hindi na magpatayo, hindi na bibili, hindi na mag-ooperate pero na mag-finance ng mga power plants sa ating bansa para dumami ang mga power dito, bumaba sa pamamagitan ng kumpetisyon ang kuryente sa ating bansa.  Yan malinaw na plano, malinaw na gagawin.

Luchi Cruz Valdes: Okay, we should have the last word now on power and particularly climate change and coal-fire –

Sen. Grace Poe: Maaaring i-review natin ang EPIRA law pero kung pare-pareho pa rin ang mga pamilya na mamumuhunan sa ating bansa, monopoliya pa rin, hindi ba Mayor Duterte?

Mayor Rodrigo Duterte: Yes, it’s monopoly.

Sen. Grace Poe: Kailangan talaga buksan talaga natin para sa ibang mamumuhunan dito basta lamang maglilikha ito ng trabaho at produktibo para sa ating mga kababayan.  Kaya ako, kahit buksan mo pa ‘yang EPIRA na ‘yan, kung wala namang charter change para sa economic provisions, wala ring mangyayari.

Luchi Cruz Valdes: Maraming salamat po.  We shall now move on to the next question.  From Philippine Star associate editor and columnist, Marichu Villanueva.

Marichu Villanueva: Ang akin pong katanungan ay para kay Sec. Roxas.

Mayor Rodrigo Duterte: Hay salamat.

Marichu Villanueva: Mr. Secretary, meron po kaming tatlong bagay na kailangan sa inyo, ang plataporma po nyo, pangako magpatuloy ang daang matuwid na kaya – ‘pag kayo maging pangulo.  Ngayon po, gusto rin malaman ng mga tao, paano maiiba ang inyong pamamahala kay Presidente Aquino.  Maari po ba ninyong sabihin na – yung tatlong bagay na kung saan nagkulang o kaya ay nagkamali ang Aquino administration, at paano ninyo – magiging strategies niyo para hindi na maulit ang mga pagkakamali at pagkukulang na ito?

Sec. Mar Roxas: Ang daang matuwid ay isang proseso, step by step ito, parang gumagawa tayo ng isang gusali.  Sinimulan ni Pangulong Pnoy ito sa pundasyon, paglinis sa pamamahala.  Hindi pa tapos ‘yan kaya kailangan ituloy ang ating laban sa kurapsyon.  Meron pa ring kurapsyon, aminado tayo, hindi pa nalilinis 100%, pero malayo na ang narrating natin diyan.  May mga napakulong na tayo.  May mga kaso ng na file at tuluy-tuloy ang paglitis dito sa mga corrupt na mga ito.

Pangalawa, tututukan ko pinakamahalaga sa ating mga kababayan, pagkakakitaan, trabaho, hanapbuhay.  Yan ang punto ng lahat ng gawain ng daang matuwid.  Tinatanggal natin ang corruption para magkaroon ng trabaho ang ating mga kababayan, para ang serbisyo ay maparating sa kanila ng buong-buo.  Sinimulan natin ito sa pagbibigay natin ng sapat na edukasyon sa napakaraming mga tao na dati-rati ay hindi nakakatapos sa kanilang pag-aaral.  Edukasyon bilang tulay sa isang mas magandang trabaho sa kinabukasan.  Dadalhin natin ang pera ng gobyerno sa pinaka-liblib na lugar.

Yung ating BUB Plus dadalhin natin sa bawat barangay.  Isang daang bilyong piso ito, para yung front line ay wala sa Malacañang, wala sa Manila, dadalhin natin ang front line, ang ating laban kontra sa kahirapan sa mga kabarangayan.  Ang pera dadalhin natin sa kabarangayan, dadalhin natin sa mga bayan; all 1490 towns, all 42,000 barangays ay magkakaroon ng pondo para sila mismo ay makapagsimula ng tulong sa kanilang kapaligiran para magkaroon ng trabaho, hanapbuhay, lalo na sa ating mga magsasaka, mangingisda doon sa mga liblib at malalayong lugar.

Itutuloy natin ang ating para sa imprastraktura kung saan itong mga kalyeng ito na nagdadala ng mga produkto ng mga kababayan natin ay magawa para makarating sa mga pamilihan.  Trabaho at pagkakakitaan ang ating gagawin.

Marichu Villanueva: Ano po yung gagawin n’yo differently from the Aquino administration?

Luchi Cruz Valdes: Marichu, with all due respect, Mayor Duterte would like to react.

Mayor Rodrigo Duterte: Yes.  Mar, we are friends <laughter> –

Sec. Mar Roxas: I thought so.

Mayor Rodrigo Duterte: We are not enemies.

Sec. Mar Roxas: I thought so, yes.

Mayor Rodrigo Duterte: Your talk is right.  I would just like to thank you for talking about my program more extensively.

<Laughter/Applause>

Sec. Mar Roxas: Which maybe you copied from me in one of our talks as friends.

Mayor Rodrigo Duterte: Yeah, I said, I’m willing to plagiarize, but that was my original program.  I wonder if you copied it.

<Laughter>

Luchi Cruz Valdes: Secretary Roxas, any more reactions from the other candidates?

Sec. Mar Roxas: Well, tulad ng sinabi ko ‘no, itong BUB Plus, ito ang pamamaraan, parang bibingka yan eh, habang kumikilos ang national government sa macro, sa mga policies, ay dapat naman merong kumikilos sa baba sa ating mga kabarangayan, sa ating mga bayan.  Hindi natin malalaman lahat ng problema at lahat ng paglutas dito sa mga problemang ito.  Sila ang mga nakatira doon, sila ang nakaka-alam.  Ang kailangan lang nila ay pondo para matugunan ang kanilang mga pangangailangan.

Sen. Grace Poe: Secretary Mar, maganda yung prinsipyo ng BUB, pero hindi ba sa BUB meron din mga menu kung ano lamang ang pwede nilang piliin na mga proyekto?  Pangalawa, hindi ba kaduda-duda na nagkakaroon tayo ng BUB ngayon na malapit na ang eleksyon na parang nagiging insentibo sa local government na maging panig sa administrasyon ngayon?

Sec. Mar Roxas: Senadora Grace, hindi po totoo ‘yan, 2011 pa lang meron ng BUB.  Sinimulan natin ito dahil nais nating dalhin ang development, ang capital expenditure sa pinakamalalayong lugar sa ating bansa.  Kabahagi ito ng empowerment na bahagi ng programa ng daang matuwid na kung saan ine-empower natin, binibigyan natin ng kakayahan ang mga kumonidad, ang mga pamayanan para sila mismo ang makatulong sa sarili nila, ang pera ay mapaparating natin sa kanila walang kupit, walang kaltas, walang kickback.

Sen. Grace Poe: Pero may menu?

Sec. Mar Roxas: Ano ho?

Sen. Grace Poe: May menu?

Sec. Mar Roxas: May menu naman po.  Anong masama sa menu?

Sen. Grace Poe: Okay.  Hindi, pero ibig ko sabihin –

Sec. Mar Roxas: Classroom, farm to market road –

Sen. Grace Poe: Ang ibig kong sabihin minsan kasi –

Sec. Mar Roxas: – rural health unit.  Kasi, hindi natin gusto na gagastusin nila ang pera para sa mga arko, “Welcome,” “Thank You, Come Again.”  Eh di ba sayang yung pera na ‘yon?

Sen. Grace Poe: Tama po, pero –

Sec. Mar Roxas: Ang gusto po natin ay malagay sa tama ang paggastos nitong mga perang ito.

Sen. Grace Poe: Pero sinabi ninyo na alam nila, pero meron din mga bagay na pwede nilang makita na hindi natin nailagay dito sa menu na ito.  Maaari po ba silang isama rin dito?

Sec. Mar Roxas: Meron.  Meron pong proseso na kung meron silang nakikitang paraan para makalutas sa kanilang problema na hindi kasama doon sa menu ay nagagawa po ‘yun.  May proseso po ‘yon.

Luchi Cruz Valdes: Mayor Duterte, you were going to react?

Mayor Rodrigo Duterte: Mar, you might want to add the phrase, “This is a recording.”

Sec. Mar Roxas: Alam niyo, paulit-ulit ko sinasabi ito dahil tunay akong naniniwala dito.  Ito ang ang aking gagawin, ito ang aking tututukan, at ito ang mangyayari sakaling ako ay maging pangulo.

Luchi Cruz Valdes: VP Binay, nais nyo po bang sumama sa boses ng mga nagre-react kay Secretary Mar?

Mayor Rodrigo Duterte: Ay, kami?

Luchi Cruz Valdes: Kung nais nyo lamang po.

Mayor Rodrigo Duterte: I’ve heard it several times and I thought it was a recording, that’s why I suggested to him na –

Luchi Cruz Valdes: Alright.  So, VP, may reaction po ba kayo?  We will pass if you don’t have a reaction.  Alright, at sa puntong ito po ay natanong na po ang lahat ng atin pong mga kandidato pero isang ikot pa lang po tayo.  Unang bugso pa lamang po iyan ng ating debate.  Sa ating pagbabalik, mas paiinitin pa po natin ang balitaktakan ng ating mga kandidato.  Diyan lamang po kayo, magbabalik ang PiliPinas Debates 2016.

[COMMERCIAL INTERMISSION]

ROUND TWO

Luchi Cruz Valdes: Nagbabalik po ang PiliPinas Debates 2016 at live pa rin po tayong napapanood sa TV5 AksyonTV at naka livestream sa news5.com.ph at bilangpilipino.com.  Ituloy na po natin ang mga tanong ng mga panelista.  At ang mga tanong na ito po ay may kinalaman sa income tax, infrastructure, Yolanda rehabilitation at kalusugan.   At ang magtatanong po ngayon ay ang Bloomberg Anchor na si Tony Abad.  Tony?

Tony Abad: My question is for Vice President Binay.  Mr. Vice President, in a tax reform program, you said you were going to exempt taxpayers earning P30,000 a month or below, but you have also said that you will embark on a massive infrastructure and public spending program –

VP Jejomar Binay: That’s true.

Tony Abad: – to make the Philippines like Makati.  How do you reconcile a tax reform program with your massive infrastructure and public spending program?

VP Jejomar Binay: In the first place, you are assuming, Tony, that there are no compensatory measures when we have to reduce or if we have – if we have and not to collect this income tax for 30,000 and below salaried employees.  May compensatory measure naman yan, Tony, eh.  For one, did you know that we are losing 250 billion pesos from agricultural smuggling?  Do you know that yung mababa, mawawala yung income tax, yun naman ay gagastusin din ng tao.  So pag ginastos yon, kikita naman yung mga negosyante.  O, di magkakaroon din ng perang babalik, ha.  Isa pa, eh di kailangan – kung kailangan magbenta tayo ng mga government offices na dapat naman na ibenta na.  Pero, I assure you, after all the amount involved when you do not collect the income tax for 30,000 and below salaried employees is just – it cannot create a dent in the budget itself.  Ang dami nating savings.  The government is guilty of underspending.  May pera, trillions of pesos, that’s what I cannot understand.  You know, tanong niyo sa NEDA, “NEDA, ba’t hindi natin taasan ang suweldo ng mga empleyado?” “Sir, taon-taon nag-aaway ho kami diyan, nagkakasigawan, eh ang dami ho nating savings, savings, savings.”  This government wanted to be known, ha, as a government na maraming savings.  Pero hindi yan ang trabaho ng government. Ang trabaho ng government – after all sa GNP, kasama yung government consumption para makapagbigay ka ng dekalidad na serbisyo.  ‘Wag ka matakot, Tony, hindi mawawala ang pera.

Luchi Cruz Valdes: Secretary Mar, would you like to react to that since he brought up the question about savings and underspending.

Sec. Mar Roxas: Mahirap mag react, hindi ko – medyo convoluted ‘yung analysis or thinking ‘no.  Pero simple lang po ito.  Unang-una, sa lahat sa amin dito, ako lang – ako lang ang nakapagpasa ng batas kung saan ang minimum wage earner, in fact, exemptions up to the first 100,000 pesos ng tax earner per year ay hindi na bubuwisan.  Iyan nagawa ko yan nung ako’y nasa senado.  Ako, bukas ako sa pag review ng tax code para pababain ang singil sa ating mga empleyado subalit hindi during election period.

Luchi Cruz Valdes: VP Binay?

VP Jejomar Binay: Hindi ko maintindihan kung ano relasyon nyan sa election period eh.  That is a continuing request, demand of salaried employees na alisin na ‘yan income tax sa kanila kasi talagang – alam mo yun, yung 30,000, 1,000 per day, 30 days, 30,000.  Kelangan ho yung mabawasan ho ang binabayaran sa buwis.  Double taxation ho ang inaabot ng salaried employees, may income tax, meron pa sa VAT.

