Speech of Mar Roxas at Daang Matuwid’s Coalition campaign send-off | Inquirer News

Speech of Mar Roxas at Daang Matuwid’s Coalition campaign send-off

/ 07:23 PM February 09, 2016

ROXAS/FEB9,2016 Liberal party presidential candidate Mar Roxas greets supportes at Passi, Iloilo. INQUIRER PHOTO/RAFFY LERMA

Liberal party presidential candidate Mar Roxas greets supporters at Passi, Iloilo. RAFFY LERMA

(Delivered in Capiz Gymnasium, Roxas City, Capiz on February 9, 2016)
MR. PRESIDENT, Vice President Leni, sa ating mga kasama at kasangga sa senado, led by Senate President Franklin Drilon,  mga pinalangga nga kasimanwa, mga kauturan, mga Ilonggo nga ari diri subong, sa aton mga anay kaupod sa gabinete, sa kay Speaker nga sang bilog nga Kamara de Representante, Sonny Belmonte,  sa tanan na mga kongresista nga halin sa sobra ka layo nga mga lugar kag nag kadto gid diri sa aton sa sini nga adlaw.

Governors, mayors, of course, ka aton mayor, Mayor Alan Celino,  Congressman Tony del Rosario, Congressman Castro, sa aton nga mga lingcod-bayan, sa inyo tanan mga pinalangga nga kasimanwa:

Article continues after this advertisement

Maayong udto gid sa aton tanan kag madamo gid nga salamat sa inyo nga mainit nga pagbaton sa akon sa sini nga adlaw. [

FEATURED STORIES

Mr. President kung papayagan ho ninyo, mga kasimanwa ari na gid kita! indi na gid mapunggan, daog na gid kita! [Hiyawan] Nagtipon kita diri subong nga adlaw para sa liwat nga pagsugod sang aton causa, sang aton nga pag pakigbato para sa matarung, para sa malinong kag mainuswagon nga buwas damlag, amo na ang Daang Matuwid, amo na ang aton nga gina tulod.

Ang sabi ko po sa ating mga kababayan na nagtipon po tayo dito para muling sariwain, muling ilunsad ang ating patuloy at walang-sawang paglaban para sa katarungan para sa kaayusan at para sa ating kaunlaran, ‘yan ang Daang Matuwid.

Article continues after this advertisement

Malaking karangalan po para sa amin dito sa Capiz na ang ating mga pinakamatataas na lider sa iba’t ibang bahagi ng ating bansa ay nagsipunta po rito sa ating maliit na probinsya—isang bayan na madalas malaktawan at siguro pinakakilala sa buong Pilipinas bilang pugad ng mga aswang. [Tawanan]

Article continues after this advertisement

Malaking karangalan po para sa amin na nagsidalo po kayo lahat dito sa araw na ito, sa ating paglungsad ng panibagong yugto ng ating laban para sa pagpapatuloy ng Daang Matuwid. Palakpakan po ang Daang Matuwid.

Article continues after this advertisement

Matagal na nating ginagawa itong laban na ito. Magmula ng itinatag ang ating bansa, sa bawat henerasyon may mga kababayan tayo na naninindigan, nagsusumikap, nagsasakripisyo at kung minsan nagbubuwis ng dugo para sa kapakanan ng ating mga kababayan at ng ating bansa. Tatlongpung taong nakalipas ang sigaw natin, “tama na, sobra na, palitan na.” Limang taong nakalipas, ang sigaw natin “patalsikin natin ang isang tiwaling gobyerno at pamunuan na mandaraya, magnanakaw at sinungaling.” Babalik pa ba tayo doon? Babalik pa ba tayo sa baluktot at tiwaling nakalipas?  Nung 2010, pumili tayo ng isang lider, isang pamumuno na tapat. Isang lider na tuwid, isang lider na tumututoo sa atin, President PNoy Aquino, palakpakan po natin [Cheering crowd]. Ang resulta ang dating sick man of Asia, ang bansa nating tinatawag na lumpo, may sakit, hindi nakakasabay sa agos ng panahon. Ngayon, magmula noon, ngayon ang tawag sa atin ay Asia’s bright star, Asia’s new tiger. Sa madaling salita, yan ang Daang Matuwid, yan ang ipinaglalaban natin.

Kaya naman sa yugtong ito, sa kabanatang ito na inilulunsad natin sa araw na ito ang ating sigaw, ituloy! Itaguyod! Palawakin! At tama lamang ito dahil kitang kita sa iba’t ibang panig ng ating bansa ang kaginhawaan, ang progreso na narating na natin at marami pa na mapagtatagumpayan pa namin. Yan ang Daang Matuwid. .

