Salamat, kaibigan
(Below is the privilege speech delivered by Senator Ramon “Bong” Revilla Jr. at the Senate on June 9, 2014 as he, Juan Ponce Enrile and Jose “Jinggoy” Estrada face arrest after being charged with plunder before the Sandiganbayan anti-graft court over their alleged involvement in the P10 billion pork barrel scam.)
Mr. President, muli po akong tumatayo sa harapan ng ating mga kababayan upang minsan pa (at posibleng sa huling pagkakataon) ay mailahad ko ang aking damdamin na hindi para humudyat ng pagkakawatak-watak, bagkus, ay magpaubaya at magbukas ng bagong kabanata sa ating kasaysayan.
Mr. President, nasabi ko na nga po dati, malinis po ang aking konsensiya. Ngayon na naisampa na ang kaso laban sa amin, hayaan niyo na po kaming harapin ito sa husgado. Ipaubaya na po natin ito sa korte at doon ko na po ipagtatanggol ang aking sarili.
Ang atensyon na itinuon sa amin, ituon na natin sa mas mahahalagang bagay na magbibigay kaginahawahan sa ating mga kababayan.
Napakarami pong hinahaharap na problema ng ating bayan na mas nangangailangan ng tama at mabilisang solusyon. Isipin na muna natin ang bayan.
Ang ating mga mamamayan – ang kanilang mga pangunahing mga pangangailangan. Tama na ang batuhan. Tama na ang siraan.
Article continues after this advertisementKung mamarapatin, may panawagan po ako sa ating Pangulong Aquino. Alam ko pong marami tayong ‘di pagkakaunawaan sa usaping pulitikal, ngunit iisa lang ang hangarin natin para sa bayan.
Article continues after this advertisementPresident Aquino, nakasalalay po sa iyo ang kinabukasan ng bansa sa loob ng natitira pang 2 taon bilang pangulo. Sana ay gamitin mo ang iyong kapangyarihan para masolusyonan ang mga suliranin ng ating mga kababayan.
Una na nga dito ay ang pagbibigay ng hanapbuhay sa marami nating mga kababayan nang sila ay mapakapaghatid ng pagkain sa kanilang hapagkainan.
Pabilisin pa sana ang pagkilos sa ikaaayos ng kalagayan ng mga biktima ng bagyong Yolanda na hanggang ngayon ay sabik na sabik pa rin sa ating kalinga; pag-ibayuhin pa sana ang paglaban ng mga pulis sa kriminalidad;
isaayos na agad ang kalagayan ng Ninoy Aquino International Airport para maging maayos ang serbisyo at maibangon ang imahe ng turismo sa bansa; Pakinggan at bigyang tugon ang mga hinaing ng mga maysakit sa mga pampublikong ospital, lalo na ang mga patuloy na nangangailangan ng mga gamot at medikasyon;
Para hindi na lumala ang estado ng ekonomiya, lapatan na ng agaran at pangmatagalang lunas ang napipintong krisis sa kuryente at enerhiya na damang-dama na ngayon sa Mindanao at malapit nang kumalat sa buong bansa;
Pangalagaan sana ang pangunahing mga pangangailangan ng mga mamamayan tulad ng edukasyon, mga serbisyong panlipunan, at lalo na ang pagkain. Siguruhin na natin na may sapat na kakainin ang bawat Pilipino.
Ilan lamang ito sa napakaraming kailangang gawin at bigyang atensyon.
Lead this country not with hatred but with love. Lead the country towards unity and not partisanship. Push our nation’s interest and not political agenda. Bibihira ang nabibigyan ng pagkakataon na maging pangulo. At mapalad ka Pangulong Aquino.
Panguluhan mo ang bansa sa kaunlaran at progreso para huwag masayang ang 6 na taon na ipinagkatiwala sa iyo. Napakasaklap na mahusgahan ka ng kasaysayan bilang isang tinimbang ngunit nagkulang. You still have 2 remaining years. Hindi tama at hindi maganda na maaalala ka at ang iyong administrasyon sa pagpapakulong lamang ng mga hindi mo kaalyado. Jailing your oppositors should not be the only achievement and legacy you will be leaving behind.
Sana po ay lubos na tayong magkaisa at magtulungan. Magsikap tayong sama-sama na maging disente ang buhay ng bawat Pilipino na hanggang ngayon ay puro kahig walang tuka. Hindi ako nagdududa na kaya ng bansang umahon sa pagtutulungan ng mga pinuno. Maraming magagaling sa Kongreso; sa burukrasya; sa pribadong sektor. Ang kailangan lang ay magkaisa. The remaining 2 years is still enough. Kaya mo pa yan Ginoong Aquino. Kaya natin ito.
Mayroon na tayong pagkakataon ngayon, na mula sa pagkagiba ay bumangon bilang mas matibay na bansa.
Ang hamon ngayon ay palakasin muli ang tiwala ng tao. Magagawa lamang ito kung ang mga pinuno ay magbibigay ng malinaw na halimbawa. Ang hamon ngayon ay bumaba tayo sa tao, alamin ang kanilang mga tunay na pangangailangan, at magkaisang pakinggan at tugunan ang mga hinaing ng bayan.