Sen. Grace Poe: Ms. Luchi, sa tingin ko ang punto nito ay ito.  Dapat may permanenteng trabaho ang ating mga kababayan at wastong kita at kahit na babaan natin ang kanilang mga buwis na importanteng gawin natin, kailangan rin natin maglikha ng trabaho. Kasabay ng pagbaba ng income tax, kailangan din natin babaan ang corporate income taxes.  Bakit?  Sapagkat dito sa Pilipinas, nasa 30% ang ating corporate income tax.  Sa ibang bansa sa ASEAN, ang average ay 25%.  Ba’t sila mamumuhunan dito kung sa ibang bansa mas mura?

Sec. Mar Roxas: Ms. Luchi, sasagot—dadagdagan ko lang.  Ang importante dito ang pinagkakakitaaan ng ating mga kababayan.  Buwis ang pinag-uusapan dito.  Anong bubuwisin mo kung wala naman silang kinikita?  Ang importante dito ay yung kikitain ng ating mga kababayan.  Yung ating mga housewives, yung ating mga wala pang trabaho, yung mga part-time, lahat po yan ay mahalaga na meron silang kakayahan, meron silang kapital na magagamit para kumita sila.  Lahat yan ay walang buwis dahil lahat ‘yan ay hindi naman sakop sa ating formal economy.

Luchi Cruz Valdes: Mayor Duterte?

Mayor Rodrigo Duterte: Yes.  It is a very sad commentary that – actually, year after year, the appropriations are good.  The problem is in the implementation because corruption, estimated about 30% of the total budget for it goes to corruption.  Kung walang corruption, straight implementation, there’s really no problem in our country.  We can survive and we can do it.

Sec. Mar Roxas: Natutuwa ako na si Mayor Digong ay sinasabi niya ‘yung aming motto na “Kung walang corrupt, walang mahirap.”  Yan ang ating ginagawa sa daang matuwid, sinimulan natin yan noon 2010, hindi ko sinasabi na narating na natin ang perpekto.  Hindi ko sinasabi na narating na natin ang paraiso pero malayo na ang narating natin, marami nang mga tagas ang nasarhan natin.  Marami na tayong nakasuhan, at itutuloy natin yan kung magpatuloy ang daang matuwid.

Luchi Cruz Valdes: Yes, Mayor?

Mayor Rodrigo Duterte: I’d like to thank Secretary Roxas for my – using my sloganeering, “kung walang hirap, walang mahirap.”

Sen. Grace Poe: Eh ang dami pa ring mahirap.

Luchi Cruz Valdes: Kung walang hirap, walang mahirap?

Mayor Rodrigo Duterte: Kung walang corrupt, walang mahirap.

Luchi Cruz Valdes: Senator Poe.

Sen. Grace Poe: Alam niyo po, yun nga, yun ang kanilang slogan, pero nakakalungkot na hanggang slogan sapagkat bagama’t marami na ring nagawa, yung Freedom of Information hindi pa rin napapasa.  At ang napapansin ko, kung hindi ka ka-alyado, may kaso ka.  Kung ikaw ay ka-alyado, may project ka.  Parang hindi naman tama ‘yun.

Sec. Mar Roxas: Ang katotohanan, Luchi, Senadora, ay LP, non-LP kinakasuhan.  Ang aking sariling gobernador, ang ating –

Sen. Grace Poe: Ms. Luchi, dun na lang sa DOTC, ang mga train natin –

Sec. Mar Roxas: Oras ko po ito.  Unang-una, oras ko po ito at meron tayong civility na pinag-uusapan.

Sen. Grace Poe: Okay.

Sec. Mar Roxas: Una, LP, non-LP lahat nakakasuhan, natatanggal sa puwesto, at makikita po ninyo ‘yan, yan ang record, ‘yan ang totoo.  Hindi po iyan kathang isip.

Sen. Grace Poe: Ms. Luchi, ang mga kinakasuhan lang ng LP ay ang mga latak nilang miyembro pero ‘yung mga miyembro nila na importante sa kanila tulad ni Secretary Jun Abaya, na pumirma ng maintenance contract ng Sumitomo—ng APT Global ay nandyan pa rin at hindi man lang kinasuhan ng Ombudsman.

Sec. Mar Roxas: Matanong –

Sen. Grace Poe: Kaya para sa akin, kung hindi ka na nila kailangan, kakasuhan ka nila, pero kung importante ka sa kanila, wala kang kaso.

Sec. Mar Roxas: Matanong ko kay Senadora, hinearing niya ito, nakita kuno niya ang mga ebidensiya, sinasabi niya dapat kasuhan, sya ba ay naghain ng kaso?

Sen. Grace Poe: Ako ay naghain ng rekomendasyon sa Ombudsman pero importante –

Sec. Mar Roxas: Ano ang nangyari ngayon?  May ebidensiya?

Sen. Grace Poe: Hindi pinakinggan.  Pero may mga iba na naghain ng kaso, pero ang mahirap, hindi nakakakita ang nagbubulag-bulagan at hindi nakakarinig ang nagbibingi-bingihan.

Sec. Mar Roxas: Ang mga – ang sinasabi niyo po ngayon ay yung Ombudsman ngayon ay kasabwat, yan po ba ang sinasabi ninyo?

Sen. Grace Poe: Ang sinasabi ko ngayon ay merong – yung sinasabi ninyong daang matuwid ay hindi natutupad sa lahat ng ahensya ng ating gobyerno.

Luchi Cruz Valdes: We will have to bring it back to the usapin of the tax.  VP Binay, you have not spoken on any of the reactions from your fellow candidates.  Ano po ang masasabi niyo dun?

VP Jejomar Binay: Eh, yun hong kailangang-kailangan ho na talagang wag ng kunan ng income tax yun hong mga 30,000 and below ang suweldo every month kasi marami pa hong dapat gastusan ha.  Kung hindi niyo kukunin – kung di niyo pagpapatuloy income tax, marami pa hong mapahaharap na magagastusan yung ating mga mamamayan.

Luchi Cruz Valdes: Mayor Duterte, you were going to say something.

Mayor Rodrigo Duterte: I said, I am insisting on my statement.  My declaration is that if there is no corruption, every year yung appropriation is tamang-tama, it could bring good to the country.  The problem is I said, 30% of the total 100 million, 30 niyan goes to corruption.

Sec. Grace Poe: Ms. Luchi –

Mayor Rodrigo Duterte:  That is the sad reality of this country.

<Over talk>

Sec. Mar Roxas:  Okay, go ahead.

Sen. Grace Poe: Meron kasing proposal na dapat ilipat na ng bilibid sa Nueva Ecija.  Sa tingin ko, magdadag na tayo dun ng mga kuwarto para sa mga nangungulimbat ng pera ng mga nasa gobyerno ngayon, kasi yan talaga ang problema natin.  Hanggang ngayon nandiyan pa rin ang corruption at sila ay nasa puwesto.  Dapat makulong, masentensyahan.

Sec. Mar Roxas: Eto, Ms. Luchi.  International na, hindi tayo-tayo, hindi mga katunggali ko, international; World Bank, Transparency International, lahat ito – World Economic Forum, lahat yan ang nagsabi na ang Pilipinas ay malaki at malayo na ang narating sa paglilinis ng pamamahala, sa pagfa-file ng mga kaso, sa pag-aayos, pagsasara ng mga tagas ng ating pera.  Hindi ko sinasabi na narating na natin ang perpekto pero malayo na ang narating natin at itutuloy natin ito.  Tama, ikukulong natin lahat itong mga nagnanakaw sa gobyerno.

Luchi Cruz Valdes: We shall now move on to the next question.

VP Jejomar Binay: Luchi, meron lang isang bagay, ha.

Luchi Cruz Valdes: Yes, Mr. VP.

VP Jejomar Binay: Tuluy-tuloy ang paghihirap ng ating mga kababayan.  Milyun-milyon pa ho, Mr. Roxas, ang naghihirap.  So, wag mong sabihin na maganda na ang nagawa ninyo, etc., etc.  Eh kung sinasabi ninyong walang mahirap kung walang corrupt, eh dumadami nga ho ang mahirap eh kasi laganap ho ang corruption kasi yung mga ka-alyado mo katulad ni – yung mga nagnanakaw dun sa minahan eh nandyan, hindi nahahabla.

Sec. Mar Roxas: Lahat po ng mga hinahabla ay pantay sa tingin ng batas.  Lahat po ‘yan kung dapat kasuhan, kinakasuhan.  Makikita po ninyo ang record ng Sandiganbayan.  Alam po ninyo ang Sandiganbayan.  Diyan po may kaso ang inyong pamilya sa pagnanakaw, ‘no.  Diyan po sa Sandiganbayan, makikita po nila Liberal Party, non-Liberal Party, basta nagnakaw ka, basta may ebidensiya, kakasuhan ka at diyan huhusgahan ka kung guilty or not guilty.  Yan po ang patakaran natin.

VP Jejomar Binay: ‘Yon! Pagkatapos magkaroon ng paglilitis, saka mo sabihin kung magnanakaw nga o hindi.  Yung pagnanakaw bilang isang bintang –

Luchi Cruz Valdes: Ititigil na po natin dito dahil nalilihis na po ang ating usapan, nababalik po sa corruption.  Ang tanong lang naman po ay kung ano ang paninindigan tungkol po sa pagbabawas ng income tax particular sa mga 30,000 at kung paanong babawiin sa budget ito.  We will now move on to the next question ay ang –

Mayor Rodrigo Duterte: Ma’am, ma’am! Sandali lang…He gave a very short, or a –there was a cut in his statement.  Sino yung mga kasabwat niya?  The people are entitled to know.  So I will ask again, sino yung mga kasabwat ni Mar sa corruption?

Sen. Grace Poe: Sino nga?

VP Jejomar Binay: Eh, alam mo naman dahil sa Mindanao naman nangyayari yun.  O, eh yung mga sila Eric Gutierrez, yung mga ano, ha –

Luchi Cruz Valdes: Sir, with all due respect, I will have to stop this discussion here.  Wala po tayong babanggitin na wala po dito ngayon sa forum.  Baka po me masabi pa pong pangalan na hindi po mabibigyan ng pagkakataong magpaliwanag dahil corruption nga po ang napag-uusapan.

VP Jejomar Binay: Ah, excuse me lang Luchi ha, kung ganyan ang patakaran, ba’t naman ang anak ko, hindi naman – wala dito sa forum eh sinasama ni Roxas <over talk>

Sec. Mar Roxas: May kaso po – Luchi, ang anak po ni Vice President Binay ay may kaso, may kaso sa Sandiganbayan, na file-an ng kaso, may actual na kaso –

VP Jejomar Binay: Hindi, ang sinasabi ni Luchi yung wala dito –

Luchi Cruz Valdes: Napupunta na po kasi sa mga politiko sa Mindanao at nalilihis na po ng malayo doon sa 30,000.  With all due respect, Mr. VP, I think that the question on the income tax on how you’re going to compensate for the loss in income tax, baka with that added infrastructure and it has been sufficiently addressed.

VP Jejomar Binay: That’s right.  Tama yan, Luchi.  Kasi sinasabi mo baka ho tayo mapunta na magbanggit sa mga tao na wala naman dito sa forum.

Luchi Cruz Valdes: Nabanggit ko lang po dahil po napahiwatig po ni Mayor Duterte kung sino ang mga politiko sa Mindanao at ayoko na pong mapunta pa po doon ang usapan.  With all due respect again and I apologise that I have to stop this discussion now.

Mayor Rodrigo Duterte: I just wanted the truth.

Luchi Cruz Valdes: We’ll move on po to the next question.

Sen. Grace Poe: Pero TV5, parang ganito yung format na gusto ninyo, diba?

Luchi Cruz Valdes: Opo.  Yes, but we also have to control the time, as you know, you also have your own schedules.  Thank you very much.  The next question will come from Cebu-based broadcaster, Ruphil Bañoc, of RMN Cebu.  Ruphil?

Ruphil Bañoc: Itong pangutana para kay Secretary Mar.  May almost 200 billion budget para sa rehabilitation ng Yolanda ngunit nasa 90 billion pa lang ang na release sabi ng DBM, 90 billion.  Kaya may marami pang mga biktima dito sa Visayas, kasama na ang Cebu, na hanggang ngayon ay naghintay pa ng tulong galing sa pamahalaan.  Bakit po ang private sector ay – ang call po nila ay voluntary lang pero nangunguna sa pagtulong as compared to the government na may mandate to serve its people.

