WATCH: Taal Volcano quiet but remains dangerous

Tahimik, Mapanganib | Jong Manlapaz

Inihayag ng Phivolcs na nananatili pa ring mapanganib ang Bulkang Taal sa kabila ng pananahimik nito. Ayon kay Ma. Antonia Bornas, pinuno ng Phivolcs Volcano Monitoring and Earthquake Eruption Division, posible pa ring pumutok ang bulkan anumang oras o araw. Dahil dito, nananatili rin ang rekomendasyon ng ahensya na huwag munang pabalikin ang mga residente sa loob ng 14-kilometer danger zone. Narito ang buong ulat ni Jong Manlapaz.

Read more...