Statement of INC on expulsion of Manalo kin, ministers | Inquirer News

Statement of INC on expulsion of Manalo kin, ministers

/ 06:07 PM July 23, 2015

(Statement of Brother Bienvenido Santiago, General Evangelist of the Iglesia Ni Cristo)

 Magandang umaga sa inyong lahat.

Alam ko na narito kayo upang hingin ang aming pahayag tungkol doon sa youtube kagabi.

Article continues after this advertisement

Yung lumabas sa YouTube kagabi na pahayag ni Angel Manalo at ng kanilang ina na nananawagan sa mga kaanib ng Iglesia para sila ay tulungan dahil diumano ay nanganganib ang kanilang buhay at meron pang alegasyon na meron pang dinukot na mga ministro na waring ibig na palabasin na may kinalaman ang Iglesia ay wala pong katotohanan. Hindi po totoo yun.

FEATURED STORIES

Ang Iglesia ay isandaan at isang taon na sa Lunes at dumaan na rin ito sa napakaraming mga pag-uusig, panggigipit at maraming pagsubok, subalit ang tanging pinanghawakan at inasahan ng Iglesia ay ang mga aral ng Diyos na sinasampalatayanan nito na nakasulat sa Biblia at yung tulong at patnubay ng ating panginoong Diyos. Ang kasalukuyang Pamamahala ng Iglesia sa pangunguna ng kapatid na Eduardo Manalo ay namamalaging nanghahawak sa patakarang yan, hindi humihiwalay sa mga itinuro ng Diyos nang magsimulang mangaral dito sa Pilipinas ang kapatid na Felix Y. Manalo.

Ang basa namin doon sa ipinahayag nila kagabi sa youtube ay ibig lamang nila na makakuha ng mga tao na magsisimpatiya sa kanila, para ng sa ganoon ay makuha nila yung talagang gusto nila na mapakialaman ang Pamamahala sa Iglesia.

Article continues after this advertisement

Dapat malaman ng lahat na ang Iglesia ay hindi isang korporasyon na pang-pamilya. Ito ay isang relihiyon na ang sinusunod ay ang mga patakaran at mga aral ng Diyos na nakasulat sa Biblia. Hindi po makapapayag ang kapatid na Eduardo Manalo, ang kasalukuyang Tagapamahalang Pangkalahatan, na ang Iglesia ay guluhin ng sinumang tao.

Article continues after this advertisement

Kaya dun sa ginawa nila na yun kagabi na maliwanag naman na ang layon ay makalikha ng mga pagkabaha-bahagi ay di maiiwasn na ipatupad sa kanila ang mga tuntunin at patakaran ng Iglesia na ipinatutupad ng Tagapamahalang Pangkalahatan sa lahat sa lahat ng mga kaanib sa Iglesia.

Kaya masakit man sa loob ng Kapatid na Eduardo Manalo ay ipinasya nila na itiwalag ang mga lumilikha ng mga pagkakabaha-bahagi sa iglesia. Kaya sa mga pagsambang isasagawa ng Iglesia Ni Cristo simula sa araw na ito ay ipapaalam yun sa lahat ng mga kapatid yung pasiyang yun ng Tagapamahalaang Pangkalahatan…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

TAGS: Nation, News

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

© Copyright 1997-2024 INQUIRER.net | All Rights Reserved

This is an information message

We use cookies to enhance your experience. By continuing, you agree to our use of cookies. Learn more here.