Sec. Mar Roxas: Sa ngayon, as of end 2015, aking pagka-alala ay humigit kumulang 90 billion ang na-release na na tulong para sa Yolanda rehabilitation. Diyan sa 90 billion na yan, apat na bilyon ang dumaan sa DILG. Yang apat na bilyon nay an ay dinownload to the last centimo to provinces, cities, municipalities and barangays para ayusin nila ang kanilang mga munisipyo,  ang kanilang mga evacuation centers, civic centers, multipurpose halls, ang kanilang mga palengke.  Apat na bilyong piso iyan ang dumaan sa DILG.

As of now, mahigit 93% na ang completed dyan sa mga projects na yan.  Ngayon pa man, tama na ba yan?  Hindi pa.  Meron pa ring mga nangangailangan lalung-lalo na sa housing.  Ang alam ko, sa 2016, there is P46 billion na ire-relase, at diyan sa P46 billion na yan, 30 billion ay mapupunta sa NHA para magpatayo ng mga bahay para dito sa mga nasalanta ng Yolanda. Yan ang aking pagkaalam.  Ang importante dito, yung ating no-build zone. Napakahalaga – mahalaga po na hindi natin hayaan na manatili sila sa mapanganib na mga lugar. Dalhin natin sila sa mga mas ligtas na lugar para hindi mauulit yung nangyari ng Yolanda.

Ruphil, nandun ako sa Tacloban bago pa dumating ang Yolanda, habang at matapos ang Yolanda, nakita ko yung bilang ng statistika, yung – nakita ko yung mga bangkay mismo. Naranasan ko yung angas sa hangin ng mga bangkay na kung saan mahigit anim na libo na mga tao ang namatay doon.  More than 1 million 500 thousand families ang affected dun. Ginawa natin ang lahat, more than 10 million food packs ang ipinamahagi natin dyan sa mga kababayan natin dyan. Mahaba itong prosesong ito pero ginagampanan ito ng gobyerno.

Luchi Cruz Valdez: Senator Poe, you were going to react?

Sen. Grace Poe: Si Mayor, yeah.

Luchi Cruz Valdes: Mayor Duterte.

Mayor Rodrigo Duterte: Yes, ma’am, I disagree.  The COA says of the total money 33% have been completed, 33.7 nandyan, on deck ang pera, about to be started yung projects.  Then 37, wala pa.

Luchi Cruz Valdes: Secretary Mar?

Mayor Rodrigo Duterte: Those are figures of COA.

Sec. Mar Roxas: Baka iba ang itinutukoy ni Mayor Duterte dahil doon po, the same COA says na doon sa dumaan sa DILG, mahigit 90% na po ang natapos. Nakatayo po dyan, may listahan po yan, may mga lugar po yan, may mga inauguration yan, lahat po yan ay nagawa. Yung perang dumaan sa DILG, na humigit kumulang ay apat na bilyong piso.

Mayor Rodrigo Duterte: Well, I’m sorry –

Sec. Mar Roxas: Meron pa bang mga ibang mga projects na hindi natatapos?  Maari, sa agrikultura, sa housing, sa iba pa.  Pero yung sa pera na dumating – dumaan sa DILG na sinasakupan ng aking kapangyarihan noong panahong iyon, ay yan po ang record.

Mayor Rodrigo Duterte: Ako muna.

Luchi Cruz Valdes: Go ahead, Mayor Duterte.

Mayor Rodrigo Duterte: I would like to apologize.  You were talking about the billions that were downloaded sa DILG.

Sec. Mar Roxas: That’s correct.

Mayor Rodrigo Duterte: I’m talking about the whole of the money.  I’m sorry.  I got lost along the way.

Luchi Cruz Valdes: Apologies accepted.  Senator Poe?

Sen. Grace Poe: Ms. Luchi, parang sa NEDA yata yung figures nila.  Kailangan pa natin ng about 154,000 housing units na kailangan matapos, 250 classrooms at about 54 or about more than 40,000 hectares na kailangan tamnnan ng mga niyog na nawala dahil sa bagyo.  Marami pang kailangan gawin pero ang importante talaga ay may komunikasyon tayo sana noong bagyo.  Eh ang problema kasi, cell phone lang ang ginagamit wala tayong sat phone.  Talagang kailangan ng pagplano.  Pag kukuha tayo ng isang leader, kailangan isang leader na may management style.

VP Jejomar Binay: Ah, Luchi?

Luchi Cruz Valdes: VP, yes?

VP Jejomar Binay: Mr. Roxas, kung totoo hong yung pera na ibinadyet eh ginastos na ninyo, ba’t hanggang ngayon hindi ka pa nakapagli-liquidate dun sa 7 billion pesos na napunta sa opisina mo.

Sec. Mar Roxas: Ang liquidation po ay nasa sa COA na.  Tapos na po yun.  Ang binabasa po ninyo ay ang 2014.  As of 2016 na po tayo.  Nangyari lahat ito, yung paggawa nitong lahat, 2015, yun po ang nangyari.

VP Jejomar Binay: Iba yata ang sagot mo, Mr. Roxas.

Sec. Mar Roxas: Hindi po.

VP Jejomar Binay: Kasi ang pinalabas mo sa diyaryo, “Hindi pa namin ‘to nili-liquidate kasi hindi pa tapos ang project.”  Yun ang paliwanag mo.

Sec. Mar Roxas: Hindi.  Yung 7% doon sa 90—kasi 100% po ang kabuuan, 93% tapos na.  Yung 7% na hindi pa tapos, obviously, hindi pa mali-liquidate yan.  Pero yung 93% na tapos na, naliquidate na yan.  Ang papeles ay nandun sa COA at tapos na po yan, as of 2015.  Ang datos na pinapanood—binabasa po ninyo ay 2014.  Vice President, kung gusto mo lang na siraan ako o magtapon ka ng putik, at least gamitin mo current data.

VP Jejomar Binay: Current?  Alam mo Mr. Roxas, ang statistics po laging hindi totoo eh.  Kung anu-ano ang binibintang mo.

Sec. Mar Roxas: Hindi, yan ang katotohanan, 2015.

VP Jejomar Binay: May sinasabi mo sa amin dun sa Makati, o.

Sec. Mar Roxas: Yan po ang 2015 na katotohanan.  Ang binabasa po ninyo ay 2014.  Sabihin niyo sa staff ninyo na maging up to date sa kanilang pag-aaral.

VP Jejomar Binay: Hindi, sagutin mo na lang ang COA, yun na lang.

Luchi Cruz Valdes: Okay.  Okay, we will move on now.  Bago po tayo mag break, isa pa pong tanong na hindi na po hihingan ng paliwanag pa.  Ito po ay tatawagin naming “Taas Kamay Segment.”  Sa segment pong ito, taas kamay lang po ang kailangan natin para malaman kung ano po ang posisyon ng ating mga kandidato sa isyu.  Ang ating unang taas kamay question ay: Payag ba kayong gawing legal ang diborsyo sa bansa?  Taas kamay lang po kung pabor.  Alright, wala pong pabor.  Maraming salamat.  Huwag po kayong bibitiw mga kapatid, dahil sa aming pagbabalik, mas matinding mga tanong pa ang ibabato natin sa ating mga kandidato sa pagpapatuloy po ng PiliPinas Debates 2016.

[COMMERCIAL BREAK]

Luchi Cruz Valdes: Nagpapatuloy po ang PiliPinas Debates 2016.  Live pa rin po tayo dito sa University of the Philippines, Cebu.  Mga kapatid, painit ng painit ang ating tanungan at sagutan at sa puntong ito, magtatanong naman po tayo ng mga bagay na may kinalaman sa pagsugpo sa krimen, coco levy funds, at edukasyon.  Narito po si Ed Lingao para sa kanyang ikalawang tanong.

Ed Lingao: My question is for Mayor Duterte.  Ang sabi po raw ninyo tatapusin niyo ang krimen sa buong Pilipinas sa loob lamang ng anim na buwan.  Magnificent target po iyan.  Pero ayon po sa Philippine Statistical – Statistics Authority, Davao City ang may pinakamataas na crime rate sa buong Davao Region noong 2010 at 2012.  Ang tanong po ng ilan siguro, paano niyo tutuldukan ang krimen sa buong bansa sa loob lang ng anim na buwan kung sa Davao City, where you have been mayor for two decades already, eh may problema pa rin pala sa krimen?

Mayor Rodrigo Duterte: Alam mo, ‘yung report na ‘yan was just really a bit malicious.  Ano nga – sinasali mo doon ang mga naninigarilyo eh.  Those are violations of law, penal sanctions.  ‘Yun lang naman but I’d like to say something.  Sabi nga ni Mar, pupunta ka ng Davao, may makita ka nang shabu.  You know, this is a very porous country and we are not a fascistic nation.  We do not confront people in public.  Kaya ng sinabi niya may shabu sa Davao, okay, sabi ko sa Maynila.  So, one week after, there was a raid dito sa Davao pati dito sa Maynila.  Look what happened.  ‘Yung doon sa Malabon, nakita, hinuli, buhay.  ‘Yung akon sa Davao, nahuli, patay.  Ah, pat…<laughter>  Kasi I wipe out – I’m still wiping out.

Ako, sabi mo how can I do it in three to six months?  Well, ibahin mo ako sa iba.  Gagawin ko ‘yung anong ginawa ko sa Davao.  If I say, “Do not come here,” do not come here.  When I say, “Leave Davao,” you leave Davao.  If you do not do that, you are dead.  Ganoon lang naman ang istorya diyan.  Eh marami pa tayong drama.

If I am into the presidency – look, if I am president for two months, and nobody would believe me, nobody would follow me, even if you give it ten years, I cannot really hack it.  Na ngayon, hintayin mo ako, kung ako ma-presidente, three to six months.  Sinabi ko sa inyo.  I’ll do it.  I will do it just like what I did to Davao.  Panoorin mo ang Davao.  Panoorin mo ang buong Pilipinas and you will see.  Huwag mo isali ‘yung statistic na pati ‘yung panigarilyo.  Urinating in public, you get arrested, it goes into the statistics.  Magpunta ka muna ng Davao tanungin mo ang mga tao.

Luchi Cruz-Valdes: Maraming salamat, Mayor Duterte.  Any reactions from any of the candidates please?  Secretary Mar?

Sec. Mar Roxas: Naalala ko nung DILG ako, sumulat ako sa kay Mayor Digong para sabihin na halos apatnapu ‘ata – hindi ko masiguro ‘yung bilang ng barangay, I think it’s either 30 or 40 barangays were deemed by the PDEA to be drug infested.  Magmula noon hanggang sa ngayon, ay nandyan pa rin ‘yang mga barangay na ‘yan drug infested pa rin.  Hindi ko kinukuwestion ang kanyang pagnanais na tanggalin ang drugs – ang droga sa Davao o sa buong Pilipinas.  Ang kinukuwestion ko ‘yung kakayahan na magawa ito in six months at hindi basta-bastang mangyayari ito.

Luchi Cruz-Valdes: Yes, Mayor.

Mayor Rodrigo Duterte: Secretary has forgot (sic) that he was the DILG Secretary.  He controls the police.  He has the administrative control of everybody.  Kaming city mayor – Philippine National.  Kaming mga mayor, we only give the guidance to the police.  We do not exercise control over the police.  Kayo ang nagpipili ng mga tao.  It is not us.  We do not have control of the PDEA.  Let me finish.  <bell rings>  Hindi natuloy kasi…

<laughter>

Luchi Cruz-Valdes: Secretary?

Mayor Rodrigo Duterte: Talaga si Mar.

Secretary Mar Roxas: Nakalimutan – nakalimutan siguro ni Mayor ‘yung local government code na kung saan ang mayor po ang chief executive ng isang lugar.  Nung ako po ay nanunungkulan sa DILG, ang halaga po ng nakumpiska namin na droga sa buong Pilipinas was 7.5 Billion.  Tama na ba ito?  Hindi pa.  Kontento na ba tayo?  Hindi pa.  Pero ‘yan ang aming actual na accomplishment, 7.5 Billion of confiscations and arrests.  All of these have arrests.  May mga tao na nasa presohan ngayon na na-aresto diyan sa mga drug busts na ‘yan.

Luchi Cruz-Valdes: Yes, Mayor Duterte.  Just…

Mayor Rodrigo Duterte: Yes, inaresto mo pero ano’ng ginawa ninyo?  This administration allowed shabu to be cooked inside a national penitentiary.  Is that your performance?