Article continues after this advertisement

Para sa mga hindi pa nakakaalam, paano natin ipagpapatuloy ang Daang Matuwid? Simple lang ang programa natin ay nakatutok sa tagumpay ng bawat pamilyang Pilipino. Sisiguraduhin natin na ang bawat pamilya ay malaya sa gutom, malaya sa takot at malayang mangarap. Yan ang ating ipinaglalaban, yan ang alam ko, yan ang kaya ko, at yan ang gagawin nating lahat.

Kalayaan mula sa gutom. Freedom from hunger. Ang ating sagot, trabaho, pagkakakitaan. Lilikha tayo ng trabaho sa manufacturing sector, aakitin natin ang mga mamumuhunan na dito sa ating bansa magpatayo ng mga pagawaan ng mga pabrika at dito sila makakapagbigay ng trabaho sa ating mga kababayan. Nagawa ko na dati ito at sigurado ako magagawa natin ito muli.

Lalo pa nating papalaguin ang IT-call center BPO industry na ngayon meron nang mahigit isang milyong tao na nagtratrabaho doon sa sektor na iyon. Itong industriyang ito, mahigit dalawampung bilyong dolyar ang pinapasok sa ating bansa. Nagawa ko na ito dati, sigurado ako magagawa natin ito muli.

Lalo pa natin papalaguin ang tourism sector, isa ito sa pinaka mabilis na paraan sa paglikha ng trabaho at masisiguro natin na kakalat ang kaunlaran sa lahat ng panig ng ating bansa, yan ang ating tratrabahuin. At para sa kanayaunan, tulad ng ating probinsya ng Capiz, ilulunsad natin ang “Daang Matuwid Bukid Revolution” para sa higit na pagunlad ng ating mga magsasaka at ng agri-fishery sector, hindi kayo maiiwanan. Merong tatlong bahagi itong bukid revolution, simpleng-simple lang po ito, nasimulan na lalo pa nating itutuloy at papalawakin.

Una, mura pautang para di mauubos sa mataas na interes at amortization ang kinikita ng ating mga magsasaka at mangingisda. Pangalawa, mas marami pang infrastruktura para mas madali at sariwa maparating sa mga malalaking pamihilihan ang mga produkto nila at pangatlo dagdag pa more na mga post harvest facilities tulad ng mga dryer, chillers para mas malaki ang recovery ng inaani nila. Yan ang ating Bukid Revolution ang resulta nitong lahat mas malaking kita at take home para sa ating mga magsasaka at mangingisda, sa madaling salita, yan ang pagpapatuloy ng Daang Matuwid, yan ang ipinaglalaban natin.

Pangalawang kalayaan, pangalawang tutukan natin ay kayalaan mula sa takot, ang ating sagot katiyakan, katiyakan sa tinitirhan, paparamihin pa natin lalo ang mura at disenteng mga pabahay sa mga walang tinitirhan. Katiyakan na kapag nagkasakit ka, may sasagot sa pagpapagamot sayo, papalawakin pa natin ang coverage ng Phil Health  Katiyakan kapag may unos ng kalamidad, meron kang masasandalang gobyerno na hindi bibitiw sa inyo, yan ang ating Daang Matuwid.

Katiyakan, na pag meron ng api, o nang abuso s ainyo meron tayong kapulisan at systema ng katarungan na huhuli, magiimbestiga, lilitis at mag kakalaboso sa mga salarin, yan ang ating Daang Matuwid.

At katiyakan, katiyakan na lahat ng bahagi ng ating bansa ay makakasama sa ating kaunlaran at development.  Walang mapag iiwanan, walang makakalimutan, papalawakin pa natin ang bottom up budgeting hanggang sa halagang isang daang bilyong piso, para lahat ng bayan, lahat ng barangay, ay kasama sa ating development.  Sa madaling salita yan ang Daang Matuwid.  At ang kanyang pagpapatuloy na syang ipinaglalaban natin.

Kung ang unang kalayaan ay kalayaan mula sa gutom, at ang pangalawang kalayaan ay kalayaan mula sa takot, ang pangatlong kalayaan ang pangatlong tututukan natin ay ang kalayaan para pangarap.  Ang ating sagot, pag asang makakaahon sa kahirapan ang ating mga pamilya.  Pag asang makakapag tapos ng pag aaral ang ating mga anak.  Kaya meron tayong 4Ps dedepensahan natin ang 4Ps, itataguyod natin ang 4Ps, papalawakin pa natin ang 4Ps para mas marami pang pamilya sa ating bansa ang makakarating sa araw tulad na ito na makikita nila ang kanilang mga anak na aakyat sa entablado.  Makakatangap ng diploma bilang unang konkretong yapak tungo sa mas maunlad na pamumuhay, yan ang ating Daang Matuwid, yan ang ipinaglalaban natin.

