Aquino vows to continue reforms, hasten change in 2012
Editor’s Note: INQUIRER.net is posting the New Year’s Message of President Benigno Aquino III in Filipino as released by Malacanang.
MANILA, Philippines — President Benigno Aquino vows to continue the reforms he has begun in the first year of his administration and hopes to speed up others that he intends to do in 2012.
“Ang taon na papasok ay hindi lamang pagpapatuloy ng ating naumpisahang mga reporma, ngunit ng mas mabilis pang pagbabago [The coming year won’t only be a continuation of the reforms that we’ve initiated but we hope to speed up the changes],” Aquino said in his New Year’s message to the Filipinos.
Below is Aquino’s full speech in Filipino as released by Malacanang.
Sa mahigit isa’t kalahating taon nang pagbagtas natin sa tuwid na landas, nakikita na natin ang pagbangon ng bansa, mula sa malubhang katiwalian at kahirapan. Unti-unti na po tayong nagtatagumpay laban sa mga problemang ating dinatnan.
Ikumpara po natin ang kasalukuyan sa mga panahong lumipas.
Article continues after this advertisementGaano man po katindi ang pagpipilit na magtanim ng agam-agam sa ating isipan, wala naman po sigurong makakapag-dudang nagbago na talaga ang Pilipinas.
Article continues after this advertisementNgayon po, ibinabalik na natin ang piring ng katarungan. Ang kaunlaran ay natatamasa hindi lamang ng mayaman at makapangyarihan, ramdam na rin ng mas nakakarami nating kababayan.
Nakikita naman po natin ang bunga ng ating ipinunlang mga reporma: may maalab na sigla at pag-asa, mataas na kumpiyansa, at malawak at mas maraming mga oportunidad sa bansa. Ang taon na papasok ay hindi lamang pagpapatuloy ng ating naumpisahang mga reporma, ngunit ng mas mabilis pang pagbabago.
Salamat po sa patuloy ninyong pagsuporta at pagtitiwala. Manalig po kayong hindi kailanman kukupas ang matingkad nating hangarin na umasenso ang Pilipinas at ang mga Pilipino.
Hindi tayo patitisod sa nais pa ring umagrabyado sa mga Pilipino. Sa bayanihan ng ating pamahalaan at mamamayan, wala pong makakahadlang sa ating pag-angat at sa tuloy-tuloy na katuparan ng ating mga pangarap. Magpasalamat at bigyang-halaga po sana natin ang mga grasya ng Panginoon ngayong taon.
Hangad ko pong makatamasa pa ng maraming biyaya at tagumpay ang mas nakakaraming pamilyang Pilipino.
Isang masaganang Bagong Taon po sa ating lahat.
Originally posted at 2:33 p.m.