Secretary Mar Roxas: Kaya nahuli nga eh, ‘di ba?

Mayor Rodrigo Duterte: Eh, ikaw – ikaw ‘yung chief of police, pinaka-chief.  DILG is under you.  Philippine National…

Secretary Mar Roxas: ‘Di ba na –

Mayor Rodrigo Duterte: Eh, wala.  Alam mo, wala kang ginawa and you are claiming credit which is not yours.  Ang mahirap sa ‘yo Mar, you are always a pretentious leader.

Secretary Mar Roxas: Hindi totoo ‘yan.  Ang hirap sa ‘yo…

Luchi Cruz-Valdes: Secretary Mar is talking.

Secretary Mar Roxas: Ang hirap sa ‘yo – it’s my time.  It’s my time.  Oras ko na ngayon.

Luchi Cruz-Valdes: Yes.  Your time.

Secretary Mar Roxas: Ang hirap sa ‘yo, Digong, ay hindi mo sinasabi ang totoo.  Ang totoo ay nahuli nga eh.  ‘Di ba nahuli?  Kaya ginawa natin, nahuli – eh kung pinabayaan namin ‘yan, eh ‘di ‘yon ang masasabi mo pero nahuli ‘yan eh, na-aresto, tinigil, at patuloy ang ating laban sa droga.  Hindi ‘yan pagiging pretentious.  Nangyari ‘yan.  Nasa dyaryo ‘yan.  Totoong nahuli ‘yang mga gumagawa ng droga sa loob ng presohan.

Mayor Rodrigo Duterte: Hindi dyaryo ‘yon.  Tabloid ‘yon.  Alam mo, it is there for the people to see.  This is a republic.  This is nationwide.  Kaya alam nila how hard it is really to work for government.  You are just – you are a fraud.  You are pretentious.

Secretary Mar Roxas: Name-calling…

Mayor Rodrigo Duterte: Pati edukasyon mo at sinali mo ‘yung Wharton, eh hindi ka pala taga Wharton eh.

Luchi Cruz-Valdes: Let’s stay on the subject.  We’re on the subject of how to beat drugs in three to six months.

Secretary Mar Roxas: Hindi ko problema – hindi ko problema na hindi maunawaan ni Mayor Duterte kung ano ibig sabihin ng paga-gradweyt sa Wharton.  Hindi ko na – malinaw na malinaw, Wharton mismo ang nagsabi gradweyt ako dun sa kanila, kung ayawng maniwala, ‘yan ang – ‘yan ang brand ng Duterte justice.  Kung ano’ng nasa isip niya, kahit hindi totoo, ‘yan ang kanyang papaniwalaan at iyan ang kayang gagawin.

Mayor Rodrigo Duterte: You know, we asked Wharton and they said it would be inappropriate for Mr. Roxas to claim that he was a Wharton graduate with an MBA.

Secretary Mar Roxas: Ang Wharton…

VP Jejomar Binay: Hindi, umattend yata siya ng seminar.

Secretary Mar Roxas: Ang Wharton…

Mayor Rodrigo Duterte: Ayon!

Secretary Mar Roxas: ‘Eto naman si Vice-President Binay…

Mayor Rodrigo Duterte: No, no, no, no.

Secretary Mar Roxas: Sumama pa, sumawsaw pa.

Luchi Cruz-Valdes: Secretary…

Secretary Mar Roxas: Ang importante – importante – ang Wharton mismo ang nagsabi na gradweyt ako doon.  Hindi – never ko sinabi na nag MBA ako.  Ikaw lang ang nag-isip noon.  Ikaw ang nag-isip na hindi mo maunawaan kung ano ang ibig sabihin ng nag-gradweyt ako sa Wharton.  Pero balik tayo sa totoo…

Mayor Rodrigo Duterte: No, no, no.  Balik ta sa Wharton.

Secretary Mar Roxas: Excuse me, oras ko ito.  Kung ano ang pumasok sa isip mo, sirado na ang isip mo, ‘yan ang Duterte justice.  Walang – wala nang katotohanan, kung ano lang ang pumasok sa isip mo, pikit-mata, gagawin mo, baka may mamatay pang tao.  Hindi ko gusto para sa Pilipinas ‘yan.

Mayor Rodrigo Duterte: ‘Yan ang problema.  Kung hindi ka marunong pumatay ng tao at takot kang mamatay, ‘yan ang problema.  You cannot be a president.

Secretary Mar Roxas: Hindi ako…

Mayor Rodrigo Duterte: Believe me.  You cannot – huwag na lang ‘yan.  Maghanap ka na lang ng ibang…

Secretary Mar Roxas: Hindi ako takot mamatay.  Ako mismo pumunta sa Yolanda.

Mayor Rodrigo Duterte: Ako nandoon.

Secretary Mar Roxas: Ako mismo pumunta – ako mismo pumunta sa Zamboanga.  Doon ako tumira tatlong linggo…

Mayor Rodrigo Duterte: Tingnan mo anong nangyari.

Sec. Mar Roxas: Para subaybayan ang ating mga kapulisan at ang ating mga kasundaluhan doon.  Hindi po ako takot mamatay.  Ang akin ay hindi pwede na basta basta tayong mamatay ng tao na walang proseso.  Ang mga mahihirap lang ang pinapatay diyan.  Sinong mga malalaking tao ang pinatay mo?  Sinong mga malalaking tao ang binangga mo?

Mayor Rodrigo Duterte: Hindi mo lang alam kasi wala kang alam talaga.

Secretary Mar Roxas: Problema ‘yan.  Patutsadahan tayo dito.

Mayor Rodrigo Duterte: You know…

Luchi Cruz-Valdes: Okay…

Secretary Mar Roxas: Pagkapangulo ang pinag-uusapan dito.

Mayor Rodrigo Duterte: You know, look at this guy.

Secretary Mar Roxas: Pagkapangulo ang pinag-uusapan dito.

Mayor Rodrigo Duterte: Just before he decides – it’s my turn.

Secretary Mar Roxas: Hindi pwede…  Hindi pwede na basta-bastang patutsadahan nalang po ‘yun.

Mayor Rodrigo Duterte: It’s my time.  It’s my time.  It’s my time.

Luchi Cruz-Valdes: Maraming salamat po.  Tapos na po tayo dun sa topic na ‘yan.  We’ll just move on to – Senator Poe…

Mayor Rodrigo Duterte: Ano – alam mo – but I said I was there- I just said I was there in Yolanda Day 2.  This guy cannot handle stress.  He is a weak leader.

Secretary Mar Roxas: Ay naku!  You were there.  You were asking us for coffee and we were there accommodating you.  Nandoon ako nagpapatakbo ng meeting.  Nandoon ang mga heneral.  Nandoon si Secretary Volts Gazmin.  Nandoon si Secretary Dinky Soliman.  On the second day, nandoon and pangulo.  Papaano mo sasabihin na nawala ako doon?  Nandoon ako.  I was the central player doon sa mga meeting na ‘yon.

Luchi Cruz-Valdes: Okay, Mayor…

Secretary Mar Roxas: Ikaw ang nawala.  Dumating ka doon, ilang oras, nagpa-photo op, umalis.  ‘Yan ang uri ng liderato mo.

Luchi Cruz-Valdes: Okay, Mayor Duterte, ang – the last-

Mayor Rodrigo Duterte: Natural because I was among a moron there na hindi malaman kung anong gawin.  I said you were there.  You were lost like a zombie.

Secretary Mar Roxas: I was there for two weeks.

Mayor Rodrigo Duterte: Mar…

Secretary Mar Roxas: Araw-araw ako nagpatakbo ng meeting.  May…

Mayor Rodrigo Duterte: O, tingnan mo kung ano ang nangyari.

Luchi Cruz-Valdes: Okay.  Titigil na po tayo dito mawalang galang na lang po ulit kasi magiging he says/she says po.

Mayor Rodrigo Duterte: Hindi.  Eh siya ‘yung walang galang eh.

<laughter>

Luchi Cruz-Valdes: We’d like to hear from Senator Poe.

Secretary Mar Roxas: Nakikita ng tao kung sino ‘yung walang galang dito.

Luchi Cruz-Valdes: Senator Poe, your 30 seconds now please.

Senator Grace Poe: Ito ang masasabi ko.  Ito ang problema natin.  May mga – sa bawat isang pulis, may mga 650 na Pilipino ang nakadepende dito at hindi lahat ng pulis na ‘yan ay patrol.  ‘Yung iba ay mga administrative work.  Kulang tayo ng pulis.  Kulang ang allowance natin sa mga munisipyo.  Pangalawa, iniisip ng iba na kung ako ay magiging pangulo, hindi ko kaya sugpuin ang droga.  Hindi po totoo ‘yan.  Ako’y magtatalaga ng isang crime czar na mapapagkatiwalaan at matapang, si Col. Ariel Querubin ang aking magiging crime czar.

Luchi Cruz-Valdes: Maraming salamat po.  VP Binay, you know, just – in the interest of fair play, VP Binay, ang drugs please.

VP Jejomar Binay: Alam po ninyo, pag ako’y naging pangulo, ang ilalagay kong cabinet member ‘yung naiintindihan doon sa kanyang departamentong pupuntahan.  Eh, kagaya nito, eh si Secretary Roxas, wala naman itong nalalaman sa local government.  Hindi niya – sinagot ‘yung sinasabi ni Mayor Duterte eh.  Sinasabi niya, hindi nandoon kami, mga pulis – Mr. Roxas, ang pulis po sa amin sa local government, supervision lamang.  Wala po kaming control.

Secretary Mar Roxas: Ang – ang kapulisan po nagrereport sa mayor ng lungsod.  ‘Yun po ang katotohanan, Vice President.  Pangalawa, balik lang po ako doon sa sinabi ni Senadora Grace.  Tayo po – ito, totoo ito.  Sa aking panunungkulan ng DILG, out of 946 na most wanted, nahuli natin.  Nasa piitan ‘yang mga ‘yan.  May arrest warrant ‘yang mga ‘yan.  Nauli natin 746.  ‘Yan ay totoo.  Hindi kathang-isip ‘yan.

VP Jejomar Binay: Eh bakit…

Secretary Mar Roxas: Lahat na ‘yan – lahat ‘yan ay mga totoong nahuli na mga criminal.  Murder, drugs…

Senator Grace Poe: Bakit masasabi natin…

Luchi Cruz-Valdes: Senator Poe, please.  Senator Poe, please.

Secretary Mar Roxas: Okay.

Senator Grace Poe: Bakit sa PDEA, dalawang libo ang may arrest warrant na hanggang ngayon ay hindi pa rin nakukuha?  ‘Yan ang nasa ilalim ng DILG kaya talaga kailangan nang palitan ang mga sistema na ‘yan.

Secretary Mar Roxas: Ipapakita ko, Senadora Grace.  Senador po kayo.  Ang PDEA po ay hindi nasailalim ng DILG.  Nasa ilalim po ng Office of the President.

Senator Grace Poe: Pero ang criminal ay responsibilidad pa rin ng DILG dahil hawak nila ang PNP.

Secretary Mar Roxas: Kaya hinuhuli po namin – hinuhuli po namin ang ng DILG.

Luchi Cruz-Valdes: It’s Senator Poe’s time.

Senator Grace Poe: Hawak ng DILG…

Secretary Mar Roxas: Pero ‘yung PDEA po ay hindi – ang PDEA…

Senator Grace Poe: Ang PNP na nagmementina ng peace and order sa ating bansa ikaw man ay drug pusher o criminal.

Secretary Mar Roxas: Pananagutan ko ‘to.  Kaya mayroon tayong Lambat/Sibat kung saan from 919 incidents per week, ‘yan po ay napababa natin to 253 incidents per week.  Naka-blotter po ‘yan.  Actual po ‘yan.  Totoo po ‘yan.

Senator Grace Poe: Tanungin natin, sino ang gumagawa…

Luchi Cruz-Valdes: Sandali lang po, Senator Poe.

Secretary Mar Roxas: Excuse me.  Excuse me.  Oras ko po ito.  Oras ko to.

Senator Grace Poe: Sino ang gumagawa ng statistika na ‘yan?  Gobyerno hindi ba.

Secretary Mar Roxas: Hindi ba?  ‘Yan ay galing sa blotter mismo.  Hindi ‘yan kung anu-anong mga nirereport ng mga chief of police.  Pinalitan ko nga ang sistema dahil nakita ko na dinodoktor nila ang data so noong pumasok ako, pinalitan ko.  Sabi ko blotter-based.  May nag-o-audit diyan sa mga report na ‘yan, ‘yang bilang na ‘yan na 253 ay totoo.  ‘Yan ang katotohanan sa mga bilang sa Manila.