Tama na po ang awayan, tigilan na ang pulitika ng paghihiwalay. Tama na ang pambebengga. Ang magkakaibang kulay ng ating bandila ay dapat sumagisag ng pagkakaisa at hindi pagkakaiba-iba.
Adhikain ko po na sana mula ngayon, wala nang dilaw, wala nang orange, wala nang berde, wala nang asul, wala nang pula. Iisa lang ang dugong nananalaytay sa ating mga ugat, at yan ay dugong Pilipino. Isang Dugo, isang diwa- gamitin natin ito para tayo lubusang magkaisa, umunlad at lumigaya, para sa bansa.
Masyado nang nadungisan ang mga institusyon na tanging kumakatawan at sandigan ng taumbayan.
Sana lang po, ang pagwasak sa reputasyon ng Senado at Kongreso ay walang kinalaman sa isang grand design para mawala ang tiwala ng publiko sa institusyong ito, tungo sa pag-abolish ng mga ito sa pamamagitan ng pagbago sa konstitusyon o Cha-cha.
Mr. President, napakarami na pong mga tao ang nababanggit sa usaping PDAF. Napakarami na pong nasasaktan. Napakarami nang nasira ang buong pagkatao dahil sa pagbato ng putik na parang alkitran na kumakapit sa balat at tumatagos na hanggang kaluluwa. Pag nabanggit ka, tapos ka. Hanggang sa kaapo-apuhan mo, wasak na. Buhay ka pa, ibinurol ka na para panooring ng buong mundo, at pagkatapos, inilibing ka pa.
Kaya naman nananawagan ako sa media. I appeal to our journalist’s commitment to responsibility and their sensitivities.
Napakahirap pong bumuo ng pangalan, pero sa isang iglap, ay durog na ito. Mr. President, paano po kung pagkatapos ng lahat ng ito ay mapatunayang walang-sala at inosente ang isang taong nawasak na? Paano po? May pag-asa pa kayang malinis at maibangon niya ang kanyang pangalan at dignidad?
Regardless Mr. President, handa akong mapiit at magsakripisyo dahil alam kong sa tamang panahon ay lalabas at mangingibaw pa rin ang katotohanan.
Naniniwala pa rin ako na ang Korte ay hindi papayag na mangibabaw ang kawalan ng katarungan. Nariyan kayo, aking mga kababayan, na sisiguruhing hindi mananaig ang kasinungalingan.
Nandito pa rin ako, sa kabila ng lahat, para ipagpatuloy ang pakikibaka at kasama ng mga minamahal kong mga kababayan sa lahat ng pagkakataon, sa labas man o loob ng piitan.
Mr. President, before I end, I also have a list. Mas matindi ito sa lahat ng iba pang listahan. Para sa ikabubuti ng bansa, hayaan niyong ibahagi ko ito sa inyo. Wala akong itatago.
First on my list, is God.
Unang una, at higit sa lahat, nagpapasalamat ako sa Diyos na alam kong hindi niya ako bibigyan ng pagsubok na hindi ko malalampasan. Lord salamat po sa pagkakataon na higit ko Kayong nakilala.
Thank you for walking with me during these times of trial. Tulad ng lagi, alam ko pong hindi Niyo ako pababayaan. Alam kong hindi Mo pababayaan ang bayan.
Pangalawa sa aking listahan ay ang aking ama at pamilya na patuloy nagbibigay sa akin ng lakas at tibay. Daddy, I love you, babangon tayo.
To my wife and kids, we shall overcome! Be strong. Ipagpatuloy ninyo at higit pang pag-ibayuhin ang pagtulong sa kapwa. Mama, salamat sa pagmamahal. Mga anak, salamat.
