Inihayag ni Sen. Richard Gordon na nakakabahala ang pagpatay kay dating Bureau of Corrections legal officer Fredric Anthony Santos. Si Santos ay pang-15 na opisyal at tauhan ng kawanihan na pinatay sa loob ng siyam na taon. Ani Gordon, mabilis mareresolba ang kaso kung mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang mag-uutos sa awtoridad na gumawa ng aksyon ukol dito. Kabilang si Santos sa mga tumestigo sa nabunyag na Good Conduct and Time Allowance o GCTA scandal.
MOST READ
LATEST STORIES