Senator Grace Poe: Bakit hanggang ngayon problema pa rin ang riding-in-tandem, problema pa rin ang nananakawan ng cellphone…

Secretary Mar Roxas: Kuntento na ba ako sa 253?  Hindi po.

Senator Grace Poe: Problema pa rin ang krimen sa ating bansa.

Luchi Cruz-Valdes: Senator Poe, stop muna.

Senator Grace Poe: Kung totoong nabawasan na ‘yan.

Luchi Cruz Valdes: Okay, Mayor Rodrigo.

Mayor Rodrigo Duterte: Assuming, Secretary Roxas, na ‘yung nahuli ninyo nasa Bilibid Prison, ano kaya ang ginagawa?

Secretary Mar Roxas: Ang Bilibid ho ay nasa ilalim ng Department of Justice.  Abogado po kayo alam po ninyo ‘yan.

Mayor Rodrigo Duterte: Kasama ka sa administrasyon.  You are the apologist of this administration.

Secretary Mar Roxas: I’m not the apologist of – proud ako.  Proud ako sa na-accomplish nitong administrasyon na ‘to.  Perpekto ba kami?  Hindi.  Kami ang pinaka-unang magsasabi hindi kami perpekto pero 4.5 milyong pamilya na ngayon ang natutulungan nitong administrasyong ito sa 4Ps.

Mayor Rodrigo Duterte: No.  Answer my…

Secretary Mar Roxas: 6.5 milyong pamilya – 6.5 milyong pamilya ngayon ang natutulungan sa PhilHealth.  ‘Yan po ang ating nagawa.

Senator Grace Poe: Pero 25 milyong mga Pilipino ang nananatiling mahirap at 15 milyong Pilipino ang patuloy na nagugutom.

Secretary Mar Roxas: Kung dati rati ay-

Mayor Rodrigo Duterte: My question here is what are they doing in Muntinlupa?

Luchi Cruz-Valdes: Okay.  Papatigilin ko lang po muna kayong lahat dahil nagsasapawan na rin po.

Mayor Rodrigo Duterte: Ako – ako ang nagtanong.

Luchi Cruz-Valdes: Okay.  I think…

Mayor Rodrigo Duterte: Sabi ko ano’ng ginagawa sa Muntinlupa?  Eh simple, nagluluto ng shabu hanggang ngayon.

<laughter>

Luchi Cruz-Valdes: Maraming salamat po.  Tayo po ay tutungo na sa susunod na issue.

Mayor Rodrigo Duterte: Ang backer mo si Presidente.

Luchi Cruz-Valdes: Dahil meron pa pong isang kandidato na hindi pa po natatanong ng – sa ating ikalawang ikot.  At pakinggan naman po natin ang ikalawang tanong ni Lourd de Veyra.  Lourd?

Lourd de Veyra: Ang tanong ko po ay para kay Senadora Grace Poe.  Aminado ka na pinahihiram ka ng eroplano ng San Miguel Corporation.  Suportado rin po kayo ng NPC at sa umano’y pagtatanggol kay Mr. Danding Cojuangco sa issue ng coco levy funds, eh tinawag pa kayo ng kampo ni Mayor Duterte na puppet.  Ang tanong, pabor ka ba na bawiin pa ng gobyerno ang natitira at hanggang ngayo’y pinagtatalunang coco levy assets?  Kung oo, paano mo babalansehin ang interes ng San Miguel, ni Ramon Ang, ni Danding Cojuangco, sa interes ng lampas 3.5 million coconut farmers.  Ilang dekada na rin po silang naghihintay.

Senator Grace Poe: Okay, Lourd, unang-una, nais kong sabihin ito.  Hindi ko dinedepensahan si Danding Cojuangco.  Ang pera na ‘yan na halos ₱70 Billion ay pang – hawak na ng gobyerno at gusto ko rin sabihin hindi si Mayor Duterte ang nagsabing akong puppet kung hindi isang miyembro ng kanyang campaign team na siya mismo ang nagsabi hindi naman siya.  Ngayon, papaano natin gagawin ‘yan?  Ang pera na ‘yan ay hawak na ng gobyerno ngayon.  Gusto ni President Aquino na magkaroon ng Executive Order kung papaano gagastusin ‘yan pero ito ay penitisyon ng mga magsasaka, nagtatanim ng mga niyog na sinasabing hindi pwede ‘yan kaya ang Korte Suprema ay nagdesisyon na dapat isang batas ang ipapasa kung papaano gagastusin ang pera na ‘yan.  Ngayon, itong batas na ito ay dini-debate pa rin sa senado.  Hindi ko pinirmahan ang batas na ito sa simpleng pananaw lamang na kailangan may representasyon ang mga magsasaka, nagtatanim ng niyog, kailangan mapunta sa kanila ang pera, kailangan research and development, at kailangan ng scholarships para sa kanilang mga anak.  Tinatayang 95 million coconut trees ang senile sa ating bansa na kailangan palitan.  Ito ilang dekada na, kinamatayan na ng mga magsasaka ang fund na ito.  Dapat mapunta sa kanila.  Malinaw na ang pera na ito ay wala na kay Danding Cojuangco at kahit nasa kanya pa man, ako ay magiging patas, tumulong ka man sa akin o hindi, pinatunayan ko sa aking mga pagdinig, kaibigan man kita o hindi, ang aking unang-unang responsibilidad ay sa mga taong naghalal sa akin.

VP Jejomar Binay: Luchi.  Ah, Luchi.  Pwede ba ako naman?

Luchi Cruz-Valdes: Yes, Mr. Binay.

VP Jejomar Binay: ‘Eto ang mga pagkakataong talagang pangako ng pangako.  Ha?  Na itong perang ito gagamitin dito at gagamitin doon.  Madame Senator, nandiyan pa ba ‘yung pera?

Senator Grace Poe: Nandiyan po ang pera.

VP Jejomar Binay: Wala po na ang pera.  Papel na lang ho ang natitira.

Senator Grace Poe: Paano niyo nalaman?

VP Jejomar Binay: Pinag-aralan po din namin ‘yan.

Senator Grace Poe: Pinag-aralan o dinaan na sa PhilRem?

VP Jejomar Binay: Ang layo naman ng PhilRem.  Ikaw talaga, isa ka pa sa kasama ni Goebbels.  Ikaw – ikaw, halimbawa…

Senator Grace Poe: Bakit sasabihin…

Luchi Cruz-Valdes: Vice President.

VP Jejomar Binay: Ano naman ang relasyon ng PhilRem dito sa sinasabi ko sa ‘yo?

Senator Grace Poe: Ang sinasabi ko, nailipat na ‘yung pera.

VP Jejomar Binay: ‘Di teka muna ha.  Ako naman ang sasagot ha.

Senator Grace Poe: Sige.

VP Jejomar Binay: ‘Yan ang tanong mo sa akin, PhilRem.  Ano naman ang relasyon sa PhilRem?  Pinatatanong ko lamang sa ‘yo kung alam mo ba na wala nang pera na ipapangako mong gagastusin kasi puros papel na lang ang natitira.  Papel.

Senator Grace Poe: Alam n’yo Vice President, mismong Korte Suprema ang nagsabi gumawa kayo ng batas kung papaano gagastusin ito.  Kung ang Korte Suprema mismo ay nagsabing nandiyan ang pera, kung walang pera, aba’y malaking imbestigasyon ‘yan.  Basta ito malinaw, na-turn over ‘yan.  Dati nag-umpisa ang perang ‘yan na ₱9 Billion pero nai-invest at naging ₱70 Billion.  Kung kulang-kulang man, eh ‘di imbestigahan natin pero ang importante hindi napunta sa bulsa ko ‘yan.

VP Jejomar Binay: Ang hirap sa ‘yo – ang hirap – hindi ko naman sinasabi – sinasabi ko lamang sa ‘yo, ‘yung pangako mo mangyayari ba?

Senator Grace Poe: Dapat mangyari!

VP Jejomar Binay: Kasi walang pera eh.  Pero alam mo kasi, eh Korte Suprema, sinasama mo dito, hindi ko naman sasamantalahin at sabihin sa tao na hindi ka naman abogado.  Kailan ba ‘yung desisyon ng Korte Suprema?  Ang sinasabi ko sa iyo wala nang pera sa ngayon.

Senator Grace Poe: Ngayon, ganito nalang ang sasabihin ko, kung wala na ‘yung ₱70 Billion, ang underspending ng ating gobyerno ay ₱723 Billion magmula ng 2011 hanggang 2016, pupunuan ko ang ₱70 Billion para ibigay sa ating mga coconut farmers.  Kahit na paunti-unti, mararating ‘yan sapagkat tayo ang isa sa mga pinakamataas na exporter ng coconut sa mundo.  Kailangan natin silang tulungan.

VP Jejomar Binay: Ang tinatanong ko ho sa inyo ‘yung coconut levy eh.

Senator Grace Poe: Kung wala na ‘yun, ibabalik natin sa kanila ang pera na ‘yan pero ang mahalaga, wala akong pinoprotektahan na kahit sinong interes.

Luchi Cruz-Valdes: Sec. Mar.

Secretary Mar Roxas: Ang pinag-uusapan dito ‘yung kinabukasan ng lahat ng ating mga nagniniyog.  ₱70 Billion ito.  Hindi – pinasa ito ng Cámara de Representantes, itong panukalang batas, hindi pinasa sa Senado.  Ang ginawa ng Pangulong P-Noy ay gumawa siya ng executive order para mapasakanila itong perang ito.  Gumawa siya ng council kung saan ang mga magniniyog mismo ay kabahagi ng council na ‘yan.  May mga propesor, may mga dalubhasa sa finance, at may mag taga sector ng niyog.  ‘Yan ang nilalaman nung executive order.

Senator Grace Poe: So, Secretary Mar sinasabi ninyo na ang gobyerno na ito ay gusto talaga tulungan ang ating mga coconut farmers, hindi ba?

Secretary Mar Roxas: Tama naman.

Senator Grace Poe: So bakit ang Philippine…

Secretary Mar Roxas: Gumawa ng executive order kung saan, dahil hindi naipasa ito ng senado, dahil ang mga – ang session ngayon siguro – ang susunod na session ay matapos na ang halalan, kawawa ang mga magniniyog kaya ginawa ng executive order ng pangulo ito para sa lalong madaling panahon, ay mapasakanila itong pera.

Senator Grace Poe: Ang tanong ko lang…

Sec. Mar Roxas: Sa scholarships…

Luchi Cruz-Valdes: Secretary Mar, that was a rhetorical question.  I think this was her time.

Senator Grace Poe: Ms. Luchi…

Luchi Cruz-Valdes: Go ahead.

Senator Grace Poe: Seryoso siguro ang gobyerno pero bakit ganun ang kanilang mensahe?  Kung Philippine Coconut Authority na dating may ₱4 Billion na budget ay kanilang pinutol at ginawa nilang ₱1 Billion na lang.  Kung talagang seryoso sila na tulungan ang ating mga coconut farmers na ngayon ay pinupunterya pa ng El Niño at cocolisap, kaya para sa akin, siguro, hindi na lang salita.  Gawa ang importante.

Secretary Mar Roxas: May ₱70 Billion nga para sa coconut farmers at ‘yan ang pondong gagamitin para sa pagtulong sa kanila.

Senator Grace Poe: Pero alam naman natin na hindi pinayagan ‘yan ng Korte Suprema sa isang executive order kaya ‘yan ay dumaan sa senado.

Secretary Mar Roxas: Ginawa ang lahat ng administrasyon para itong perang ito ay mapunta sa ating mga coconut farmers.

Senator Grace Poe: Sino ang Senate President at ano ang kanyang partido?

Secretary Mar Roxas: Ang mga – ang mga – itong…

Senator Grace Poe: Mr. Secretary?

Secretary Mar Roxas: Ilan ba ang boto namin sa senado?  Kayo ho ba ay present sa mga hearings na ‘yon?

Senator Grace Poe: Kayo po ang majority.  Palagi ako nandoon.  Kung ikukumpara ninyo sa ibang mga kasama ninyo…

Secretary Mar Roxas: So, ano ho ba ang boto – ano ho ba ang boto ninyo dito sa panukalang ito?

Senator Grace Poe: Hindi lang basta-basta boto.  Kailangan malaman ang inyong mga panukala.

Secretary Mar Roxas: Ah, I see.  So, marami – marami – maraming dahilan pala eh.