Mga kababayan, malinaw ang ating ipinaglalaban.  Kunkreto ang mga plano at gawain na isinusulong natin.  Nasimulan na natin ito, napagtagumpayan na natin ito, at malayo na ang ating narating, yan ang Daang Matuwid.

Hinihingi ko po ang inyong tulong, hindi lamang para sa akin, hinihingi ko po ang inuyong tulong para sa kay vice president Leni Robredo, palakpakan po natin.  Tulong para sa kay senate president Franklin Drilon.  Tulong para sa galit sa buwaya TG Guingona. Tulong para sa simbolo at tagapagtanggol ng  ating sistema ng katarungan Leila De Lima. Tulong sa sa isang mahusay na lingkod bayan Mark Lapid. Tulong para sa isang taong parating naninindigan para sa anti-corruption Ping Lacson. Tulong para sa isang tao na siyang nagsusulong ng kapayapaan ng kalinungan sa atimg buong bansa, Ina Ambolodto. Tulong para sa simbolo sa leader ng movement para sa cooperative sa ating buong bansa, Chris Paez. Tulong para isang lingkod bayan na nakita natin sa Senado, nakita natin sa Executive, mahusay ang kanyang performance Kiko Pangilinan. Tulong pubulig para sa isa sang aton na kasimanwa Hontiveros inisya tagapanitan tagagulasi aton nakasimanwa Riza Hontiveros. Tulong sa isang tao na nakakaunawa at marunong at tutulong sa pagpapababa ng presyo ng kuryente Icot Petilla. At tulong para sa isang tao na mahusay at eksperto sa Finances at Economics nga ating bansa Ralp Recto. Hinihingi ko po ang inyong tulong para sa ating kausa, samahan nyo po kami sa pagtataguyod, sa pagsusulong ng pagpapatuloy ng Daang Matuwid. Dalhin natin sa bawat bayan, bawat barangggay, bawat sitio, awat dako ng ating bansa ang magandang balita, ang mga napagtagumpayan at ang maunlad na patutunguhan ng Daang Matuwid.

Hindi magiging madali itong laban na ito may mga kababayan tayo na nagnanais na bumalik sa baluktot na nakaraan dahil dito sila yumayaman o humuhugot ng kapangyarihan. Gagawin nila ang lahat, lahat ng paraan gagamitin nila kasama na mga black propaganda, kasama na mga pagsisinungaling, kasama na ng panloloko para paghiwalayin tayo, para sirain ang ating tiwala sa isa’t-isa. Pero, ganito naman talaga ang lahat ng laban para sa tama. Bukas natin, kinabukasan natin ang nakataya dito. Hindi basta-basta itong laban na ito. This is a fight worth fighting. Hindi tayo magpapatalo sa mga abusado, sa mga manloloko, at higit sa lahat, hindi tayo magpapatalo sa mga magnanakaw.

Sigurado ako na panatag ang ating kalooban, na matibay ang ating paninindigan at malakas ang ating samahan. Yan ang ating samahan sa Daang Matuwid.

Nakikita ko na namamayagpag ang dilaw dito sa Capiz ngayong araw na ito. Ibig sabihin hindi tayo nag-iisa sa laban na ito. Isang paalala lang po, itong ating pagsuot ng dilaw ay hindi dahl pa-moda o pauso lang. Nakasuot tayo ng dilaw dahil ito ang ating uniporme. Tayo ang sundalo ng Daang Matuwid. Dilaw ang kulay ng ating prinsipyo. Dilaw ang kulay ng ating paninindigan, at dilaw ang kulay ng ating tagumpay.

Bago po ako magtapos nais ko lang muling pasalamatan ang lahat ng mga matataas na opisyal, pinangunahan ng ating Pangulo, na binigyan tayo ng kahalagahan. Pumunta sila dito sa ating munting lugar na Capiz. Huwag ho kayong matakot, mababait ang mga aswang dito sa amin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa inyong lahat po, ipagpatuloy natin ang Daang Matuwid na siyang naghatid sa atin sa kaginhawahan natatamasa na natin ngayon at mas malayo pa, mas marami pa ang mararating natin. Mabuhay ang Daang Matuwid! Mabuhay ang Pilipinas! Maraming salamat! Magandang tanghali sa ating lahat!

TAGS: Elections, Employment, Jobs, Liberal Party, Mar Roxas, Nation, News, VotePh2016

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

© Copyright 1997-2024 INQUIRER.net | All Rights Reserved

This is an information message

We use cookies to enhance your experience. By continuing, you agree to our use of cookies. Learn more here.