Pangatlo, my colleagues:
- Senate President Drilon – I pray that you, as the leader of this chamber, will be successful in rebuilding this institution. Ipaglaban mo ang institusyong ito;
- Senator Recto – A true gentleman; Your economic foresight and expertise continue to benefit the country. Saludo ako sa iyo;
- Senator Alan Peter – I wish you good luck in all your endeavors;
- Senator Sotto – Di lang kita Tito, para kitang kuya. Marami akong naipasang batas noong Majority Floor ka. It is an honor working with you. Salamat sa suporta;
- Senator Honasan – I look up to you. Your humility is worth emulating. Your patriotism is beyond question. I salute you;
- Senator Miriam – I’m praying for your health. Get well soon Ma’am, the Senate needs your expertise;
- Senator Lapid – kaibigang Lito, ikaw ang Leon Guerrero ng masang Pilipino. Bida ka talaga ng masa;
- Senator TG Guingona – Kaibigan pa rin kita no matter what. Lead the Blue Ribbon Committee in fulfilling its true mandate;
- Senator Sonny Angara – I look up to your father. Continue his legacy;
- Senator Grace Poe – Salamat. Nakikita ko sa iyo ang puso ng iyong ama. Ang tunay na panday. Ipagpatuloy mo ang mga hangarin niya para sa bayang Pilipino;
- Senator Jinggoy Estrada – Kosa, hanggang dito ba naman magkasama tayo? Pinagtatawanan tayo siguro ni Daboy ngayon. Kidding aside, hindi ito ang katapusan natin pare. God is just preparing us for something better;
- Senator Loren – Seatmate, I will miss your enthusiasm in serving our kababayans;
- Senator Trillanes – I will always admire your tenacity in fighting for the Filipino people;
- Senator JV – Sa maikling panahon ng pagkakasama natin, nakita ko ang puso mo na tulad ng iyong ama. Isa lang ang hiling ko, sana magkasundo na kayo ng kapatid mo;
- Senator Bam – keep it up. You’re on the right track;
- Senator Koko – I will always treasure the advice and guidance of your father when we worked together. I see him in you;
- Senator Serge – Brilliant. A good person and a good friend;
- Senator Pia – Continue to be an inspiration to women;
- Senator Villar – Isa kayong inspirasyon ng Sipag at Tiyaga;
- Senator Chiz – Please be careful with your Heart. Kidding aside, your passion is without equal;
- Senator Nancy – Your father can truly be proud of you;
- Senator Bongbong – Pare, nakita ko sa iyo ang sipag mo, ang galing mo, at ang talino mo. May aabangan pa ang bansa sa iyo;
- Senator Enrile – I can only wish I live a full life like yours. One of the greatest leaders of this country. Your brilliance, your experience, brought a culture of excellence not only to this institution but to every institution you have led. You are undoubtedly the ultimate statesman.
To Congress, ibangon natin ang nayurakan na institusyon. Pagsikapan at pagtulungan natin na hindi na muling mangyari ang ganitong yugto sa ating kasaysayan.
Salamat po sa aking mga kasamahan at sa lahat ng mga empleyado na nagkaroon ako ng pagkakataong makatrabaho kayo at makahalubilo.
I thank this August chamber for being witness to my pure and genuine intentions to serve our people and give back to their kindness for the past 10 years.
Nagpapasalamat po ako sa pagkakataon at karangalan na maging isang taas-noong lingkod-bayan, na kahanay ninyo.
Salamat sa aking kaibigan, my party President Congressman Martin Romualdez.
Hindi mo ako iniwan. Naramdaman ko sa iyo kung ano ang isang tunay na kaibigan. Mapalad ang iyong mga pinamumunuan.
Salamat sa aking mga kapartido sa LAKAS-CMD, lalo na kay dating Pangulong Fidel Ramos who mentored me and continues to share with me his kindness and wisdom.
Former President and Congresswoman Gloria Macapagal Arroyo, you have always been in my prayers, and I will always continue praying for you. Kaya mo ‘yan Ma’am.
Vice President Jojo Binay, you are a true man of vision. Your track record speaks for itself. Mabuhay ka. Former President and Mayor Erap Estrada, may our present and future leaders emulate your sense of forgiveness. Tunay kang ama ng masang Pilipino.
Nagpapasalamat din po ako sa industriya na aking kinalakhan at humubog sa akin.
Salamat sa aking mga tagahanga na sumuporta at tumangkilik sa akin bilang artista sa pelikula at telebisyon, gayundin sa lahat ng aking mga nakasama at nakatrabaho.
Siyempre, hindi pwede mawala sa aking listahan ang mamamayang Pilipino.
Maraming Salamat po sa halos 20 milyong bumoto sa akin na hindi tumigil magtiwala, sumuporta at magmahal sa akin. Maraming Salamat sa inyong lahat! Hindi po ako magsasawa na sabihin at kilalanin na kayo ang dahilan kung bakit mayroong isang Bong Revilla. Kayo ang dahilan kung bakit patuloy akong lumalaban at lalaban. Kayo ang nagpapatibay sa aking kalooban at nagbibigay lakas at inspirasyon sa patuloy kong pakikibaka para sa katotohanan.
Kung ang pagkakakulong ko ang siyang magiging susi sa pinto ng hustisya ay malugod ko itong tatanggapin. Nakapiring po ang katarungan, at magkakaroon din ang tunay na hustisya. Kung hindi man ngayon, sa naaayong panahon.
Makulong man ako, hindi nila makukulong ang aking pangarap at pagmamahal sa bayan.
Huwag po kayong mag-alala. Hindi po ako mawawala, babalik po ako.
Tandaan po ninyo, kahit dumating man ang takip-silim, hindi mapipigilan ang bukang liwayway. Sisikat muli ang araw at magbibigay liwanag muli sa kadiliman.
May kahilingan po sana ako sa inyo. Sa ating pansamanatalang paghihiwalay, mayroon akong isang orihinal na awit na naglalaman ng aking saloobin. Gusto kong pakinggan ninyo, at sana ay maibigan niyo ito. Para sa iyo ito, kaibigan.
Habang kayo ay nariyan
Lagi lamang tatandaan
Ikaw ako, ako ikaw
Magkaibigan.
Muli kayong babalikan
Hinding-hindi kailanman
Malilimutan”
Maraming salamat po, Ginoong Pangulo.