Senator Grace Poe: Kaya, para sa akin, hindi pwede…

Secretary Mar Roxas: Kung may gusto – kung gusto, mabilis.  Pero kung ayaw, maraming dahilan.  Ang importante dito ay kung totoo po ay pwede naman pong hatakin mula sa committee ‘yan kung interesado po talaga kayo bilang senador.  Alam niyo ‘yung senate rules.

Senator Grace Poe: Alam niyo merong mga…

Secretary Mar Roxas: Pwede po – pwede pong hatakin ‘yan mula sa committee eh.

Senator Grace Poe: Eh bakit hindi skinedyul ng inyong senate president kung talagang napaka-importante.  Eh nasa…

Secretary Mar Roxas: Kayo po ang nakatayo dito.  Kayo po ang nagsasabi na interesado kayo sa ating mga magniniyog.

Senator Grace Poe: Basta ganito na lang, Ms. Luchi.

Luchi Cruz-Valdes: Okay.  Last answer from Senator Poe.

Senator Grace Poe: Kung talagang importante, Philippine Coconut Authority, ₱4 Billion ang budget, tinanggal ang ₱3 Billion.  Alam naman nila na hindi ganun kabilis magpasa sa Senado sapagkat meron pa hanggang Kongreso at bicameral.  Kaya hindi sila pwedeng umasa dun kung talagang sila ay seryoso.

Secretary Mar Roxas: Matagal na po ito.  2012 pa ay nasa Kongreso na po ito, House and Senate.

Luchi Cruz-Valdes: Thank you po, Secretary Mar.  We will just hear from Mayor Durterte kasi kanina pa po nagtataas ng kamay.

Mayor Rodrigo Duterte: This – this has been about too many years ago while the coconut farmers are waiting for their money, pati nanay ko.  Bakit ganito?  There is a Supreme Court decision, eh bakit ikutin uli?  It’s a rigmarole actually.  Why don’t you just say isauli mo sa coconut farmers?  Tapos!

Senator Grace Poe: Dapat ‘yan – opo, tama si Mayor.

Mayor Rodrigo Duterte: Kung ma-presidente ako council kunin ko ‘yung pera ko.

Senator Grace Poe: Kaya nga.  Dapat talaga.

Luchi Cruz-Valdes: Senator Poe, would you like to answer because you were also chair of that committee and that law never passed.

Senator Grace Poe: Kaya nga.  Dapat talaga.  No, I’m not chair of that committee.  I’m a member of the Committee on Agriculture.  Pero importante ay ito, research and development, scholarships para sa kanilang mga anak.  Namatayan na nila eh.  Si Efren Villaseñor na kanyang member ng – head ng Coconut Farmers Association, tayo po ang inindorso dahil nga sa ating adbokasiya na tulungan ang ating mga magsasaka ng coconuts.

Luchi Cruz-Valdes: All right.  Maraming salamat po.  I think we have just about exhausted the topic on coco levy at ngayon naman po, isa pang round ng taas-kamay question.  Taas-kamay na lamang po kung kayo ay sang-ayon.  Pabor po ba kayong ibalik ang death penalty sa ating bansa?  Taas kamay po ang pabor dito.

Senator Grace Poe: For heinous crimes and…

Mayor Rodrigo Duterte: Drugs.

Senator Grace Poe: Drugs and rep – multiple crimes.

Luchi Cruz Valdes: No paliwanag po.  Maraming salamat po.  Hindi pa po tapos ang debate, mga kapatid.  Sa aming pagbabalik, pasasagutan naman natin muli sina Vice President Jejomar Binay at Mar Roxas dito pa rin sa ikalawang bahagi ng PiliPinas Debates 2016.

Luchi Cruz Valdes: Dalawang minuto o isang minuto ang rebuttal ng nagtanong at isang minuto rin ang magiging sagot ng tinanong at mag-uumpisa na po tayo kaagad.  Ang una pong magtatanong ay si VP Binay at ang tatanungin po niya ay si Mayor Duterte.

VP Jejomar Binay: Mga kababayan, wala po akong itatanong kay Mayor Duterte kasi pareho kaming qualified to become President of the Philippines.

Luchi Cruz Valdes: Ano pong sagot niyo diyan sa puri ni VP Binay sa inyo?

Mayor Rodrigo Duterte: Wala rin ho akong masagot.  <laughter>  Mas qualified siya kaysa akin maging president.  There are four of us here.  Mamili kayo.  As equally – beautiful lady, matagal nang mayor kagaya ko, si Sec. naman, sige ngiti.  <laughter>  Eh hindi ka na kasi mabiro eh.  Umiinit ulo mo.  It’s not because there is nothing to – to answer except also to return the compliment by saying that he is more qualified than me to be president.

Luchi Cruz Valdes: Ang sagot niyo po dun, Mr. VP?

Mayor Rodrigo Duterte: Maniwala pala kayo?!

<laughter>

Mayor Rodrigo Duterte: Hindi.  Hindi.  Hindi.  Totoo ‘yan.  Totoo ‘yan.  Wala nang iba, eh di magbiruan na lang.

VP Jejomar Binay: Ang nakisagot ho nagkamayan na po kami.

Luchi Cruz Valdes: Kung wala na pong tapatan sa inyong dalawa, tayo po ay magtutungo na kay Mayor Duterte na magtatanong naman po kay Senator Grace Poe.

Mayor Rodrigo Duterte: Ito Grace, kasi you’ll have a chance really.  May I ask you a very – very important issues about our country?  Ito ‘yung Spratly.  What would happen if one night, gisingin ka tapos sabihin na, “Ma’am ang dalawa nating coast guard pinasabog.”  What would be the first three steps that you would do?

Sen. Grace Poe: Salamat sa pagkakataon.  Unang-una talaga, dapat talaga palakasin natin ang ating AFP.  Ito ang problema, ang ating bansa maliit ang budget para sa defense.  Ang China, halimbawa, napakalaki.  Nagiging praktikal lang tayo.  Nag-fa-file tayo ng kaso pero hindi nangangahulugan na dahil mas maliit ang ating bansa ay hindi natin pwedeng pag-ipunan at depensahan ang ating sarili.  Ang Singapore, 4 million people lamang sila pero walang nagbu-bully sa kanila sapagkat malakas ang kanilang maritime at ang kanilang air defense.  Sa ating bansa, pwede tayong lumaban pero ito lang ang ating kailangang tanggapin.  Talo tayo talaga sa China ngayon pag tayo’y lumaban.  Kailangan natin talaga na magdesisyon na ang arbitration court at sabihin na since ang China ay pumirma dito, kailangan nilang – kailangan nilang tanggapin ang kanilang kasunduan sa ating bansa.  Ito naman Pilipinas, kailangan ay makipagsapalaran kasama ng mga ibang ASEAN countries katulad ng Vietnam, Indonesia, Malaysia para constructively engage ang China to follow a code of conduct.  Hindi ko papayagan na mamamatay ang ating mga sundalo na walang kalaban-laban.  Pero ito ‘yung problema, ang budget ng ating AFP dapat bibili na tayo ng surface-to-air missile para man lamang madepensahan ang ating sarili pero anong ginawa ng administrasyon na ito?  Pinalitan at sinabi ang bibilhin lang natin ay bulletproof vests at sombrero.  Importante din ‘yun pero bakit hindi pareho nating pwedeng bilhin ‘yon?  Pagkakataon na natin.  Kaya sa atin ngayon, nakakalungkot.  Hindi natin kaya pero kailangan ay pag-ipunan na natin at siguraduhin natin sa darating na mga taon ay kaya na nating depensahan ang ating sarili.  At hindi tayo papayag – kung kinakailangan, bilang isang pangulo, ay katokin ko ang pinto ng bawat bansa para tayuan nila ang kasunduan dito sa UNCLOS ay gagawin ko sapagkat ito ang realidad.  Pero sa tingin ko, pag nagsama-sama ang mga bansa para sabihin sa Tsina, “Mali ka,” tayo ay mananaig pa rin sa sitwasyon na ito.

Luchi Cruz Valdes: Mayor Duterte, do you have a followup question?

Mayor Rodrigo Duterte: Yep, Ma’am, I am just talking about the worst case scenario. Ang tanong ko kasi ano – what would be the first three steps that you would do if you are informed in the middle of the night – you’re awakened that ‘yung dalawang coast guard cutter natin pinasabog ng China with missiles.  What would be the first three steps that you would do?

Sen. Grace Poe: Ang kailangan natin gawin ay syempre presidente, kailangan bumangon agad at kasama… <laughter>  Hindi ba?  Hindi naman pwedeng ay mamaya na ‘yan.  Mamaya nang alas singko.  Mamayang alas sais.  Mabilis na babangon ang presidente at itatawag ang head ng AFP at ang head ng DOTC sapagkat nandiyan napapa-ilalim ang Coast Guard.  Kaya nga napakahina at napakabulok.  Pasensya na po.  Kaya nga po dapat mag-uusap kung papaano gagawin.  Ngayon meron tayong Visiting Forces Agreement.  Meron tayong kasunduan sa ibang bansa kung papaano tayo dedepensahan.  Totoo, ayaw natin umasa sa kanila pero tayo- hindi natin kaya – kung ano ang pwede nating gawin sa pagkakataon na ‘yon, kailangan ay depensahan natin ang ating bansa.  Pero ang totoo, kailangan din natin ang tulong ng ibang komunidad para tayo madepensahan pero hindi nangangahulugan na hindi natin palalakasin ang ating military.

Mayor Rodrigo Duterte: Thank you.

Sen. Grace Poe: Thank you, sir.

Luchi Cruz Valdez: All right, now Senator Poe will ask Secretary Mar.

Sen. Grace Poe: Secretary Mar,

Secretary Mar Roxas: Yes.

<Laughter>

Sen. Grace Poe: Kayo po ang inatasan noon bilang DILG na mamahala noon sa Yolanda at pagkatapos naman nun ay dun sa Zamboanga siege at hindi lamang iyon bago noon ay kayo po ay DOTC na kung saan nag desisyon na palitan na ang maintenance provider, alisin na ang sumitomo, at gawin ang ATP Global o kung ano pa man yan. Sa lahat ng mga nangyari eh may mga kakulangan, tanong ko lang po Secretary, hindi kaya yan ang dahilan kung bakit hindi kayo pinagkatiwalaan ng Pangulo na malamang ang operasyon ng Mamasapano at mas pinili pa niya ang pagkatiwalaan- <overtalk>

<applause>

Luchi Cruz Valdez: <Overtalk> mahaba na po ang tanong-

Sen. Grace Poe: -ang isang suspendidong officer katulad ni General Alan Purisima.

Secretary Mar Roxas:  Ayon sa pa- unang-una, ayon sa Pangulo siya ay hindi- Akala niya na alam at nireport sa akin  <jeers>  ni Purisima… Excuse me…  at ni report ni Purisima at ginawa ni Purisima ang kanyang utos, kayo mismo ang chairman ng hearing, hindi niyo mababali ang nangyari doon, actual sinabi ni Purisima, sinabi ni Napenas sa hearing po ninyo, sinabi nila na inutusan siya na saka muna sabihan yung dalawa. Hindi pa ba totoo yun? Na ilang beses na po yun, nadinig nyo na po yun actual. Kayo mismo gumawa ng report at yan kabahagi ng report ninyo. <overtalk>

Sen. Grace Poe: Secretary-

Luchi Cruz Valdez: Hindi pa po tapos ang kanyang oras

Secretary Mar Roxas: Yan ay kabahagi ng report nyo, itinago po sa akin itong Mamasapano issue na ito or gawain na operation na ito. Ngayon, nabanggit po ninyo na  itong sa Zamboanga, tama po kayo, nandun ako.  Tatlong linggo po ako ndun kasama ni Secretary Voltz Gazmin, hindi kami umuwi. Siniguro po natin ilang bang hostages doon? Dalawang daan mahigit. Ilang ang namatay? Isa. Ilang ang mga namatay na mga sundalo? Sampu. Ilan ang mga namatay na pulis? Walo. Yan po ang mga casualty sa pagsisiguro na minimal ang civilian casualties doon sa pagsakop ng Zamboanga ng mga muslim na mananakop. More than 260 ang naka preso ngayon. More than 200 ang bangkay, i- i-addition mo ang 2 na yun, halos 500 fully armed na tao ang pumasok sa Zamboanga at tinangkang sakupin ang Zamboanga. Nandun tayo. Madali magpasabog ng mortar. Madali mag drop ng bomba, pero ang ginawa natin, surgical, para house to house at street by street mailikas natin, maisalba natin yung mga mahigit 200 hostage doon. Yan ang success ng Zamboanga, yan po ang ginawa natin, nandun tayo at masasabi ko sa inyo na sa aking tingin, successful yung operation na yun- <overtalk>

Mayor Rodrigo Duterte: Pero madami ang namatay-

Secretary Mar Roxas: -nasalba natin ang mga hostages, matagumpay natin na retake at na re-establish yung law and order sa kabuan ng Zamboanga.

Ngayon- I still have 35 seconds to go… Nabanggit po ninyo yung Mamasapano, napakalungkot na pangyayari po ito. Alam na alam ko mahusay po at close ang aming relasyon ni Sec rwetary Volts Gasmin, wala pong intrigahan, wala pong inggitan, magkasama kami sa Bohol, magkasama kami sa Yolanda, magkasama kami sa Zamboanga. Kung nalaman ko ito, then malalaman din ito ni Secretary Gazmin, sentido kumon lang ito, AFP lang ang may mga helicopter, mortar, bomba, armored personnel carrier, na siyang makakapagsalba sa ating mga tropa doon.

Luchi Cruz Valdez: Maraming salamat Secretary Mar, Sen. Poe your follow-up question please?

Sen. Grace Poe: Ang totoo po niyan ang pangulo mismo ay kinailangan pang pumunta sa Zamboanga para talagang tignan na maayos yung operasyon. Kung tunay na nagtitiwala sa mga namumuno nung panahon na yon, bakit pa niya kinailangan mismong pumunta roon? Ah, hanggang ngayon, marami pa rin ang wala sa kanilang permanenteng tirahan, kakagaling ko lamang don. At mismong dun sa Yolanda, ilang daang libong mga bahay pa rin ang kailangan itayo at ilang daang libong-ilang libong hektarya pa rin ang kailangan tamnan. So para sa akin lamang ay ito: maaaring nabigyan ka ng maraming pagkakataon, pero sa tinagal-tagal ng pagkakataon na ibinigay sayo, ano ba ang mga naiambag mo? So para sa… malaki ang mga naibigay sa kanya, DOTC, DILG, pero parang kulang pa rin.

Luchi Cruz Valdes: Secretary Mar?

Secretary Mar Roxas: Yan po ay nanggagaling sa isang katunggali ko po. Lahat po tayo rito nakatayo, tumatakbo sa pagka-pangulo. Ikaw ho ba, bilang pangulo, kung yan ang nangyayari sa Zamboanga, hindi po ba na pupunta ka rin don? Ako pupunta ron. Bilang secretary, pupunta ako don. <Applause> Ang Pangulo pumunta. Trabaho ng pangulo ang moral, ang pagsiguro na lahat ng puwersa ng pamahalaan ay nakatutok sa seryosong problema na nagaganap sa Zamboanga. Putukan ito. More than 500 ang tinangkang sakupin ang Zamboanga City. Hindi basta basta nangyari ito, tatlong linggo ang mga tropa, mga scout rangers, ang iba pang mga specialized units sa iba’t ibang bahagi ng bansa natin, kinailangan na ilipad don para lamang masugpo itong pagsakop ng Zamboanga. Bilang pangulo, dapat lamang na pumunta siya ron. Nandun siya, siyam na araw. Kami nandun, tatlong linggo.

Sen. Grace Poe: Pupunta lamang ako don kaagad-agad kung hindi ko pinagkakatiwalaan ang mga tao na naroroon. Sapagkat ang isang pangulo ay kailangan ligtas at ginagawa ang kanyang trabaho sa isang lugar kung saan siya ay hindi mamimiligro. Hindi kailangan ng pangulo na siya mismo ang mag-uutos sa mga sundalo at mga pulis kung ano ang gagawin. Kaya para sa akin, ang mismong pahiwatig na ang pangulo pa ang kinailangang pumunta ron ay kakulangan ng tiwala sa mga namumuno sa panahon na yon.

Luchi Cruz Valdes: Last answer please, Secretary.

Secretary Mar Roxas: Ibig sabihin, ang sinasabi po ba ninyo wala siyang tiwala sa AFP Chief of Staff, sa Airforce, sa Navy, sa Marines, lahat po ng mga pinuno nandon. Sa kay Secretary Volts Gazmin. Hindi naman kasi puwede na isang patakaran para sa akin, sa pagtingin po ninyo, at iba naman po ang patakaran sa kabuuan ng Armed Forces of the Philippines. <overtalk>

Sen. Grace Poe: Pero ito pa ay-

Secretary Mar Roxas: At, excuse me, trabaho po ng pangulo, trabaho po ng pangulo para palakasin ang loob ng ating mga nasa front lines. <Applause>Yan man ay nasa sakuna, ke nasa giyera, sa kapulisan, ako pupu… siguro yan po ang kaibahan natin. Ako, pag ako naging pangulo, pupuntahan ko. Yan ang pinakita ko nung DOTC ako, yan ang pinakita ko nung DILG ako. Hindi ko makakayanan na makita na may problema, na may magagawa naman ako. Kung wala ako’ng magawa, di hahayaan ko. Pero kung may magagawa naman ako ay pupuntahan ko at gagawin kong lahat, papangatawanan ko ang aking trabaho at ang ating responsibilidad na gawin ang lahat para sa kapakanan ng ating mga kababayan.

<Applause>

<overtalk>

Sen. Grace Poe: Mawalang galang na po- siya mismo ang pumunta-

VP Jejomar Binay: Luchi, Luchi, Luchi, Luchi.

Luchi Cruz Valdes: Maraming salamat po sec… I will have to keep this to 15 seconds Sen. Poe and another 30 seconds to answer and that’s it.

Sen. Grace Poe: Mawalang galang na po,  siya mismo ang pumuta-
<overtalk>

VP Jejomar Binay: Puwede ba Luchi, puwede ba kaming makapagsalita rin?

Mayor Rodrigo Duterte: Kami wala na?

VP Jejomar Binay: Alam mo kasi, hind buo ang katotohanan sa sinasabi ni Secretary Roxas eh.

Luchi Cruz Valdes: Mr. VP, I think we all agreed before we started the face off- <overtalk>

VP Jejomar Binay: Yes, I know, I know

Luchi Cruz Valdez: -that there will be no more reactions from the other two candidates. So for the sake of interest and fair play, once again, I will have to confine it to the sagutan of Senator Poe and Seretary. Mar. And we’re already over-timing here Senator Poe, so 15 seconds please just on that and another 30 seconds and that’s the last.

Mayor Rodrigo Duterte: We are not satisfied by the answer.
<Applause>

Sen. Grace Poe: I think maybe, okay, why don’t, you know, we’ve given you also certain concessions because we started late. Why don’t we give also a chance to-

Luchi Cruz Valdes: Sure. If there is a consensus here. Secretary Mar, are you in agreement that they will also react?

Sen. Grace Poe: But he’s also one. And two of them wants to speak we are three.

Secretary Mar Roxas: Alam mo lahat tayo, lahat tayo nagsasabi…

Luchi Cruz Valdes: But we agreed before the segment po.

Secretary Mar Roxas: Lahat tayo nagsasabi, Rule of Law. Lahat tayo nagsasabi, susunod, ipapatupad natin ang batas. <Applause>Lahat tayo, lahat tayo, lahat tayo nagsasabi- <overtalk>

Luchi Cruz Valdes: So we shall keep to the debate rules that we agreed upon before this segment.

Secretary Mar Roxas: Masunurin tayo sa batas at sa mga areglamento-

Luchi Cruz Valdes: -Secretary Mar, yes, that’s a given po-

Secretary Mar Roxas: -Tapos, ngayon, ayusan, aregluhan, hindi yan ang Pilipinas na nais kong pamunuan

Luchi Cruz Valdes: Secretary  Mar, we are hearing you.

Sen. Grace Poe: -Hindi po aregluhan ito, ito po ay pagboto ng mayorya, na ating dinadaan sa pagboboto.
<Applause>

Secretary Mar Roxas: Meron po tayong mga patakaran na pinagkasunduan. Kayo po ang nagsabi Senadora Grace, dapat we must be out at 8PM. Kayo po’ng nanguna non, kayo po’ng nagsabi, we must follow the rules.

Luchi Cruz Valdes: Secretary Mar, yes.

Secretary Mar Roxas: Sinusunod po natin ang rules.

Luchi Cruz Valdes: Okay.

Secretary Mar Roxas: Tapos ngayon, dahil- <overtalk>

Luchi Cruz Valdes: The decision is final, 15 second question and another 30 second answer and that’s the end of your tapatan. Thank you.

VP Jejomar Binay: Sige na lang.

Sen. Grace Poe: No I think they… I was-

Luchi Cruz Valdes: No, you thought, I thought you were asking one other question.

VP Jejomar Binay: -Ay hindi ba kami puwede magsalita na?

Luchi Cruz Valdes: Nag agree na po tayo- Now you have a chance to answer because we can now move on to the next questioner.  Ang susunod pong magtatanong ay si secretary Mar at ang tatanungin po ay si Mr. VP at pwede po kayong magtapatan dito sa inyong time.  Okay, Secratary Mar. <overtalk>

Sen. Grace Poe: So, ako na ang sasagot, ako nang sasagot.

Luchi Cruz Valdes: Secretary Mar will now answer..

Secretary Mar Roxas: Vice President Binay.

Luchi Cruz Valdez: Ay. Were now secretary Mar..

VP Jejomar Binay: Si senator Poe yata magsasalita, rules, rules.

Secretary Mar Roxas: Hindi po.

<applause>

Secretary Mar Roxas: Sa rules po, ako po ang magtatanong sa inyo.

Luchi Cruz Valdez:  Secretary Mar, your question to VP Binay.

Secretary Mar Roxas: Vice president, andito sa harap ng sambayanan maari nyo nang sabihin ang buong katotohanan, hindi nyo hinarap ang senado, sinabi nyo parating politaka na lang ito.  Pero COA, Ombudsman, senado mismo nheckagsasabi na may katiwalian sa Makati nung kayo po ay nanunungkulan.  Eto po ang pagkakataon ninyo.

Luchi Cruz Valdez: Mr. VP.

VP Jejomar Binay: Ah, talagang kumbinsido na ho ako na ikaw ay isa sa namumuno dun sa pagsabi ng, o paggawa ng demolition by perception.  Ako ho dumating dito kaya ko pinagigitgitan. Ah, iilabas ko ho yung aking mga dokumento para ipakita ko sa inyo ang aking SALN kung ano ho ang networth ko, yung aking income tax returns para malaman nyo kung saan nanggaling yung networth na yon.  Yun hong sa AMLA sinasabi mo na ito ay pinadidismiss na ng AMLA.  Iya eh pero ang puno’t dulo nito  Rule of Law.  Corruption is a criminal offence ha, pero hindi ka pwede namang masabing guilty kung hindi walang hatol ang hukuman.  Eh yung nangyayari sa ginagawa ninyo, bintang-bintang nang walang katotohanan ah.  Hindi naman sinasabing pag may findings o yung may findings yung COA bakit sinasabi ba don, hukuman ba yung COA para magsabing guilty or not guilty ha.  Ang hirap satin sabagay ito talaga ang hirap magtrabaho sa gobyerno. Pag pinagbintangan ka na katulad nang magbibintang ay si Secretary Roxas eh para ngang disipulo ho ito ni Goebbels na yun ho ay kakasabi ng kasinungalingan ay baka maniwala ang tao. Eh, iba ho ang mga botante natin.  Hindi ho ninyo madadala ang mga tao sa puro kasinungalingan.

<Applause>

Luchi Cruz Valdes: Tapos na po ang sagot ninyo? Secretary Mar your reaction please.

Secretary Mar Roxas: Hindi po ako nagsasabi, na may pagnanakaw. COA mismo ang nagsabi. Halimbawa kalalabas lang sabi ng COA, isang parking building, 26,000 sqmeters lang po. Ang halaga ang original budget 280 million pesos.  Tanong papano lumobo ito to mahigit 2 billion pesos, times 10 simpleng simple lang po.  Itong pagkakataon ninyo imbes na sinagot ninyo na di ko alam, mahal, gold plated, diko alam kung anong ginawa ninyo dun imbes na sinagot ninyo, si Goebbels o kung sino pa ang inyong nabanggit.  Ito po sabi ng COA mismo, COA nagsasabi nito, senado nagsabi nito hindi po ako. Ang kama po 34 thousand pesos ito po ay hospital bed para sa ospital ng Makati po ito, nabili po ninyo 500 thousand pesos.  Ito ay mga aktwal na datus  na lumabas sa COA report. Pagkakataon po ninyo may isa pa kayong minuto ngayon para sagutin kung saan napunta itong perang ito.

VP Jejomar Binay: Oras mo yon, di ko oras yon.

Secretary Mar Roxas: Ngayon o di kung binibigay mo sakin ang oras, dagdag pa natin.

Luchi Cruz Valdes: Mr. VP kayo na po. Secretary Mar…

VP Jejomar Binay: Ako na ho ang sasagot di ba oras ko na ngayon.

Luchi Cruz Valdes: Yes, yes.

VP Jejomar Binay: Kasi sinasabi niya oras ko yon eh.

Luchi Cruz Valdes: Hindi kanina po nagro-roll pa po ang time.

VP Jejomar Binay: Anyway, alam mo Mr. Roxas eh, ang mga problema mo, ilang taon, taon-taon kung mga anim o pitong taon sinabi ng COA regular, tama ang pangyayari ha. Ngayon dahil dito sa lumabas sa senado yung mga kasama mo e sinabi COA maglagay ka ng ispecial audit.  Special audit, pero may sinabi don kayo magkakaroon ng special audit palalabasin ninyo na may kasalanan ang mga Binay at kung hindi, at kung hindi- this is part of the record excuse me ha.  Kung hindi anong sabi ni senator Trillanes? Isasama ka namin sa habla, na tumayo po sa katotohanan yung sa special audit, sabi ng special audit everything was regular ha.  Ngayon pinasama sa habla, pinahabla yung COA.  O ito ho e, yan sabi ko nga sa iyo COA position na ito naman ho eh taun-taon sinabing regular po yan. Ngayon-

Luchi Cruz Valdes: Tapos na po mr. VP ang inyong oras.  Meron po namang reaksiyon si Secretary Mar.

Secretary Mar Roxas: Isang minuto?

Luchi Cruz Valdes: One minute.

Secretary Mar Roxas: Okay. Simpleng simple lang po, P16,000 na sterilizer, nabili ng hospital ng Makati P1.5 million. Meron po kayong ultra sound ang isang ultra sound 1.3 million pesos, yan yung nasa bill of particulars nung unang sinimulan ang project. Ang actual na nabili, walong milyong piso. COA po ang nagsabi niyan. Ngayon, sinasabi po ninyo walang malasakit itong palpak at walang malasakit itong pamahalaan na ito. Hindi po ba, na yung palpak, ay isang tao na bumibili ng 16 thousand na sterilizer sa halagang 1.5 million pesos? <Applause> Hindi ho ba, na ang walang malasakit ay isang tao na para sa ospital ng Makati, para sa may mga sakit, ay bibili ng sterilizer na 16 thousand sa halagang 1.5 million pesos, yan po ang lumabas sa senado, yan po ay lumabas sa COA, yan po ang habla diyan sa Ombudsman ngayon. Hindi po ang nagsasabi niyan. Pagkakataon po sana rito, pero hindi mo ginamit.

Luchi Cruz Valdes: May isang minuto po kayo Mr. VP, para sagutin.

VP Jejomar Binay: Alam mo, Mr. Roxas, sa Sandiganbayan, maraming kaso ang natalo dahil sa yung COA, eh nagtatable sa bilang, nagtatanong kung ano. Alam mo, yung sinasabi mong presyo, yung kaibigan mo si Senator Trillanes, eh eto. Ang mahal mahal neto, we are entitled to buy mamahalin, kasi you sell you ell spinach, you get pankies. Hindi ho sa presyo natin titignan kung tama ba ang kalidad ng binibili mo. So anyway, nakabinbin pa ho yan, uulitin ko lang Mr. Roxas, mga kababayan, hukuman lamang ho ang makapagsasabi kung kami ho ay guilty or not. Hindi ho yung bintang mo Mr. Roxas, Mr. Goebbels pala- sorry.

<Applause>

Luchi Cruz Valdes: Maraming salamat Mr. VP. Dito na po magtatapos ang ating tapatan, pero hindi pa po tapos ang ating debate. Sa ating pababalik mga kapatid, pakinggan po natin ang mensahe ng ating mga kandidato sa sambayanang Pilipino. Eto parin po ang Pilipinas Debates 2016.

Luchi Cruz Valdes: Live pa rin po tayo, napapanuod mula dito sa University of the Philippines sa Cebu, at tayo po ay tutungo na sa panghuling pahayag ng ating mga kandidato pero bago po yan. Magkakaruon lang po tayo ng huling taas kamay na tanong, muli po, taas kamay lang po ito. Walang paliwanag sa tanong na ito. Sino po dito ang pabor na ilibing si dating pangulong Ferdinand Marcos sa libingan ng mga bayani? Itaas lang po ang kamay kung pabor.

Mayor Rodrigo Duterte: will explain, in the…

Luchi Cruz Valdes: Wala pong paliwanag sorry po Mayor Duterte.

Mayor Rodrigo Duterte: In another venue… I said I will explain why…

Luchi Cruz Valdes: Mayor Duterte I’m sorry.

Mayor Rodrigo Duterte: Not here. I will explain to the people why.

Luchi Cruz Valdes: Alright, salamat po Mayor. <overtalk>

Mayor Rodrigo Duterte: That we would like to end the-

Luchi Cruz-Valdes: Salamat po sa lahat ng mga kandidato. Okay. Sa puntong ito po, pakikinggan na po natin ang panghuling mensahe ng ating mga kandidato. May dalawang minuto po ang bawat isang magsalita, unahin na po natin si Vice President Jejomar Binay.

VP Jejomar Binay: Ako na naman ang una. Anyway, anyway… Mga kababayan, enough of mediocracy in governance. Performance, hindi ho pangako, gawa, hindi dada. Pag ako ho ang naging pangulo, dala dala ko po ang malawak kong karanasan sa pamahalaan, mayor, chairman, governor ng Metro Manila, naging vice president po ninyo. Kakayahan ho sa pamumuno, yung kakayahan ko po sa pamumuno nung dumating ho ako sa Makati, maraming mahirap. Nung ako ho ang namuno, nabawasan ang mga mahihirap. Maraming walang trabaho sa aking pamumuno, maraming nagkatrabaho. Sa aking pamumuno we were able to deliver quality basic services, quality. Sabi nga namin, walang mamamatay sa Makati dahil sa sakit, dahil sa kahirapan, libre libro, libre lahat ng pangangailangan ng mga bata. Nung dumating ho ako, malapit ng mapangkarote ang Makati, 240 million pesos. Meron pang utang 200 million, Nung ako ho ay umalis, yung 240 million, nagawa ko pong 11 billion pesos. Yun ho ang aking kakayahan na mamuno. Pero mas importante po ay yung malasakit sa bawat Pilipino. Ako po, ito ho ang saking palagay, the Filipino People deserve no less from the President. Ako po si Jojo Binay ang inyong Pangalawang Pangulo ng kandidato po ngayon ng pagka pangulo, at no.1 po ako sa balota maraming salamat po.

<Applause>

Luchi Cruz-Valdes: At ngayon po, pakinggan po natin ang huling pahayag ni Mayor Rodrigo Duterte.

Mayor Rodrigo Duterte: Yes, ah,thank you, in this country there is trouble everywhere, there’s corruption, there’s criminality and the flooding of drugs which is really instilling fear in us in the government, but you know if you cannot stop corruption you cannot stop criminality, and you cannot stop drugs, why because some in the government, not all are into crime smuggling of rice, smuggling of everything, smuggling of airplanes and on and we just  cannot I hold it as an article of faith I said, that no progress can ever happen to this country with this things around.I will try to suppress crime I could not promise you heaven I will try to stop drugs and if president I said in 3-6 months I will stop corruption in government. I have to provide security for the present generation and the coming generation would take us into don’t nowhere but they would be now in command of society. We protect the children we have to end crime, and I said drugs must be suppress and I will-all of my opponents said they have presented a program, i made short remarks bullet remarks because all of this are platforms I can tell you now that I will provide leadership, not only the platforms <Applause> but leadership and maybe copy the best of their paraprograms at ayusin ko if it’s good  with it’s program Grace pati kay Mar I will adopt it if it’s good and leadership I will do it

<Applause>

Luchi Cruz-Valdes: Maraming salamat Mayor Rodrigo Duterte at ngayon po ang panghuling pahayag ni Senator Grace Poe.

Sen. Grace Poe: Unang-una maraming salamat sa Cebu, daghang salamat sa Visayas sa inyong pag hosrt ng debate na ito, hindi natin napag usapan pero itong mga plano natin sa Cebu kung saka-sakaling ako ay maging pangulo, unang-una itutuloy natin ang pangatlong bridge, kailangan magkaroon tayo ng Mactan Bridge, ang Circumferential Road para mabawasan ang traffic, ang problema sa tubig dagdagan ng dams dito sa Visayas, ngayon dun naman sa ibang lugar katulad sa Iloilo, dapat ay malagay na rin ang matagal nang iniintay na mga tulay, magmula Iloilo papuntang Guimaras at Guimaras papuntang Negros na konektado ng tulay.Yan po ay ating gagawin, pagtulong na rin sa marami nating mangingisda na nahihirapan dito dahil na nga sa problema ng kakulangan ng isda na magtayo tayo ng mas maraming marine sanctuary at trabaho para sa kanila, yan po ay para sa Visayas pero sa buong bansa marami pong kailangang gawin.25 million po ng ating mga kababayan ay pareho paring naghihirap at mababa sa 330 pesos ang kinikita sa isang araw. 15 million parin ng ating mga kababayan ang nagugutom, kailangan ay ayusin natin ang ating sistema,ang kurapsyon ay kailangan masugpo bilang pangulo, ako mismo ang pipirma, kailangan mabilis at may determinasyon na hindi kasama ang aking pamilya o ako pa man sa anumang transaction o kontrata sa gobyerno. Pangalawa, dadamihan ko ang mga preso kung saan ang mga tiwali sa gobyerno ay ilalagay ko mismo dun kaibigan man o kaalyado. Pangatlo yung mga iba yung nagdududa kung kaya ko bang labanan ang drugs, kaya bilang isang pangulo na maraming inaasikaso kailangan may mapagkakatiwalaan crime czar at ilalagay ko ang isang may medal of valor na talagang magaling na si Colonel Querubin na nirerespeto ng PNP at AFP  na makipaglaban sa krimen at sa droga. Yan po ay ating gagawin at bilang Bisaya nais ko pong sabihin ako, gagawin ko ito, akong isang pinanganak sa Iloilo, maraming salamat po.

Luchi Cruz-Valdes:  Maraming salamat po Senator Poe. At ngayon po pakingan po natin ang panghuling pahayag ni Secretary Mar Roxas.

Secretary Mar Roxas: Madamo nga salamat maayong gab-i sa aton tanan, napamati-an na naton ang tanan, kag nahambal naman ang tanan. Ibig sabihin nun ay nadinig na natin ang lahat at nasabi na rin ang lahat. Sa Pilipinas napakahirap maging disente, madalas ang mga disente sila pa ang nahuhuli, nahihirapan. Magbabanat ka ng buto sa pagsasaka, bababratin ka ng trader at ikaw pa ang lugi may utang kapa, gagagwin mo ng tama ang iyong trabaho pero ang sipsip o kamag-anak ni bosing sila ang maganda ang schedule sila ang mataas ang sweldo. Pipila ka sisingitan ka naman, magbabayad ka ng kuryente kakabitan ng jumper ang linya mo. Itong sistemang ito ang nasimulan nating baguhin sa Daang Matuwid. Sinita natin ang mga sumisingit at tinangal natin ang mga jumper. Alam natin lahat na marami pa tayong dapat gawin, kailangan na mapasama natin sa 4Ps, napakarami pa, milyong mga pamilya na nangangailangan, kailangan maisama natin sa Phil Health ang coverage para sa napakarami pang iba, marami pang mga tulay, kalye at classroom na kailangan mapagawa pero alam nyo, umaaligid nanaman itong mga nagjujumper, itong mga sumisingit dahil nais nilang hijackin yung ating magandang nasimulan na. Dapat natin ipaglaban ang Daang Matuwid, kung may kulang punuin natin, kung may mali, itama natin, para dito sa ating bansa tuluyan na makapamuhay tayo kung saan nagtatagumpay ang desente. Iniimbita ko po kayo, ibalik natin ang Pilipinas sa mga desenteng tao. Maraming salamat, magandang gabi sa ating lahat.

Luchi Cruz Valdes: Palakpakan po natin ang lahat ng ating mga kandidato at dito po nagtatapos ang ating debate pero hindi po nagtatapos ang ating programa sa telebisyon at pati na po sa online.

RELATED VIDEOS

Read more...